Unang Henerasyon ng Pag-ibig

1988

Noong unang panahon, sa isang malawak ma ciudad, ang mga Villaluna ang pinakamayaman at pinakamakapangyarihang pamilya sa Ciudad Montebello. Si Don Basilio Villaluna ang padre de pamilya, si Donya Amanda Villaluna ang kabiyak ng Don. Ang kanilang mga supling, sina Dante- ang panganay na lalakeng tagapagmana ng kanilang yaman, at si Salome Villaluna- ang bunsong princesa. Madalas, nasa kay Dante ang spotlight. Samantalang si Salome ay tila isang saguigilid lamang pagkat nasa kay Dante lahat ng atensyon at pagmamahal. Pero meron namang isang binatang umiibig sa kanya- Si Hernando Montero. Wala siyang katayuan sa mundo ng mga mararangyang angkan pero sa puso ni Salome, mataas ang kanyang posisyon. He is the one who draws a smile in Salome's monochrome world, the source of the maiden's euphoria. Don't get her wrong though. She is happy with her family. But not as genuinely happy as when she is with Hernando.

Salome
Sino toh?

Nakaupo sa hardin si Salome. Nagmumuni-muni nang biglaang may tumakip sa kanyang mga mata.

Unknown
Hulaan mo...

Salome
Hernando??

Inalis na nito ang kanyang kamay na piniringan ang mga mata ni Salome at tinabihan na niya ito sabay abot ng bulaklak sa kanyang irog.

Hernando
Ako nga, mahal. Kamusta?

Salome
Ayos lang ako, mahal. Ikaw? Kamusta ka? Bakit ka naparito?

Hernando
Masama bang dalawin ang babaeng aking iniirog?

Salome
Hernando, wag ka nang mambola. Tuwing pumupunta ka rito, may gimik ka. Kaya sabihin mo na. Anong pinunta mo rito? Ano nanamang paandar ang meron ka?

Hernando
Hay...paano ko ngaba matatanggihan ang dalagang aking iniirog? Paano ko nga bang magagawang itago pa...

Salome
Itago? Ano ang iyong tinatago??

Hernando
Sa susunod na buwan ko pa sana itatanong sa'yo...

Salome
Ano ang iyong itatanong?

Dahan-dahang lumuhod si Hernando at kinuha ang kamay ng dalagang naguguluhan sa ikinikilos ng binata...

Hernando
Salome..aking iniirog...batid kong mahirap lamang ako. Ni wala nga akong singsing na dala eh. Wala akong ibang maiaalay sa iyo kundi ang aking pagmamahal at pangakong panghabang buhay. Hinding hindi kita sasaktan. Hinding hindi kita iiwan...

Salome
Hernando, naguguluhan ako sa'yo...Bakit mo ba sinasabi toh?

Hernando
Salome...Alam kong bata pa tayo...pero kung saka sakali, magiging hadlang ba ito na tayo'y magsama na? Maaari ko pa rin bang hingin ang iyong kamay?

Salome
Hindi...Hindi Hernando...

Hernando
Hindi?

Salome
Hindi.

Tila'y nanlumo ang mga mata ni Hernando sa sagot ni Salome. Napayuko na lamang siya. Samantalang si Salome ay nakangiti lamang at dahan-dahang lumuluhod para maging kapantay ng tangkad si Hernando. Nilagay niya ang kanyang palad sa pisngi nito at pinaharap ito sa kanya. Makahulugan niyang tinitigan ang kasintahan.

Salome
Hernando...Hindi. Hindi magiging hadlang ang ating edad sa ating pag-iisang dibdib...dahil mas malakas ang pag-ibig na'tin...kaya oo. Oo nais ko ring makapiling ka nang panghabang buhay...

Ang kanina'y malungkot na mukha ni Hernando ay naging maaliwalas na ngayon ng dahil sa itinuran ng dalaga. Kapwa na silang tumayo at niyakap ang isa't-isa.

Hernando
Mahal na mahal kita Salome

Salome
Mahal na mahal rin kita Hernando.

Samantala, ang Familia Sarmiento ang pumapangalawa sa Familia Villaluna. Nagsimula sa wala ngunit nagtiyaga at biniyayaan ng swerte nung manalo sa lotto kaya nagsimula rin sila ng negosyo hanggang sa lumago at nalagpasan ang Familia Del Valle na dating pangalawa sa pinakamayaman at makapangyarihan, ngayon ay panglima na lamang sa listahan, sunod sa Familia Montenegro at Familia Salcedo.

Dahil dito, mas lalong nagsumikap ang Familia Villaluna para mapanatiling nasa itaas at hindi malampasan ng mga Sarmientong pinaniniwalaan nilang mga sampid lamang in their ladder of chaos. Competition intensified until the downfall of the Villaluna's. As their greed and ambitions soared higher, their power sloped downhill. A lot of misfortunes befell upon them. Their business went bankrupt and their beloved son fell ill. He needed an operation but they didn't have enough yet the Sarmientos did. However, everything comes with a price.

Basilio
Gusto nilang ipakasal si Salome sa anak nila kapalit ng tulong pinansyal sa pagpapagamot kay Dante?

Amanda
Tama ka nga Basilio... Basilio, anong gagawin natin?

Basilio
Anong anong gagawin natin?? Accept it! I see this as an absolute win! Mapapagamot na natin ang magiging tagapagmana nating si Dante, magkakaroon tayo ng kapit sa yaman ng mga Sarmiento sa pamamagitan ni Salome! Magsasanib pwersa tayo. Maibabalik natin ang dati nating impluwensiya. At di magtatagal, baka mapatalsik pa natin ang mga Sarmiento at itapon sila pabalik sa dating lungga nila kung saan sila nararapat.

Amanda
Pero Basilio, paano si Salome? Paano ang nararamdaman niya? Anong klaseng magulang tayo kung gagawin nating pambayad sa utang natin ang ating mga anak? Paano--

Basilio
Letche Amanda!! Nonsense! Buhay ni Dante ang nakasalalay rito.

Amanda
Oo alam ko Basilio. Pero paano naman ang buhay ni Salome?? Pera lang ang binabayad sa pang-ospital, hindi buhay ng tao. Obligasyon natin yung paggamot kay Dante, hindi ni Salome. Mas pipiliin kong ako ang magsasakripisyo kesa mga anak ko. Hindi tayo nagtayo ng palasyo para ang mga anak natin ang maging alipin nito.

Basilio
Amanda, wala akong pakialam sa mga sinasabi mo. Mas mahalaga ang buhay ni Dante. Mas mataas ang lugar ng lalaki sa sociedad kesa ng mga babae. Mas mahalaga sa akin si Dante dahil siya ang tagapagmana ko. Babae lang si Salome.

Amanda
Jusko Basilio! Anak mo rin si Salome!!!

Basilio
Anak? Si Salome? Baka anak mo. Anak mo sa kalaguyo mong si Alexandro Vigafria.

Amanda
Wala akong alam sa pinagsasabi mo.

Basilio
Wag ka nang magmaang-maangan Amanda. Alam ko ang iyong kalandian.

Amanda
Oo. Mas minahal ko si Alexandro. Higit pa sa pagmamahal ko sa isang ganid na tulad mo subalit kailan man sa loob ng pagsasama nating mag-asawa, hindi ako nakipagtalik sa kanya. Hindi ako maruming babae. ANAK MO SI SALOME, BASILIO.

Basilio
Sige sabihin nating anak ko siya. Wala siyang pakinabang sakin.

Amanda
And yet, she is the one who can save us if we permit it.

Basilio
Exactly. So let's permit it. Diba dapat, ang mga anak, pinaglilingkuran ang kanilang mga magulang. Pahintulutan mo na, nangsa gayon magkaron naman ng silbi si Salome.

Amanda
I cannot do that Basilio. I cannot sell my daughter away like a broodmare. She is my own child. I will protect her at all costs, even if I had to protect her from you.

Basilio
Protect her from what? I am not the monster here Amanda. Walang mawawala sa kanya kung papakasalan niya si Jaime Sarmiento.

Subalit kapwa silang nagulat nung may biglang pumasok sa kanilang silid. Isang matamis na boses ng dalaga ang kanilang narinig kaya't natigilan sila sa kanilang pagtatalo.

Salome
Mama? Papa? Bakit po kayo nag-aaway? Sino pong ikakasal kay Jaime Sarmiento?

Basilio
Salome, anak, mabuti at narito ka na. Maupo ka muna. May sasabihin kami sa'yo.

Amanda
Basilio. Please. Don't do this.

Ngunit hindi ito pinansin ni Basilio. Ganid siya kaya gagawin niya ang kung ano ang sa tingin niya ang makakabenepisyo sa kanya. Habang tila'y nagmamakaawa si Amanda, naguguluhan si Salome ngunit piniling wag umimik at sa halip ay umupo na lamang.

Basilio
Salome, anak, batid mo naman ang masaklap na kalagayan ng iyong kuyang si Dante, diba?

Salome
Opo, papa. Naaawa nga po ako sa kanya kaya gabi gabi, ipinapanalangin ko sa Diyos na sana'y gumaling na siya...

Basilio
Paano kung sasabihin ko sa'yong gagaling na siya?

Salome
Po? Talaga? Paano?

Basilio
Kung sasabihin ko ba sa'yo, handa ka bang tulungan kami? Handa ka bang maging bahagi ng paraang gagaling ang kapatid mo? Kapag handa ka, papayagan na kita sa kahit na anong gusto mo. Hindi mo lang alam kung paano mo ako pasasayahin at tiyak ipagmamalaki talaga kita.

Salome
Kung para kay kuya, bakit hindi?

Basilio
Mainam, anak. Kung gayon, magpapakasal ka kay Jaime Sarmiento.

Salome
PO?!

Amanda
Anak..kasi...Masyadong malaki ang gastusin sa ospital. Alam mo naman na may kinakaharap na financial crisis ang kumpanya kaya kulang talaga ang pera natin. Hindi rin ooperahan ng ospital si Dante kapag wala tayong ibinayad...kaya lumapit ako sa mga Sarmiento. Papayag daw sila pero...may kapalit...

Salome
Anong kapalit? Yun ba yung ipakasal ako kay Jaime Sarmiento??

Basilio
Tumpak! Hindi naman pala ganun kahina ang iyong utak.

Salome
Bakit kayo pumayag?!

Amanda
Hindi pa naman kami pumayag--

Basilio
Pero bukas, titiyakin na namin.

Amanda
Basilio!!

Salome
Hindi.. Hindi maaari... Ayoko! Ayokong magpakasal kay Jaime! Hindi ko siya iniibig! Ni hindi ko nga siya kilala! May iba akong minamahal! Ayoko sa kanya! Wag kayong pumayag PLEASE!

Basilio
PUTCHA SALOME! LINTEK NA PAG-IBIG NA YAN! HINDI TAYO MAPAPALAMON NG PAG-IBIG MONG YAN! HINDI NIYAN MAGAGAMOT ANG KUYA MO! WAG KANG MAG-INARTE! You are already in good hands with Jaime. Mayaman siya. Beneficial for both you, and our family. Matututunan mo rin siyang mahalin.

Salome
Hindi. Hinding hindi ko siya mamahalin! Ayoko sa kanya!!

Basilio
SINO BA ANG GUSTO MONG PAKASALAN?! YUNG HAMPASLUPANG HERNANDO MONTERO NA YON?!

Nung sinambit ng ama ang ngalan ng kanyang kasintahan, tila'y nagulat siya at napatingin rito.

Basilio
Ano? Nagulat ka? Akala mo hindi ko alam ang tungkol sa relasyon ninyo?

Salome
Paano niyo naman po ba malalaman? Ni hindi niyo naman ako binibigyan mg atensyon... Ni HINDI NIYO NAMAN AKO MINAHAL. PARA SA INYO, BABAE LANG AKO NA WALANG SILBI. WALANG KWENTA. IKINAHIHIYA NINYO AKO BAGAMAT WALA NAMAN AKONG GINAWANG MASAMA! PANAKIPBUTAS NIYO LANG AKO! AT NGAYON, PAMBAYAD SA UTANG! ...Para sa inyo, isa lang akong ari-arian...Ni kahit minsan, hindi ninyo ako tinignan bilang anak...hindi ninyo ako minahal....

Amanda
Hindi totoo yan anak. Mahal ka namin ng papa mo.

Basilio
LINTEK AMANDA, SALOME, HINDI NA BA KAYO NAAWA KAY DANTE? HINDI ITO TUNGKOL SA AKIN O SA INYO! TUNGKOL ITO KAY DANTE NA ANAK MO RIN AMANDA AT KAPATID MO SALOME! WAG KAYONG MAGING MAKASARILI! ISIPIN NYO RIN SI DANTE!

Salome
Oo nga ano? Si kuya Dante. Si Kuya Dante, si kuya Dante, kuya Dante. PALAGI NALANG SI KUYA DANTE! SIYA NA LANG PALAGI! PAANO AKO? OO NAMAMATAY SYA SA LABAS PERO AKO, NAMAMATAY NA AKO SA LOOB NA KUNGDI LANG DAHIL KAY HERNANDO AY MATAGAL NA AKONG NAGBIGTI...SANA HINDI NALANG KITA NAGING AMA!!

At isang malutong na sampal ang natanggap ng dalaga mula sa malupit na ama. Nang dahil dito, bahagyang natumba siya kaya pumagitna na si Amanda para protektahan ang anak.

Amanda
BASILIO!! TUMIGIL KA NA!!

Basilio
Kayo ang tumigil! Tigilan na ninyo ang kaartehan niyo! Tigilan ninyo ang pagiging makasarili ninyo. Magpapakasal sina Salome at Jaime alang alang kay Dante sa ayaw at sa gusto niyo.

At yun nga ang naganap. Wala nang ibang pamimilian si Salome. Kahit masakit sa kanya, dinibdib niya nalamang ang sinabi ng ama na para ito sa kuya niya. Para sa kapatid niya na kahit papano ay minahal din siya. Pinilit niyang alalahanin ang magagandang alaala kasama ang kapatid para mas maging madali para sa kanyang magsakripisyo para rito. Inalala niya yung mga panahong bata pa sila at naglalaro at namimitas ng mga bulaklak sa kanilang munting hardin; ang mga panahong nagpapalipad sila ng guryon; ang mga oras na nagbibiruan sila, na tinuturuan siya ng kapatid ng mga leksyon, nung pinapadalhan siya nito ng letrato ng mga pagsasalong pinupuntahan nila na hindi pinahintulutan si Salomeng puntahan ang mga ito dahil sa baba ng antas ng mga kababaihan. Naging sandalan niya rin naman ito kahit na sumagabal ang trabaho ni Dante sa relasyon nilang magkapatid at kahit na mas pabor ang ama sa nakatatandang kapatid.

Nagtutunggali ang isip at puso ni Salome. Nais ng isip ni Salomeng magsakripisyo na lamang para kay Dante ngunit gusto ng puso niya na ipaglaban si Hernando...

Ngunit sa huli , nanaig ang kanyang awa para sa kapatid kaya nakipagkita na siya kay Hernando upang magpaliwanag rito. Muli silang nagkita sa dati nilang tagpuan- ang munting hardin. Tulala lamang siya na parang pinipigalang umiyak hanggang sa tinabihan siya ni Hernando.

Hernando
Mahal...Ano't nais mong makipagkita sa akin? Labis ka bang nasasabik na ako'y muli mong makita? Sandali lamang tayong nagkawalay tapos ngayon--

Salome
Maghiwalay na tayo.

Hernando
Ano? Nagbibiro ka ba mahal? Uy indi na nakakatawa yan ah!

Salome
Seryoso ako, Hernando. Ito na ang huli nating pagkikita. Tapusin na natin ang relasyong ito.

Hernando
H-ha? M-mahal, naguguluhan ako sa'yo..Ano't gusto mong makipaghiwalay nang bigla-biglaan? M-may nasabi ba ako o nagawang mali?

Salome
Wala Hernando...

Hernando
Kung ganoon, bakit? Bakit gusto mo na akong hiwalayan? Sa anong kadahilanan?

Pumatak na ang mga luha ng magkasintahan. Tila'y nabibiyak ang kanilang mga puso sa madamdaming pag-uusap nila.

Salome
Hernando...Ipapakasal na ako kay Jaime Sarmiento...kapalit ng tulong pinansiyal sa pagpapagamot ni Kuya Dante..

Hernando
Ano?! Pero--H-hindi naman pwede yon...Salome...

Salome
Yun ang kailangan Hernando.

Hernando
Pero yun ba ang gusto mo?

Salome
Gusto kong gumaling si Kuya. Kaya pakakasalan ko si Jaime..

Akmang aalis na sana si Salome subalit pinigilan siya ni Hernando at marahng hinila pabalik upang makaharap ito. Iniwas ni Salome ang tingin sa kasintahang nagdurugo na ang puso.

Hernando
Kung gayon, Salome, titigan mo ako sa aking mga mata at sabihin mo sa akin na hindi mo na ako mahal. Kung talagang yan ang gusto mong mangyari, tignan mo ako ng diretso at itaboy mo ako.

Sinubukan ni Salome na titigan si Hernando ngunit sa tuwing nakikita ang kasintahan, tila'y may hinihiwang sibuyas sa harap niya. Para bang dinudurog ang kanyang puso sa tuwing masisilayan ang irog niyang dapat lubayan, ang binatang mahal niya na kailangan niyang saktan....Hindi niya kaya...Humagulgol na lamang siya nung nagtagpo ang kanilang mga mata...Lahat ng luhang pinigilan niyang lumabas, ngayon ay nagsitakas na mula sa kanyang mukha.

Salome
Hernando hindi rin madali para sakin toh...Alam mong mahal kita...Mahal na mahal...Hindi ko rin gustong iwan ka..

Hernando
Kung ganun, wag mo na kong iwan...

Salome
Hernando, paano si kuya? Gagawin ko toh para mapagaling si Kuya...Hernando, nahihirapan na ako...Maging ako nasasaktan rin sa kailangan kong gawin...Mahal na mahal kita para lang iwanan ko...Pero hating hati na ako eh...Hernando, kapatid ko si Dante...Kahit na naiinggit ako sa atensyong nakukuha niya, kapatid ko pa rin siya at hindi ko maaatim na hinayaan ko lang siyang mamatay kahit alam kong meron pa sana akong nagawa para iligtas siya...Dadalhin ko yun sa konsensya ko habang buhay...

Hernando
At ako? Paano ako? Hindi mo man lang ba tayo ipaglalaban? Paano tayo? Lahat ng mga alaala natin? Wala lang ba yun?

Salome
Hernando naman eh... Wag mo naman akong pahirapan pa! Ayoko ring gawin toh! Sa tingin mo may sinumang babae na gustong isuko yung dignidad niya at ang taong labis niyang minamahal?! Na gawin siyang pambayad sa utang na hindi kayang tustusan ng kanyang mga magulang??! Sa tingin mo hindi ako nahihirapan?! Sa tingin mo ikaw lang ang nasasaktan??!! Patawad mahal ah? Patawad kung di kita maipaglaban! Patawad kasi wala akong magawa! Patawad kasi ikaw yung kinailangan kong iwan! Patawad kasi hindi na kita mapapasaya! Patawad kasi kasalanan ko! Kasalanan ko diba?! Kasalanan ko ang lahat?! Ako lang naman palagi diba??! Ako nalang yung mali! Ako lang yung may mali! Ako lang yung makasarili!! Wala na akong ginawang tama! Diba?! Ganun naman diba?! ANO BANG DAPAT KONG GAWIN?! ANO BA ANG TAMA?! PALAGI NALANG GANITO!! AYOKO NA!!

Labis na naghinagpis si Salome. Pakiramdam niya'y gusto niyang magpalamon nang buhay sa lupa. Nawalan na siya ng lakas kaya nakaluhod na siya lupa na para bang pinagkakaisahan ng mundo, na para bang nawawalan na ng pag-asa. Saka lamang nasisimulang maintindihan ni Hernando si Salome. Nahabag siya sa kasintahang may kinakaharap na mahirap na desisyong gagawin. Saka lamang niya nauunawan ang hirap na pinagdaraanan ni Salome sa sitwasyong meron sila. Saka lamang siyang nahimasmasan na nagiging makasarili na siya. Masakit man para sa kanya, ngunit pinili niya na lamang na intindihan ang kasintahan at magparaya. Lumuhod rin siya upang maging magkasingtangkad kay Salome. Niyakap niya ito nang may buong pagmamahal. Tila ba'y ang init ng kanyang yakap ang nagpagaan sa loob ng kasintahan. Bumulong ito sa umiiyak na kasintahan.

Hernando
Shh...Tahan na mahal... Hindi mo kasalanan ito. Walang may kasalanan... Hindi ka makasarili. Walang mali sa'yo. Mas lalo mo akong pinahanga sa pagiging altruista mo... Kung meron mang naging makasarili, ako yun... Patawad... Patawarin mo ako kung nasaktan man kita... Patawarin mo ako kung hindi kita naintindihan agad... Patawarin mo ako kung nagiging hidhid man ako... Sige na mahal... Kung yan ang mas makakapagpagaan sa lahat ng pinagdaraanan mo, pinapalaya na kita... Kung yan na lang ang paraan, sige na. Gawin mo na ang nararapat... Hindi na kita hahadlangan... Mas nanaisin kong ako na lamang ang masaktan kesa makita kitang tumatangis...

Hinalikan ni Hernando si Salome sa noo at hinagod ang likod nito. It was refuge for Salome that there was this one person whom she felt truly loved and truly safe with...but the most painful part of this fairytale is that it's not a fairytale... There is no happy ending with a prince charming...

Durog na durog na ang puso ni Salome. Matatawag pa kaya itong puso kung wasak na ito? Buhay pa kaya siya sa lagay na toh?

Bilang huling pagkikita ng dalawa, ninanam na ni Salome ang huling sandali kasama ito. Walang alinlangan nilapit niya ang mukha kay Hernando at sinalubong ang maiinit na labi nito. Tumugon rin si Hernando. Habang dahan dahang tumatayo, patuloy ang kanilang halik ng pag-ibig, halik ng pananabik, ng lungkot, at ng masakit na pamamaalam. Habol ang hininga, huminto na sila at pinagtapat ang kanilang mga noo. Hinawakan ni Hernando ang pisngi ni Salome at nakakapit si Salome sa mga bisig ni Hernando. Tipid lamang ang kanilang ngiti pero ang luha'y bumabaha. Halos pabulong na lamang ang kanilang pag-uusap. Namamaos na sila pagkat inuubos ng pighati ang kanilang lakas.

Hernando
Pero lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita... Lagi kitang mamahalin kahit na malabo nang maging tayo.

Salome
Ganun rin ako Hernando. Walang araw na lumilipas na hindi kita naiisip... Pero Hernando, isa lang ang hihilingin ko sa'yo... Kapag naikasal na ako, humanap ka na rin ng babaeng mamahalin mo at magmamahal sa'yo... Ng babaeng mas karapatdapat sa'yo...Yung kaya kang ipaglaban... Paalam, mahal ko...

Yun na ang hudyat ng panghabangbuhay na pagkawalay sa piling ng isa't-isa... Tila'y walang gustong bumitaw. Dahan-dahan nang kumawala si Salome...Ayaw pa sanang bumitaw ni Hernando... Ngunit wala na rin siyang nagawa... Tumalikod na si Salome pero pakiramdam niya'y hinhila pa rin sya pabalik sa binatang iniibig. Habang lumalayo siya, mas lalong bumibigat ang lahat. Samantalang si Hernando ay naroon pa rin sa kanyang kinaroroonan. Para nang batong nakatanim sa lupa habang pinapanood ang mahal niyang lumalayo. Hanggang sa hindi niya na matiis kaya umalis sa pagkakapako sa lupa at mabilis na tumakbo at niyakap patalikod si Salomeng irog. Tumigil rin ang dalaga at niyakap pabalik ang binata ngunit nakatalikod pa rin. Hindi na siya humarap dahil baka maduwag lamang siya. Mas lalong nahirapan si Salome na umalis. Nagtagal silang nagyayakapan habang patuloy na dumadaloy ang kanilang mga luha. Ngunit kailangan nang umalis ni Salome. Kaya masakit man, bumitaw na siya....

Sa kabilang dako

Kumatok sa munting nipa si Donya Amanda Villaluna at di nagtagal ay binuksan rin ito ng isang babae halos kaedad lang ni Amanda. At ang babaeng iyon ay si Diana. Diana Karenina Vigafria.

Babae
Donya Amanda? Ano't kayo ay naririto? May maipaglilingkod ba ako sa inyo?

Amanda
Magandang hapon Diana. Nandyan ba si Alexandro? Gusto ko sana siyang makausap...

Diana
Sige po. Tatawagin ko lang ang asawa ko... Pasok muna kayo.

Pumasok muna sa loob si Amanda at umupo sa kanilang hapagkainan. Lumabas muna si Diana habang ang anak muna ni Diana at Alexandro ang nagsilbi sa Donya. Magkasing-edad lamang sina Salome at anak nina Diana at Alexandro. Binigyan niya ito ng kape.

Amanda
Salamat iha. Ano ang iyong ngalan?

Gianna
Gianna po. Gianna Kate. Pero Gigi nalang po ang itawag ninyo sa akin...

Amanda
Mainam Gigi. Salamat sa kape.

Gianna
Walang ano man po, Donya. Sige mauna na po ako.

Tumango lamang si Amanda at habang palayo na ang dalaga, saka namang pumasok sa loob si Alexandro. Alexandro Vigafria.

Alexandro
Amanda?

Amanda
Alexandro... Kay tagal nung huli nating pagkikita. Napakaganda rin ng iyong anak. Kasingganda ng kanyang ina't-ama.

Umupo na si Alexandro sa tabi ni Amanda.

Alexandro
Salamat Amanda. Ngunit ano ang iyong pakay rito?

Amanda
Alexandro... Wag sana ninyong isipin na naparito ako upang manggulo. Matagal ko nang tanggap na nagsara na ang kabanata ng ating kwento buhat ng mapilitan akong magpakasal kay Basilio. Masaya ako at nahanap mo ang babaeng para sa'yo. Napakapalad mo sa pamilyang meron ka. Salamat sa pagkakaibigan Alexandro.

Alexandro
Hindi kita maaaring kalimutan nang ganun ganun lang. May pinagsamahan rin tayo. Ngunit ngayon, may kanya kanya na tayong buhay...Subalit, Amanda ano bang pinunta mo rito?

Amanda
Batid kong kilala mo si Hernando Montero. Kayrabaho mo siya hindi ba?

Alexandro
Siyang tunay Amanda. Ngunit ano ang kinalaman niya?

Amanda
Siya ang binatang iniibig ng aking anak na si Salome at siya rin ang kailangang hiwalayan ng anak ko pagkat ikakasal na siya kay Jaime Sarmiento kapalit ng pagpapagamot sa panganay kong anak. Alexandro, ayokong maranasan niya rin ang mapait kong sinapit. Gusto kong maging masaya siya... Kailangan ko ang tulong mo.

Alexandro
Anong binabalak mo Amanda?

Amanda
Kausapin mo si Hernando. Itatakas ko si Salome. May ari-arian ako sa kabilang isla na hindi batid ni Basilio. Dun sila titira nina Hernando. Alexandro, ikaw lang ang pinakamalapit kong kilala na marunong mamangka. Mas mabuti kung ikaw ang maghatid sa kanila dahil alam kong hindi mo kami sisingilin, kahit anong oras, pwede tayong umalis. Bago tayo matunton ni Basilio, mahaba haba pa ang kanyang ibyabyahe at alam kong una niyang hahanapin si Salome gamit ang iba't-ibang kilalang dungkaan sa lungsod... Maaari mo ba akong mapagbigyan?

Alexandro
Nangako ako sa'yo noon na kung hihingi ka ng tulong, pwedeng pwede mo akong lapitan kaya panghawakan mo ang pangako kong kailanma'y di mapapako. Ngunit paano mo ito isasagawa?

Amanda
Maghintay ka lamang sa may dalampasigan sa Ciudad Del Fuego. Si Hernando, sabihin mo sa kanya na susunduin niya si Salome sa bakuran namin. Ako ang maghahatid kay Salome sa kanya. Si Hernando ang magdadala kay Salome sa iyo. Maiiwan ako para libangin si Basilio. Ako na ang bahala sa kanya.

Alexandro
Paano si Dante? Paano ang pagpapagamot niya?

Amanda
Isasangla ko na lamang ang aking mga alahas. Mataas ang halaga nila kaya maaari ko nang bayaran ang kalahati ng pang-ospital ni Dante. Tsaka, maaari pa akong mangutang sa iba ko pang kakilala... Maghahanap ako ng paraan. Ang mahalaga ay may konti nang naibayad para maoperahan si Dante.

Alexandro
Sige Amanda... Makakaasa ka sa akin... Kailan natin isasagawa ang plano?

Amanda
Bukas makalawa, alas-otso ng gabi.

Tumango lamang si Alexandro. Hinawakan ni Amanda ang kamay nito, at tinignan sa mga mata.

Amanda
Salamat. Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa iyo.

Alexandro
Walang anuman, Amanda.

Tumayo na si Amanda ngunit bago umalis, may ibinigay muna siya sa dalagang anak nina Alexandro at Diana.

Amanda
Diana, Gigi, salamat sa pagtanggap ninyo sa akin. Pasensya na kung nakaabala man ako. Wag kayong mag-aalala, hindi na ako mang-iistorbo pa pagkatapos nito.

Diana
Naku, wala pong problema, Donya. Batid ko naman na mabuti kayong tao.

Amanda
May nais sana akong ibigay sa iyo, Gigi. Pakaingatan mo itong kwintas na ito. Tanggapin mo ito bilang tanda ng mabuti nating pagkakaibigan.

Gianna
Opo, Donya. Maraming salamat po. Napakaganda. Iingatan ko po ito. Pangako.

Ngumiti lamang ang Donya sa itinuran ng dalaga. Napakamasayahin nito. Naisip niyang ganoon sana kasaya ang anak niya kung di lamang ito naipit sa kasakiman ni Basilio... Kaya gagawa siya ng paraan upang lumigaya ang anak niyang di na pagtuunan ng pansin.

Sa kabilang dako

Nasa may dalampasigan si Salome. Malabo ang lahat ngunit nagsimula siyang makakita ng tatlong tao. Si Hernando, ang kanyang ina at ang kanyang ama. Ngunit biglang pinutok ng kanyang ama ang baril at natamaan si Hernando. Natumba ito sa kanyang kinatatayuan at biglang naglaho.

Gustong sumigaw at maghonagpis ni Salome pero hindi niya magawa. Gusto niyang magwala ngunit may pumupigil sa kanya na hindi niya mawari kung ano. Hindi niya alanm kung ano ang gagawim

Nakita niya ang kanyang amang luhaan at punumpuno ng pagsisisi habang ang kanyang ina ay punumpuno ng dugo na di niya mawari kung saan nanggaling.

"Patawad..." yun nalang ang nasambit nitong salita.

Pumatak rin ang luha ng kanyang ina hanggang sa unti unti na itong naglaho. Ngunit ang kanyang ama ay nariyan pa rin sa kinatatayuan. Puno ng luha at pagkabigo.

"Patawad..." yun nalang ang nasambit niyang salita....

Maging siya naglaho rin at ang tubig sa dagat ay naging dugo, dugo ng kanyang kasintahan.

Natanaw niya ang kasintahan mula sa malayo, nakatayo sa gitna ng madugong dagat. Hahabulin niya sana ito ngunit may kamay na humila sa kanya pabalik. Bago niya nalingin ang taong ito, tila'y binagsak na siya sa lupa at hinigop ng dugo.

Salome
MAMA!!!

Kasabay ng kanyang pagsigaw ay ang paggising niya mula sa napakasamang panaginip. Napahawak siya sa dibdib niya. Para bang may nagbabadyang masamang mangyayari.

Salome
Mama? Jusko...

---------------------

This part/chapter is inspired from the creative mind and passionate heart of GlaiSanya's story- Bakit Ngayon ka lang Dumating?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top