Chapter 16

Paggising ko kinaumagahan ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto ni Xzavier. Silver gray ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata.


"You're awake," napatingin naman ako sa may pintuan at nakita ko roon si Xzavier na nakasuot ng apron.


"Good morning." I greet.


Ngumiti naman siya at saka lumakad papunta sa akin. "Good morning." Bati niya pabalik sabay halik sa labi ko.


"Gising na 'yong kambal?" Tanong ko, umiling naman siya.


"Gusto mong puntahan?" Tumango naman ako.


Huminto kaming dalawa sa tapat ng purple na pintuan. Pipihitin ko na sana ang doorknob nang may maalala ako.


"Matagal na ba ito rito?" Tukoy ko sa kuwarto ng kambal.


"Nope. Guest room lang ito noon pero noong time na malaman kong anak ko nga sila agad kong tinawagan ang isa sa tao ko para ayusin ang kuwartong ito." Sagot niya.


Tumango na lang ako at pumasok na sa kuwarto ng kambal. Namangha ako nang makita kung gaano ito kalawak at kaganda.


Nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kuwarto at may dalawang kama ito kung saan natutulog ngayon ang kambal at ang pagitan no'n ay isang maliit na lamesa na may lampshade na nakapatong.


"Do you like it?" Muntik akong mapatalon nang mag salita si Xzavier sa likuran ko. Akala ko bumalik na siya sa kusina.


"Hindi ba dapat ang kambal ang tanungin mo niyan kasi kanilang kwarto naman ito?" Ani ko.


"Alam ko naman na ang isasagot nila eh," he chuckled.


"Hmm... okay na, maganda siyang tignan at hindi nakakasawa sa paningin." Sagot ko.


Napatalon ako nang ipulupot niya ang kaniyang braso sa baywang ko at ipinatong ang kaniyang baba sa balikat ko. Napaigtad ako nang halikan niya ang leeg ko kaya naman mabilis ko siyang hinampas.


"Ano ba, Xzavier! Ilugar mo nga 'yang kalandian mo." Inis na bulong ko sa kaniya.


Natatawa naman siyang humiwalay sa akin at nag paalam na sa akin na babalik na sa kusina para maghanda ng pagkain namin.


Inayos ko muna ang sarili ko bago lumakad palapit sa kambal at ginising na sila.


"Good morning." Nakangiting bati ko sa mga ito.


"Good morning, mama." Pupungas-pungas na sabi nila.


Inaya ko na silang dalawa pababa at mabilis naman silang tumakbo palapit kay Xzavier para siya'y yakapin.


Ipinaghila ko na sila ng upuan at sinandukan na sila ng kanilang makakain.


"Bilisan niyong kumain at may pupuntahan ulit tayo." Kinunutan ko naman siya ng noo.


"Na naman? Eh hindi ka pa nga nakakabawi ng tulog mo eh," ani ko.


"Don't worry about me, Hon," aniya. "As long as nakikita kong masaya at nag-i-enjoy ang kambal," Napabuntong-hininga na lang ako.


"Saan po tayo pupunta, papa?" Tanong ni Aislinn.


"Secret. You'll see it later kaya bilisan niyo nang kumain para maaga tayong maka-alis." Sagot niya.



"Finish! Ligo na po ako," ani Ainsley na sinundan naman ni Aislinn.


"Ley, wait for me!" Habol ni Aislinn sa kapatid.


"Kapag iyang mga 'yan nasanay, sinasabi ko sa 'yo ikaw ang kawawa." Tanging ngisi lang naman ang isinagot niya sa akin.


"Samahan na kitang maghugas para naman mas mapabilis ang trabaho mo." Alok ko pero tinanggihan niya ako. "Edi maglilinis na lang ako kung ayaw mong tulungan kita sa paghuhugas." Sabi pero tinanggihan ulit niya.


"May pupunta rito mamaya para maglinis ng buong bahay so don't bother." Aniya.


"Maliligo na lang ako," mabilis niyang hinawakan ang kamay ko nang akmang tatalikod na ako.


"Hindi mo ako hihintayin?" Tanong niya saka ngumiti nang nakakaloko.


"Hindi." Mabilis na sagot ko at pumihit na paalis.


---


"Wow, ang daming animals!" Manghang wika ni Ainsley.


Malamang, 'nak, narito ngayon sa zoo kaya maraming hayop. Pero kahit na wala tayo sa zoo ay maraming pa ring hayop na nakakalat sa paligid.


Hawak ko ang kamay ni Ainsley samantalang hawak naman ni Xzavier si Aislinn.


"Papa, look oh kamukha mo 'yon oh.." malakas naman akong tumawa nang ituro ni Aislinn 'yong Orangutan.


"Sweetie, ang pogi ko naman para maging kamukha ang isang Orangutan." Nakangiwing sabi ni Xzavier sa anak.


"No, you're not a pogi, papa. You look like an Orangutan, right mama?" Natatawa naman akong tumango.


"What the hell? Pinagkaka-isahan niyo ba ako?" Ani Xzav.


"Huh? Hindi ah," natatawang akong umiling.


"Tss." Singhal niya bago ako talikuran at nag lakad na paalis.


Mabilis naman namin siyang hinabol ni Ainsley na busy at manghang-mangha  pa rin sa mga hayop na bago lang sa paningin niya.


"Bakit nga ba itong lugar na ito ang naisip kong puntahan namin?" Dinig kong bulong ni Xzavier sa sarili.


Enjoy na enjoy kaming tatlo samantalang nakabusangot naman si Xzavier. Hindi pa rin ba siya maka move-on sa sinabi sa kaniya ni Aislinn?


Matapos namin sa Zoo ay sunod naman naming pinuntahan ay ang Ocean Park.


"Mama, si Dory oh!" turo ni Aislinn sa Blue tang na isda.


"Si Nemo!" Turo rin ni Ainsley sa clown fish.


Nginitian ko na lang sila at kinuhanan sila ng litrato. Napatingin naman ako sa likuran ko nang biglang magliwanag.


"What?" Tanong sa akin ni Xzavier nang mapansing nakatingin ako sa kaniya.


Naningkit ang mata ko. "Pinipicturan mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya.


"H-Huh? Hindi ah, kinukuhanan ko ng litrato itong mga isda." Sagot niya. Ngumuso na lang ako at tinalikuran na siya.


Matapos naming maglibot sa Ocean Park ay kumain muna kami sa malapit na restaurant.


"Nag-enjoy ba kayo?" Tanong niya sa kambal.


"Yes po, super!" Sabay na sagot nila.


Hindi na ulit sila nagsalita dahil dumating na 'yong order namin. Matapos kaming kumain ay akala ko uuwi na kami pero dumaan pa muna kami ng mall at dinala ang kambal sa time zone.


"Masyado mo na silang ini-spoil." Bulong ko sa kaniya habang pinapanood ang kambal na naglalaro sa claw machine.


"Iyon nga 'yong gusto ko eh, tsaka 'di ba ang sabi ko babawi ako sa kanila, sa inyo," aniya.


"Marami namang paraan para maka-bawi sa amin eh," sabi ko.


Hinapit naman niya ako palapit sa kaniya at saka marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.


"I love you." Tanging sambit niya. Agad naman akong pinamulahan dahil doon.


Humiwalay na siya sa akin dahil tinawag siya ng kambal para mag patulong doon sa claw machine. At nang magsawa sila sa claw machine ay sunod naman nilang sinubukan ay 'yong baril-barilan.


"Go, papa! Hayun pa, papa, barilin mo sila!" Wika ni Ainsley.


Halos lahat ng p'wedeng malaro ay sinubukan ng tatlo kaya naman nang umuwi kami ay tulog na tulog ang kambal.


Ginising ko muna sila para malinisan ko sila ng katawan.


"Good night, my angels." Sabay halik sa kanilang noo.


"Good night, mama." Sabay nilang sabi.


Nang masiguro kong tulog na sila ay pumihit na ako papunta sa kuwarto namin ni Xzavier. Mahina naman akong natawa nang makitang mahimbing na mahimbing na itong natutulog. Napa-iling na lang ako bago pumasok sa loob ng banyo para maglinis ng katawan at nang matapos ay nahiga na rin ako sa kama at natulog na.


–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top