Chapter 07
Since sabado ngayon, narito ulit kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Kasama ko ang kambal sa pagkuha at paghatid ng order ng mga customer.
"Tawagin mo na muna ang kambal at kumain muna kayo." Sabi ni mama kaya naman tinawag ko na muna 'yong kambal.
Wala pa naman masyadong customer dahil alas diyes pa lang. Ganitong oras kami kumakain dahil pagpatak ng alas onse ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga customer.
"Mama," pagtawag sa akin ni Aislinn.
"Ano 'yon, anak?" Tanong ko.
Umiling naman siya. "Wala po pala," usal niya bago mag patuloy sa pagkain.
"Tell her na, Aislinn." Wika ni Ainsley sa kapatid.
"Ikaw na kasi mag sabi, nahihiya ako eh," natawa naman ako sa binulong ni Aislinn kay Ainsley.
"Bakit ka naman nahihiya?" Balik namang bulong ni Ainsley.
"Ano ba kasi 'yong sasabihin niyo?" Napunta naman sa akin ang tingin nila.
"Pwede po ba nating isama si papa bukas mag simba?" Sabay na tanong nila.
"Pwede naman but we need to ask him muna kung gusto ba niyang sumama," sagot ko.
"I'm sure papayag 'yon!" Sambit ni Ainsley.
"Teka, try nating tawagan." Sabi ko at mabilis na dinial ang number ni Xzavier.
["Yes?"] Binigay ko sa kambal ang cellphone ko nang masagot na ni Xzavier. Ni-loud speaker ko muna iyon para marinig ko rin kung ano ang isasagot niya.
"Hello po?" Aislinn said in politely.
["Oww hi?"]
Tumingin naman sa akin si Aislinn at parang humihingi ng tulong kung ano ang sasabihin niya.
"Tell him your name." Bulong ko.
"Ako po si Aislinn, uhmm..."
Inagaw naman ni Ainsley ang phone kay Aislinn.
"I'll do it. Hi papa! Gusto mo po bang sumama sa amin bukas sa church?" Napailing na lang ako sa inakto niya.
["Payag ba ang mama niyo?"] Tanong niyo kaya naman nakisali na ako sa usapan nila.
"Do I have a choice? Kanina pa kaya ako kinukulit nitong dalawa na gusto ka na raw nilang makita." Sabi ko.
He chuckled. ["Alright. Sakto wala akong gagawin bukas kaya sasama ako."] Nagdiwang naman ang kambal dahil sa narinig.
Nag paalam muna ako sa kanila na tutulong muna kay mama at saka hinayaan na muna silang makipag-kulitan sa papa nila.
"Ayos na sila ng kambal?" Tanong ni mama.
"Opo, ma, kausap nga nila ngayon eh," sagot ko. "Kumain na po ba kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Hindi pa nga eh," sagot niya.
"Kumain na po muna kayo at ako na po muna ang bahala sa mga customers natin." Sabi ko.
"Sigurado ka?" Tumango naman ako. "Oh, sige, bibilisan ko na lang kumain para may kasama ka." Usal niya.
Sa gitna ng pag-aasikaso ko ng mga customer ay nilapitan ako ng kambal at binigay na sa akin ang cellphone ko.
"Kumusta ang pag-uusap niyo?" Tanong ko sa mga ito.
"Ang bait niya po tsaka ang ganda po ng boses niya." Bungisngis ni Ainsley.
"Ikaw talagang bata ka," sabi ko sabay gulo ng buhok niya. "How about you, Aislinn?" Baling ko naman sa kaniya.
"Nakikinig lang po siya sa amin ni papa, hindi po siya nagsasalita." Si Ainsley ang sumagot.
"I'm shy, okay?" Nguso ni Aislinn.
"Why? Papa naman natin 'yon eh," sagot naman ni Ainsley.
"Enough na 'yan. Tulungan niyo na lang si mama mag-asikaso ng customers." Sabay naman silang nag-opo.
At pagsapit ng hapon ay sinama ko na pa-uwi ang kambal. Habang nagluluto ako ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila.
"Bukas yayakapin ko agad si papa kapag nakita natin siya," sabi ni Ainsley. "Ikaw ba?"
"I don't know." Sagot naman sa kaniya ni Aislinn.
"Oh c'mon, Aislinn, you should hug him too!" Ainsley said while holding her sister's shoulder. "Don't tell me nahihiya ka pa rin," nakasimangot na sabi niya.
"Okay, okay, hindi na ako mahihiya sa kaniya." Sagot ni Aislinn.
"Good!"
Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Para silang hindi five years old kung mag-usap eh. Tinapos ko na lang ang niluluto ko saka tinawag na ang kambal.
"Mama, matutulog na kami after naming mag-toothbrush." Nabigla naman ako sa sinabi ni Ainsley.
"Hindi na kayo manonood ng adventure time?" Tanong ko sa kaniya, natigilan naman siya at matagal na hindi nakasagot.
"May next Saturday pa naman po eh," sagot nito.
"Are you sure?" Paniniguro ko.
"Sure na sure po, mama." Desididong sagot niya.
"Okay, kami na lang ang manonood ni Aislinn, right love?" Tumango-tango naman si Aislinn.
Mukha namang natatae ang mukha niya kaya tumawa ako nang malakas.
"Mama naman eh!" Nakangusong sabi niya kaya mas lalo akong natawa. "Susumbong kita kay papa," aniya at nag simula nang umiyak.
Natatawa naman akong tumayo at nilapitan siya.
"Hey, binibiro ka lang ng mama," natatawang sambit ko.
"Ang bad mo mama," hinigpitan ko naman ang yakap ko sa kaniya.
"Okay, I'm sorry. Bati na tayo, okay? I love you." Sabi ko sabay halik sa tuktok ng ulo niya.
"I love you too, mama," napangiti naman ako.
Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya at saka hinalikan ito. Matapos 'yon ay bumalik na ako sa upuan ko at tinapos na ang pagkain ko.
At nang matapos kaming kumain, naghugas na ako at nang matapos ay nilinisan ko na ang lababo bago tumungo sa banyo upang mag linis ng katawan.
Paglabas ko ng banyo ay nanonood na 'yong kambal ng paborito nilang cartoons kaya naman mabilis ko na silang tinabihan.
"Good night, mama." Sabay nilang hinalikan ang pisngi ko.
"Good night my loving angels." Tugon ko at hinalikan sila pareho.
Next morning, naunahan akong gumising ng kambal kaya naman pinugpug nila ng halik ang mukha hanggang sa magising ako.
"Good morning. Ang aga niyo ah," sabi ko.
"Mag sisimba po tayo ngayon kaya dapat maaga tayo," sagot ni Ainsley.
"Okay, kunwari hindi ko alam na excited kayong makita ang papa niyo." Natatawang sambit ko.
Binabantayan lang nila ako habang nagluluto ako at nang sabihin ko malapit nang maluto ay nagtulungan silang naghanda ng plato at kutsara namin.
Tinignan ko silang dalawa habang busy sila sa pagkain.
"Finished!" Nakangiting sambit ni Ainsley at tumayo na para ilagay sa lababo ang plato niya.
"Finished na rin po ako, mama," pinakita na sa akin ni Aislinn ang plato niyang wala nang laman.
Binilisan ko na lang din ubusin 'yong kape ko at hinugasan na 'yong mga ginamit namin. Naliligo pa 'yong kambal kaya nag linis muna ako ng bahay at saktong paglabas nila ay tapos na rin akong mag linis kaya naman nag pahinga ako saglit bago pumasok sa banyo para maligo.
"Papa!" Sigaw ni Ainsley nang makita niya si Xzav sa tapat ng simbahan.
Nag-squat naman si Xzavier upang salubingin ang yakap ni Ainsley. Nakita ko naman ang panunubig ng mata ni Xzav.
"Join them," sabi ko kay Aislinn na nakatayo sa gilid ko. Tumango naman siya saka nag lakad palapit kina Ainsley.
Bago pa sila mag-iyakan ay agad ko na silang nilapitan at inaya na sa loob.
"Thank you." Nginitian ko na lang si Xzav.
Pinagitnaan namin ni Xzavier ang kambal, katabi niya si Ainsley samantalang katabi ko naman si Aislinn. Tahimik lang ang mga ito hanggang sa matapos ang misa.
"Saan tayo?" Tanong sa akin ni Xzavier.
"Ask them," sagot ko kaya naman hinarap niya ang kambal na busy sa pagkain ng cotton candy.
"Time zone!" Buong galak na sagot nila.
"Okay, so let's go?" Inaya na niya kaming sumakay sa sasakyan niya.
Sa passenger seat ako pumwesto samantalang tahimik naman ang kambal sa likod.
Pagkarating namin sa mall ay dumiretso na agad kami sa time zone at unang pinuntahan ng kambal ay ang claw machine.
"Papa, kaya mo po bang kunin 'yon?" Turo ni Ainsley sa marceline stuff toy. "Tapos 'yon din po para kay Aislinn." Turo ulit niya sa princess bubblegum stuff toy.
"Of course, I can! Watch and learn." Aniya at nag insert na ng token.
Wala pang ilang minuto ay nakuha na niya 'yong marceline stuff toy at binigay na ito kay Ainsley. Tuwang-tuwa naman niya itong niyakap. Sunod naman niyang kinuha ay 'yong princess bubblegum stuff toy. Gaya kanina ay wala pang ilang minuto ay nakuha niya na ito at binigay naman kay Aislinn.
Napangiti naman ako. Ang tagal na panahon na ang lumipas pero ang galing pa rin niya riyan.
Nang magsawa sila sa claw machine ay nag-aya naman si Ainsley sa basket ball. Nag-i-enjoy akong panoorin sila kaya naman nilabas ko ang cellphone ko para kuhanan sila ng litrato at pinost ko ito sa aking ig story na may caption na 'my treasure'" unang nakakita nito si Lina kaya naman tinadtad niya ako ng maraming chat. Mamaya ko na lang siya rereplyan.
"Thank you for this day, Elara." Ani nito nang maihatid kami.
"Thank you rin dahil napasaya mo kami ng kambal." Nakangiting sagot ko rito.
"Anything for my girls." Mas lumawak ang ngiti ko at nilapitan siya para yakapin siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi naglaon ay niyakap niya rin ako pabalik.
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top