Chapter 17
Maagang nagpaalam sa akin si Xzavier na papasok muna dahil may kailangan daw siyang i-meet na bagong kliyente.
"Ako na ang bahalang magsasabi sa kanila. Ingat ka, I love you." Nakangiting sabi ko.
"I love you, too." Tugon niya saka mabilis akong hinalikan sa labi bago siya sumakay ng sasakyan.
Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan niya ay pumasok na ako sa loob para ipaghanda ng pagkain ang kambal. At nang matapos ay tumungo na ako ng kuwarto nila para sila ay gisingin.
"Nasaan po si papa?" Tanong ni Ainsley habang lumilinga sa paligid.
"May importante lang muna siyang pinuntahan, 'nak," sagot ko.
"Kailan po siya uuwi?" Tanong pa niya.
"Mamaya, pero hindi ko alam kung anong oras." Sabi ko. "Kumain na kayo para makapaghugas na ako," saad ko sabay lapag ng gatas nila.
Habang pinagmamasdan ko ang kambal sa pagkain ay may narinig akong nagdo-doorbell sa labas kaya naman nagpaalam muna ako sa kambal upang tignan kung sino 'yon.
"Ah hello po, sino po sila?" Magalang na tanong ko sa babaeng halos kaedad lang ni mama.
"Ako po 'yong palaging nagpupunta rito para maglinis ng bahay, kayo ho ba si Ma'am Elara?" Tumango naman ako.
"Yes po, ako nga po." Sagot ko.
"Mas maganda po pala kayo sa personal," bigla naman akong nahiya.
"A-Ah hindi naman po masyado, pasok na po tayo sa loob." Sabi ko at sinarado na muna ang gate bago sumabay sa kaniyang pumasok.
"Matagal na po ba kayong nagta-trabaho kay Xzavier?" Tanong ko.
"Hindi naman po masyado, mag-iisang taon pa lang po ako rito." Sagot naman niya.
"Huwag ka po munang aalis kapag natapos ka na maglinis ha? Dito ka na po muna kumain ng tanghalian," ani ko.
"Naku ma'am, maraming salamat po pero may naghihintay pa po akong trabaho sa palengke eh," ika niya.
"Ganoon po ba? Sige, ganito na lang, hintayin niyo na lang po munang matapos 'yong lulutuin ko tapos bibigyan ko na lang po kayo ng pananghalian mo."
"Naku, maraming salamat po talaga, ma'am! Sobrang bait niyo po," sabi niya.
"Wala pong anuman," nakangiting sambit ko.
Pinakilala ko muna si Manang Carla sa kambal bago simulang magluto.
"Ma'am, matanong ko lang po, anong grade na po itong kambal mo?" Nilapag ko muna ang hawak ko sandok bago sagutin ang tanong niya.
"Hindi pa po sila nag-aaral," magalang na sagot ko.
"Totoo po? Eh bakit ang galing na nilang magbasa at dire-diretso pa, walang tigil," manghang usal niya.
Mahina naman akong natawa. "Teacher po ako, apat na taong gulang pa lamang sila ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat." Sagot ko.
"Ang galing naman," ika niya.
"Tapos na po ba kayong maglinis?" Tanong ko, tumango naman siya. "Paki-hintay na lang po itong niluluto ko, 'di bale malapit naman na pong maluto eh," sambit ko.
"Sige lang po, ma'am," sagot naman niya.
---
"Mag-iingat ka po, tsaka kung may free time po kayo punta lang po kayo rito ha?" Tumango naman siya.
"Maraming salamat po uli, ma'am. Sige ho, mauuna na po ako at baka hinihintay na ako ng anak ko sa puwesto eh." Kinawayan ko na lang siya bago isarado ang gate at pumasok na sa loob.
"Mama, papa's calling." Agad ko namang kinuha ang cellphone ko kay Aislinn.
"Hello?" Sagot ko.
["Hi, baka gabi na ako makaka-uwi,"] sambit niya.
"It's okay, hintayin na ang kita mamaya para may kasabay kang kumain." Ani ko.
["Okay, bye, I love you."]
"I love you, too." Tugon ko bago putulin ang linya.
Ibaba ko na sana ang cellphone ko nang muli na naman itong tumunog. This time, si Lina na ang tumatawag.
"Yes?"
["Narito ka na raw sa Manila at bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"]
"Noong isang araw lang kami dumating," sagot ko. "Tsaka hindi ko na naalala na sabihin sa 'yo kasi alam ko naman kung gaano ka ka-busy eh, baka makaistorbo lang ako," dagdag ko pa.
["Gaga! Kaibigan kita kaya bakit mo iniisip na istorbo ka lang sa akin?"] At namura pa nga.
"Okay, okay. Kailan ka free?" Tanong ko.
["Tomorrow? Bakit?"]
"Let's meet, isasama ko ang kambal." Sagot ko na labis naman niyang ikinatuwa.
["Are you sure?! Wait, what if ngayon na lang tayo magkita? Iiwan ko muna itong sandamakmak kong trabaho,"]
"Finish your work first, dummy, para wala ka nang iisipin kinabukasan." Saad ko.
["Okay, fine. Ibababa ko na ito at tatapusin na muna itong ginagawa ko para maaga akong maka-uwi at makapag-beauty rest ako para naman hindi ako mukhang haggard na haharap sa inyo bukas."] Mahabang salaysay niya.
"Sige, see you tomorrow." Ani ko.
["See ya! Babush!"] She said then she hang up the call.
Since malinis na ang buong bahay ay buong umaga lang akong nakahilata sa sofa habang kasamang nanonood ang kambal.
At pagdating ng tanghalian ay sabay naming tatlong pinagsaluhan ang niluto ko.
"We are going to meet your Ninang Lina tomorrow." Sabi ko kambal.
"Really po?" Tumango ako. "Yey!" They said, cheerfully.
"Mama, nakita ko po kanina na may pool po sa likod ng bahay, p'wede po ba kaming mag-swimming?" Tanong sa akin ni Ainsley.
"Hindi pa ba kayo nagsawa noong nasa Batangas tayo?" Natatawang usal ko.
"Sige na po, mama, payag ka na po..." at iyan na nga ang paawa effect nila.
"Ubusin niyo muna 'yang kinakain niyo bago ko kayo payagan." Sambit ko.
Hindi pa ako nakaka-limang subo nang sabihin nilang tapos na silang kumain.
"Ngumunguya ba kayo bawat pag-subo niyo?" Tanging pagtawa lang naman ang isinagot nila sa akin.
"P'wede na po ba kaming maligo?" Tanong nila, tumango na lamang ako.
Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na ang mga platong ginamit namin at ito'y agad nang hinugasan iyon.
Nang maisalansan ko ang mga plato at kubyertos ay tumungo na ako sa likod-bahay upang tignan ang kambal.
"Mama! Ligo ka na rin po," pag-anyaya sa akin ni Ainsley.
"Oo nga po, mama, ang saya pong mag-swimming." Segunda naman ni Aislinn.
"Titignan ko na lamang kayo mula rito." Saad ko at umupo sa lounge chair na naroon.
Pasado alas dos na at ayaw pa rin umahon ng kambal kaya naman napagpasyahan kong maligo na rin kasama sila. Medyo malaki itong pool na ito, mayroon na siyang para sa bata at para sa matanda.
"Ahon na tayo at baka sipunin na kayong dalawa." At hindi naman ako nahirapang paahunin ang dalawa.
Matapos akong magbihis ay saktong tapos na rin ang kambal. Sabay kaming bumaba at nagtungo ng kusina dahil nagugutom daw sila. Ginawan ko na lang sila ng egg sandwich at nagtimpla na rin ako ng juice na iinumin nila.
Nang madala ko sa kanila ang pagkaing nila ay kinuha ko ang cellphone ko at idinial ang number ni mama.
["Hello? Kumusta kayo riyan?"] Bungad niya nang masagot ang tawag.
"Ayos lang naman po kami, kayo po ba?" Balik na tanong ko.
["Ayos lang din naman ako, 'nak. Nasaan nga pala ang kambal? Maaari ko ba silang maka-usap?"]
"Nasa sala po, teka at ibibigay ko sa kanila," mabilis akong lumakad papuntang sala. "Gusto kayong maka-usap ng mama-lola niyo," ni-loud speaker ko muna iyon bago ibigay sa kanila.
"Hello po, mama-lola!" Bati ng kambal.
["Mga magaganda kong apo, kumusta kayo?"]
"Okay lang naman po, ikaw po?"] Si Ainsley.
Iniwan ko muna sila roon para magkwentuhan. Napatingin naman ako sa orasan at mag-aalas singko na pala kaya naman tumungo na ako sa kusina upang mag-saing, sinabay ko na rin ang pagluluto ng ulam.
---
"Matulog na kayo at ako na ang mahihintay sa papa niyo," sabi ko sa dalawa.
Alas nuebe na ng gabi ngunit wala pa rin si Xzavier.
"Good night po," inaantok na saad nila bago umakyat papuntang kuwarto nila.
Binuksan ko ang TV at nanood na lang ng movie habang naghihintay sa pagdating ni Xzavier. Nakatapos na ako ng tatlong movie pero wala pa rin siya. Mag-aalas dose na.
Pinatay ko na ang TV nang magsawa ako at nahiga na lang sa sofa para umiglip saglit.
Nagising na lang nang maamoy ko ang pabango ni Xzavier.
"Oh, I'm sorry naistorbo ko yata ang pagtulog mo," natatawang saad niya.
"Sira! Kumain ka na ba?" Tanong ko at bumangon na sa pagkakahiga.
"Not yet." Sagot niya.
"Tara na sa kusina at ipapa-init ko na lang 'yong kanin at ulam nang makakain ka na." Sabi ko at nauna nang maglakad papuntang kusina.
"Here, kumain ka na." Nginitian naman niya ako sabay kindat.
"Thanks, Hon." Aniya at nag simula nang kumain.
"May pupuntahan kami ng kambal bukas," ani ko, kunot naman ang noo niyang napatingin sa akin.
"Where? Without me?" Tanong niya.
"Kikitain namin bukas si Lina. I'll text you the location na lang kung gusto mo kaming sunduin." Sagot ko.
"Anong oras kayo aalis para maihatid ko kayo." Umiling naman ako.
"Hindi na, baliw. Baka kami pa dahilan nang pagka-late mo bukas eh," sabi ko. "Sunduin mo na lang kami, hanggang anong oras ka ba bukas?" Tanong ko.
"Hanggang 2 or 3 ng hapon," sagot niya.
"Okay, noted."
Matapos niyang kumain ay pinaakyat ko na siya sa taas para makapag-shower na. Mabilis lang akong natapos maghugas kaya naman nilinis ko muna ang lababo bago sumunod sa kaniya.
Nasa loob pa siya ng banyo nang pumasok ako sa kuwarto namin. Inayos ko muna ang kama namin bago ako mahiga.
"Hindi mo ba muna pupuntahan 'yong kambal?" Tanong ko sa kaniya nang makalabas na siya ng banyo.
"Hindi na, baka maistorbo ko lang tulog nila." Sagot niya saka tinabihan na ako.
Niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya pabalik.
"Good night." Sabi ko saka mabilis siyang hinalikan sa labi.
"Matutulog na tayo agad?" Parang batang tanong niya.
"Bakit, may iba pa ba dapat tayong gawin?" Kunot noo kong tanong.
"Wala. Good night." At hinalikan ako sa noo.
Lihim na lang akong napangiti at ipinikit na ang mata hanggang sa tangayin na ng antok.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top