Chapter 13
May tatlong araw pa kaming papasok sa school bago tuluyang magbakasyon. May ilan pa kaming gagawin tulad ng pagpi-pirma ng permit ng ilang students.
"Last day na tomorrow! Vigan, wait for me!" Parang baliw na saad ni Amor.
"Saan kayo sa bakasyon?" Tanong sa akin ni Dennise.
"I don't know." Nagkibit-balikat ako.
Totoong hindi ko alam kasi alam kong may iba pa kaming pupuntahan bago pumuntang Manila.
"Eh kayo ni Harold, saan balak niyo?" Balik kong tanong.
"Baka mag-boracay na lang kami since may relatives naman siya roon." Tumango-tango naman ako.
"Wait a minute. Tama ba ako ng dinig na magbo-bora kayo?" Sabat ni Amor. Tumango naman si Dennise. "P'wede sumama? Kahit sa maleta niyo na lang ako pumwesto, ayos lang sa akin," dagdag pa niya.
"Akala ko ba sa Vigan kayo ni cupcake mo?" Ani ko at diniin ang salitang cupcake. Natatawa talaga ako sa call sign nilang dalawa.
Hanggang alas dos lang ako sa school kaya dumi-diretso na ako sa karinderya pagkagaling kong school.
Nasa loob ako sa tricycle nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.
"Hello, Lina?" Sagot ko.
["I miss you! Kumusta ka na? Kayo pala ng kambal? Sorry kung ngayon lang ulit ako nagparamdam ha?"] Dire-diretsong tanong niya.
"Miss ka na rin namin ng kambal. Okay lang kami, ikaw ba? Kumusta lovelife mo, meron na ba?" Narinig ko naman ang malalim niyang pagbuntong-hininga.
["Sad to say, wala pa..."]
"Eh paano puro ka trabaho, wala ka nang time para mag-enjoy." Ani ko.
["Papaano ako makakapag-enjoy eh tambak ang trabaho ko rito sa kumpanya na pinapasukan ko. Kung minsan nga nag-o-overtime na ako para lang matapos lahat ng papers na kailangang i-check at i-print."] Aww, kawawa naman ang bestfriend ko.
"Kung may super powers lang siguro ako baka isang snap ko lang tapos mo na 'yan lahat." I joked.
["Baliw ka talaga kahit kailan. Anyway, I got to go na dahil may tinambak na namang papers sa desk ko. Bye-bye, I love you!"]
"Bye, I love you more, Lina. Don't stress yourself too much." Tugon ko sabay patay ng linya.
Matapos kong ilagay ang cellphone ko sa bag ay ilang saglit pa ay binaba na ako sa tapat ng karinderya ni mama.
"Maraming salamat po." Sabay abot ng bayad kay manong driver.
Pagpasok ko ay nakita kong iilan na lang ang kumakain dito. Nasalubong ko naman si mama at sinabing natutulog ang kambal kaya naman pumihit na ako papunta sa kinaroroonan nila.
Nakangiti kong hinahaplos ang pisngi nila habang pinagmamasdan silang mahimbing na natutulog. Hindi ko maiwasang matawa dahil iisa lang ang namana ng kambal kay Xzavier, iyon ay ang katangusan ng ilong. Hindi ko sinasabing pango ako ah pero mas mataas ang ilong ni Xzavier kumpara sa akin.
Tahimik kong nilabas ang m&m's at nilagay sa gilid nilang dalawa.
"Anak," tawag sa akin ni mama.
"Ano po iyon ma?"
"Naka-usap ko isang beses si Xzavier," panimula niya. "Sinabi niya sa akin kung gaano niya kayo kamahal ng kambal. Humingi rin siya sa akin ng tawad dahil sa pagtaboy niya sa 'yo dati." Tuloy niya.
Hindi ako nagbitiw ng kahit na isang salita. Nakinig lang ako sa kung ano man ang sasabihin niya.
"Habang sinasabi niya iyon, kita ko sa mga mata niya kung gaano niya talaga kayo kamahal." Ika ni mama.
Agad akong niyakap ni mama nang may tumulong sa pisngi ko.
"Huwag niyo kakaligtaang tawagan ako kapag nasa Manila na kayo ha?" Tinanguan ko naman siya.
"Ano ka ba naman, mama, hinding-hindi namin kakalimutan 'yon 'no!" Ani ko.
"Dapat lang kasi hindi ako magdadalawang-isip na sundan kayo sa Manila." Pareho naman kaming natawa ni mama.
"Mama talaga," nakasimangot na sabi ko.
"Mama? Bakit ka po umiiyak?" Mabilis kong pinunasan ang luha ko nang makita ko si Aislinn na nakatayo sa likuran ni mama.
"Wala ito 'nak, nag-usap lang kami ni mama-lola mo." Sagot ko. "Nakita mo ba 'yong m&m's sa tabi mo?" I asked and she nodded.
"Si Ainsley? Tulog pa?" Tumango naman siya.
"Ano bang ginawa niyo't mukhang antok na antok kayo?" Natatawang tanong ko.
"Wala naman po," sagot naman niya.
"Baka napagod iyang mga 'yan kanina kasi sobrang dami ng customer, halos wala na ngang maupuan 'yong iba eh," sabat ni mama.
"Dapat pala nag sabi kayo para naman nasamahan ko kayo." Ani ko.
"May trabaho ka pa no'n alangan naman na istorbohin ka pa namin," sagot naman ni mama.
"Kahit na, ma, wala naman na akong masyadong ginagawa kanina eh," sabi ko.
Pagpatak ng alas kuwatro ng hapon ay nag paalam na kami kay mama. Hindi na ako nag luto ng pagkain dahil pinakain na kami ni mama sa bahay niya at saka pinabaunan pa ng ginawa niyang palabok. Iyon na lang ang ipapakain ko sa kambal kapag magutom sila.
"Mama, kausapin ka raw po ni papa," binigay sa akin ni Ainsley 'yong cellphone.
"Ano? Miss mo na naman boses ko?" biro ko.
Narinig ko naman siyang tumawa.
["How did you know?"] Pagsakay niya.
"Of course! Kilala kita eh," sagot ko.
["So, how's your day? Last day niyo na bukas, right?"]
"Yeah. Hmm, okay lang naman. Eh ikaw kumusta araw mo?" Balik kong tanong sa kaniya.
["Kumpleto na araw ko, narinig ko na boses mo eh."] Aba at bumanat pa nga.
"Dapat na ba akong kiligin?" Natatawang tanong ko.
["Ikaw bahala,"] I chuckled.
"Naka-uwi ka na ba?" Tanong ko.
["Yup. Kaso parang ayaw akong papasukin eh,"] aniya na ikinataka ko.
"What do you mean?" Don't tell me nasa labas siya ng bahay?
["Kanina pa ako rito sa labas—"] pinutol ko na ang linya at hindi na pinatapos ang sasabihin niya.
Nagmamadali akong tumakbo papuntang pintuan at agad na itong binuksan. Bumungad naman sa akin ang gwapong mukha ni Xzavier.
"Bakit kasi hindi ka kumatok?" Iritang tanong ko sa kaniya.
Pero imbis na sumagot ay hinapit niya ako palapit sa kaniya saka marahang hinalikan ang labi ko. Nabigla pa ako noong una pero kalaunan ay tumugon na rin sa ako sa halik niya.
"I want to surprise you." Sagot niya sa tanong ko kanina nang maghiwalay ang labi namin.
"Kumain ka na ba? May pinabaon si mama kanina na palabok," sabi ko.
"Yes please, gusto kong matikman luto ni mama eh," aniya at hinila na ako papasok.
"Papa!" Sigaw ng kambal saka sinalubong ang ama.
"Sabi mo po hindi ka makakapunta?" Nakabusangot na sabi ni Ainsley.
"Surprise?" Aniya at alanganing ngumiti. Natawa naman ako sa itsura niya.
Pinakain ko muna si Xzavier at pagkatapos ay nakipag-laro na siya sa kambal.
"Twins, mag linis na kayo ng katawan para deretso tulog na mamaya." Sabay nanan silang nag-opo at saka tumakbo na papasok ng banyo.
Napatingin naman ako sa kinaroroonan ni Xzavier at nakita ko itong mahimbing na sa pagkakatulog. Tinapik ko ang pisngi niya at pinalipat na sa kuwarto.
"Si papa po?" Tanong nina Ainsley nang makalabas sila ng banyo.
"Tulog na siya, kaya bilisan niyong mag bihis at matulog na rin kayong dalawa." Sabi ko.
Nag linis na rin ako ng katawan ko at nang matapos ay pumasok na ako ng kuwarto. Nadatnan ko namang mahimbing na ring natutulog ang kambal. Napangiti na lang ako saka tinabihan na sila.
(A/N: sorry ang lame, bawi na lang ako bukas)
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top