Chapter 66: The truth

Chapter 66:

Matalim parin ang tingin nito sa amin, lalo na kay Damon. Nag iwas ako ng tingin at hindi sinadyang dumapo ang atensyon sa kamay nitong nakapormang kamao. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo, matalas ang tingin nila sa isa't isa. Walang gustong pumutol niyon, walang gustong magpatalo.

Kabado kong binalik ang mga mata kay Ace, na ngayon ay wala ng kahit anong pinapakitang ekspresyon. Galit, iyon na lamang ang makikita mo sa kanyang mga mata.

Isang pagtikhim ang umagaw sa atensyon naming tatlo. Sa gilid ng aking mata ay nakita kong si Savana iyon, katabi ang nagugulohang si Leliey. Wala sa kanila ang nagbalak na lumapit sa amin, nanatili ang mga itong nakamasid.

"Samantha?" Pagtawag sa akin ni mommy mula sa ikalawang palapag, rinig ko rin ang ingay na nagmumula sa high heels nito. Kahit matanda na si Mommy ay kayang kaya parin nitong magsuot ng ganon. At siguro'y wala itong alam na nandirito si Ace at naabotan ako nitong kayakap si Damon.

Pero mas masakit parin ang mga nakita ko. Sobrang sakit. At kumpara sa nakita niya ay wala pa ito sa kalingkingan ng sakit na dapat niyang maramdaman.

"Oh my dear Savana, you're here" surprisang tinig ni mommy ang tuloyang nakaagaw ng atensyon namin.

Tumikhim si Ace at nagiwas ng tingin, hindi gaya kanina ay medyo bumaba na ang tensyon sa kanilang dalawa. Pansin ni Damon ang nagseselos na si Ace kaya siya na mismo ang lumayo sa akin. Humakbang ito at lumapit kay Leliey, hinawakan nito ang baywang ng babae. Pinagtaasan siya ng kilay ni Leliey ngunit hindi niya ito pinansin. Inis na lumingon sa akin si Leliey, parang ayaw na ayaw nitong lumalapit sa kanya ang lalaki at humihingi ito ng saklolo sa akin.

Ngumisi ako kaya't ngumuso ito. Mas lalong lumaki ang ngisi ko ng mas hinigpitan ni Damon ang pagkakahawak rito, lumingon ito sa akin at kumindat. Magpapakawala na ako ng halakhak ng may brasong kumabig sa aking baywang at niyakap ito ng mahigpit.

Agad na naginit ang aking pisnge ng makitang si Ace iyon. Siniko ko ito ngunit mas lalo lamang hinigpitan ang pagyakap sa aking baywang. Gusto ko itong ituklak hindi dahil sa kinakahiya ko ito kundi dahil sa malakas na tambol ng aking dibdib. At isa pa ay talagang nahihiya ako, nasa harapan namin ang aking mga kaibigan at ina. God Ace fvcking stop this. Baka umasa na naman ako. At baka kahit hindi ka humihingi ng paumanhin at magbigay ng eksplenasyon sa aking nakita ay mapatawad na agad kita.

Minsan—Madalas ay talagang nakakatanga ang pagibig. Nakakabobo, na kahit pinakamatalinong tao sa mundo nagiging bobo pagdating sa pagmamahal. Kahit na ang pinakamalakas na tao ay humihina pagdating sa pagmamahal. Kayang kaya tayong matalo ng kahit sino, maging ng ating sarili pagdating sa pagmamahal.

"Ehem— Savana hija, you've gone for so long we need to catch up..." wika ni mommy at inambahan ng yakap si Savana. Nang kumalas ito sa kanilang yakapan ay agad na dumapo ang tingin nito kay Damon at Leliey at sa kamay ng lalaking nakalingkis sa beywang ni Leliey. "And you Damon we need to talk alot, you have to tell me how have you been and your parents. And especially this beautiful woman" sabi pa ni mama.

Nagkamot ng batok si Damon, si Leliey naman ay yumuko upang itago ang pamumula ng pisnge.

Mom raised her head looking at me, Ace and his arms that on my waist. And his head on my shouled. Damn keep a distance Ace.

"I know you missed each other but please don't be too showy, okay? Don't be PDA. And please kids stop what were you doing we have to go now. We might miss the flight" mom said and clapped her hands

"I thought were going at 3?" I asked.

"Well our beloved pilot change his mind, again. Alam mo naman ang lalaking 'yun pabago bago ang isip. At isa pa ay nandoon na ang dad at anak nyo. Nauna na sila sa airport."

"So what are we waiting for. Letgs go na! Guimaras here we come" Savana shouted and run out of the mansion.

Iling iling na ngumiti si mom sa inaksyon nito. Damon dragged Leliey outside, following the crazy Savana. Sumunod naman riro si mommy kaya't agad rin kaming sumunod.

Nang marating namin ang garahe ay nandoon na ang mga bagahe namin. Inaayos iyon papasok sa loob ng van na gagamitin namin papuntang airport at Guimaras.

"Manang kayo na ho ang bahala rito, okay? Call me right away if something is wrong" bilin ni mommy sa mga kasambahay.

"Opo, Ma'am" ngiting sagot nito. Tumango naman si Mommy at pumasok sa loob ng sasakyan.

Nasa loob na ang tatlo, papasok na ako ng van ng pigilan ako ni Ace. Pumikit ako ng mariin at nilingon ito.

"What?" Inis na tanong ko rito.

Kami nalang ang inaantay nila at aalis na. At ano pa ang ginagawa nito?

Hindi ako nito sinagot. Imbis ay tumingin ito kay mommy. "Um tita may dala po akong sasakyan. Sa akin na po sasabay si Samantha" wika nito kaya namilog ang mata ko.

Isang eroplano lang ang gagamitin namin at hindi gaano kalakihan ang private plane na pagmamay-ari ng sinabing piloto ni mom.  Kaya nga van ang dadalhin namin para iwas hassle. Don't tell me he bought his own plane too.

"May eroplano po ako"

GOD ACE! What the hell. Pero hindi naman iyon nakakagulat. Mayaman naman ang mokong na to.

"A-ah okay, ingata mo ang anak ko." Alinlangang sagot ni mom.

Ngumiti ito at tumango. Then he dragged me to his lambo, wow really Ace? Lambo talaga.

Pinagbuksan ako nito ng pintuan. Nang makapasok ako ay agad kong inayos ang seatbelt. Siya naman ay umikot sa drivers seat matapos maisara ang pintuan. Nagayos ito ng seat belt. Naunang lumabas ng gate ang van, sumunod naman rito ang sinasakyan naming lamborgini.

Sa loob ng halos kalahating oras ay wala kaming imikan. Kahit na medyo kinilig ako kanina hindi ko parin naman nakakalimutan ang litratong iyon ano. Ilang ulit itong nagbalak na kausapin ako ngunit ahad akong umaaktong inaantok o di kaya'y nagtutulog tulogan.

Siguro ay hindi na ako galit sa kanya pero sa ngayon ay ayaw ko pa munang kausapin ito. Gusto ko munang timbangin ang nararamdaman. At ayosin ang lahat ng agam agam sa aking puso at isipan.

Ginamit ko ang buong byaheng iyon upang makapag-isip. Pakiramdam ko kasi ay kung hindi ko maisip ng mabuti ang lahat ay parang hindi ko na ma kayang maayos  ang lahat. Lahat lahat. Kailangan kong ayosin ang lahat lahat. Sa pagitan namin ni Ace, Athrea, tita Alayi, tita Alana at tito Lorenzo.

Gusto kong sabihin kay Ace ang nakaraan ko. Isa iyon sa mga naisip ko. Dahil tiyak kong magagalit ito pag sa iba pa niya malaman na may galit ako sa ama nito. Na matindi ang galit ko rito. Na baka isipin nitong naghihiganti ako sa kanya. Na naghiganti ako sa kanya kaya tinago ko si Peyton. Ayaw kong may makita itong kahit na maliit na rason upang magalit sa akin.

Aayosin ko ang lahat. Mula sa rason kung paanong nagkaanak kami. Dahil isa lang ang sigurado ako ngayon. Alam ko kung sino ang may pakana ng lahat. Kung sino ang dahilan kung bakit naging mesirable amg buhay ko. Kung sino ang rason kung bakit nagawa nila ang bagay na iyon. Lahat lahat. Mula simula hanggang kataposan.

"Cray? Why did you call it's already midnight" agad na bungad ko kay Damon, nasakaligtaan ako ng pagiisip ng tumawag ito. Dumapo ang matinding kaba sa aking dibdib. Hating gabi na at tumawag pa ito. Knowing Damon he will not waste his time to call you in the middle of the night unless it is emergency.

I heared his sharp breath on the other line. Ano ang problema nito?

"I know everything, Sam. Alam ko na ang lahat," masaya ngunit bakas sa boses nito ang kalungkotan, takot at galit. Weird.

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ano ang ibig niyang sabihin? Ano ang alam niya? Tungkol saan iyon?

"What do you mean, Cray? Klarohin mo nga" wika ko at bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Agad akong dinala ng aking paa sa bintanang salamin. Hinawi ko ang puting kurtina at bumongad sa akin ang iba't ibang ilaw mula sa malalaking building.

Madami na akong iniisip at dumagdag pa itong si Damon. Anong oras na ay hindi parin ako makatulog. Thinking Ace and everything.

"Alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat, Sammy. Alam ko na kung sino ang dahilan ng pagka one night stand mo. Alam ko na ang rason at dahilan ng lahat. I know everything now, sammy. I know everything"

Agad na tumaas ang aking balahibo sa sinabi nito. Parang bumalik lahat ng pinagdaanan ko noon. Lahat ng hirap sa pagbubuntis kay Peyton. Lahat ng sakit simula ng gabing iyon. Bumalik.

Mas lalong dumaloy ang kaba sa aking dibdib, sa pangalan ginamit nito sa pagtawag sa akin. Sammy, iyan ang palayaw niya sa akin tuwing galit siya. Tuwing nasasaktan at gustong pumatay. What's happening?

"I'll make them pay, Sammy. I'll make them!"

Alam ko na ang lahat. Kaya't siguradohin mong nakahanda lahat ng iyong nasasakupang demonyo. Muli niyong binuhay ang demonyo sa aking kaloob-looban. You can't tame this demon. You can't stop me from taking me revenge.

Pamilya laban sa pamilya
Anak laban sa anak
Kapangyarihan laban sa kapangyarihan
Mata sa mata
Ngipin sa ngipin
Dugo laban sa dugo
  

Ready to die!

"The sky is above me, Earth is below me, people are around me. But the devil is within me."

Authors Note:

Unedited Part. Medyo rash kasi hihi. So have a good night pips.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top