Chapter 06

Humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin at nag paalam nang magluluto na ng kakainin namin. Naghintay na lamang ako sa sala habang hinihintay siyang matapos mag luto.


At matapos ang ilang minuto ay tinawag niya na ako mula sa kusina.


"Let's eat, the food is ready." He said then smiled at me.


Tahimik lang akong kumakain dahil wala naman akong sasabihin. While him, tingin nang tingin sa akin na para bang may kung ano sa mukha ko.


"May sasabihin ka ba?" I asked.


He shook his head. "None, na-aamaze lang ako sa kagandahan mo," nasamid naman ako sa sinabi niya.

Natatawa naman niya akong inabutan ng tubig. Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman tumigil siya sa pag tawa.


"May picture ka ba ng kambal?" Tanong nito, tumango naman ako.


"Yeah, sobrang dami," sagot ko. "Ipakita ko sa 'yo mamaya after nating kumain," I added.


"May extra akong toothbrush doon sa banyo, iyon na lang ang gamitin mo," saad niya, tumango na lang ako at saka ngitian muna siya bago tumungo sa banyo.


He said na siya na raw ang bahalang mag huhugas ng pinakainan namin kaya hinayaan ko na lang siya. After kong mag-toothbrush ay tumanaw ako sa bintana ng condo niya at mas lalo yatang lumakas ang ulan.


"Mas lalong lumakas 'yong ulan," napatingin naman ako sa nag salita sa likuran ko. Nakatingin din siya sa labas.


"Wait here, ihahanda ko muna 'yong guest room na pagtutulugan mo." Sabi niya bago ako talikuran.


Naisipan kong manood muna habang hinihintay siyang bumalik.


"Buti naman at naisipan mong manood muna," busy ako sa panonood kaya hindi ko namamalayang nasa tabi ko na pala siya.


Paglingon ko sa kaniya, napalunok ako nang makitang sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Gusto kong ilayo ang mukha ko pero hindi ko naman maigalaw ang ulo ko.


Dumapo ang paningin ko sa mata niya na animoy hinihipnotismo ako. Isa ito sa nagustuhan ko sa kaniya dati. Bukod sa magaganda niyang mata ay makapal din ang kilay niya na sumakto sa kaniyang perpektong mukha.


"Easy ka lang baka matunaw ako," naputol ang pagpapantasya ko sa kaniya nang bigla siya mag salita.


Mabilis naman akong lumayo at umusog nang kaunti.


"A-Ahh... m-matutulog na ako, g-good night!" Utal na saad ko bago nagmamadaling tumakbo papuntang guest room.


Pagkapasok ko ay agad akong sumandal sa pintuan at napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong para itong nakikipag-karera sa sobrang bilis ng pagtibok.


Limang taon na ang lumipas pero sa kaniya pa rin talaga tumitibok nang ganito kabilis ang puso ko.


Bago ako makapunta sa kama ay napansin ko ang malalakas na kulog at kidlat sa labas. Napatingin naman ako sa pintuan at saka bumilang ng lima pero hindi pa ako nakakatatlong bilang nang bigla itong bumukas at inuluwa noon si Xzavier.


Pilihim naman akong natawa. Ang tanda niya na pero takot pa rin siya sa kulog.


"A-Anong ginagawa mo rito?" Nagkunwari akong nabigla sa pagpasok niya.


"Can I sleep here?" Tanong niya.


"Why?" Balik na tanong ko.


"Please?" Bumuntong-hininga ako bago tumango.


Kita ko kung paano lumiwanag ang mukha niya bago pumunta sa kama at humiga na. Wala na rin akong nagawa kundi ang humiga na rin.


"May nakakalimutan ka," binigyan ko naman siya nang nagtatakang tingin. "Hindi ba at ipapakita mo sa akin 'yong picture ng kambal?"


"Oo nga pala," natampal ko na lang ang noo ko.


Kinuha ko ang phone ko sa may lamesa at bumalik na sa pagkakahiga sa tabi niya.


"'Yan sila," bigay ko sa kaniya noong phone ko.


"What is their name?" Tanong niya habang nasa cellphone pa rin ang atensyon.


"Ainsley and Aislinn," sagot ko.


"Let me guess, this is Ainsley?" Turo niya kay Aislinn.


I chuckled. "Mali, that's Aislinn. Ito si Ainsley," turo ko kay Ainsley na nakahawak sa kahoy.


"Wait, siya 'yong naka-usap ko dati sa mall?" Tumango naman ako.


Nagkwento lang ako nang nagkwento tungkol sa kambal.


"Favorite rin nilang dalawa 'yong adventure time," pagkwento ko pa.


"Tell me more about them," nakapikit na sabi niya.


"Saka na ulit 'yong iba, matulog na tayo." Sabi ko.


"Please..."


"Bahala ka, matutulog na ako." Ani ko at tinalikuran na siya.


Nagitla ako nang umusog siya palapit sa akin at mahigpit akong niyakap.


"Let's stay like this until tomorrow morning." Saad niya. May ngiti naman sa labi ko bago ako lamunin ng antok.


Kinabukasan ay maaga akong nagpahatid kay Xzav sa bahay dahil ang sabi ko ay may pangako ako sa kambal.


"Are you sure hindi mo ako isasama?" Tanong nito.


"I will text you na lang kapag okay na lahat." Nakangiting sabi ko.


"Don't worry, hindi ka na namin tataguan." Sambit ko bago tuluyang bumaba ng sasakyan niya.


Hinintay ko munang makaalis siya bago ako pumasok sa loob ng bahay. Nang makapasok ako ay kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at agad na tinawagan si Lina.


"Hello, Lina..." bungad ko.


["Good morning..."] inaantok na sabi niya.


"Same to you. Anyway, hindi na kami lilipat ng kambal," usal ko.


["Bakit? Paano kapag-"] I cut her.


"Okay na kami," sabi ko.


["Nino? Ni Xzavier?"] Nag 'oo' naman ako. ["Oh my gosh, congrats!"]


"Tsaka sasabihin ko na rin sa kambal mamaya, wish me luck." Ani ko at mahinang tumawa.


["Gaga! Pero, I'm so happy for you! Kasi finally hindi ka na duwag,"] bwisit na 'to.


"Ah okay, bye!"


["Oy hala! Joke lang naman 'yon!"]


"Ba-bye na nga eh, pupunta pa ako kina mama ngayon." Sabi ko.


["Ay okay, i-kiss mo na lang ako kambal ha?"]


"Oo na, bye!" Sabay patay ng tawag.


Papasok na ako sa banyo nang ma-realize kong suot ko pa rin 'yong pantulog ni Xzavier. Napangiti naman ako bago ito hubarin.


Matapos akong makapag gayak ay pumara na ako ng tricycle papunta kina mama. Malayo pa lang ako pero tanaw ko na ang kambal sa labas ng bahay ni mama na parehong may hinihintay.


Kaya naman nang huminto ang tricycle sa tapat nila ay agad silang lumapit sa akin at niyakap ako.


"Teka lang naman mga anak hindi pa nakakapagbayad si mama," natatawang sabi ko sa kanila.


Nang makapagbayad ako ay hinila nila ako paupo at pinugpug ng halik ang buong mukha ko.


"Ang sweet naman ng dalawang anghel ko," ani ko at hinalik-halikan din sila.


"Saan si mama-lola?" Tanong ko sa kaniya.


"Nasa kusina po, nagluluto." Sagot naman ni Ainsley.


"Okay, pasok na tayo sa loob." Aya ko sa kanila.


Iniwan ko muna ang kambal sa sala at pinuntahan ko si mama. Busy ito sa pagluluto kaya hindi niya ako napansin. Niyakap ko siya sa baywang na ikinagulat naman niya.


"Ma, magkasama po kami ni Xzavier kagabi at nasabi ko na rin po sa kaniya 'yong tungkol sa kambal." Napabitaw naman ako sa kaniya.


"Ano ang reaksiyon niya?" Tanong niya.


"Gusto niya pong makita ang kambal pero ang sabi ko sa kaniya ay bigyan niya muna ako ng kaunting oras para masabi sa kambal." Sagot ko.


"Kailan mo balak sabihin sa kambal?" Tanong pa nito.


"Ngayon na rin po, ma." Sagot ko.


"Eh ano pang hinihintay mo? Puntahan mo na ang kambal nang masabi mo na kanila ang tungkol sa papa nila." Tulak niya sa akin papuntang sala.


"Mga anak," tawag ko sa kanila. "May sasabihin si mama sa inyo," panimula ko.


"Ano po 'yon, mama?" Tanong naman ni Ainsley.


"Remember the guy at the mall?" Tumango naman sila. "He... he is your father," nanlaki naman ang mata ni Ainsley samantalang wala namang imik si Aislinn.


"Aislinn, aren't you happy? 'Yong engineer daw 'yong papa natin!" Buong galak na sabi ni Ainsley sa kapatid.


"Aislinn!" Tawag ko rito nang bigla itong tumakbo papuntang kuwarto.


"Kailan po namin siya makikita ulit?" Tanong sa akin ni Ainsley.


"Soon, anak. Excuse me for a while, kakausapin ko muna ang kapatid mo." Tumango naman siya.


"Aislinn..." tawag ko sa kaniya. "Anak, are you mad at me?" Tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot.


"Anak, hindi ko naman intensyon na itago sa inyo eh, napangunahan lang ng takot ang mama kaya hindi ko nagawang sabihin kaagad sa inyo." Paliwanag ko.


"Gusto ko po siyang makilala," maya-mayang sabi niya.


Kinabig ko naman siya upang mayakap.


"Hindi ka galit sa mama?" Tanong ko, umiling naman siya.


"Nagtampo lang po," she said while pouting.


Humiwalay naman ako sa kaniya at saka tinap ang ilong niya bago halikan sa noo at muli siyang niyakap.


-Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top