Chapter 12
Hindi na nakabalik si Xzavier matapos ang gabing iyon. Nag-text siya sa akin na sabihin sa kambal na ilang araw muna siya mawawala dahil may kaunti silang babaguhin at aayusin sa hotel.
Linggo na ngayon at katatapos lang ng misa kaya naman pumara na kami ng tricycle at nagpababa sa tapat ng mall.
Ngayon pa lang ako bibili ng damit na susuotin ko para bukas.
"Alin dito ang mas maganda, this or that one?" Turo ko roon sa peach dress na ang tantiya ko ay baba lang ng aking tuhod.
"Mas bagay po sa 'yo 'yan," turo ni Ainsley sa hawak kong off shoulder.
"No. Mas bagay kay mama 'yong peach." Suhestyon naman ni Aislinn.
Bago pa sila mag-talo ay nagsalita na ako.
"Hep! Ganito na lang, mag jack en poy kayo at kung sino ang manalo siya ang mamimili ng dress ng mama," usal ko at nag jack en poy na sila.
"Yes, I win!" Tuwang-tuwang sabi ni Ainsley.
Since si Ainsley ang nanalo, 'yong napili niyang off shoulder ang binili ko. Mahaba naman ang nguso ni Aislinn nang makalabas kami.
"Don't be sad, Linn. Bibigyan na lang kita mamaya ng favorite kong peach mango pie." Wika ni Ainsley sa kakambal.
"Promise?" Paniniguro ni Aislinn habang nakanguso pa rin.
"Promise. Let's go na, mama." Aniya at hinila na kami ni Aislinn papuntang Jollibee.
"Wait me here, mag-o-order muna ako." Tumango naman sila kaya naman lumakad na ako papuntang counter.
Nang makuha ko na ang order ay lumakad na ako pabalik sa puwesto ng kambal at inilapag na ang pagkain.
"Here oh," gaya ng pangako ni Ainsley sa kapatid ay hinatian niya ito sa pagkain niya.
"Yey! Thank you, Ley!" Masayang wika ni Aislinn at niyakap ang kapatid.
"Ang cute niyong tignan," nakangiting sambit ko habang nakapatong ang baba sa aking palad.
"Let's eat na lang po." Tila nahihiyang usal nila.
Umiling na lang ako at saka kumain na lang. Matapos kaming kumain ay nag-aya ang kambal na mamasyal muna sa Park.
"Mas masaya sana kung kasama natin si papa," nakangusong wika ni Ainsley na sinang-ayunan naman ni Aislinn.
"Wala tayong magagawa kundi ang mag hintay sa papa niyo." Sagot ko.
"Papa!" Mabilis naman akong napalingon sa likuran at nakita ko si Xzavier na nakatayo 'di kalayuan sa amin habang suot ang sobrang lawak niyang ngiti habang nakatingin sa amin.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko nang makalapit ako sa kanila.
"Ayaw niyo bang nandito ako?" Nakangising tanong niya.
"Hindi naman sa ganoon. Hindi ka ba busy?" Tanong ko pa.
"Kaunti na lang matatapos na kami. Makakasama ko na kayo nang matagal." Ika niya. "At once na mangyari 'yon ay isasama ko na kayo sa Manila." Hindi naman ako nakaimik sa huling sinabi niya.
"S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" Utal na tanong ko.
"Of course! Tsaka gusto rin kayong makita ni mommy." Sagot niya.
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Kailanman hindi ko pa nami-meet ang mommy niya. Patago kasi ang relasyon naming dalawa noon at tanging mga kaibigan lang namin ang nakakaalam sa relasyon namin.
"Hey, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Xzavier.
Peke naman akong ngumiti at saka tinanguan siya. "Yeah, medyo kinabahan lang ako," sagot ko.
"About what? Kay mommy? Don't worry, mabait naman iyon eh," pampalubag loob niya.
Huminga na lang ako nang malalim para mapawi ang kaba na nararamdaman ko.
"Bye-bye po, papa!" Ani Ainsley sabay halik sa pisngi ng ama.
"Take care po, papa," at ganoon din si Aislinn.
"Mag behave lang kayo, okay? Bibisita ulit ako kapag may oras ako." Aniya sa kambal at pagkatapos ay bumaling na sa akin.
"So, where's my good bye kiss na galing sa 'yo?" Nakangising saad niya.
Hahalikan ko na sana nang bigla siyang mag salita.
"Close your eyes, twins," aniya.
I rolled my eyes saka lumapit na sa kaniya upang halikan siya.
"Sarap," hinampas ko naman ang dibdib niya at saka sabay na natawa.
"Umalis ka na nga! Mag-iingat ka ha," sabi ko.
"Of course, gagawa pa tayo ng junior eh," bulong niya sa tainga ko kaya muli ko na naman siyang hinampas.
"Ano ba, Xzavier!" Saway ko. "Umalis ka na nga." Tulak ko sa kaniya palabas.
Pinanood lang namin ng kambal ang pag-alis ng sasakyan ni Xzavier.
---
"Wow, naman! Hindi halatang may dalawang anak ah," pabiro kong hinampas ang braso ni Amor.
"Shh! Huwag kang maingay," ani ko at parehong natawa.
Saktong alas siyete ako nakarating dito sa school dahil hinatid ko pa ang kambal kay mama. Gusto nga sana nilang sumama kaso walang magbabantay sa kanila.
"Anong oras pala magsisimula?" Tanong ko.
"Seven thirty raw eh," aniya. "Ay wow!" Nagulat naman ako nang bigla siyang tumili.
"'Yong love birds tignan mo," turo niya kina Dennise at Harold.
Sabay silang naglalakad habang nakalingkis ang braso ni Harold sa baywang ni Dennise. PDA sila masyado ha.
"Dapat pala sinama ko rin si cupcake ko rito." Napangiwi naman ako sa call sign nila ng nobyo niya.
"Aba, subukan mo lang." Banta ko, natawa naman siya.
"Edi tawagin mo rin si Mr. Engineer mo." Aniya.
"Wala, busy 'yon. Tara, salubingin natin 'yong dalawa." Hila ko sa kaniya.
Nang makalapit kami sa kanila ay nakipag-chikahan na lang kami hanggang sa mag-umpisa na ang graduation.
Alas onse y medya nang matapos ang graduation kaya naman nag-aya sina Dennise na mag samgyupsal kami. At nang matapos kami ay nag paalam na kami sa isa't-isa.
Pagkababa ko ng tricycle ay agad na akong pumasok sa loob ng karinderya ni mama at nakita kong kumakain pa lang ang kambal.
"Hi." Bati ko sa kanila sabay halik sa pisngi nila.
"Kain na rin po," napangiti naman ako.
"Already done. May pasalubong nga pala ako sa inyo," kinuha ko ang fried chicken sa bag.
"Wow! Thank you, mama!"
Inawan ko muna sila roon para tulungan si mama.
"Ma," tawag ko sa kaniya.
"Bakit 'nak?"
"Dadalhin na raw po kami ni Xzavier sa Manila pagkatapos ng project niya rito." Usal ko.
"Mabuti kung ganoon para naman tuluyan nang makasama ng kambal ang papa nila." Aniya.
"Eh paano ho kayo?" I mumbled.
Hinawakan naman niya ang balikat ko.
"Huwag mo na akong alalahanin, 'nak, kaya ko na ang sarili ko." Sagot niya.
"Sigurado po kayo ah?" Hinaplos niya ang buhok ko at nilagay ang takas ng strand sa likod ng tainga ko.
"Oo naman, tsaka marami naman akong kasama sa bahay eh," aniya, niyakap ko naman siya.
"Matagal na naman po bago ulit tayo magkikita," natawa naman siya.
"Ano ka ba, anong silbi ng cellphone kung hindi natin gagamitin?" Napanguso naman ako. "O'siya, tama na muna ang drama at mag trabaho muna tayo." Sabi niya saka humiwalay na sa yakap.
Gaya ng palaging ginagawa ni mama ay pinagluluto niya muna kami ng turon bago umalis.
"Ba-bye po, mama-lola, we love you po!" Wika ng kambal saka sabay na hinalikan si mama.
"Mahal din kayo ng lola, mga apo," yakap niya sa mga ito.
"Mag-iingat kayo sa pag-uwi." Baling niya sa akin.
Nginitian ko na lang siya bago sumakay ng tricycle.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top