Chapter 04

Naka-ilang balikwas ako sa kama dahil hindi pa rin maalis sa isip ko kung paano at saan niya nakuha ang number ko. At saka bakit niya gustong makipag-kita? Tatanungin niya 'yong about sa kambal? No way! Kahit na ano pang sabihin niya, hinding-hindi ako magsasalita about sa kambal.


Bumangon muna ako upang uminom ng tubig at pagbalik ko sa kuwarto ay himbing na himbing pa rin ang tulog ng kambal. Tinabihan ko na lang ulit sila at saka pinilit nang matulog.


Kinaumagahan, maaga ko silang hinatid kay mama at doon na pinakain.


"Sigurado ka bang hindi ka na kakain?" Tanong sa akin ni mama.


Umiling naman ako. "Doon na lang po ako kakain sa school," sagot ko.


Matapos akong makapag-paalam sa kambal ay nagtawag na ako ng tricycle at saka nagpababa sa coffee shop na malapit lang sa school. Maglalakad na lang ako mamaya.


Pagpasok ko sa coffee shop ay agad na akong nag-order ng isang espresso at isang cinnamon roll. Humanap na agad ako ng mauupuan nang makuha ko na ang order ko.


Tahimik lang akong kumakain nang may isang pigura ng lalaki ang umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko. Hindi ko na lang siya pinansin baka kasi nakiki-upo lang.


"I didn't expect na makikita kita rito." Muntik ko nang maibuga 'yong iniinom ko nang mag salita siya.


Dahan-dahan kong binaba ang tasa at saka tinignan siya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko nang magtama ang paningin namin. Shit, ang bilis ng tibok ng puso ko!


"Can I ask?" Tanong niya.


Napalunok naman ako. "What?"


"Iyong dalawang batang kasama mo sa mall, anak ko ba sila?" Hindi agad ako nakapag-salita. "Answer me, Elara."


I took a deep breath before answering. "Hindi."


"That's impossible, Elara." Sarkastiko siyang tumawa.


"Nalimutan mo na ba 'yong sinabi mo sa akin dati? Hindi ba at gusto mong ipalaglag 'yong dinadala ko dati?" I'm so sorry, twins, but I have to do this.


"You mean—" I cut him off.


"Pinalaglag ko. At 'yong kambal na kasama ko sa mall, anak ko sila sa ibang lalaki." Sagot ko.


"I don't believe you." Umiiling na sambit niya.


"Hindi kita pinipilit na paniwalaan ako." Inayos ko na ang gamit ko at saka iniwan na siya roon.


Paglabas ko ng coffee shop ay agad kong dinial ang number ni mama.


["Napatawag ka? Gusto mo bang tawagin ko ang kambal?"]


"Ma, kayo po ang gusto kong maka-usap." Pigil ko.


["Ano bang pag-uusapan?"]


"Sa inyo po muna pansamantala ang kambal," sagot ko.


["Bakit, 'nak? May problema ba?"]


"W-Wala po, kayo na po ang bahalang mag-sabi sa kanila." Sabi ko saka binaba na ang tawag.


Mamayang ala-una pa ang klase ko kaya naman buong umaga akong nasa faculty at nagchi-check ng quiz notebooks. Matapos 'yon ay inayos ko na muna lahat ng notebook at inilagay ito sa isang tabi bago buksan ang laptop ko.


"Hay! Puputi agad buhok ko dahil sa mga batang iyon. Jusko!" Reklamo agad ni Amor nang makapasok siya sa faculty.


"Ano na naman ba ang problema mo?" Natatawang tanong ko.


"Iyong mga grade 10‐Yulo sobrang tigas ng mga ulo nila, ang hirap nilang paki-usapan." Sagot niya.


"Eh bakit sa akin hindi naman sila ganiyan?" Takang tanong ko.


"Aba malay ko sa mga iyon, may favoritism yata ang mga lintek!" Natatawa naman akong umiling.


Nang tumunog na ang bell ay sinara ko na muna ang laptop ko at saka hinila na si Amor palabas.


"Ikain mo na lang iyang init ng ulo mo," ika ko.


"Mabuti pa nga, tara na." Sagot niya saka nauna na maglakad. Umiling na lang ako bago sumunod sa kaniya.


"After lunch pa klase mo, 'di ba?" Tanong niya, tumango naman ako.


"Sa iyo ba?" Tanong ko rin pabalik.


"Before lunch tapos mayroon pa mamayang 3," sagot niya. "Nakaka-inggit ka nga eh," kumunot naman ang noo ko.


"Bakit naman?" Tanong ko.


"Kasi isa lang 'yong klase mo ngayon, ang haba ng oras ko para mag-chill." Natawa naman ako.


"Mahaba nga pero hindi ko magawang mag-chill dahil ang dami kong kailangan gawin." Sabi ko.


"Tulad ng?" Tanong pa niya.


"Basta. Kumain na nga lang tayo." Pag-iiba ko ng usapan.


Since mamayang 1 pa ang pasok ko, tinawagan ko muna si mama para kumustahin ang kambal.


"Kumusta na ang mga baby ko?" Tanong ko nang maibigay ni mama ang cellphone sa dalawa.


["Okay naman po kami, mama."] Sagot ni Ainsley.


"Anak, nasabi na siguro sa inyo ni mama-lola na sa bahay niya muna kayo pansamantala," panimula ko.


["Bakit po pala mama?"] Tanong pa ni Ainsley.


"May kailan lang munang ayusin ang mama kaya kay mama-lola muna kayo tutuloy," paliwanag ko.


["Mabilis lang po ba 'yon mama?"] Tanong naman ni Aislinn.


"Hindi ko sure, 'nak, eh." Sagot ko. "Pero bibisitahin ko naman kayo kaya don't be sad, okay? Promise, uuwi rin kayo kapag naayos na ang lahat ni mama." Sabi ko.


Kinewentuhan lang nila ako ng kung anu-ano bago sila mag paalam.


Mabilis lumipas ang oras, kasama ko ngayon sina Amor at Dennise sa Cafeteria para mag lunch.


Tahimik lang akong nakikinig sa mga rants nila tungkol sa mga sections na hinahawakan nila.


"Huwag niyo kasing dinadaan sa init ng ulo." Maya-mayang sambit ko kaya binigyan nila ako ng nagtatakang tingin.


"Hindi ko maiwasan mainis lalo na't sobrang tigas ng mga ulo nila tsaka ayaw nilang makinig sa mga sinasabi ko." Sagot naman ni Dennise.


"Paano ba kasi maging mahinahon?" Natawa naman ako sa tanong ni Amor.


"Actually, hindi mo naman talaga maiiwasan ang mainis eh. Ako, naiinis din ako minsan sa nahahawakan ko pero ang ginagawa ko, kinakalma ko ang sarili ko at saka pinagsasabihan sila nang maayos." Sabi ko.


"Eh bakit ako, maayos ko naman silang pinagsasabihin pero bakit ayaw pa rin nilang magpasaway?" Ani Dennise.


"Baka talagang malas lang tayong dalawa sa mga batang iyon." Sambit ni Amor kaya naman natawa ako.


"Pinagtitripan lang kayo noong mga iyon," usal ko. "Kasi kayo pinapakita niyo na mabilis kayong mainis eh iyan tuloy kayo ang na-tripan nila."


"Ay ganoon? Sige, next time gagawin ko 'yang ginagawa mo," ika ni Dennise.


---


"Okay, class, what is love in your opinion?" Nag taas naman ng kamay si Jordan. "Yes?"


"Love is a serious mental disease." Sagot nito. Nag 'oww' naman ang ilan sa mga kaklase niya.


"Nice one, Dan!" Sigaw ng kaibigan niya.


"Guys, huwag kayong masyadong maingay. Thank you, Jordan, take your seat. Anyone? Wala na?" Tanong ko.


"Ma'am, ako po,"


"Yes, Maicey?"


"Love conquers all things except poverty." Sagot niya na ikinatawa naman ng mga kaklase niya.


"Guys, enough." Saway ko sa kanila kaya mabilis silang tumahimik.


"Open your book on page thirty-six. Paki-basa ang una," nagsi-taasan naman sila ng kamay. "Yes, Jammie,"


"Love to live and live to love."


"Okay, thank you. So, what does that mean? It means loving someone will give you a meaning to your life, you would want to live for the person, which gives strength from within." Basa ko.


"Gaya na lang sa mga may boyfriend at girlfriend na ngayon, hindi ba at ganiyan ang nararamdaman niyo? Mas mabibigyan ng meaning ang buhay niyo kapag kasama niyo ang mga taong mahal niyo." Naghiyawan naman sila.


"Asus! Diyan kayo magaling, eh," natatawang sambit ko.


Ipinagpatuloy ko na lang ang pagdi-discuss hanggang sa tumunog na ang bell. At ilang oras din ay uwian na kaya naman inayos ko na muna ang gamit ko bago mag paalam kina Amor.


Habang nasa tricycle ako ay tinawagan ko muna si mama para ipaalam na uuwi na ako.


["Nag-aayos na rin kami para maka-uwi na, sigurado ka bang hindi ka na dadaan dito?"]


"Hindi na ho, ma, bukas na lang po aagahan ko na lang pumunta riyan." Sagot ko.


["O'siya, ibaba ko na itong telepono dahil mag-gagayak na kami sa pag-uwi."]


"Sige po, i-kiss mo na lang po ako sa kambal." Sabi ko saka tuluyan nang pinatay ang tawag.


"Maraming salamat po," ani ko nang makapag-bayad ako kay manong driver.


Hahakbang na sana ako nang may maramdaman akong may nakatayo sa likuran ko.


"What are you doing here?" Gulat na tanong ko kay Xzavier.


"Nasaan ang kambal?" Iyan agad ang tinanong niya.


"N-Nasa papa nila, bakit?" Utal na sagot ko. "Pwede bang umalis ka na rito, tsaka ilang ulit ko bang sasabihin na hindi mo anak ang kambal." Saad ko.


"You can't fool me, Elara. Hindi ako naniniwalang hindi ko anak ang kambal. Hahanap ako ng paraan para mapatunayan na sa akin nga sila nanggaling at kapag nangyari 'yon babawiin ko kayo sa kinakasama mo ngayon." Mahabang salaysay niya bago ako talikuran.


What the heck?!


–Aerunny:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top