Chapter 20
Warning: [R-18]
Please read at your own risk.
---
Paggising ko ay wala na sa tabi ko si Xzavier kaya naman inayos ko na ang higaan namin at nang matapos ay nagtungo na sa banyo para maghilamos.
Nadatnan ko siyang nagluluto kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod.
"Good morning," bati ko. Napa-aray naman ako nang matalsikan ako ng mantika.
"Patingin nga ako," chineck niya kung namumula ba o ano.
"Ayos lang ako, hindi naman masakit eh," ika ko pero kita ko kung gaano ito kapula.
"Sit here, kukunin ko muna 'yong ointment," aniya at saglit akong iniwan sa kusina.
Nakatitig lang ako sa kaniya habang marahan niyang pinapahiran ng ointment ang braso kong natalsikan ng mantika.
"Gwapo mo talaga," mariin akong napapikit nang masabi ko nang malakas 'yon. Shit naman eh, dapat sa utak ko lang sasabihin 'yon.
"I know, kaya nga baliw na baliw ka pa rin sa akin until now," hinampas ko naman ang braso niya.
"Ang kapal mo naman talaga eh 'no?" Ani ko.
"Hindi ba totoo?" Natatawang tanong niya sa akin.
"Hindi, kasi ikaw ang unang nag-approach sa akin noon. May pasabi-sabi ka pa noon na crush ako noong kaibigan mo, 'yon pala ikaw talaga ang may crush sa akin." Mas lumakas naman ang tawa niya.
"Tapusin mo na nga 'yong niluluto mo at gigisingin ko na 'yong kambal." Kinuha ko na 'yong ointment sa kamay niya at ako na mismo ang magbabalik.
Pagpasok ko ng kuwarto ng kambal ay hindi ko na sila kailangang gisingin dahil nakita ko na silang nagliligpit na ng kanilang higaan. Napangiti naman ako.
"Good morning, my angels." Sabay naman silang napatingin sa akin.
"Good morning din po," bati nila pabalik.
"Are you done? Tara na sa baba at tapos nang magluto ang papa niyo." Sabi ko at sabay na kaming bumaba ng hagdan.
Gaya ng palagi nilang ginagawa, tumatakbo sila palapit kay Xzavier at saka nila ito yayakapin at hahalikan.
Nakakaselos sila ha. Kay Xzavier lang sila ganiyan ka-clingy.
Nakahanda na lahat sa lamesa kaya naman wala na kaming ginawa kundi ang kumain na lang.
"Bilisan na natin at baka mahuli na tayo sa misa." Ani ko.
"Finish na po ako," si Aislinn.
"Me rin po."
"Bilisan niyong maligo ha?" Sabay naman silang nag-opo.
"Maligo ka na rin doon at ako na ang bahala rito." Tumango na lang ako.
Bago ako pumunta ng kuwarto namin ay sinilip ko muna ang kuwarto ng kambal. Napangiti na lang ako nang makitang nakahanda na ang damit na kanilang susuotin.
Tahimik kong nilisan ang kuwarto ng kambal bago pumanhik sa kuwarto namin para makaligo na rin.
Wala pang tatlong minuto ay natapos na akong maligo at naka-roba lang akong lumabas ng banyo. Napatingin naman ako kay Xzavier na busy sa pagpili ng damit niya.
"Maligo ka na rin," sabi ko at namili na rin ng susuotin.
Huminto siya sa ginagawa niya at ang buong akala ko ay pupunta na siya ng banyo nang bigla ko na lang naramdaman ang kamay niyang lumilingkis sa baywang ko.
"Huwag na kaya tayong tumuloy, dito na lang tayo buong magdamag," bulong niya sa tainga ko.
Napaigtad ako nang maramdaman ko ang halik niya sa leeg ko. Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang mahinang pag-ungol ko.
Saka lang ako nabalik sa ulirat nang maramdaman kong dahan-dahan niyang tinatanggal ang tali ng suot kong roba kaya naman mabilis kong pinalo ang kamay para hindi niya matuloy ang plano niyang hubaran ako.
"M-Maligo ka na nga roon." Utal na sabi ko.
Pero bago siya umalis ay may binulong muna siya sa akin. "Mamaya ka sa akin," sabi niya saka hinampas ang pwetan ko na labis kong ikinagulat.
---
Pagkarating namin ng simbahan ay saktong katatapos lang ng first mass. Pumasok na kami sa loob at naghanap na ng upuan.
"Mama, naiihi po ako," napatingin ako kay Ainsley nang bumulong siya sa akin.
"Xzavier, sasamahan ko muna si Ainsley na mag-CR." Paalam ko sa kaniya.
Tumango na lang siya kaya naman marahan kong hinila si Ainsley papuntang banyo.
"Are you done?" Tanong ko.
"Yes po," sagot niya kaya naman pumasok na ako sa loob ng cubicle para ako na mismo ang mag-flush.
"Let's go." Hinawakan na niya ang kamay ko at sabay na bumalik sa puwesto namin.
"Bakit ang tagal niyo?" Tanong ni Xzav nang makabalik kami.
"Matagal pa ba 'yon?" Tanong ko rin.
"Para sa akin matagal na 'yon." Palihim ko na lang siyang inirapan at hindi na lang nagsalita.
Matapos ang misa ay nag-aya naman ang kambal na bumili ng kandila dahil magtitirik daw ulit sila.
"Ano naman 'yong pinag-pray niyo?" Tanong ko sa kanila.
Pareho naman silang ngumiti at umiling. "Bawal pong sabihin baka 'di magkatotoo," sagot nila.
Napanguso naman ako samantalang tumatawa naman si Xzav.
"Tara na?" Ani Xzav, tumango naman 'yong dalawa kaya lumakad na kami papunta sa sasakyan.
"Saan tayo?" Tanong ko matapos kong maikabit ang seat belt ko.
"MOA," tipid na sagot niya.
Halos isa't-kalahating oras na kaming nakahinto dahil ang bagal umusad ng traffic. Nagrereklamo na rin 'yong dalawa na gutom na raw sila.
"Kaunting hintay na lang, 'di bale at malapit na rin naman na tayo eh," sabi ni Xzavier sa dalawa. Kawawa naman ang mga anghel ko.
Pagkaraan ng ilang oras ay umusad na rin sa wakas ang mga sasakyan.
"What do you want to eat?" Tanong nito sa kambal.
"Anything po," sagot ni Ainsley.
Tinanong niya rin si Aislinn at ganoon din ang kaniyang sagot.
Sinamahan ko na lang siyang pumunta ng counter para mag-order ng kakainin namin at ng kambal.
"Ano ba ang gusto nila?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa menu.
"Iyong chicken and spaghetti na lang ang sa kanila tapos 'yong sa atin ikaw na ang bahala." Ani ko bago magpaalam na pupunta na sa puwesto namin.
Nakatingin lang kaming tatlo sa labas habang naghihintay kay Xzavier.
"Mama, ang lawak po dito tapos ang lamig lamig pa." Wika ni Ainsley.
Nginitian ko na lang ito dahil dumating na si Xzav bitbit ang pagkaing inorder niya.
"After nating kumain, gusto niyo bang puntahan natin lahat ng timezone rito?" Sabay namang tumango ang kambal.
---
Nakaka-dalawang timezone pa lang kaming napupuntahan namin pero sobrang sakit na ng paa ko kalalakad
"P'wedeng magpahinga muna tayo? Ang sakit na ng paa ko kalalakad eh," sabi ko at naupo sa upuan sa food stall na katapat namin.
Napatingin naman si Xzavier sa paa ko at lumuhod sa harapan ko.
"Bakit kasi ganito pa ang sinuot mo?" Tanong niya at tinanggal ang sandals na suot ko. "Hintayin niyo ako rito," tatanungin ko pa lang sana kung saan siya pupunta pero tuluyan na siyang nakaalis.
Napatingin naman ako sa paa ko at sobrang pula na nito at may kaunti nang dugo.
"Hala, mama, dugo!" Si Aislinn habang nakaturo sa paa ko.
"Masakit po ba?" Tanong sa akin si Ainsley.
Umiling naman ako at nginitian siya. "No, medyo lang." Sagot ko.
Dumating na si Xzav at may dala itong isang plastic at isang maliit na paper bag. Lumuhod ulit siya at kinuha ang paa ko at ipinatong niya ito sa tuhod niya.
At nang matapos niya itong gamutin at lagyan ng band aid ay may nilabas siyang isang pares ng foot socks at bagong sapatos.
"Bakit bumili ka pa ng mga ito?" Tanong ko.
"Hindi naman kita kayang hayaan na maglakad nang naka-paa lang ka binilhan na kita ng sapatos." Sagot niya at isinuot na sa akin ang foot socks at 'yong sapatos.
"Baka hindi bagay sa suot ko ah," mahina naman siyang tumawa.
"Bagay man o hindi, maganda ka pa rin sa paningin ko." Agad namang uminit ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Parang ewan 'to... tara na nga." Mabilis ko siyang tinalikuran upang itago ang pamumula ng pisngi ko.
"Papa, try po natin doon!" Turo ni Ainsley sa ice skating rink.
Tumingin naman sa akin si Xzavier na parang humihingi ng permiso. "What?" Tanong ko.
"P'wede ba?" Tanong nito.
Tumango naman ako. "Oo naman, first time ito ng kambal kaya bakit ko pagbabawalan?" Sagot ko.
"Yehey! Thank you, mama!" Yumakap sa akin 'yong dalawa. Ginulo ko naman ang buhok nila.
Umupo muna kami sa bench habang hinihintay si Xzavier na bumili ng tickets. At wala pang ilang segundo ay nilapitan na kami ni Xzavier at inaya na sa sukatan ng paa para makakuha na ng skate.
Bago kami pumasok sa rink ay nagrenta muna si Xzav ng dalawang polar bear para maging guide namin.
Masaya naman siya pero dahil hindi ako masyadong sanay sa malamig ay lumabas na ako sa rink at pinanood na lang ang tatlong masayang-masaya sa ginagawa.
Nang matapos ang oras namin ay napagpasyahan naming lumabas at maglakad-lakad sa baywalk.
Nauna na kaming tatlo sa labas habang si Xzavier naman ay kinuha muna ang sasakyan sa parking lot para mamaya diretso uwi na kami.
"Mama, ang ganda oh," turo ni Aislinn sa papalubog na araw.
"Upo kayo rito at pipicturan ko kayo," pinagtabi ko silang dalawa at nilabas na ang cellphone ko para picturan sila.
May bigla namang tumikhim sa likuran ko habang busy ako sa pagkuha ng litrato sa kambal.
"Papa, picturan mo po kaming tatlo," utos ni Ainsley sa ama.
"Kayong tatlo lang? Ayaw niyo akong isama?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Mamaya ka na po," sagot ni Aislinn.
Kumamot muna siya sa ulo niya bago kunin sa akin ang cellphone. Iba't-ibang poses ang ginawa namin, mayroon 'yong pareho silang nakahalik sa pisngi ko, at mayroon din 'yong nakaturo kami sa araw.
"So, p'wede na ba akong sumali sa inyo?" Sabay namang tumango ang dalawa.
Matapos kaming kumuha ng ilang litrato ay nag-aya ang kambal na kumain kaya naman bumili kami dalawang footlong at takoyaki saka nagpa-deliver pa si Xzavier ng Jollibee para hindi na kami kakain pagkarating sa bahay.
Kinain muna namin 'yong binili namin habang hinihintay 'yong deliver na pagkain.
"Makakakain pa kaya 'yang mga 'yan?" Bulong ko kay Xzavier. Ang laki kasi no'ng binili niya eh.
"Don't worry, hindi naman marami 'yong inorder ko eh," sagot niya.
Alas siyete na kami naka-uwi ng bahay kaya pinaglinis ko na ng katawan ang kambal para makatulog na sila.
"Sweet dreams, my angels." Parehas kong hinalikan ang noo nila bago ako lumabas ng kuwarto nila.
Pagkarating ko sa kuwarto namin ni Xzavier ay wala pa siya sa loob kaya naman pumasok na ako ng banyo para maglinis ng katawan.
Nang matapos ako ay nagtaka ako nang makitang wala pa rin si Xzavier sa kuwarto. Lalabas na sana ako para hanapin siya nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa noon si Xzavier.
"Where are you going?" Tanong nito saka dahan-dahang naglakad papalapit sa akin.
"Hahanapin sana kita kaso iyan ka na pala... m-matulog na tayo," utal na sabi ko.
At nang akmang tatalikod na ako ay hinawakan niya ang braso ko at pinaharap sa kaniya.
"Anong matulog? May nakakalimutan ka yata?" Nakangising tanong niya.
"Huh? W-Wala ah," sagot ko.
Imbis na sumagot ay bigla niya akong kinabig at impit akong napasigaw nang bigla niya akong buhatin.
"Wala ka nang kawala ngayon," aniya saka mariin niyang siniil ng halik ang labi ko. Nawala naman ako sa sarili ko kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumugon na sa mga halik niya.
Dahan-dahan siyang lumakad hanggang sa huminto siya at naramdaman ko na lang na ibinaba niya na ako sa kama habang hindi pa rin humihiwalay sa halik.
"Xzav..." ungol ko nang bumaba ang halik niya sa leeg ko.
Tumigil muna siya saglit upang ibaba ang zipper ng dress ko at nang maibaba na niya ay mabilis niya itong hinubad kaya naman tanging mga under wear ko na lang ang natira.
Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko kaya naman pinamulahan ako dahil sa hiya. Hinila ko ang damit niya at ako na mismo ang humalik sa kaniya.
"Xzavier..." ungol kong muli nang sinimulan niyang paglaruan ang boobs ko.
"Ganiyan nga, moan my name, Hon." Aniya at hinalikan muli ang labi ko.
Bumaba ang halik niya sa dibdib ko hanggang sa makarating siya sa gitna ng mga hita ko. Napasinghap ako nang simulan niyang tanggalin ang panty ko.
"Ah, shit!" Napasabunot ako sa kaniya nang maramdaman ang labi niya sa gitna ng mga hita ko.
"Xzavier... ah, fvck!" Ungol ko nang maramdaman kong paikot-ikot ang dila niya roon.
Hindi ko alam kung saan ko ipipilig ang ulo ko dahil sa sensayong pinaparamdam ni Xzavier. Para akong nawawala sa sarili sa ginagawa niya.
Saglit siyang huminto upang tanggalin ang suot niyang pants at nanlaki ang mata ko nang makita kung gaano iyon kalaki. Napalunok naman ako.
"K-Kasya ba sa akin 'yan?" Utal na tanong ko habang naroon pa rin ang tingin.
"Of course, nagkasya nga sa iyo 'to noon eh," sagot niya at pinosisyon na niya ang kaniyang sarili.
"I love you, Elara." Aniya.
"I love you—ah, shit!" Mariin akong napapikit nang dahan-dahan niyang ipinasok sa akin iyon.
Pangalawang beses na namin ito pero masakit pa rin.
"Mahal na mahal ko kayo ng kambal," bulong niya bago siya dahan-dahang gumalaw.
---
(A/N: hello po, pagpasenyahan niyo na po kung ngayon lang nakapag-update, pasensya na rin po 'yong bs ha? First time kong gumawa eh.)
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top