Chapter 19

Pumasok muli kinabukasan sa trabaho si Xzavier. At gaya nga ng sabi niya ay araw-araw na pumupunta si Manang Carla rito sa bahay para maglinis.


Hindi raw siya pupunta ng puwesto nila ngayon kaya naman dumito muna siya para may kasama at kakwentuhan ako.


"Kaedad mo lang po 'yong isang anak ko at mayroon na rin siya tatlong anak." Pagkwento niya.


Nandito kami ngayon sa likod-bahay dahil naliligo na naman sa swimming pool ang kambal.


"Ilan po ang anak niyo?" Tanong ko.


"Dalawa po, 'yong panganay ko ay nasa ibang bansa kasama ang asawa niya." Sagot niya.


"Ah, so 'yong isang anak niyo lang po ang kasama niyo sa buhay?" Tanong ko pa.


"Opo. Eh ikaw po ba, may kapatid ka rin po ba?" Tumango naman ako.


"Actually, twin sister po pero wala na po siya ngayon eh. Baby pa lang kaming dalawa ay namatay na siya dahil nagkaroon na kumplikasyon sa puso niya." Sagot ko.


"Ay hala, pasensiya na po kayo at naitanong ko pa," paumanhin niya.


"It's okay po, matagal naman na po 'yon eh," ani ko.


Magsasalita sana ako nang lumapit sa akin si Ainsley.


"Mama, nagugutom po ako," sabi niya habang hinihimas ang kaniyang tiyan.


"Ma'am, ako na ho ang gagawa ng pagkain," mabilis ko namang hinawakan ang braso niya.


"Naku, ako na po ang bahala, maupo na lang po muna kayo riyan," ani ko.


"Pero ma'am—" I cut her.


"I insist po, bantayan niyo na lamang po ang kambal at ako na ang bahalang gagawa." Nakangiting sabi ko at iniwan na muna sila roon.


Matapos akong gumawa ng sandwich ay nagtimpla naman ako ng juice para may panulak kami.


Nagmamadali namang umahon ang kambal nang makita nila akong palabas ng kusina.


"Saka kayo bumalik sa pool kapag naubos niyo na 'yang kinakain niyo ha?" Bilin ko.


"Yes po, mama." Sabay na sagot nila.


"Ligo ka rin po, mama," aya sa akin ni Aislinn. Umiling naman ako.


"Kayo na lang muna," sagot ko.


"Sige na po, ma'am, samahan niyo na po silang maligo roon." Napatingin naman ako kay Manang Carla.


"Ayos lang po," ani ko. "Hindi naman po p'wedeng habang nagkakasiyahan kaming tatlo roon ay nandito ka lang habang pinapanood kami." Dagdag ko pa.


Hindi na lang siya sumagot.


At nang mag alas tres ng hapon ay nag paalam na si Manang Carla na aalis na.


"Ingat po kayo," kaway ko. "Tsaka thank you po sa oras." Ani ko.


Isinarado ko na ang gate nang maka-alis na ang tricycle pinagsakyan ni Manang Carla.


"Twins, umahon na kayo kanina pa kayong 12," sabi ko.


Hindi naman na sila umangal kaya naman tinuwalyahan ko na muna sila bago pinapunta sa banyo para makapagbanlaw sila.


Habang nagbabanlaw sila ay tumungo na rin ako sa kuwarto para maligo na rin. At nang matapos akong maligo ay nagulat ako nang makitang nasa loob ng kuwarto ang kambal.


"Kausap po namin si ninang," sabi ni Ainsley nang makita ako.


"Tapos na pong maligo si mama," sambit naman ni Aislinn at saka bumaba na sa kama para lapitan ako.


"Napatawag ka?" Tanong ko.


["I just wanna ask if nagamit mo na 'yong binigay ko?"]


"Hindi pa eh," sagot ko.


["Bakit hindi pa?"] Tanong pa niya.


"Wala lang, dapat ba agad-agad iinom no'n?" Balik kong tanong.


["Aba, siyempre naman!"] Sagot niya .


"Saka na," ani ko.


["Okay, ikaw bahala."]


"Wala kang ginagawa?" Ganitong oras kasi alam ko marami siyang ginagawa eh.


["Nag-leave muna ako kasi medyo masama pakiramdam ko,"] sagot niya.


"Ha? Eh bakit? Okay ka pa naman kahapon ah," sabi ko.


["Actually, medyo masakit na ulo ko kahapon pa pero dahil magmi-meet tayo pumunta pa rin ako,"] sagot niya.


"Baliw ka talaga!"


["Calli, alam mo ba.."]


"Ano?"


["I wonder kung ano bang feeling ng may taong nariyan para alagaan ka tuwing may sakit ka,"] aniya. ["Iyong lulutuan ka ng mainit na soup para hindi ka magutom, at every time iche-check ka kung bumaba na ba 'yong temperature mo."] Narinig ko naman ang malalim niyang pagbuntong-hininga.


"Gusto mong puntahan ka namin diyan? Kami mag-aalaga sa 'yo, ako ang magluluto ng soup mo, at kami rin ang magchi-check ng temperature mo." Sabi ko.


["Naku, huwag na. Baka makaistorbo lang ako."]


"Kaibigan mo ako at kahit kailan hindi ka magiging istorbo sa akin." Sabi ko.


["Sure ka? Eh paano si Xzavier? Baka magalit sa akin 'yon ah,"] mahina naman akong natawa.


"Hindi 'yon, ako na ang bahala sa kaniya." Ani ko.


["Sure ka talaga? Walang halong biro?"] Ang kulit talaga nitong babaeng ito.


"Kailan ba ako nagbiro, aber?"


["Sabi ko nga, 'di ba?"]


Nang maibaba niya na ang tawag ay agad na akong nagtipa ng mensahe kay Xzavier para mag paalam.


From: Xzav

Okay, take care. Sunduin ko na lang kayo mamaya.


Nireplyan ko siya ng 'okay' saka pinagbihis na ang kambal.


"Saan po tayo pupunta?" Tanong ni Ainsley.


"Kay ninang niyo. Magiging nurse muna niya tayo sa ngayon, okay?" Nag-yehey naman sila.


---


Hindi na kami nahirapang puntahan si Lina dahil ang tinutuluyan pa rin niya hanggang ngayon ay 'yong apartment pa rin namin noong college kami. Bilib nga ako sa kaniya eh, kasi natagalan niyang manatili roon.


"Puntahan niyo muna ang ninang niyo sa kuwarto niya, iluluto ko muna ito." Sabi ko sa kanila nang makapasok kami sa loob.


Tumango na lamang sila at nag simula nang mag lakad papuntang kuwarto ni Lina. Pagkarating ko naman sa kusina ay nilabas ko na ang mga gulay upang ito'y hugasan. Sopas ang iluluto ko para marami ang kainin ni Lina. Paborito niya kasi ang sopas lalo na kapag luto ko.


Habang nagluluto ako ay kinalabit ako ni Aislinn at nanghihingi ng tubig at towel dahil pupunasan daw nila si Lina.


"Bumalik ka na roon at ako na ang magdadala baka kasi mabitawan mo eh," iniwan ko muna saglit ang niluluto ko para kumuha ng maligamgam na tubig at malinis na towel.


"Calli, baka mahawaan ko itong mga anak mo ah, malilintikan talaga ako nito kay Xzavier." Aniya nang makita akong papasok ng kuwarto.


"Hindi madaling mahawaan ang kambal kaya huwag kang mag-alala," sabi ko at nilapag na ang planggana sa lapag. "Kayo na ang bahala sa ninang niyo ha? Babalik na ako sa kusina dahil may niluluto pa ako roon." Tanging tango na lang ang sinagot nila kaya naman bumalik na ako sa kusina para tapusin ang ginagawa ko.


Nang maluto ko na 'yong sopas ay nagsandok na ako ng kakainin ni Lina at saka kumuha ng tubig at gamot bago magtungo sa kuwarto niya.


"Mama, kami na po magpapakain kay ninang," prisinta ng kambal.


"Sigurado kayo?" Tumango naman sila.


"Oh sige, magluluto muna ulit ako dahil dito ko na pakakainin ang papa niyo." Ani ko at bumalik muli sa kusina.


Matapos akong makapagluto ay sakto namang nagtext si Xzav na papunta na siya rito.


Napatingin naman ako sa pinto nang may biglang kumatok.


"Ang bilis mo naman?" Kakatext niya lang kanina sa akin na papunta na siya ah.


"Nasa daan na ako noong nag text ako sa 'yo," aniya saka pinatakan ng halik ang labi ko.


"Dito ka na kumain nagluto ako ng ulam," tumango naman siya.


"Where's the twins?" Tanong niya.


"Naroon sa kuwartong iyon, binabantayan si Lina," turo ko sa kuwarto ni Lina.


"Oh, I see." Sagot niya.


"Kumain ka na muna at titignan ko muna sila," sabi ko saka kinuhanan na siya ng plato at kutsara.


"Kambal, nasa labas na ang papa niyo," sabay naman silang napatingin sa akin.


"Labas po muna kami ninang ha?" Paalam nila, tumango na lang si Lina kaya naman tumakbo na palabas ang kambal.


"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ko nang maka-upo ako sa gilid niya.


"Medyo okay na pakiramdam ko, ang gagaling kasi mag-alaga ng personal nurse ko eh," tawa niya nang mahina.


"Kaya mo na ba mag-isa?" Tanong ko.


"Oo naman, okay naman na pakiramdam ko eh," sagot niya. "Thank you sa inyo ha? I'm so lucky to have a very good friend like you." Napangiti naman ako saka niyakap siya nang mahigpit.


"I love you, best friend ko." Sabi ko sa gitna ng yakapan namin.


"I love you more, Calli." Tugon niya.


Bago kami umalis ay siniguro ko munang maayos-ayos na ang pakiramdam niya.


"Sige na, umalis na kayo at malalim na ang gabi." Aniya.


"Uminom ka ulit ng gamot mamayang 12 ha?" Bilin ko sa kaniya.


"Yes po, ma'am." Aniya.


Muli ko ulit siyang niyakap bago kami tuluyang umalis.


At pagkarating namin ng bahay ay hindi ko na pinaglinis ng katawan ang kambal dahil malamig na ang tubig.


"Matulog na kayo ha? I love you." Sabay halik sa noo nila.


"Good night po, we love you too." Tugon nila.


Pagpasok ko naman sa kuwarto at nakita kong tulog na si Xzavier habang nakasuot pa rin ang sapatos niya. Lumakad naman ako palapit sa kaniya at lumuhod upang tanggalin ang sapatos niya.


Nag-toothbrush na muna ako bago mahiga sa kama. At bago ako matulog ay pinagmasdan ko muna ang gwapo at payapang mukha ni Xzavier. Hinawi ko naman ang ilang hibla ng buhok na nakaharang sa mata niya at saka hinalikan siya sa noo niya at sa labi niya.


"I love you, Xzav, good night." Sabi ko bago matulog.


–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top