Chapter 69 (Part 2)
Chapter 69
Third Person POV
Para kay Samantha ay iyon ang pinakamasayang umaga ng buhay niya. Akalain mo 'yun? Umamin na sa wakas si Ace, at siya rin naman. Kuntinto na siya rito. Napanatag na ang puso't isip niya. Sa wakas ay pagmamay-ari na niya ito, may karapatan na siya kay Ace. At lalong-lalong may karapatang sabunotan ang Athrea'ng 'yun pag nagbalak itong gumawa ng kagagahan.
Nanatili itong nakamasid sa paligid. Nagyayapos na rin ito sa galit. Okay na eh, masaya na sila ito na naman. Dumating na naman si Athrea para sirain ang moments nila.
Nang bumalik sila kanina sa inuukopang cottage ay prente ng nakaupo sa isang bahagi si Athrea. Ang kapal talaga ng mukha, grabe sa sobrang kapal parang di na masira-sira. Isinama pala ito ni Aliyah. Gusto niyang magalit kay Aliyah, alam naman nitong ang babae ang isa sa mga dahilan ng pag-aaway nila ni Ace. Ngunit wala na siyang magagawa kundi ang pakisamahan ang babae. Basta ba'y wala itong gagawing ikakagalit niya ay masisigurado niyang magiging maayos ang bakasyon nila.
Bumalik ito sa pagiihaw. Pinaypayan niya ang niluto. Ang mga kasama naman ay busy sa pagsi-swimming. Alas-dose na maganda ang tubig, mala-krystal ito, kaya napagkasundaan nilang maligo.
Siya naman ay nagpaiwan upang magihaw. Ayaw naman nitong maligo, ayaw niya kasing makasama si Athrea sa iisang lugar baka anong magawa niya. At higit sa lahat ay wala itong dalang swim wear. Hindi kagaya ng mga kasamahang babae. Ready'ng-ready ang mga ito. Halos lahat ay nakatwo piece. Magaganda naman ang katawan ng mga ito.
"Tulongan na kita" boses iyon ng babaeng kinaiinisan niya. Kaya napairap ito.
Ano ba ang ginawa nyan rito? Siya na nga ang lumalayo ay ito naman ang lapit ng lapit.
Mas binilisan nito ang pagpaypay. Ang mga luto na ay nilagay niya sa tray.
"Kaya ko na 'to. Bumalik ka nalang don at mag enjoy" wala sa mood na wika nito. Wala talaga itong mood, ito ba naman kausap niya. Nakakawala talaga ng modo.
Sana nama'y tumigil na ito at baka ito pa ang maihaw niya.
"Alam kong galit ka sakin" biglaang wika nito sa malumanay na boses. Anong meron? Biglang nagiging maamong tupa ang gagang 'to?
"Buti alam mo"
Athrea take a deep breath before forcing her to look at her. She rolled her eyes. What the hell she want?
"I'm sorry, I'm really sorry"
"Your sorry can't change anything"
Muli itong huminga ng malalim. Inabot nito ang kanyang kanang kamay, aagawin niya sana ito ngunit mas hinigpitan lamang ni Athrea. Bahagya niya iyong pinisil.
Nagiging seryuso ang mukha nito. Alam niyang may gusto itong sabihin.
"I know. But still I want to say sorry. I want to explain things to you, Samantha. Just hear my side" she said with her voice full of begging.
Its strange. Really strange and a bit weird. The cunning, sophisticated and angelic but devil Athrea is now begging.
"Please pakinggan mo ko. Promise hindi ko na kayo gugulohin ulit. Pangako" pagpupumilit nito.
Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Go on explain. Bilisan mo nalang"
Medyo napipilitan pa ito. Baka lokohin lang siya ng babaeng 'to. Hindi siya nakakasigurado kung totoo ba ang mga sasabihin nito o hindi. Baka susubokan na naman nitong sirain sila o ano. Nagkaka-trust issue na talaga si Samantha.
"The truth... I don't really like Ace anymore nor love him.." nakangiting pagaamin nito. Ano ang ibig sabihin nito? Kasinungalingan ba ang sinabi nito noon? But that was imposible. Eh halos makipagpatayan na nga ito makuha lang si Ace. Ano na naman bang palabas ito?
Kahit nagugulohan ay nanatiling tikom ang bibig ni Samantha at inantay ang sunod nitong sasabihin.
"I'm not after him... matagal ko ng kinalimutan ang namagitan sa amin noon ni Tyron. Matagal ko ng tinanggap na may mahal siyang iba. Ganon rin ako Samantha. I love someone else. Siya iyong pinaglalaban ko hindi si Ace"
Dapat ba siyang maniwala? After all hindi naman pala nito gusto ang boyfriend niya. Pero ano amg ibig sabihin ng lahat ng ito?
"Bakit mo 'yun ginawa? I mean bakit mo pinalabas na mahal mo pa si Ace at gusto mo siyang makuha ulit kahit hindi naman talaga" nakakunot ang noo ni Samantha. Nagugulohan na talaga siya sa babaeng 'to.
"I'm after something to you and Ace family. Kapatid ako ni Stacy, Samantha. Ako ang nawawala niyang kapatid, I am Savey Cruz. Everyone thought I'm dead even Stacy and our parents. But here I am living my life. Last month nalaman ng mommy namin na buhay pa ko. Kinausap niya ko, at pinilit na ipagpatuloy ang naudlot nilang plano laban sa pamilya mo at ni Ace. Noong una ay hindi ko naman talaga gusto ito pero napilitan ako. Sinabi niyang pagnawala kayo ni Peyton ay makukuha ko na si Ace. Noon pa man ay talagang nakalimutan ko na si Ace lalo na noong malaman ko kay Aliyah na may pamilya na siya, na meron nang kayo. Pero nang malaman ko ang plano ni mommy ay biglang namuhay sa puso ko ang pagasang makakasama ko ulit siya. Oo, naging makasarili ako. Inisip ko lang ang sarili ko, nasaktan kita si Peyton at lalong-lalo na si Ace. Nang makita kong umiyak si Ace noong umalis kayo sa poder niya ay doon ko napagtanto. Kailangan ko na siyang bitawan. Para sa inyo. Hindi ko kayang makita siyang umiyak, balisa at natatakot dahil wala kayo."
What the fuck?
"What do you mean?"
Ano na naman to? Sobrang gulo na ng isip niya sa sinabi nito. She's up to something?
"May alitan noon ang pamilya mo, nakin at pamilya ni Ace. Hindi tanggap nina mom na natalo sila. Naging matagumpay ang panilya mo at maging ni Ace. Mom want to take revenge. And the only way is to kill Peyton, pagnawala si Peyton ay magugulo kayo ni Ace, maghihiwalay at sigurado si mom na guguho ang mundo mo at maging ng magulang mo. Nag-iisa niyang anak si Peyton, nag-iisa at unang apo ng Pamilya Sanford at Santillian. Siya ang tagapagmana... madami siyang wicked plan. And now I'm revealing this to you. You can punish me."
Tama si Damon. Tama ang sinabi nitong isa sa mga taong malapit sa kanya ang ta-traidor sa kanya. Si Athrea iyon. Kahit noon pa man ay may hint na itong si Athrea iyon.
So it was them? The Cruz family.
"How dare you, huh? How dare your family to do this? To plan something wicked against my innocent son?" Puno ng galit na wika nito nito. Gusto niya itong sabunotan saktan at patayin pero hindi niya magawa. Hindi parin pumosreso sa isip niya ang pinagtapat nito. May alam na siya noon pa man pero hindi niya inaakalang mas magugulat siya pag dalawang taenga nyo na ang makakarinig non.
"I'm sorry. I really do. Nasa presinto na sina Mom and Dad, alam na rin ni Ace ang tungkol rito, sinabi ko lahat sa kanya bago pa man kayo pumunta rito. Gusto ni Ace na siya ang mag sabi sayo ng mga yun pero nagpumilit akong harap-harapan ko iyong ipagtatapat sayo. Pasensya kana, Samantha. I'm sorry"
Mabilis ang pagtaas baba ng dibdib nito. Galit ang nanaig sa puso niya ngayon, but at the same time ay awa. Kahit papano naman pala ay may mabuting kalooban ang babaeng ito.
"Pinapaubaya ko na sayo si Ace, alagaan mo siya. Alagaan mo ang pamilya nyo. Pagkatapos nito ako na ang kusang lalayo, pangako hindi ko na kayo gagambalain pa"
Kahit may kunting galit ito kay Athrea ay ngumiti parin ito. Naiintindihan niya ito, napilitan lang ito. Nabulag sa pagmamahal kay Ace at natabunan ang kabaitan dahil sa masasamang balak ng magulang.
"Hindi mo kailangang lumayo. Stacy needs you. Sigurado akong mapapatawad kita, pero hindi pa sa ngayon. Masyado akong nasaktan. Pagdating ng tamang panahon masasabi ko ring napatawad kita."
Athrea is thankful. After what she did. Samantha is willing to forgive her. Aantayin niya ang pagkakataing iyon. Siya ang may mali kaya siya ang magpapasensya.
"Maraming salamat."
Malawak na ngumiti si Samantha. Sa dami nang nangyari sa buhay niya ay natutuna siyang magpatawad at unawain ang iba. Hindi naging madali para sa kanya ang unti-unting pagpapatawad kay Athrea. Nang malaman niya kay Damon ang lahat ay galit na galit ito kay Athrea pero nanaig ang paguunawa sa kanya. Kung siya ang nasa posisyon nito ay tiyak iyon rin ang gagawin niya. Ang kumapit sa maliit na pagasa kahit may masaktan.
"Akin an si Ace"
"Oo naman, sayo na siya. Para naman talaga siya sayo. Pinagtagpo lamang kami pero hindi tinadhana."
"Salamat"
Sapat na iyon sa kanya.
"You're invited"
"Huh?"
"I'm getting married Samantha. Month ago my ex-boyfriend ask me of getting back. Pf course I said yes. And week ago he proposed a merraige to me, and of course I said, Yes"
Nagulat ito sa nalaman. Kaya pala sinabi nitong hindi na niya gusto si Ace. May ka end game na ito. She's hoping that she will have her a good life. She wants better life for her.
"Congrats. Expect me on your wedding day"
"Engadement palang. Ano kaba nagmamadali ka naman. Next year kami ikakasal. Mauna na muna kayo ni Ace"
A/N:
Want a part 3? Last revealation na to. Nag e-error kasi si wattpad. Pagmadaming words yung sinusulat ko ay biglang nadedelete yung ibang parts. Kaya ayorn.
May isang revealation pa. Hihi
Fb: Autumn Lescae WP
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top