Chapter 09
Hinabilin ko muna kay mama ang kambal dahil minsan gabi na ako nakakauwi. Next, next week na kasi ang moving-up kaya busy kaming mga teachers sa pag compute ng grades ngayon.
["Mama, hanggang kailan po kami rito kay mama-lola? Miss na po namin ikaw eh,"] bumuntong-hininga naman ako.
"Hindi ko pa alam eh, miss na rin kayo ng mama," sagot ko.
["Miss na rin po namin si papa."] Sabi naman ni Aislinn.
Isa rin pala 'yon, last na usap namin noong isang araw pa. Gusto niyang kausapin noon ang kambal kaso nga naroon sila kay mama noon. Nasabi niya rin sa akin na sunod-sunod 'yong mga nangyayari sa site kaya naging busy siya nitong mga nakaraang araw.
"Gusto niyo bang sumama sa akin bukas sa school?" Tanong ko sa kambal. Wala na rin naman ako masyadong gagawin bukas dahil patapos naman na ako sa ginagawa ko.
["Opo, mama, sama po kami!"] Sabay na sagot ng kambal.
"Oh, sige, pero dapat maaga kayong mag-gayak para kapag dating ko riyan ay diretso alis na tayo." Sabi ko.
["Noted po, mama!"]
"I love you, twins." I said.
["We love you too, mama!"] Napangiti naman ako at saka binaba na ang tawag.
Huminga muna ako nang malalim bago simulan ang pag-gawa ng grades at pati na 'yong pinapagawa ni ma'am principal. Kailangan ko nang matapos ito ngayon para ma-i-submit ko na sa kaniya bukas.
Pagkalipas ng ilang oras ay sa wakas natapos na rin ako. Tinanggal ko ang anti-rad na salamin ko at saka minasahe ko ang batok ko.
Napatingin naman ako sa orasan, malapit na palang mag-twelve kaya naman inayos ko na muna ang mga gamit ko bago matulog.
"Kumain ka muna bago kayo umalis." Ani mama at nilapag ang plato sa harapan ko.
Wala na akong nagawa kundi kainin na lang dahil pagagalitan ako nito kapag hindi ko ginalaw ito.
At nang matapos akong kumain ay nilagay ko na ang plato sa lababo at nag paalam na kay mama.
"Mag-iingat kayo ha?" Aniya.
Tinanguan ko na lang ito saka tuluyan na kaming lumabas ng bahay.
"Oh my! Hello kambal!" Salubong sa amin ni Amor nang makita kaming papasok sa faculty.
"Hello po, tita Amor!" Bati ni Ainsley sa kaniya samantalang kinawayan naman siya ni Aislinn.
"Ang cute niyo talagang dalawa." Aniya at pinanggigilan ang dalawa. "Mabuti naman at naisipan mong dalhin sila rito," baling sa akin ni Amor.
"Ilang araw ko na silang hindi nakakasama eh, so I decided na dalhin sila rito since wala naman na akong gagawin." Sagot ko.
"Tapos ka na gumawa ng grades?" Tanong niya, tumango naman ako. "Awiee! Send kasipagan naman diyan!" Mahina naman akong tumawa.
"Need help?" I asked.
"Hoy, gagi! Joke lang 'yon!" Sabi niya saka tumawa.
Tahimik lang ang kambal sa tabi ko habang kumakain ng baon nilang biscuit at chichirya.
"Uminom kayo ng tubig after niyong kumain, okay?" Tumango naman sila pareho.
"Stay here, ibibigay ko muna ito kay ma'am principal." Bilin ko sa dalawa.
Hindi ako sinagot ng dalawa kaya naman lumakad na ako papunta sa office ni ma'am principal.
"Good morning po, ito na po 'yong pinapagawa niyo sa akin." Magalang na bati ko.
"Oh, thank you. Paki-lapag na lang diyan," she said.
Lumabas na ako sa office nang mailapag ko 'yong folder. At pagbalik ko sa faculty ay narinig kong hinahanap ako ni Ainsley kay Harold.
"'Yan na pala siya oh," ika niya kaya napunta sa akin ang tingin ni Ainsley.
"Saan ka po galing?" Tanong nito.
"Hindi ba at nag paalam ako sa inyo kanina?" Nagtatakang tanong ko.
"Hindi ko po narinig," mahina naman akong tumawa.
"Paano mo ako maririnig eh busy kayong dalawa sa pagkain at panonood." Sagot ko.
"Ay, sorry po," hindi na ako nakapagpigil na pisilin ang pisngi niya.
Wala na akong gagawin ngayon kaya naman sinamahan ko na lang ang kambal sa panonood. Pero minsan ay tinutulungan ko sina Amor at ang iba pang teacher na gawin ang ibang pinapagawa sa kanila.
At pagpatak ng alas dose ay inaya ko na ang kambal papuntang Cafeteria para kumain. Sinama na rin namin sina Amor at Dennise kaya naman lima kami sa isang table.
"Mabuti hindi sila maarte sa ulam, 'yong mga pamangkin ko sobrang arte, as in. Hindi sila kakain kapag hindi hotdog or tocino ang nasa hapag." Pag-kwento ni Dennise.
"Benta mo na mga pamangkin mo para wala ka nang problemahin." Tatawa-tawang sabi ni Amor.
"Kung p'wede lang edi sana matagal ko nang ginawa." Sagot naman ni Dennise.
Napasulyap naman ako sa kambal at busy lang ang mga ito sa pagkain at walang paki sa paligid.
"Mama, p'wede po ba kaming mag laro roon?" Turo ni Ainsley sa maliit na play ground nitong school.
"Later na, 'nak, katatapos niyo lang kumain." Sabay naman silang sumimangot.
"Okay po," sagot nila.
"At masunurin din. Hanga na talaga ako sa 'yo, Elara." Pumalakpak pa ang dalawang loka-loka.
"Mga baliw! Mararanasan niyo rin ito sa susunod." Natatawang sabi ko.
"Nagdadalawang isip nga ako kung mag-aanak ba ako o hindi na eh," ani Dennise.
"Bakit naman?" Sabay naming tanong ni Amor.
"Kasi 'di ba ang sabi nila kapag manganganak ka, 'yong isa mong paa ay nasa hukay na?" Ika niya.
"Oo, pero masaya rin kapag may anak ka, nakakatanggal ng stress." Sagot ko.
"Nga pala, Lars, sino ang kasama mo noong pinagbubuntis mo 'yong kambal?" Tanong ni Amor.
"Si mama," mabilis na sagot ko.
"Eh 'yong papa nila?" Tanong naman ni Dennise.
"Nasa Manila siya that time." Sagot ko.
"Ano'ng itsura ng papa nila? Curious ako eh," sabi niya saka natawa.
"Same. Kasi feeling ko maganda lahi niya eh, 'yong kambal na 'yong magsisilbing proof." Wika naman ni Dennise.
"Xzavier, Xzavier Aiden Ventorina is his full name." Sagot ko, nagkatinginan naman silang dalawa.
"'Yong poging engineer?!" Sabay at gulat nilang tanong. Tumango-tango naman ako.
"Owemji! Jackpot ka, ma'am Lars!" Ika ni Amor.
"Sira! Ex-boyfriend ko siya noong college." Sabi ko na mas lalo nilang kinagulat.
"So, bakit kayo nag-break?" Nakagat ko naman ang labi ko sa tanong ni Dennise.
Hindi ko kayang sabihin sa kanila ang dahilan lalo na't narito ang kambal. Okay na silang mag-aama kaya ayokong sirain 'yon.
"U-Uhmm, o-okay lang kung hindi ka kumportableng sabihin, we understand naman eh." Sabi ni Amor.
---
"Mama, punta po tayong mall," wika ni Ainsley habang nag-aayos ako ng gamit.
"Okay, pero tulungan niyo muna si mama na magligpit para maka-alis na tayo agad," mabilis naman silang kumilos para tulungan ako.
Paglabas namin ng gate ay natanaw ko agad ang pamilyar na sasakyan 'di kalayuan mula sa puwesto namin.
"Mama, si papa!" Turo ni Ainsley kay Xzav nang bumaba ito sa sasakyan niya.
Bumitaw naman silang dalawa sa akin upang puntahan ang papa nila.
"We really miss you po papa," rinig kong sambit ni Aislinn habang nakayakap kay Xzavier.
"I miss you, too." Tugon ni Xzavier at saka saglit na sumulyap sa akin.
"Hindi na po kayo busy?" Umiling naman si Xzavier. "Ibig sabihin po ba niyan..." inunahan na niya ang sasabihin ni Ainsley.
"Yes ,sweetie, may time na ako para maipasyal kayo." Nagtatalon naman sa tuwa 'yong dalawa na akala mo ay nanalo sa lotto.
Pinasyal namin ang kambal sa tagaytay kaya naman bagsak sila noong umuwi kami ng bahay.
"Malalim na ang gabi, dito ka na matulog." Pigil ko nang akmang lalabas na siya ng bahay.
"Are you sure?" I nodded. "Okay, sa sofa na lang ako matutulog." Sabi niya.
"Ayaw mo sa kama kasama namin?" Tanong ko.
"Okay lang ba sa 'yo?" Tanong pa niya.
"Aalokin ba kita kung hindi okay sa akin?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Sabi ko nga." He chuckled.
"Iyon na 'yong tuwalya, mag linis ka na rin ng katawan mo para makatulog na tayo." Sabi ko, tumango naman siya bago pumasok sa banyo.
Matapos ang ilang minuto ay lumabas na siya ng banyo suot ang color purple na pangtulog ko. Ang cute niyang tignan diyan.
"Let's go to sleep na," sabi ko.
Medyo may kalawakan naman itong kama namin kaya kasyang-kasya kaming apat dito.
"Good night, Elara." Ngiti lang ang tinugon ko sa kaniya bago ako tuluyang lamunin ng antok.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top