Chapter 08

Ilang araw na ang lumipas simula noong makilala ng kambal ang papa nila. Matapos noong linggong iyon ay naging busy si Xzavier dahil inumpisahan na nila 'yong paggawa ng hotel. Sa pagkaka-alam ko ay sobrang laki raw ng hotel na iyon kaya sigurado akong aabutin ng ilang buwan 'yon bago matapos.


Kahit na sobrang busy niya ay nagagawa pa rin niyang sumama magsimba. Naging hobby na namin iyong apat. At habang tumatagal din ay unti-unti nang nasasanay si Aislinn sa presensya ni Xzavier. Kung dati ay tumitingin pa siya sa akin para sabihan na lapitan niya si Xzav, ngayon naman ay kusa na siyang tumatakbo upang lapitan ang papa niya.


Natutuwa akong makita silang masaya kapag kasama nila ang papa nila.


["Eh kayo ni Xzavier, okay na kayo?"] Tanong ni Lina mula sa kabilang linya.


"Oo naman, okay na kami." Sagot ko.


["So, may chance?"] Kumunot naman ang noo ko.


"Chance?" Takang tanong ko.


She sighed. ["Na maging kayo ulit, duh!"]


"Mukhang malabong mangyari 'yan." Sabi ko.


["Hindi mo sure, gaya nga ng kwento mo sa akin dati sobrang caring niya sa inyo mag-ina, 'di ba? Tapos ikaw rin may sabi na nahuhuli mo siyang nakatitig sa 'yo."]


"Hindi ko naman kasi nilalagyan ng meaning 'yon eh," sabi ko naman.


["Hay nako ka! Iwasan mo ngang maging manhid, Elara."] Kunwaring galit na sabi niya.


"Oo na lang." Natatawang sagot ko bago mag paalam sa kaniya.


Matapos kong ibaba ang tawag ay narinig ko ang tawag sa akin ni Ainsley.


"Sali ka po sa amin, mama." Saad niya.


"Ano namang laro?" Tanong ko rito nang makalapit ako sa puwesto nila.


"Habulan po," si Aislinn sumagot.


"Rock, paper, scissor po tayo para kung sino ang naiiba siya ang taya." Ani Ainsley.


"Rock, paper, scissor... shoot!" Tatlo kaming bato nina Ainsley at gunting naman si Xzavier.


"Taya si papa! Run!" Naunang tumakbo 'yong kambal kaya naman sa akin napunta ang tingin ni Xzavier.


Mabilis akong tumakbo nang sa direksyon ko siya pumunta. Siraulong 'to, hindi mo ako mahahabol.


Huminto ako sandali nang makita kong 'yong kambal naman ang hinahabol niya.


"Ang daya mo, papa," nakangusong reklamo ni Ainsley nang mataya siya ni Xzavier. Natatawa naman akong umiling.


Nakangiti ako habang malaya silang pinapanood na mag habulan. At nawala iyon nang pareho silang napatingin sa gawi ko na parang may balak gawin.


Nagsimula ulit akong tumakbo nang tumakbo muli si Xzavier papunta sa akin. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa mataya niya ako.


"Paano ba 'yan?" He teased.


Inirapan ko na lang siya at saka mabilis nang tumakbo para tayain siya.


"Go mama!" Pag-cheer sa akin ni Aislinn.


"Go papa!" Cheer naman ni Ainsley sa papa niya. Tss.


Mas binilisan ko pa ang takbo ko kaya naman sobrang tuwa ko nang mataya ko si Xzavier.


"Paano ba 'yan?" Pang-gagaya ko sa sinabi niya sa akin kanina.


Tawa ako nang tawa habang tumatakbo dahil hingal na hingal na siya pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag habol sa akin.


"Suko na, Xzav." Pang-aasar ko rito.


Habang tumatakbo ako ay hindi ko napansin 'yong maliit na bato kaya naman natalisod ako. Mabilis ang pangyayari, nasa ibabaw ko na ngayon si Xzavier at kapwa kami nakatitig sa isa't-isa. Nakita kong napalunok siya nang dumapo ang tingin niya sa labi ko.


Kailan ba ang huling beses kong nahalikan ang labi niya? Ganoon pa rin kaya siya humalik o mas gumaling pa siya ngayon?


Napailing naman ako na iniisip ko. Ano ka ba naman, Elara, umayos ka nga.


Napatingin akong muli sa mata ni Xzav at kita ko kung gaano siya kasabik halikan ako. Dahan-dahan niyang nilalapit ang ulo niya sa akin kaya naman kusang pumikit ang mga mata ko at hinihintay na lumapat ang labi niya sa labi ko.


Mabilis akong napamulat nang marinig ko ang boses ni Ainsley kaya naman agad kong tinulak si Xzavier paalis sa ibabaw ko at saka pinagpagan na ang damit ko nang makatayo ako.


"Gusto ko po ng ice ream," she said while pouting.


"Ako naman po gusto ko ng cotton candy." Segunda naman ni Aislinn.


"Okay, sasamahan namin kayo ni papa." Nagtatalon naman sa tuwa ang kambal.


Naramdaman kong nakatingin sa akin si Xzavier kaya naman agad akong nailang. Nakakahiya 'yong kanina! Pero may part sa akin na nadismaya dahil hindi natuloy 'yong kiss namin kanina. Shete! Nababaliw na ako.


At nang hapon ay hinatid na kami pa-uwi ni Xzavier.


"Ingat ka sa pagd-drive." Ani ko saka kinawayan ito.


Nginitian na lang niya ako bago paandarin ang sasakyan niya at umalis na.


At matapos ang araw na iyon ay bumalik na si Xzavier sa pagiging busy sa site. Ganoon din ako dahil nalalapit na ang end of school year.


Finally, makakapag-pahinga na rin ako sa wakas. Mas matututukan ko na ang kambal at matutulungan ko na rin si mama sa karinderya niya.


"Mama, miss ko na po si papa," yumakap sa baywang ko si Ainsley habang naghuhugas ako.


Binanlawan ko muna ang kamay ko at saka umupo para mag pantay kaming dalawa.


"Anak, sobrang busy kasi ngayon ang papa mo kaya minsan na lang siya makasama sa atin." Paliwanag ko rito.


"Kailan po siya hindi magiginh busy?" Tanong niya.


"Iyan ang hindi ko alam, 'nak eh," sagot ko.


"Sana next time hindi na siya busy para makapag-bonding po ulit tayo," sabi niya bago ako iwan sa kusina.


Bigla naman akong nakaramdam ng awa para sa kanila. Wala man lang akong magawa para mapasaya sila. Gusto ko nga sanang tawagan si Xzavier kaso baka nasa trabaho pa ito at makaistorbo lang ako sa kaniya.


Tinapos ko na lang ang paghuhugas at pinuntahan na ang kambal sa sala.


"Gusto niyo bang tawagan natin si papa niyo?" Mabilis naman silang napalingon sa akin. Bahala na nga, hindi ako sanay na ganito ang kambal eh.


Pinakuha ko naman 'yong cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at dinial na ang number ni Xzavier. Naka-ilang ring pa muna ito bago niya sagutin.


["Hey, I'm sorry kung naging busy ako this past few days, may nangyari kasi sa site eh."] Paliwanag niya.


"It's okay. Anyway, gusto ka nga palang maka-usap ng kambal." Sabi ko at inabot na kanila ang cellphone.


"Hi, papa! We miss you na po," nakasimangot na sabi ni Ainsley.


["I miss you too. Busy kasi ang papa kaya hindi ko muna kayo maipapasayal sa ngayon. But don't worry, kapag hindi na ako busy pupuntahan natin lahat ng gusto niyong puntahan."] Sabi niya sa dalawa.


"Promise mo po 'yan ha?" Si Aislinn.


["Yes, sweetie, I promise..."] sagot niya.


"Keep your promise, Xzav." Banta ko sa kaniya.


Narinig ko naman siya natawa. ["Of course,"]


"Bye, papa! We love you po," sabay na wika ng kambal.


["I love you too, my lovely girls."] Tugon niya bago tuluyang ibaba ang tawag.


"Mama, thank you po." Sabay nilang hinalikan ang pisngi ko.


Napangiti naman ako. "I love you too, my angels." Sabi ko at pinatakan ng halik ang kanilang noo.


–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top