Chapter 03
"Elara, wait..."
Hindi ko alam kung haharap ba ako o ano. Hindi ko rin kayang maigalaw itong mga paa ko. Pakiramdam ko para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil naningas ako sa kinatatayuan ko.
"Mama, tawag ka po no'ng guy." Uga ni Aislinn sa braso ko.
"A-Ah, let's go. B-Baka nagkamali lang siya." Ani ko at nagmamadali nang naglakad.
Gulong-gulo ako kung ano ang dapat kong gawin lalo na't nakita niya na kami. Paano ko maitatago ang kambal mula sa kaniya? Imposibleng hindi niya kami mahanap dahil alam kong marami siyang kilalang pwede niyang mautusan upang hanapin kami.
Pagkarating namin sa bahay ay pinapasok ko na ang kambal sa kuwarto upang sila'y magbihis na. Habang ako naman ay nanginginig ang kamay ko habang dina-dial ang number ni Lina.
"Hello, Lina..." bungad ko nang sagutin niya ang tawag.
["Oh? Bakit parang kinakabahan ka? May nangyari ba?"] Sunod-sunod na tanong nito.
"He saw us, Lina. What should I do?" Mangiyak-ngiyak kong tanong.
["What? How? Tsaka 'di ba ang sabi ko huwag muna kayong gagala?"]
"Nag-aya kasi 'yong kambal na mag-mall. Hindi nga sana ako papayag pero alam mo naman ang ugali noong kambal, 'di ba?" Paliwanag ko. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga
["Mag doble ingat ka na lang ngayon. Basta huwag na ninyong uulitin 'yong kanina, okay?"]
"Oo, sige. Salamat, Lina." Sabi ko at pinatay na ang tawag.
Mariin akong pumikit at kasabay no'n ang malalim na buntong-hininga. Bakit narito na siya agad? I thought next week pa ang start ng project niya dahil iyon ang sinabi niya noon sa interview niya.
"Mama, kilala mo ba 'yong lalaki kanina?" Nahinto ako sa paglagay ng gulay sa refrigerator nang may magsalita sa likuran ko.
"No, anak, I don't know that guy. Baka napagkamalan niya lang ako." I lied.
"But, he knows your name." Bakit ba sobrang talino nitong anak kong 'to?
"Anak, there's so many names like mine." Paliwanag ko rito.
"Mama, nasaan po 'yong chocolate namin?" Tanong ni Ainsley.
Agad naman akong tumayo upang kunin sa isang paper bag 'yong chocolate nila na binili namin.
"Here, uminom kayo ng tubig after niyong maubos 'yan, okay?" Sabay naman silang tumango at tumakbo na papuntang sala.
Alas onse y media nang matapos akong magluto ng tanghalian namin. Pinuntahan ko muna ang kambal sa sala habang naglalaro ng barbie nila.
"Pwede bang sumali si mama?" Tanong ko sa kambal. Nabaling naman sa akin ang atensyon nila.
"Sure po, heto po sa 'yo oh," sagot naman ni Ainsley sabay abot sa akin ng isa pang laruan na barbie nila.
Nakipag-laro muna ako sa kanila bago mag-ayang kumain na.
"Mama, pupunta po ba tayo kay mama-lola mamaya?" Tanong ni Ainsley.
"Hindi muna, 'nak," sagot ko rito.
Matapos kaming kumain ay gaya ng nakagawian nila ay magpapaunahan silang makapunta sa sala at manonood na.
Pagkatapos ko ring makapag-ayos sa kusina ay pumunta ako sa kuwarto para kunin ang laptop ko dahil gagawa ako ng lesson plan at aaralin pa ang ituturo ko bukas.
"Mama, nagugutom po ako," nakangusong sambit ni Aislinn habang naka hawak sa kaniyang tiyan.
Mahina naman akong natawa at saka tinigil muna ang ginagawa ko upang gawan siya ng makakain.
"Wait, gagawa muna si mama, okay?" Tumango naman siya. "Ainsley, nagugutom ka rin ba?" Baling ko kay Ainsley na busy sa pagdi-drawing.
"Hmm... opo, gutom po ako," pinag-isipan pa talaga ah.
"Okay, wait niyo si mama, gagawa muna ako ng pagkain niyo." Sabi ko bago tumungo sa kusina.
Matapos akong magpalaman ng slice bread, nag timpla na rin ako ng juice noong dalawa. At pagkatapos noon ay dinala ko na sa sala.
"Here's your food na." Inilapag ko na sa table 'yong juice at plate na may lamang tinapay.
"How about you, mama? Hindi ka po nagugutom?" Tanong ni Ainsley.
"Later na lang ako, may tatapusin pa ako eh. O'siya, enjoy your food." Tinap ko ang ulo nila bago bumalik sa ginagawa ko.
Hinilot ko ang batok ko pagkatapos kong aralin 'yong lesson ko para bukas. Grabe, halos isa't-kalahating oras yata akong babad sa laptop ko.
Niligpit ko muna 'yong gamit ko bago puntahan ang kambal sa sala. Napangiti ako nang makita silang tulog na tulog sa sofa.
Bubuhatin ko na sana si Aislinn nang mapansin ko ang drawing ni Ainsley. Dahan-dahan ko itong kinuha at saka mapait na ngumiti.
"Pasensya na kayo kung hindi ko muna ipapakilala ang papa niyo sa inyo." Mahinang sambit ko sa kambal. Magiging selfish muna ang mama.
Nilapag ko na ang drawing saka unang binuhat si Aislinn papunta sa kuwarto. At nang maibaba ko siya ay sinunod ko naman si Ainsley.
Nang akmang bubuhatin ko siya ay nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita. At mas nagulat ako sa sinabi niya.
"Papa, let's play na po!" Pati ba naman sa panaginip?
Umiling na lang ako at dahan-dahan nang binuhat si Ainsley papuntang kuwarto. Hinalikan ko muna sila sa noo bago lumabas ng kuwarto.
["Ano na balita?"] Bungad agad ni Lina.
"Si Ainsley, napapadalas na niyang napapaginipan si Xzav." Sagot ko.
["Oh no! Alam na niya mukha ni Xzavier?"]
"No, malabo raw 'yong mukha niya." Sagot ko.
["Girl, baka oras na para malaman na ng kambal kung sino ang papa nila."] Marahas naman akong umiling.
"Ayoko, Lina. Hangga't kaya ko silang itago, itatago ko sila." Sabi ko.
["Calli, paalala lang ha, huwag mong hihintayin na sa iba malaman ng kambal ang totoo dahil kapag nangyari 'yon ikaw ang kawawa."] Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"B-Bahala na, hahanap na lang ako ng magandang tiyempo para sabihin sa kambal." Usal ko.
["Okay, sige. If you need help, just call me, okay? Nandito lang ako palagi para sa inyo ng kambal."] Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago patayin ang linya.
---
Kinabukasan, maaga kong hinatid ang kambal sa karinderya ni mama.
"Ang aga niyo namang pumunta rito? Magbubukas pa lang ako eh," sambit ni mama.
"Iyon nga po ang dahilan eh, tutulungan po namin kayong mag bukas." Sabi ko.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ni mama nang matapos kaming mag-ayos ng mga upuan.
"Opo, ma, bago kami pumunta rito ay kumain na kami." Sagot ko naman.
Nag-stay pa ako roon nang ilang saglit bago mag paalam na aalis na.
"Behave ulit kayo kay mama-lola, okay? May pasalubong ulit ang mama sa inyo mamaya." Nag 'yehey' naman sila saka hinalikan ako sa pisngi.
Nagbayad na ako kay manong driver nang maibaba niya ako sa tapat ng school. At nang makapasok ako ay agad din akong binati ni kuyang guard kaya naman binati ko rin siya pabalik.
"Good morning, Ma'am Lara! May good news ako for you," masiglang salubong sa akin ni Amor.
"Good morning, Ma'am, ano 'yon?" Tanong ko.
"Half day lang daw tayo today dahil may pupuntahan 'yong ibang teachers kasama si Ma'am Principal." Sagot niya.
"Saan naman?" Tanong ko, nagkibit-balikat naman siya.
"Hindi ko knows eh," sagot niya.
Isa lang ang magiging klase ko ngayong araw dahil half day nga raw kami ngayon.
Sa grade 8 ako ngayon kaya kinuha ko na ang ilang gamit ko at nag lakad na papunta sa room ng Hyacinth.
"Bring out your quiz notebook and answer this activity." Mabilis naman nilang sinagutan 'yong binigay ko activity.
At matapos ang limang minuto ay isa-isa na silang nagsi-lapitan sa akin upang magpasa ng kani-kanilang quiz notebooks. Kasabay rin noon ay ang pagtunog ng bell.
"Good bye, Grade 8, grab your recess na." Paalam ko sa kanila.
"Timo, paki-sunod na lang sa akin itong mga quiz notebook niyo, okay? Thank you." Sabi ko bago lumabas ng room.
"Pakilagay na lang sa table ko, 'nak, thank you." Sabi ko at saka nginitian siya.
Kasabay kong pumunta ng Cafeteria Amor at Dennise upang bumili ng pagkain.
"Ma'am, pwede kaming dumaan sa bahay niyo? Gusto ko ring makita 'yong kambal mo eh," maya-mayang sambit ni Dennise.
"Pwede naman, ma'am, pero susunduin muna natin sila sa karinderya ni mama." Sagot ko naman.
"Okay lang, ma'am." Tugon niya.
Mabilis na lumipas ang oras kaya heto kami ngayon nina Amor at Dennise sa labas ng school habang naghihintay ng tricycle na pwedeng masakyan.
"Ay hala! Nalimutan ko pala 'yong ibibigay ko sa kambal. Mauna na muna kayo roon, kukunin ko lang muna sa bahay.
"Ako rin pala, ma'am, wala akong maibibigay sa kambal mo. Bibili na lang muna ako." Hindi ko na sila napigilan dahil nagmamadali na silang umalis.
Bumuntong-hininga na lang ako bago sumakay sa tricycle at sinabing dumaan muna sa malapit na 7/11 dahil may bibilhin pa ako para sa kambal.
Matapos kong mabayaran 'yong binili ko ay mabilis na akong sumakay sa tricycle at saka tinext 'yong dalawa na sumunod na lang sa karinderya ni mama.
Pagkababa na pagkababa ko ng tricycle ay mabilis na tumakbo ang kambal upang salubingin ako.
"Here's your pasalubong!" Masiglang sabi ko sa kanila habang hawak ang binili kong chocolate.
"Wow! Thank you, mama!" Masayang usal nila sabay halik sa pisngi ko.
"May bisita pala kayo mamaya," sambit ko.
"Sino po, mama?" Tanong ni Ainsley.
"Sina— oh, 'yan na pala sila." Sabi ko nang may humintong tricycle sa tapat namin.
"Oh my gosh! Mas cute sila in person!" Tili ni Dennise nang makita ang kambal.
"Hello po!" Masiglang bati sa kaniya ni Ainsley kaya naman mas lalong tumili si Dennise.
"Oh my! Pwede ba kitang iuwi?" Tanong niya na mabilis namang ikinailing ni Ainsley.
"Mag-anak ka na rin kasi Dennise," biro ni Amor.
"Wala nga akong jowa eh kaya paano ako mag-aanak?" Sagot naman ni Dennise. Nagtawanan naman kami ni Amor.
Magtatalo pa sana sila kaso tinawag na kami ni mama at saka ipinaghanda kami ng makakain.
Twelve-thirthy nang mag paalam 'yong dalawa na uuwi na.
"Bakit ang aga mo yata ngayon?" Tanong ni mama sa likuran ko.
"Half day lang po kami ngayon dahil may pinuntahan po 'yong ibang teachers at si Ma'am Principal." Sagot ko. Tumango-tango naman siya.
Nagpupunas ako ng mga pinggan nang maramdaman kong nagv-vibrate ang phone ko.
"Hello?" Sagot ko sa unknown number.
Wala akong narinig na sagot kaya naman nag 'hello' akong muli.
"Wala akong time makipag-biruan." Sambit ko.
["Pwede ba tayong mag kita?"] Mabilis kong naibaba ang tawag nang mabosesan ko 'yong tumawag.
How did he get my phone number?
–Aerunny:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top