Chapter 14

Bago kami umalis ay sinabi ko kay Xzavier na dumaan muna kami kay mama para mag paalam.

"Mag-iingat kayo sa biyahe, ha?" Garalgal ang boses ni mama.

Napanguso naman akong lumakad palapit sa kaniya at niyakap siya nang mahigpit.

"Kapag may kailangan po kayo 'wag po kayong mag-aalinlangan na tawagan ako, hmm?" Sabi ko.

"Mamimiss ko kayo ng kambal," naramdaman kong may tumulong basa sa balikat ko kaya naman mas hinigpitan ko pa ang pag yakap kay mama saka hinagod-hagod ang kaniyang likod.

"O'siya, umalis na kayo at baka gabihin pa kayo sa daan." Aniya at saka binalingan si Xzavier. "Ingatan mo itong mag-iina mo, ha?"

"Opo, mama." Ani Xzavier at niyakap din si mama.

Sunod namang nag paalam ang kambal at nang matapos ay sumakay na kami ng sasakyan at umalis na.

"Twins, matulog muna kayo at mahaba-haba pa ang biyahe natin." Sabi ko sa dalawang busy sa pagkain.

"Hayaan mo muna silang kumain d'yan, Hon," mabilis ko namang nilingon si Xzavier. Iba pa rin talaga ang epekto ng call sign na 'yan sa akin kapag sa kaniya nanggaling.

Naramdaman naman niya ang pagtitig ko sa kaniya kaya naman saglit siyang tumingin sa akin bago ibalik ulit sa daan ang tigin. "What?" Natatawang tanong niya.

"Wala lang, ang sarap lang pakinggan ng call sign natin." Muli ulit siya lumingon sa akin at saka sinalubong ang titig ko.

Akala ko may sasabihin siya pero ngumiti lamang siya bago ulit ibalik sa daan ang tingin.

Saglit munang huminto ang sasakyan dahil traffic. Nilingon ko ang kambal sa likod dahil kanina pa sila tahimik. Mahina na lang akong natawa nang makitang tulog na tulog ang mga ito.

"Daan tayo mamaya sa drive thru para kapag gising ng kambal ay may kakainin sila." Sabi ko kay Xzavier habang nakatingin pa rin sa kambal.

"Sabi sa 'yo eh, aantukin din 'yang mga 'yan kapag busog," natatawang usal niya. "Ikaw rin, matulog ka muna dahil matagal pa tayo." Aniya.

"Saan pa ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"We are going to Batangas for vacation." Sagot naman niya.

"Matagal pa nga," tawa ko. "Iglip muna ako." Tumango na lang siya kaya naman sumandal na ako sa may bintana at natulog na.

"Elara..." nagising ako nang mahina akong tapikin ni Xzavier.

"Nasaan na tayo?" Inaantok na tanong ko.

"Nasa daan pa lang tayo. Isang oras pa tayong magbi-biyahe, kumain ka muna," aniya at binigyan ako ng burger.

"Eh ikaw?" Tanong ko.

"Kasabay ko ang kambal kumain kanina, pero kung susubuan mo ako, why not 'di ba?" Nakangising usal niya.

Inirapan ko naman siya. "Nganga..." ngumiti nang nakakaloko bago ngumanga.

"Sarap?" Tumango naman siya.

"Sa 'yo na 'yan, baka ako pa ang maka-ubos ng pagkain mo eh," aniya saka natawa.

Nagkibit-balikat na lang ako at inubos na lang ang burger ko. Matapos 'yon ay sa labas na lang ang tingin ko.

"Nga pala, Xzav.."

"Yeah?"

"Gaano tayo katagal sa Batangas?" Tanong ko.

"Three days," napatango na lang ako. "Why, gusto mo bang ipa-extend?" Mabilis naman akong umiling.

"Hindi, baliw. Okay na rin 'yon para naman maranasan din ng kambal ang makapunta sa Beach." Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"Hindi pa sila nakakapunta sa Beach?" Umiling ako.

"Sa bahay lang kami tuwing bakasyon." Sagot ko.

"I'm sorry.."

"For what?" Tanong ko sa kaniya.

"Kasi wala ako sa tabi niyo noong mga panahon na iyon. Kung hindi lang sana ako naging duwag noon baka nalibot na natin ang buong Pilipinas mapasaya ko lang kayo." He uttered.

"Ano ka ba, matagal na iyon. Iyong mga hindi mo nagawa noon p'wede mo pa naman gawin ngayon eh," sabi ko.

"That's why we're going to Batangas. Iyon ang unang lugar na pupuntahan natin nang magkakasama." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

Umawang sa bibig ko nang makita kung gaano kaganda ang resort dito sa San Diego Beach, Lian, Batangas.

Pagbaba namin ng sasakyan ay ramdam mo agad ang masarap na hampas ng hangin na tumatama sa balat mo.

"Papa, ang ganda po roon oh!" Turo ni Ainsley sa treehouse na medyo malapit sa puwesto namin.

"Diyan tayo mag-i-stay for two days, anak," sagot niya kay Ainsley.

"Really?" Bakas sa boses ko ang pagka-excite.

"Uh-huh. Shall we go?" Sabay naman kaming tumango ng kambal.

Nag paunahan naman sa pag-akyat ang kambal, pareho na lang kaming napa-iling ni Xzavier. I can't blame them, ngayon lang sila makakapunta sa ganito kagandang lugar.

Mas lalo akong namangha nang tuluyan na kaming makaakyat ni Xzavier. Ang ganda sobra! Kitang-kita mo ang dagat mula rito. At pagpasok mo naman sa loob ay bubungad sa iyo ang double bed at saka kurtinang nakapalibot sa bedroom nitong treehouse.

"Ang lambot ng kama." Ani Aislinn saka tumalon-talon na sinabayan naman ni Ainsley.

Matapos naming maiayos ang lahat ng gamit namin ay naisipan kong hawiin ang mga kurtina at mapapa-wow ka na lang talaga sa ganda ng view sa labas. Since pare-pareho kaming pagod, napagpasyahan muna naming mahiga at magpahinga muna bago magliwaliw sa labas.

Nagising ako medyo madilim na sa labas at wala na ang tatlo sa tabi ko kaya naman bumangon na ako at nagpalit muna ng damit bago lumabas at hanapin ang tatlo.

Pagbaba ko ay nakita ko agad sila sa mini-kitchen nitong treehouse na tinutuluyan namin.

"Mabuti at nagising ka na, let's eat." Sabi ni Xzavier nang makita akong nakatayo sa gilid ng kambal.

"Nag-order ka?" Tanong ko.

"Yeah, wala naman tayong dala na lulutuin kaya nag-order na lang ako ng kakainin natin." Sagot niya.

"Hindi na tayo nakapag-libot," ani ko.

"It's okay, may bukas pa naman eh," sambit naman ni Xzavier.

"P'wede po ba kaming mag-swimming?" Maya-mayang tanong ni Ainsley.

"Sure, basta huwag kayong magtatagal dahil malamig na ang tubig at baka sipunin kayo." Si Xzavier ang sumagot.

"Bilisan niyo nang kumain para makapag-swimming na kayo," ani ko.

Matapos kaming kumain ay si Xzavier na ang nag hugas ng ginamit namin kaya naman sinamahan ko na sa taas ang kambal para makapag-palit na sila.

"Do you know how to swim?" Sabay namang umiling 'yong dalawa.

"Turuan mo po kami, mama!" Si Ainsley.

"Eh paano 'yan hindi ko rin alam lumangoy," natatawang sagot ko. "Sa papa niyo kayo magpa-turo." I added.

"Papa, turuan mo po kaming lumangoy ah?" Sabi ni Ainsley kay Xzavier na kararating lang.

"Kung ganoon edi tara na sa labas," aniya.

Tawang-tawa ako habang pinapanood ko silang lumalangoy. Mabilis lang silang natuto sa pag-langoy, magaling kasi 'yong nagtuturo eh.

"Mama, come on and join us!" Pag-aaya sa akin ni Ainsley.

"Kayo na lang, papanoorin ko na lang kayo," sagot ko.

Nakita kong may binulong si Xzavier sa kambal kaya nagmamadaling tumakbo ang kambal papalapit sa akin at hinila ako palapit sa tubig. Habang palapit naman ako nang palapit ay siya rin ang pagbasa sa akin ni Xzavier kaya naman no choice na ako kundi samahan silang maligo.

Nang magsawa kami ay bumalik na kami sa treehouse para magbanlaw. Gusto pa ni Xzavier na sabay kaming magbanlaw pero alam kong may iba pang mangyayari kaya naman sa kambal na ako sumabay. Marami pang araw para roon saka hindi pa ako handang sundan ang kambal.

–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top