Chapter 19: High-Light

Samantha (Point of View)

Pagkatapos kung mag-ayos ng gamit namin ay bumaba agad ako kanina pa kasi ako tinatawag ni Mommy. Magsisimula na daw kasi ang program para sa high-light ng fiesta. 

Medyo madami ng tao dito. Dito daw gaganapin ang program, halos mga officials ng baranggay ang nandito, merun din namang mga mamamayan. Sabi ni Dad kahapon ay merun daw dadating na mga business legends mula sa ibat ibang parte ng Pilipinas para makipagnigotiate sa dadating na projects ng mga official. 

Sa hagdan pa lang ay dinig na dinig ko na ang ingay sa labas, sa garden ginanap ang party, madami ding mga hinire si Mommy na mga katulong para tumulong sa pamimigay ng pagkain. 

"Ma'am Samantha kanina pa po kayo hinahanap ni Madame, mag-ayos na daw po kayo" bungad sa 'kin ng isa sa mga katulong. Tumango lang ako at ngumiti.

"Nasan pala kina Anne? Nandito na ba sila?" Tanong ko rito at muling pumanhik sa taas, nakasunod lamang ito sa 'kin

"Nasa labas na po sila, Ma'am"

Dumeritso ako ng dressing room ni Mommy. Sigurado akong nandon ang damit na susuotin ko, hindi nga ako nagkamali. Merung naka-hanger na isang formal dress sa loob ng closet, nakabukas lang ito kaya't kita ko ang laman.

Isa itong pastel pink plain dress, Gucci pa ang brand nito. Ever since kasi ay GUCCI na ang tinatangkilik ni MOmmy na brand, even Dad. Sa tingin ko ay hanggang tuhod lang iyon, medyo fited din ang taan, off shoulder din iyon. Simply lang peru napakaganda tingnan.

"Ma'am tatawagin ko lang po ang make up artist ninyo" 

Umalis na agad ito. Kinuha ko ang damit na iyon at sinukat sa salamin. Sa tingin ko naman ay ayos lang iyon, hindi masyadong revealing.

"Ma'am me-make-up-pan na po namin kayo"

Binalik ko mona 'yong damit at naupo sa harap ng vanity set ni Mommy. Hindi na 'ko nagpalagay ng sobrang kapal na powder at blush on, 'di ako sanay sa make up make up na yan. 

"Tapos na po, Ma'am. Pwede na po kayong magpalit"

Pumasok ako ng CR at sinuot ang dress. Gaya ng akala ko kanina ay hindi ito masyadong revealing at simply lang din. Humarap ako sa salamin. Ilanf taon na ang nakakalipas nang huli akong nagsuot ng damit na kagaya nito. At 'yon ay noong nagka-one night stand ako. Dahil do'on kaya ayaw ko ng magbar at magsuot ng mga damit kagaya nito. Peru gaya ng sabi ni Anne. "DON'T LET THE PAST CONTROL YOU"

"Ang ganda nyo po, Ma'am" galak na komento ng baklang nagmake up sa 'kin. Ngumiti lang ako rito.

"Tara na po, Ma'am. Alam kong kanina pa kayo hinihintay nina Madame." 

Sumunod nalang ako sa kanilang dalawa. I must enjoy this night. Isa ito sa mga bagay na na-miss ko simula ng maging ina ako. 

Para sa iba ang pagkakaroon ng anak na walang ama ay isang kamalasan, isang bagay na dapat pagsisihan kasi naging dahilan ng pagwakas ng pagiging teenager natin.Pero para sa 'kin ang pagkakaroon ng anak ay isang blessing, isang bagay na 'di man planado at 'di man ginusto pero dumating pa 'rin para magbigay ng saya sa buhay natin. Para magparealize sa 'tin na kahit may anak kana hindi ito hadlang para maging masaya ka. Ang pagkakaroon ng anak ay hindi dapat pagsisihan. Because in the end they are still our mini version. They are still us. Kahit wala silang ama na nakilala at maaring kilalanin, dapat pa 'rin natin silang pahalagahan dahil wala naman silang kasalan sa nakaraan natin kung paano sila na buhay sa mundong 'to. 

"Sam, are you okay?"

Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Mommy, ngumiti lang ako rito. 

"Come on the party and the pragram will start in a minute" aya nito.

Bawat officials ay merong tables na nakalaan kasama na rito ang kanilang pamilya. Magkatabi sa upoan si Kith at Anne, nasa kaliwa ni Anne si Alle, katabi naman ni Alle si Nathan at katabi ni Nathan si Peyton at katabi ko si Peyton at Kith. Nasa ibang table sina Mom and Dad. 'Di na kami kasya sa table na 'to.

Nadapo ang attention ko kina Anne at Kith, mukha silang magasawa. 

"Ladies and Gentlemen welcome to San Lorenzo annual fiesta celebration" masayang sabi ng Emcee gamit ang mic.

Nagpalakpakan ang mga tao.

"In this night we will witness the negosation between our very own officials together with our beloved business partners"

Muling nagpalakpakan ang mga tao.

"Please welcome Mr. Santiago Santillian to have his welcome remarks"

Umakyat ang si Dad sa stage nagpalakpakan ang mga tao, merun pang ibang nagsitayuan at nagsigawan. Kumaway sa kanila si Dad.

Nakaramdaman ako ng tawag ng kalikasan kaya't nagpaalam mona ako kay Anne na papasok ng mansion.

Pagpasok ay dumeritso ako ng CR. Pagkatapos kong magcubicle ay naghugas ako ng kamay, papalabas na 'ko ng magring ang phone ko.

"Hello Samantha Santillian speaking how may I help you?"

Walang sumagot imbis ay may narinig akong tumawa.

"Ang pormal mo naman masyado, Sam. Its Clarck" tatawang sagot nito.

"Bakit ka pala napatawag?"

Naglakad ako patungo ng pool area, medyo maingay kasi kaya't di 'ko naririnig ang sinasabi nito kahit nakaloud speaker na.

"Remember 'yong party ng Mom ko, susundoin na sana kita"

"Ha? Ngayon ba 'yon? Sorry nasa probinsya pa kasi kami Clarck"

Nakakahiya naman kay Clarck nakalimutan kong sabihin sa kanya na hindi kami nakauwi.

"Ayts sayang naman gusto ka sana nilang makilala eh, next time nalang" desmeyadong sagot nito.

"I'm really sorry, Clack"

"I'ts okay just enjoy there, okay... I gotta go magsisimula na ang party"

"I'm really sorry Clarck.. bye"

Nakakinis naman. Nakakaguilty kasi eh. Huminga ako ng malalim at bumalik na ng garden.

---

Mag-aalas onse na ng gabi pero tuloy pa din ang party, merun pa kasi silang padisco, at subrang nageenjoy ang mga tao, maging kina Dad ay nakikisayaw na sa mga tao. Mukha lang silang mga magbabarkada.

"Sam you should sleep now" hinarap ko si Mommy.

"You should to Mom anong oras na din"

"Marami pa akong aasikasohin dito Sam, mamaya na ako matutulog"

"Okay mom"

Nagpaalam mona ako kina Dad at agad nang pumasok, kanina pa tulog sina Anne, bukas ang balik namin.

Madaling araw palang ay gising na 'ko. Hindi ako nakatulog ka gabi, ewan kung bakit. Bumaba ako para maghanda ng agahan at magayos para sa paguwi namin.

Pagkatapos kong magluto, bumalik ako sa taas para tingnan si Peyton sa kwarto nya. Magkatabi pa 'rin sila ni Nathan. Hindi na lamang ako pumasok ba 'ka magising ko lang sila. Bumalik ako ng kwarto.

Kinuha ko agad ang cellphone ko ng magring iyon. Unregisterd number ito.

"Hello?"

Makalipas ng ilang sigundo pa bago ito magsalita.

"Report at the office at exact 6:30" may pagkahusky ang boses nito at ang sexy pa, sa tingin ko ay kakagising lang nito.

Pamiliar din ang boses nito.

"Ace?"

S'ya ba 'to? Parang kasi eh.

"Yes"

Binabaan agad ako nito. Ang bastos talaga! Tsk. Gusto n'ya kong magreport sa opisina ng 6:30 pa lang? Is he out of his damn mind?

"Kung hindi ko lang talaga s'ya boss" inis na sabi ko at binato 'yong cellphone sa kama.

"Mommy" Ngumiti ako ng lingonin si Peyton.

Bagong gising ito at mukhang umiiyak.

"What's wrong, son?" Nagaalalang tanong ko rito. Kinalong ko si Peyton at umupo ng kama.

"I have a bad dream, Mom" mangiyak-ngiyak na kwento nito.

"It's okay, son. It's just a dream" alo ko rito.

"Don't leave me, Mom"

Tumango ako sa kanya at ngumiti, inilagay ko ang ulo niyo sa dibdib ko. Kinantahan ko si Peyton ng lulaby kaya't nakatulog ito.

Inilapag ko ito sa kamay at kinumotan, hinalikan ko ang nuo nito at naghanda na para pumasok ng opisina kahit ayaw ko pa sana. Gusto kong samahan mona rito si Peyton, lalo na't nanaginip sya ng masama. Pagkasi nanaginip sya ng masama at gigising ng wala ako ay umiiyak sya.

Bwesit naman kasi 'yong tatay nya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top