Chapter 20: Dating Rumor; Accident
Samantha's (Point of View)
Saktong 6:30 ako nakarating ng Sanford Company. Malalaki ang mga hakbang na ginawa ko para mabilis na marating ang opisina ni Ace. Huminga ako ng malalim bago pinihit ang siradora ng pintoan nito.
'Ready your ears Samantha'
"I'm sorry if I'm late Mr. Sanford... I've been stock in the tra—"
Literal na napatigil ako sa pagsasalita ng mapansing wala namang ni anino ni Ace Tyron Sanford ang naririto. That was so embarrassing if someone saw me. Hindi ko man lang tiningnan kung nandito na ba s'ya? Bwesit talaga eh. Iniwan ko 'yong anak ko do'n kahit ayaw ko para lang makapasok ng maaga at sa tinalaga nyang oras.... Tapos wala naman pala s'ya dito? Arghhhh!
Gusto kong magsisigaw dito pero piigilan ko ang sarili ko. It's okay Samantha. Umirap ako sa hangin bago pumunta ng table ko at sinimulan ng gawin ang mga naiwan nitong paper works.
Itinuon ko nalang ang oras at attention ko sa mga papeles na ito. Tatawagan ko na lang mamaya si Anne para kamustahin sila.
Kinuha ko agad ang telepono ng magring ito.
"Hello, good morning. This is Samantha Santillian, Ace Tyron Sanford's secretary, how may I help you?" bungad ko sa caller
"Good morning too. This is Chole Alvares Mr. Tom Velasquez secretary. I just wan't to remind you and Mr. Sanford that our meeting will be re-schedule, it should be at 10:30" sagot nito mula sa kabilang linya
"Copy Ms. Alvares. Thank you for reminding us" kahit hindi n'ya nakikita ay ngumiti parin ako ng matamis.
"That's all Ms. Santillian, we'll expicting you there.. bye"
Pagkatapos ng tawag na iyon ay hinanda ko na agad ang mga papers at reports na kailangan naming mamaya para sa meeting, mahalagang meeting iyon at hindi pwedeng ma-cancel pa sa ikalawang pagkakataon. Last day pa dapat ito pero na-cancel dahil sa na huli ang report ng isa sa mga member ng marketing department, at dahil do'n ay malaking halaga ang nawala ng kompanya kaya ayon tinganggal sa trabaho iyong babae.
Merong kulang na isang report kaya kailangan ko iyong kunin sa kung sino amn ang tinalagaan no'n. tsk, si Stacy pala ang gumawa ng report na iyon.
Dala ang iba pang mga papeles lumabas ako ng opisina para puntahan si Stacy, wala pa 'rin ang gagong Ace.
Malayo pa lang ako ay dinig na dinig ko na ang chismisan ng buong team nila which is the Management Team. Nagsibalikan sila sa trabaho ng makitang papalapit ako maliban nalang kay Stacy at sa kaibigan nitong si Soffe.
"That's so romantic. Ang sarap sigurong maka-date ang nag-iisang Ace Tyron Sanford" ewan pero alam kong nilakasan nito ang pagkasabi no'n paramarinig ko, kilig na kilig pa si Soffe habang nakikipagusap kay Stacy na subrang lapad ng ngiti mukhang abot langit na. hindi abot empyerno pala. Di talaga nila alintana ang presensya ko. I'm Ace Tyron Sanford's secretary or should I say THE VICE PRESIDENT AND THE ACTING AND TEMPORARY CEO. Kung sa bagay pagtotoo nga ang hinala kong nanliligaw si Ace kay Stacey at maging sila ay magiging amo ko na din s'ya. I don't know but theres a part of me na naiinis sa tuwing naririnig ko na magiging girlfriend o asawa s'ya ni Ace.
Mas ayaw ko ng ipaalam kay Ace ang tungkol kay Peyton, tsk ayaw kong maging step-mom n'ya ang babaeng 'to. Mas pipiliin ko nalang na maging single-mom at hindi nakikilala ni Peyton ang ama n'ya.
"Oh Ms. CEO's Secretary is here" naka-ngising sabi ni Soffe kay Stacy. Umalis ito pero ng lagpasan ako ay umirap pa ang gaga.
Gaya ni Soffe ay naka-ngisi 'ring tumingin si Stacey sa'kin. Magkaibigan nga talaga parehas silang may pagka-stupid at baliw minsan.
"What brings you here, Ms. CEO's Secretary?" di pa 'rin mawala-wala ang ngisi sa mga labi nito. Iniinis n'ya ba 'ko? O gusto lang n'yang ipagmalaki ang pakikipagdate ni Ace sa kanya para mainggit ako. Ako? Maiinggit? No way over my dead gorgeous body..... teka bakit ba 'ko explain ng explain wala naman siguro akong pake kung makipag-date at mag-asawa na ang gagong Ace na 'yon no? wala! Akong care.
"Tulala ka agad sa kagandahan ko Ms. Secretary, blooming lang talaga ako"
Ang kapal n'ya naman. Pwede namang may iniisip lang, diba? Tulala lang nagagandahan na agad sa kanya? Duzh!
"Hindi ako natutulala sa mukha mo, okay? Merun lang akong iniisip" pagmamaldita ko rito
Nakakabwesit kasi eh. Kala mo naman kagandahan, oo naman maganda din s'ya pero matutulala agad? Like fvck.
"Kukunin ko na ang report mo about sa partnership sa V empire"
Napa-O naman ang bibig nito. Don't tell me hindi n'ya pa 'yon natatapos? Baka sya na ang susunid na matatanggal.pero di namaan sya mattangal eh, she's dating the company's VP after all at baka nga Girlfriend pa.
Pake ko naman kung girlfriend sya ni Ace, di naman sila bagay.
"here...kala mo siguro 'di ko pa tapos no? well I'm not like others"
Mind reader na ba s'ya?
Pagkatapos kong makuha ang report n'ya ay bumalik agad ako ng office. Ba'ka nandon na si Ace. Wala pa 'tin si Ace. 'Di ata na ' ka get over sa date nila ni Stacey, bakit ba 'yon ang iniisip ko?
Napangiti agad ako ng makita sa screen ng cellphone ko kung sino ang tumatawag.
"Hello, son? How's the trip?" nakangiting sabi ko, hindi ito sumagot rinig ko lang ang iba't ibang ingay ng paligid.
"Is this Samantha Santilllian?"
Agad akong napatayo, bakit n'ya hawak ang cellphone ng anak ko? Anong ginawa nila sa anak ko? Kinalma ko ang sarili bago nagsalita "Yes its me" mahinahon kong sagot. Baka nagkakamali lang ako ng iniisip.
"Ma'am pumunta po kayo ng ospital na aksidente po ang anak niya kasama ang apat na iba pa"
Nanlumo ako sa narinig. Naaksidente sina Peyton? Pano kung malala ang lagay n'ya? Bakit sila na aksidente? Baka naman nagkakamali lang sila? Wrong call lang ito.
Ewan kung paano ako nakarating ng ospital. Paggising ng diwa ko ay nasa ospital na 'ko. Nakatayo ako sa labas ng emergency room. Inaantay ang paglabas ng doctor, nasa ibang kwarto sina Anne. Wala pa 'kong alam kung kamusta sila.
Gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit sila naaksidente. Kung ko lang sana s'ya iniwan sana ay wala s'ya sa loob ngayon. Sana hindi s'ya nagaagaw buhay. Sana naprotektahan ko ang anak ko.
Halos ma ubos na ang luha ko kakaiyak pero hindi pa 'rin ito tumitigil. Subrang sakit, malalaman mo nalang na naaksidente ang anak mo at ngayon ay nakikipaglaban kay kamatayan. Peyton is my strength I can't live without my son. Mas gugustohin ko nalang na mawala kung wala din lang naman ang anak ko.
Magda-dalawang oras na 'kong naghihintay ditto hindi pa rin lumalabas ang doctor. Tinawagan ko na kina Mom para bantayan din sina Anne.
Nagtext sakin si Mom na lumabas na daw ang doctor ng operating room. Ang doctor na umasikaso kay Anne. Dalawang room lang ang layo namin, inihakbang ko na ang mga paaa ko papunta sa room ni Anne ng sakto 'ring paglabas ng doctor ni Peyton.
"Doc. How's my son?" deritsang tanong ko.
"He's fine now Misis," lumuwag ang dibdib ko sa sinabi nito "But we can't asure you na mabubuhay pa s'ya ng matagal"
Nanlambot ang mga tuhod ko. Ramdam ko ang braso ni Mommy na nakayapos sa beywang ko na syang pumipigil sa tuloyang pagtumba ko.
"S'ya ang napurohan at s'ya rin ang huling nadala dito sa ospital. Maraming dugo ang nawala sa kanya"
"Do everything to save my son" 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko at tuloyan ng natumba at umiyak. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Di naman nila aalm kung gaano ka sakit ang narararamdaman ko nayon, maaaring mawala ang anak ko sa 'kin. At di 'ko na alam kung anong gagawin ko.
"Kailangan s'yang masalinan ng dugo as soon as we can... 'yon nalang ang nakikita kong paraan para maaring maisalba ang buhay ng anak mo Misis... pero hindi pa iyon 100% sure, nakabase pa rin kay Peyton kung lalaban s'ya, but as I can see mahina na s'ya at nahihirapan"
Kahit papano ay nabuhayan ako ng lakas, maaring mabuhay ang anak ko. I'll do everything to save my son.
"Bibili kami ng dugo kahit magkano pa 'yan buhayin n'yon lang ang apo ko" sabi ni Dad.
"We're very sorry to tell you Ma'am and Sir.. wala ng dugo ang blood bank namin, naubos na iyon kanina dahil merun ding mga magpamilyang naaksidente. "
"bullshit!" malutong na mura ni Dad at sinipa ang pader ng ospital.
"Magdodonate ako" kahit nanghihina ay tumayo ako para sa anak ko.
"Ano pong blood type n'yo Misis?"
"Type A, Doc"
"I'm sorry blood type O si Peyton"
Type B si Mom si Dad naman ay A din. Kahit na sinuyod na namin ang buong ospital ay wala kaming nakitang type O merun sana kaso kagagaling lang din sa ospital at di pa pwedeng kunan ng dugo. Nagpatulong na din kami sa mga kakilala nina Dad pero wala pa 'rin. Walang sino man ang gustong mag donate ng dugo sa anak ko. Kahit magkano ang bayad ay ayaw nila. Bakit sila gano'n? isang batang nangangailangan ng dugo hindi nila mabigyan?
Nawalala na 'ko ng pagasa. Isa nalang ang iniisip kong paraan pero hindi pwede. Ngayon na ba ang panahon para malaman ni Ace ang tungkol kay Peyton? Pano kung magalit s'ya? Pano kung 'di s'ya maniniwala? Pano—
Kailangan ko si Ace ngayon, sya nalang ang nakikita kung pararan para mabuhay ang anak ko. Tatanggapin ko lahat ng parusa at galit nila mabuhay lang anak ko.
Sina Dad ang nagbabantay kay Peyton habang si Mom naman ay nagbabantay kay Anne. Binalitaan ko na din ang pamilya nina Kith.
Hindi na 'ko nakapagpaalam kina Mom. Mabilis akong tumakbo palabas ng ospital at nagbantay ng taxi. Malas nga siguro ng araaw na ito, madaming taxi'ng dumadaan pero ni isa ay walang tumigil at nagpasakay sa 'kin.
Ilang minuto pa bago may tumigil na taxi mabilis akong sumakay rito at sinabi ang lugar kung saan sina Ace. 10:40 na kaya't sigurado akong nasa V empire na s'ya. Nagbayad ako at mabilis ng tumakbo papasok, hindi naman ako pinigilan ng guard, suot-suot ko pa kasi ang ID ko. Kakaakyat lang ng elevator. Wala na 'kong choice kundi ang maghagdan. Nasa-4th floor ang conference room nila.
Alam kong magagalit si Ace sa 'kin sa biglaang pagalis ko ng kompanya ng wala man lang sinasabi pero wala na 'kong pakialam pa do'n. Si Peyton lang ang iniisip ko ngayon
Halos mamatay na 'ko sa pagod na makarating sa harap ng conference room. Huminga ako ng malalim. Kahit madami pa ring bumabagabag sa isipan ko hinawakan ko ang door knob at akmang bubuksan ang pinto ng may humatak sa'kin.
'Di ko alam kung anong dapat kung maging reaction. Ngingiti? Maiiyak? o matatakot?
Gustong bumuka ng mga bibig ko at magsalita pero ni isang letra ay walang lumabas. What should I say?
A\N; so ano papatayin na ba natin si Peyton? At malalaman ni Ace ang katotohanan?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top