Chapter 12: Painful Past
Kith PoV
*flash back*
Nasugod na namin ang buong mansyon wala parin kaming nakitang Vena, Alle at Nathan.
"Kith, baka naman lumabas sila para magpahangin"
Sana nga
"Sige manang hahanapin ko sila sa mga park"
"Sige"
Halos gusto ko ng lumipad para lang marating ang pinakamalapit na park.
Sana nga ay nandun lang kina Vena, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanila.
"Sir!!"
Tumigil ako at humarap sa sumigaw. Si Mang Tonyo
"Po??"
"Nakita na namin kina Alle"
Nawala ang kaba sa aking dibdib.
"Tara na manong inaantay na'ko ng mag-iina ko"
Aya ko kay manong at naunang maglakad pabalik. Taka akong bumalik, di ito sumunod dakin, bagkus ay parang wala sa sarili itong nakatayo.
"Manong ano ba, halina kayo" inis na sabi ko at muling nag lakad peru hindi parin ito sumunod.
"Manong ano ba"
"S-sir s-si M-ma'am Vena"
Di ko alam peru mulingbnamuhay ang kaba sa'king dibdib dahil sa tuno ng pagkakasabi nito.
"Anomg merun sa asawa ko Mang Tonyo"
Hindi ito sumagot, nagsimula ng manubig ang mga mata ni Mang Tonyo.
"Mang Tonyo ano bang nangyari sa asawa ko"
Pinahid nito ang kanyang luha at bumuntong hininga.
"Ah Sir Pasyal mona tayo"
Taka akong tumingin sa kanya, magagawa ko pa bang mamasyal gayung may kutob akong may masamany nangyari sa asawa ko. At nasa bahay naghihintay ang mga anak ko...
Sana ay pati ang asawa ko.
Wala mang katibayan peru alam kung walang Vena ang naghihintay sa'king pag-uwi
"Mang Tonyo parang awa nyo na sabihin nyo na kung anong nangyari sa mag-iina ko!!"
Sa unang pagkakataon, merun akong matandang nasigawan.
"S-sir s-si Ma'am Vena....." tumigil mona ito at pinakalma ang sarili "..... P-patay na ho sya"
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Hindi ko matanggap ang sinabi nito. HINDI PWEDENG MAMATAY ANG ASAWA KO!!
"Manong sabihin nyo... nagbibiro lang kayo diba? MANONG NAGBIBRO LANG KAYO!!! BUHAY ANG ASAWA KO!!! NO! NO! ITS JUST A JOKE!! MY WIFE IS ALIVE!!"
Wala na'kong lakas para maglakad. Gusto ko nalang ding mawala, hindi ako kompleto pag wala ang asawa ko.
HINDI PWEDENG MAWALA ANG ASAWA KO!!
Sinundo kami ni Mang Sanie, imbis nasa bahay diditerso ay sa ospital kami dumertso.
WALANG LUHANG LUMABAS SA MGA MATA KO! HINDI KO PARIN TANGGAP NA WALA NA ANG ASAWA KO.
Ang akala ko ay dadatnan ko pang buhay ang asawa ko peru wala na talaga sya.
Inakala ko kaninang nasa osoital lang sya nagpapagaling. HINDI YUNG HANDA NANG DALHIN SA HULING HANTUNGAN NYA.
Tinatak ko sa'king utak na ang sinabi ni Mang Tonyo'ng PATAY ay NASA OSPITAL lang sya.
Kahit na gusto kong magmukmok ay ginawa ko ang lahat para malaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng asawa ko.
At mas lalo lang akong nasaktan sa nalaman ko.
*end of flash back*
Anne's PoV
Nagising ako ng maramdaman kong tumigil ang sasakyan namin. Tulog pa rin si Alle maging sina Peyton. Kinuha ko mona ang cellphone sa kamay ni Peyton at inayos si Alle at lumabas.
Nasa gilid kami ng dagat, nakatayo si Kith malapit sa bato di kalayuan sa sasakyan namin...
Lumapit ako rito. Hindi ata nito napansin ang presensya ko.
"Kith."
Tumingin ito sakin.
"Auhm sorry.. h-halika kana" pilit itong ngumiti.
Alam kung merun itong problema.
"Care to share?"
He look at me before seeting on the big stone. Tumabi ako rito.
"I remember her again" umpisa nito.
Sa tingin ko ay ang namayapa nitong asawa ang kanyang tinutukoy.
"... Hindi ko parin tanggap ang nangyari sa kanya"
Mahirap naman talagang tanggapin ang masakit na katutuhanang wala na ang tao mong mahal.
"Try to relax sometimes" suggestion ko rito.
Everytime na merun akong problema noon ay nagrerelax mona ako para makapag-isip. Peru sadyang mahirap magrelax pag ang gusto mong isipin at kalimutan ay ang taong mahal mo.
"Kahit anong gawin ko di ko parin tanggap"
"Lalo na ang dahilan kung bakit sya namatay"
Gusto ko mang magtanong kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng asawa nito. Napakasensetive ko naman kung ganon diba, kaya mas pinili ko nalang na manahimik at makinig.
"Lets go"
Tumago ito at nagpagpag ng damit. Nag-abot ito ng kamay kaya tinangpan ko ito.
Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko ng maglapat ang mga kamay namin.
Nagsimula naring tumambol ang aking dibdib.
"L-lets go"
Hindi ko na lamang inisip ang bagay na iyon..
Tulog parin ang mga bata.
----
Ilang minuto bago kami makarating sa bahay nang mga magulang ni Samantha ay nagising ang mga bata...
"Wow this place awesome"
Napangiti ako sa reaksyon ni Alle.
Maganda ang bayang ito, hindi mo masasabing isa lamang maliit na probinsya. Maraming magagandang tanawin.
Merung wind mills na nakatayo sa bawat sitio. Dalawa bawat sitio. Malakrystal din ang tubig ng mha dagat rito. Puting-puti ang mga buhangin. Perfect for summer and beach outing.
Hindi narin kailangang mag bayad sa mga cattage. Marami ding beache's ang nakapalibot sa probensyang ito.
"Mommy I want to swim" galak na sabi ni Alle kabang nakadungaw sa bintana ng sasakyan.
"Malapit na po ba tayo?" Tanong ni Nathan.
"Yes Nath"
Tumigil ang sasakyan namin sa malaking gate ng mansyon nina Samantha.
Bumusina si Kith at agad namang lumabas si Mang Kaloy...
"Sino po sila?" Tanong nito
Hindi ata ako nito nakita.
"Mang Kaloy!!"
"Ma'am Anne, Peyton kayo pala... siga pasok kayo"
Binuksan nito ang gate.
Tinulongan kami ni Mang Kaloy sa bagbubuhat ng mga maleta.
"Nasa loob na po si Madam"
"Sige Mang Kaloy"
Pagpasok palamg ay bubungad na agad sayo ang malaking larawan ng buong magpamilya.
"My grandchild" giliw na saad ni Tita Clarita.
Lumapit naman si Peyton sa lalo at yumakap.
"Good thing at naka-uwi kayo" sabi ni Tito Calvin.
"Oo nga tito"
"Uhm tito' titakaibigan ko po pala si Kith at mga anak nya si Alle at Nathan" pakilala ko kina Kith.
"Hi Po" giliw na saad ni Alle at lumapit kay tita Clarita at niyakap ito.
Masayang niyakap ni tita Clarita si Alle, gusto kasi nito ng babaeng apo.
"Come on magpahinga mona kayo at magluluto lang ako.. alam kung pagod kayo"
"Loleng pakiguid sila sa mga kwarto nila" utos ni tita Clarita kay Aling Loleng.
Pumanhik mona kami sa taas at nag-ayos. Merung sariling kwarto dito si Peyton kaya doon sya dinala ng isang maid kasama ng maleta nito. Gusto ni Nathan na magkasama sila ni Peyton sa kwarto kaya hayon doon nalang daw sya.
As ussual katabi ko si Alle, si Kith naman ay nasa kaharap lang naming kwarto.
Pagkatapos kong mag-ayos ay napahiga ako sa malambot na kama, tumabi naman si Alle sakin.
****
Samantha PoV
Pagkatapos kaninang tumawag ni Peyton ay pumunta kami ni Clarck sa malapit na cofee shop.
"Your son?" Tukoy nito sa wallpaper ng cellphone ko.
Kung si Ace siguro ito ay kanina pa'ko nanginig . Lalo na't merun na itong lead na may anak nga sya sa labas.
"Uhm oo"
Gusto kung itanggi, baka kasi ipagsabi nito kay Ace leru mukhang mapagkakatiwalaan naman ito.
"Nasan ang Dad?"
Sasabihin ko ba sa kanya? Walang ni isa sa mga katrabaho ko ang nakakaalam ng tungkol kay Peyton.
"Auhm Clarck I have something to tell you"
Alam kung maaring hindi sya maniwala peru gusto ko paring sabihin ang totoo sa kanya. Naging kaibigan ko na din naman ito.
"Sure, What is it"
Nag-aalanganin akong tumingin sa paligid. Mahirap na't baka merung tauhan si Ace dito.
"Ang dad ni Peyton s-si"
"Who?"
Sasabihin ko ba talaga?
"I-it was A-ace Clarck"
"WHAT!!"
Naagaw nito ang tingin ng mga tao, hindi ko naman sya masisisi kung ganyan ang magiging reaksyon nya eh.
Sino bang hindi magugulat pagnalaman mong merun palang anak sa labas si Ace Tyron Sanford.
Ngumiti ito ng mapakla sa mga tao at bumaling sakin "H-how come?"
"It was a one night stand"
Alam kung pangit tingnan o marinig ang sinabi kong "one night stand". Halos lahat naman kasing mga babaeng nabubuntis dahil sa one night stand ay mga malalandi o mga babaeng napapabayaan na ang buhay.
Ano nalang ang sasabihin ng iba pag nalaman nilang dahil sa one night stand ay nabuo si Peyton. Na malandi ang ina nya? Na wala akong pinag-aralan? Na isang U.P. graduates ay isang desgrasyada.
"Alam ba na Ace ang tungkol sa anak mo-- I mean ninyo?"
"Obviously Clarck NO!"
"P-pwede bang satin nalang to??"
Ayaw ko monang may makaalam pang iba. Magkakagulo talaga pag nalaman ng publiko na isang Sanford ay merung anak sa labas. At baka kunin pa nya si Peyton.
"S-sure"
Ngumiti ako rito at humigop ng kape.
"By the way about pala don sa sinabi ko? Yung sa birthday ng mom ko"
Oo nga pala.
"Pupunta ka ba?" Nahihiyang tanong nito.
"Oo naman"
Nagkwentohan mona kami ni Clarck bago napagpasyahang umuwi na
"Una na'ko Clarck" paalam ko at kinuha ang bag
"Hatid na kita"
"Wag na"
"You sure"
"Yep"
Nagpaiwan ito sa cofee shop, aantayin pa daw kasi nito ang organizer ng birthday party ng mommy nya.
Hindi na'ko nagabala pang bumalik ng opisina isa pa wala naman don si Ace, anong oras na di na yun babalik ng opisina.
Nagtaxi ako pauwi, habang nasa byahe ay nagbook na'ko ng ticket, merun pang last trip pa uwi ng San Lorenzo.
Dumaan mona ako sa bahay para magbihis saka napagdesesyonang pumunta ng bus station...
-----
Alas-singko na ng hapon, nakatulog ako kanina kaya mas nagmadali ako dahil alas-singko emidya ang alis ng bus.
"Manong sa bus station po"
Di ako mapakali dahil baka mahuli ako sa bus lalo na't walang byahe bukas di naman pwedeng magkotse ako, may kalayuan din ang San Lorenzo.
"Hija mukhang di kana aabot nito" sabi ng mamang driber.
"Paki-bilisan nalang manong"
Agad akong nagbayad ng makarating at mabilis na lumabas.
Paalis na ang bus.
"Ma'am San Lorenzo po?"
"Oo kuya"
Buti at nakaabot ako.
****
Ace PoV
Maingay na tugtog ng clasic muscis ang maririnig sa buong club house. Mabaho din ang amoy ng paligid bunga ng usok ng sigarilyo at vape.
Di alintana ang mga tao sa paligid ay merun pang mga taong naghahalikan kung saan-saan.
Sanay na ako sa ganitong lugar.
"So whats your plan now bro?" Tanong ni Zeus at tinungga ang isang mamahaling wiskey.
"Tsk, bahala na mona and besides di pa naman makakauwi yun"
"Sino kaya ang may pakana non?" Takang ani nito at aminoy nag-iisip.
Maging ako ay napaisip kung sino nga ang maaring may pakana ng nangyari kay dad.
"Hindi kaya mga kalaban nyo sa business Ace?"
Maari nga iyun, peru pano nila nagawang mapana si dad gayung napakarami nitong body guards?!.
"Wala ka bang balak paimbestigahan to?"
"Tsk si Alex na ang pahala don"
Tinungga ko ang huling laman ng baso at tumayo. Naglakad ako papuntamg bar tender ng harangin ako ng isang babae.
"Hi Ace" malanding turan nito at hinaplos ang braso ko.
"Get off"saway ko peru mukhang wala itong narinig.
Imbis na matakot at tumigil ay nagpatuloy parin ito.
She's about to kiss ng itulak ko ito.
"STAY. AWAY. FROM. ME."
Im done with this kind of shits.
Marahas kung hinawakan ang kamay nito at winaksi.
Galit itong tumingin sakin peru hinayaan ko nalamang iyun. Thats Louise one of the b*tche's.
"Isa pang wiskey" utos ko sa bar tender
Agad naman itong kumuha ng wiskey at sinalinan ako.
I have so hectic schedule now and being drunk is my only way to escape.
*****
Samantha PoV
Madilim na ang kalangitan ng makarating ang bus na sinasakyan ko sa San Lorenzo. Tinawagan ko na din kanina si Mommy na magpapasundo ako kag Mang Kaloy.
"Uhm Ma'am taxi po?" Alok sakin ng ma'ma
"May susunod po sakin"
Umalis din ito. Kunti nalang ang tao dito sa bus station.
Halos limang minuto na'kong naghihintay dito wala pa'din si Mang kaloy.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinayal ang number ni Anne.
*kring
*kring
*kring
"Hello Sam?" Antok na nito.
"Nasan na si Mang Kaloy?" May inis na sabi ko
Lima nalang kami ang naririto at nangangakay na'din ako.
"Huh? Si Mang Kaloy ba?"
Napairap ako sa hangin.
"Oo kakasabi ko lang diba"
"Wait pupuntahan ko lang sa labas" ani nito.
Rinig ko ang mga yapag nito, pagbukas at pagsara ng pinto.
"Manang na'san po si Mang Kaloy?" Sabi nito sa kabilang linya
"Si Kaloy ba? Diba pinasundo ni Ma'am Clarita si Samantya? Tinig iyun ni Manang Loleng.
"Susundoin ka raw, Sam"
Tsk dinig ko naman yun
"O, Sya sige"
Agad ko iyung pinatay at luminga-linga sa paligid. Tatlo nalang kami ang naririto.
"Bat ba ang tagal ni Mang Kaloy" inis na saad ko sa'kong sarili.
Wala man lang kasing upuan dito, merun naman dito noon, e.
"Miss di ka pa ba uuwi?" Tanong ng babae, paalis na din ito kasama ng dalawa pa.
"Inaantay ko nalang yung sundo ko"
"Ingat ka rito, ha. Marami pa namang masamang tao ngayon"
Nanindig ang balahibo ko sa sinabi nito. Di ako mapakali ng makaalis na ang mga ito. Madilim ang paligid, ilaw lang ng street light ang nagbibigay liwanag sa buong lugar.
Lumalamig na din ang kapaligiran...
"Psst"
Mas nanindig ang balahibo ko ng marinig iyun. May tao pa bang iba dito maliban sakin?
"Pssst"
Nangingig ang mga kamay ko.
"Mang Kaloy na'san na kayo" takot na ani ko.
"Pssst"
'Matapang ka Samantha, wala namang tao dito nagkakamali kalang, Oo nagkakamali kalang.'
Pilit na pagpapakalma ko sa sarili ko.
"Psssst"
Wala na'kong maisip na i-dahilanbsa sarili ko para lang kumalma. Hindi ako nagkakamali ng dinig merun ngang tao sa paligid, merung tao na nagmamanman sa akin.
Isa
Pag di padumating si Mang Kaloy, pagka-bilang ko ng tatlo. Maglalakad nalang ako, merun namang malapit na mga bahay rito.
Dalawa
"Pssssst"
Ano bang trip ng kung sino mang hudas na'to sakin, Huh?
Pag nakita ko talaga si Mang Kaloy patay sakin yun. Na'san na ba kasi yun?
"Pssssst"
Ang balak kung pagtakbo ay udlot ng may marinig akong yapag papalapit sa kinatatayoan ko
'Lord kung kukunin nyo man ako larang awa nyu na wag naman ngayon, bukas at magpakailan man'
Dahil sa kanerbyusan ko pati Magpakailanman na sali pa sa panalangin ko.
Palapit na palapit nang palapit, inihanda ko ang aking bag para ihampas ito sa kanya.
Isa
Dalawa
Tatlo
"Hiya" kasabay ng pagharap ko dito ay paghampas ko sakanya ng bag ko.
"Ouch"
Wow grabi naman to english pa
"S-sino ka? SAGOT?!?" Malakas na sigaw ko at itinaas sa ere ang aking bag at pagnagkamali ito nang galaw ay lalanding ulit to sa mukha nya.
"Tsk, You? Who are you?" Tanong nito at dinuro pa ako.
Ang kapal naman nito ako na nga itong unang nagtanong ako pa ulit ang tatanungin at duduro-duroin pa'ko
"Ako ang dapat na mag tanong nyan sayo Mr."
Nakapamewang na sabi
"Sev" ikling sabi nito at palihim na umirap.
"And you??"
Hindi ko ito sinagot, anong akala nya sa'kin uto-uto.
"Tsk Hey women I'm damn talking to you!!" Bulyaw nito sakin.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad
"Alam mo bang maraming multo sa daanang yan"
Awtomatiko akong bumalik. Takot pa naman ako sa multo
"HAHAHAH"
"Ouch" bunatukan ko kasi ito, kala nya maganda iyung ginawa nyang pananakot sakin.
Humanda talaga ito sakin.
"Who are you?" Tanong nito.
Hindi ko sya pinansin, feeling close.
"Tsk, Who are you?"
"I--"
Naputol ang sasabihin ko ng may dumating na sasakyan "Ma'am Samantha, sorry po sa paghihintay nasiraan po kasi ako" si Mang Kaloy pala.
Nilingon ko yung Sev peru wala na ito sa kinatatayuan nya kanina, tumingin ako sa paligid wala din sya
"Ma'am may kasama po ba kayo?" Tanong ni Mang Kaloy.
"Ah wala Manong" sabi ko at lumingon mona sa kinatatayuan kanina nito bago pumasok ng sasakyan
Na'san na yun? Bigla-bigla nalang susulpot at bigla-bigla ding mawawala.
Hahanapin ko yun bukas at ng makasohan ko. Tinakot ako masyado.
Peru pano ko sya mahahanap di ko maalala itsura non. Peru naaalala ko pa naman boses ng gagong yun
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top