Chapter 21
Nakabalot lang ako ng kumot nang magising ako. Napangiti na lang ako nang maalala ko 'yong nangyari kagabi. Mabuti na lang at nakainom ako ng pills bago kami umalis kahapon.
"Kailan siya ilalabas?" Napatingin ako sa terrace at nakita ko roon si Xzavier na tanging boxer lang ang suot.
Nakatalikod siya sa akin kaya kitang-kita ko ang pamumula ng likod niya. Kawawa naman siya. Pero infairness, ang ganda pa rin ng likod niya kahit na punong-puno ng kalmot ang likod niya.
"Okay, tawagan mo na lang ulit ako kung kailan siya ilalabas para makapunta ako." Sabi nito sa kausap bago i-end ang call.
"Sino 'yong kausap mo?" Tanong ko.
"Isang maid ni mommy, they took her to the hospital dahil bigla na lang daw siyang nahimatay." Sagot niya.
Tumango-tango naman ako. He walks closer to me and leaned over to give me a kiss on the lips. I held his nape to kiss him deeper.
Nabitin naman ako nang huminto siya sa paghalik at humiwalay sa akin.
"Masakit pa ba?" Tanong niya, umiling naman ako. "Edi ready ka na ulit sa isa pang round?" Hinampas ko naman ang braso niya.
"Sira! Magluto ka nga roon!" Sabi ko at marahang tinulak palayo sa akin.
Nagbihis muna siya bago siya lumabas ng kuwarto. At pagkalabas niya ay bumangon na ako at nagbihis na rin bago pumasok ng banyo para maghilamos.
Pagbaba ko ng hagdan ay nakita ko na ang kambal na naka-upo na sa puwesto nila habang pinapanood ang amang nagluluto ng umagahan.
"Good morning!" Ani ko nang makapasok ako ng kusina.
Bumaba naman ang kambal sa upuan nila at lumapit sa akin upang ako'y yakapin at halikan.
"Ang sweet niyo naman," usal ko.
Naghanda muna ako ng mga plato namin bago ako umupo sa puwesto ko. Maya-maya pa ay natapos na rin si Xzavier sa pagluluto kaya tinulungan ko na siyang maghanda para makakain na kami.
"Pinapapunta pala ako sa site ngayon pero saglit lang naman ako roon," maya-mayang sambit ni Xzavier.
"Kung ganoon, edi bilisan mo nang kumain para maka-alis ka na," ani ko.
"Aalis ka po ulit, papa?" Tanong ni Ainsley.
"Yes, sweetie, kailangan ang papa sa trabaho eh." Sagot niya.
"Pasalubong po ha?" Sabat naman ni Aislinn.
Natatawa naman siyang tumango. "Sure. Ano bang gusto niyo?" Tanong pa niya.
Sabay namang sumigaw ng 'ice cream' ang dalawa.
"Okay, noted." Aniya at pagkatapos ay bumaling siya sa akin. "Hon, anong gusto mong pasalubong?"
Umiling naman ako. "Hindi na ako bata para sa pasalubong na 'yan." Sagot ko.
Ngumisi naman siya. "Sino nagsabing hindi ka na bata, eh baby nga kita," aniya saka tumawa.
"Ha. Ha. Ha. So funny." Irap ko.
"Iyong totoo nga, anong gusto mo?" Ang kulit talaga ng isang 'to.
"Ikaw na ang bahala, basta 'yong masarap." Sagot ko na mas ikinalaki ng kaniya ngisi.
Humilig siya sa akin at bumulong sa tainga ko. "Edi sarili ko na lang pala ang ipapasalubong ko?" Siniko ko naman siya dahilan upang lumayo siya sa akin.
"Huwag na nga lang, bwisit ka!" Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa kaniya kaya naman kumain na lang ako nang kumain hanggang sa matapos na ako.
"Mama, may sakit ka po ba?" Tanong sa akin ni Aislinn.
"Huh? Wala naman, bakit?" Takang tanong ko.
"Bakit po namumula ikaw?" Tanong niya habang nakaturo sa akin.
Dahil sa sinabi ni Aislinn ay napatingin tuloy sa akin si Xzavier mahinang tumawa.
"Normal lang 'yan, sweetie, kinikilig lang sa akin ang mama niyo kaya siya ganiyan," hindi ko na napigilan ang kamay kong hampasin siya nang malakas.
"K-Kapal mo! Bahala ka nga diyan," tumayo na ako at nilagay na muna sa lababo ang plato ko bago ako umakyat ng hagdan.
Pagpasok ko ng kuwarto namin ay dumiretso akong terrace at doon magpapalamig ng ulo.
"Bwisit na lalaking 'yon, ipapahiya pa talaga niya ako sa harap ng mga anak niya." Inis sa sabi ko sa sarili.
Napatalon naman ako sa gulat nang may biglang yumakap sa akin.
"I'm sorry..." bulong niya sa tainga ko at pagkatapos ay mapang-akit na hinalikan ang leeg ko.
At dahil sa ginawa niya, lahat ng inis ko sa kaniya ay bigla na lang nawala. Ano ba naman, Elara! Ang rupok rupok mo!
Hindi pa rin siya humihiwalay at patuloy pa rin siya sa paghalik sa leeg ko. Mahina naman siyang tumawa nang marinig niya ang mahinang ungol ko.
"Let's continue this later pag-uwi ko." Aniya at inikot ako paharap sa kaniya. "I need to go. I love you." He smiled at binigyan ako ng mabilis na halik sa labi.
Pagka-alis niya ng bahay ay 'yon naman ang siyang pagdating ni Manang Carla. Pero hindi naman siya nagtagal sa bahay dahil may pupuntahan pa raw siya pagkatapos niyang maglinis ng bahay.
"Dapat po hindi na kayo dumaan dito, kaya ko naman pong maglinis eh," ani ko.
"Naku ma'am, ayos lang po tsaka trabaho ko pong pagsilbihan kayo." Sabi naman niya.
"Ah, eh... mag-iingat po kayo ha?" Sabi ko na lang.
Tumango na lang siya at naglakad palayo. Akmang isasarado ko na ang gate nang marinig ko ang boses ni Lina.
"Ano'ng ginagawa mo rito? At bakit hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Surprise?" Hinihingal na sabi niya.
"Baliw ka talaga! Tara sa loob." Ani ko at tinulungan siya sa bitbit niya.
"Ang dami naman ng mga ito?" Ani ko habang isa-isang binubuksan ang mga paper bag na dala niya.
"Hindi ko kasi alam kung anong paboritong laruan ng kambal kaya bumili ako ng Iba't-ibang klaseng laruan for kids." Sagot niya. "Speaking of kambal, nasaan sila?" Tanong niya.
"Upstairs. Wait, tawagin ko muna sila." Iniwan ko muna siya saglit doon sa sala upang tawagin ang kambal.
Pagpasok ko sa kuwarto nila ay nakita ko silang nanonood sa kanilang IPad.
"Twins, nasa baba ang ninang Lina niyo at hinahanap kayo." Sabi ko.
Pagkasabi ko noon ay mabilis nilang binaba ang IPad nila ay kumaripas na ng takbo palabas. Umiling na lang ako at niligpit ko muna ang IPad nila bago sumunod sa kanila.
"Nagamit mo na 'yong binigay ko?" Tanong niya sa akin pero nasa kambal ang tingin.
"Oo," tipid na sagot ko.
"Really? So, nag-ano na kayo?" Mahinang tanong niya. Tumango naman ako. "Naka-ilang rounds kayo?" Tanong pa niya.
"Tatlo," nanlaki ang mata niya at napatakip pa ng kaniyang bibig.
"My gosh! Ang ano niyo," umiiling na sabi niya.
"Huwag ka nga! Baka nga mas ano kayo noong future husband mo eh," mahina naman niyang hinampas ang braso ko.
"Anyways, alam mo bang naka-ilang ligaw ako bago ako makarating dito sa bahay niyo," aniya.
"Kasalanan mo 'yan, may pa-surprise surprise pa kasing nalalaman," sagot ko.
"Eh sa gusto kong makita ang kambal eh," aniya.
"Wala ka bang pasok ngayon?" Tanong ko.
"Wala, kasi nag-resign na ako," sagot niya.
"Bakit naman? Ang ganda na kaya ng trabaho mo roon," minsan talaga ang sarap tuktukan nitong babaeng ito eh.
"Maganda nga pero hindi ko na keri." Sagot naman niya.
"Paano ka na niyan?" Tanong ko pa.
"May bago akong inapply-an ngayon. Actually, kagagaling ko lang doon kanina bago ako pumunta rito." Sagot niya.
"Kumain ka na ba? Kung hindi pa, tara sa kusina at kumain ka muna." Aya ko pero umiling lang siya.
"Hindi na, kumain na ako bago ako pumunta rito." Sagot niya.
"Sure ka?" Tumango naman siya.
Pinanood at nagkwentuhan lang kaming dalawa hanggang sa magpaalam na siya sa akin.
"Kiss niyo na si ninang niyo," sabi ko sa kambal.
"Ba-bye po," kaway nilang dalawa.
"Take care, Lina." Ani ko at nakipag-beso-beso sa kaniya.
"Balik na lang ulit ako rito kapag may free time ako." Tumango na lang ako at sinundan siya ng tingin paalis.
Inaya ko na sa loob ang kambal nang tuluyang maka-alis si Lina.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top