Siya nga ba ang Maysala?

Sa bahay ng magkapatid na Montero

Kasalukuyang nakaupo si Diana sa sofa malapit sa bintana. Wala namang bagong tanawin kundi ang subdibisyong walang kabuhay-buhay. Kung di lang dahil sa mga konting kotseng nakapark sa gilid, sa mga aleng nagtsitsismis, at sa mga batang naglalaro minsan, mapagkakamalang isa itong patay na banwa. Hindi naman kasi masyadong high-end yung tahanan nila, mid-class lang, at sa panahon ngayon, either subsob sa trabaho ang mga tao o facebook ang kaharap, minsan IG, minsan youtube, o di kaya ML. Sakto nga lang nung araw na yun, tahimik ang kanilang tahanan. Pero ang isip niya, magulong-magulo. Sumasakit pa rin ang katawan niya matapos ng krimen, bumabalik balik pa rin ang mga masasakit na alaala ng karahasang napagdaanan niya. Matinding trauma ang kanyang pinagdadaanan dahil dun. Pero may iba pang bumabagabag sa utak niya- si Ivan, ang suspect sa pagkagahsa sa kanya. Sa gitna nito ay tinabihan siya ng ate niya.

Gigi
Uy bunso, are you ok? Masakit pa ba?

Diana
Physically? Syempre. First time ko yun eh...pero hihilom lang toh...What hurts more is the fact that I have not given myself to the man I'd love and be married with for the rest of my life...Wala na yung promise ko sa sarili ko...

Tears start falling down from Diana's eyes and her sister, Gigi could not bear the sight of her sister in agony. Little help as it may seem, she held her hands. Alam niyang ito ang ginagawa nila kapag pinanghihinaan siya ng loob. Naghahawak kamay sila hangga't sa nakahugot na sila ng sapat na lakas.

Diana
Ate?

Gigi
Mm?

Diana
Ako lang ba? O nararamdaman mo rin?

Gigi
Alin?

Diana
I just can't stay calm...It's as if something's not right....Parang may mali eh...

Gigi
Syempre, Diana. Di pa nakukulong yung totoong maysala sa nangyari sa'yo eh.

Diana
No...it's not that...When I saw him kasi kanina...parang hindi ko magawang magalit sa kanya...wala akong naramdamang poot sa kanya...

Gigi
Diana...Masyado kang mabait. Kaya madalas, naaabuso ka...Diana, kapag nalaman mo kung sino ang salarin, wag kang mag-aalinlangang lumaban...Lumaban ka...Hindi uso ang mga martyr sa panahong ito.

Sasagot pa sana si Diana pero may biglang kumatok.

Diana
Ako na po. It must be Cassie.

Ngunit ibang mukha ang kanyang nasilayan. Isang matandang babae na mugto ang mata, tila'y pagod at malayo ang nilakad.

Diana
Umm, kilala ko po ba kayo?

Kinutuban si Gigi na hindi si Cassie ang kaharap ni Diana kaya lumabas na rin siya at bumarikada sa kapatid niya.

Gigi
Magandang araw, sino po sila?

Guada
Ahhmm...W-wag niyo sana akong ipagtabuyan palayo...ako si Guada, ina ako ni Ivan Ebreo...

Gigi
Ano?! Paano mo nalaman na dito kami nakatira?

Guada
Nagpatulong ako sa kakilala ko eh...Pasensya na kung nakaabala ako...

Gigi
Di na mahalaga iyan. Anong pakay mo?Anong kailangan mo samin? Nagpunta ka ba rito upang ipagtanggol yung anak mo? Ha? Kung yan lang rin naman, pwede ka nang umalis.

Hinila na ni Gigi si Diana at akmang babalik na sana sila sa loob ng bahay pero bago pa sila makalayo, naglakas loob na si Guada.

Guada
Mga iha, sandali lang... Pakinggan niyo muna sana ang daing ng isang ina...Babae sa babae...Alam kong hindi kayang gawin ng anak ko yung binibintang niyo sa kanya...At kung nagawa niya man...hindi niya ginusto yun...

Gigi
May mga bagay tayong hindi natin ginusto, Aling Guada, pero nangyari na. Kahit hindi natin sinadya yun, hindi mababago yung katotohanang may mga nasaktan tayo at kailangang pagbayaran natin yun...Kaya pasensya na Aling Guada, pero hindi ka namin matutulungan. Ipaglalaban namin ng kapatid ko ang hustisya na para sa'min. Umalis na lang po kayo bago ako maubusan ng pasensya at baka tumawag ako ng pulis. Please. Umalis na lang kayo.

Desperada na si Guada. Hindi siya aalis hangga't hindi niya sinubukan ang lahat ng paraan para palambuting ang puso ng mga dalaga kaya lumuhod na rin siya. Kung ito ang kinakailangan, gagawin niya para sa anak niya. Ganun niya kamahal si Ivan.

Gigi
Aling Guada, tumayo na po kayo...Hindi po yan uubra sa'min...

Guada
Iha...Makinig ka muna..please...Kilala ko ang anak ko...Hindi niya magagawa yun...Baka nagkamali ka lang ng akala

Gigi
So pinapalabas niyo pang sinungaling yung kapatid ko? Ganun?

Hindi na nakinig o pinagsumikapan pang magmakaawa ni Guada kay Gigi dahil alam niyang hindi na mababali ang desisyon nito kaya kay Diana siya kumapit, kay Diana na di alam kung paano tumugon sa sitwasyon, kay Diana na naghahalo halo na ang mga emosyon- emotions she can no longer hold together, emotions that's making her crumble into pieces from within. Every teardrop falling from her eyes is a poison that's softly killing her.

Guada
Iha, PLEASE...Maawa ka...Si Ivan nalang ang meron sa buhay ko...Please, wag niyo na siyang kunin pa sa akin. Napakabait niyang bata...Hindi ko kakayaning wala siya...Maawa ka...

Kapwa lamang may mga luhang tumutulo sa mga mata nina Guada at Diana. Ang isa'y luha ng pagmamahal ng isang ina at isang luha naman ay luha ng takot, lungkot, galit, awa, konsesya, pagkalito ng isang pusong abang. Dapat nga bang pagbigyan ang maysala o dapat bang manaig ang pagparusa sa kanila? Yan ang tanong na bumabagabag sa utak at puso ni Diana. Para sa ilang sandali, katahimikan ang namalagi sa gitna nina Guada at Diana. Hinayaan muna ni Gigi ang dalawa. Hindi naman pusong bato si Gigi para di makadama. Maging siya ay may awa ding nadarama para sa ina ni Ivan pero ang kanyang pagpanig ay nasa kanyang kapatid, sa kanyang kadugo. Iginala niya ang mata sa paligid upang pigilan ang pagpatak ng kanyang luha pero sa isang iglap, tila'y nag-iba ang ihip ng hangin at namalagi na siya sa dalawa upang bawiin ang kapatid niya ngunit ang hating-hating si Diana ay kumaripas sa pagtakbo dahil hindi niya na kaya ang nagaganap sa kanyang buhay.

Gigi
Diana!!

Bago niya habulin ang kapatid, saglit niyang kinausap ang matanda.

Gigi
Masaya ka na, Aling Guada? Alam kong ginagawa mo toh para kay Ivan pero sana lawakan niyo rin ang pag-iisip niyo. Babae ka rin. Alam mo ang pakiramdam na mawalan ng dignidad. Si Diana ang inagrabyado rito...Kailangan niya ng hustisya..Ngayon, matinding trauma ang pinagdadaanan niya..Hindi nakatulong ang ginawa niyo. Pinabreakdown niyo pa siya... Tumayo ka na dyan. Umuwi ka na dahil wala na kaming may magagawa para sa'yo .

Inalalayan niya ito patayo ang may patagong ibinigay na maliit na papel rito.

Gigi
Tawagan niyo nalang po ako...Sige na, umuwi na kayo.

Naguluhan man ang matanda, umalis na lamang siyang bagsak ang balikat habang si Gigi ay hinabol ang kanyang kapatid patungo sa mga munting eskina sa kanilang subdibisyon kung saan walang kaluluwang dumadaan.

Gigi
Diana

Nagisnan niya itong nakaluhod, magulo ang buhok na kanya ring sinasabunot, ang mga mata'y maga na at bumabaha ng luha. Sinasaktan na ni Diana ang kanyang sarili, hinahampas ang sariling ulo. Dahil dito, agad niya na itong nilapitan at pinigilan siyang saktan pa ang sarili kahit na pumapalag si Diana, hindi niya ito sinukuan. Hinila niya ito sa isang mahigpit na yakap kung saan ang pusong abang ay matutunaw sa init ng pagmamahal.

Gigi
Diana, tama na! Wag mo nang saktan ang sarili mo please! Tama na...Wala kang kasalanan. Hindi mo ginusto yung nangyari sa'yo....Diana, naaalala mo nung takot na takot ka noon, hinahawakan mo yung kamay ko, tapos niyayakap mo ako nang mahigpit na mahigpit hanggang sa mawala na yung mabigat mong saloobin? Ganun pa rin naman ngayon...Kung kailangan mo nang karamay, andito lang si ate...Kaya wag ka nang umiyak...dahil hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan...

Pilit niya mang itago, ngunit di niya napigilan ang pagpatak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Sa bawat pagbuka ng kanyang bibig, tila'y hinihila ng kanyang hininga pabalik ang boses niyang pag-asa kay Diana. She tried to hold back every sniffle as she knew that she had to be strong for her sister whose wailing seemed to shatter her heart into pieces.

Diana
Ate, hindi ko kaya...hindi ko kaya... Ayoko na...

Pasimpleng pinahid ni Gigi ang luha sa kanyang mga mata at hinawi niya ang buhok na gumgulo sa mukha ng kapatid at hinarap ito sa kanya hawak-hawak ang kanyang mga pisngi.

Gigi
Shh, wag mong sabihin yan. Malakas ka. Kilala kita. Lalaban tayo. Lalaban tayo para sa hustisya mo...no matter the price...kahit ikamatay ko pa...Walang pwedeng umapi sa kapatid ko.

Tuloy pa rin ang kanilang pagyakap sa isa't-isa ngunit iba-iba ang kahulugang taglay ng kanilang mga mata, ang isa ay pagtangis at ang isa ay misteryo.

-----------------------------------------------------------------------

Sa visiting area sa kulungan

Kasama ni Aling Guada si Elias at ang kanilang Abogado na si Tessa Antonio sa pagbisita kay Ivan sa presinto. Nakiusap muna si Guada sa nakabantay na police

Guada
Umm, excuse me, magandang hapon po...

Police
Guada?

Guada
Crisostomo?

Police/Crisostomo
Long time no see ah...Anong ginagawa mo dito?

Guada
Bibisatahin ko lang sana ang anak ko dito...Si Ivan Ebreo...

Crisostomo
Anak mo siya? Yung rapist?

Guada
Hindi rapist ang anak ko. Innocent until proven guilty, Cris. Sigurado akong napagbintangan lang siya. Mabuti ang pagpapalaki ko sa kanya.

Crisostomo
Sana nga tama ka Guada. May tiwala naman ako sa'yo dahil alam kong mabuti kang tao. Ipagdarasal ko na sana mapawalang sala ang anak mo.

Guada
Salamat Cris. Pwede ko na bang makita ang anak ko?

Crisostomo
Sige. Halika.

Inihatid na ni Crisostomo sina Guada at Elias sa lamesa tsaka sinundo si Ivan nang makapag-usap na sila. Dumistansya muna siya sa mga ito upang makapag-usap sila ng masinsinan pero nakabantay pa rin naman siya mula sa kanyang kinatatayuan.

Nung nakita ni Guada ang kanyang anak na nagkandapasa-pasa na ang mukha, nahabag ang kanyang puso kaya't bumaha agad ng luha ang kanyang mga mata, at agad itong hinagkan.

Guada
Anak! Jusko, anong nangyari sa'yo?! Bakit nagkandapasa-pasa ka na? Anong ginawa nila sa'yo?! Sinaktan ka ba ng mga preso?!

Ivan
Nay, ok lang ako. Wag kayong mag-alala sa akin.

Guada
Paanong hindi ako mag-aalala?! Jusko! Nak, ano toh?!

Labis na nabahala si Guada sa mga pasa ng anak. May nakita siyang namumulang pasa na parang sinuntok sa sikmura niya. Kumukulo na ang dugo ni Guada. Nalulungkot siya pero sa kailaliman ng kanyang puso ay galit na rin ang umiiral pagkat hindi niya inaruga at pinalaki si Ivan para api-apihin lang.

Ivan
Hindi po lahat ng sugat na meron ako ay galing sa mga siga sa selda. Yung iba po, galing pa nung isang gabi.

Tessa
According to my estimation, hindi ganyan kagrabe ang epekto ng suntok ng isang babae especially the likes of Ms. Montero. It's quite far-fetched to come at a conclusion that the bruise you got came from a thin girl like her. And to think sa kasong rape where it was a statement mismo from the plaintiff that she was unconscious when the crime occured...There has to be some kind of intervention.

Guada
Dahil yun hindi talaga siya ang maysala...Nak, siya nga pala si Tessa, cousin ni Elias. Siya ang magiging abogado mo.

Tessa
Hello, Mr. Ebreo. Fresh grad ako and kayo yung first case na ihahandle ko. Sana talaga mairaos ko yung kaso.

Guada
Mananalo tayo. Sigurado ako.

Ivan
S-salamat Attorney..Salamat Nay, Tol...

Elias
Tol...suportado ka namin. Laban lang. Tiwala lang sa Poong Maykapal...

Tessa
Mr. Ebreo, could you tell me what exactly happened to you that night?

Ivan
That's quite my problem po... I can't remember what exactly happened...

Tessa
Ok. At least tell me why you were there or the little details you can remember.

Ivan
I was there po to interview the owner of the bar...that was for the thesis na tinatapos ko about Organizational behavior and development.

Tessa
Ok...And then?

Ivan
I tried to talk to the owner...but instead, inutusan niya muna akong maghatid ng drinks...Yun po yung first interaction namin ni Diana...I came back to the owner to talk pero...he was too brute and instead pinainom ako...I can't remember what happened after except for flashes of scenes na magkasama kami ni Diana...and I tried to kiss her...

Tessa
In that case, malakas ang laban ng kabilang kampo against you...unless we find some evidence that could degrade Diana. Kailangan maghanap tayo ng butas against her...like sexual misdemeanors, scandals...

Ivan
Ma'am I don't think kaya kong apakan pa ang dignidad ni Diana..It's too much...

Elias
Pare, wale tayong choice. Kailangan nating lumaban kung inosente ka talaga. Wala kang kasalanan kaya walang dahilan para mausig ang konsensya mo. Ipinaglalaban lang natin ang dapat.

Tessa
Tama si Elias...Eh, Aling Guada, Elias, Ivan, do you have something na makakapagwalang bisa sa claim ni Ms. Diana Montero.

Elias
Meron. Sinearch ko kanina account niya sa FB. Yung Diana Alexinne Montero. Napanganga nga ako eh. Kaya nung hinack ko...ito ang nakita ko....

----------------------------------------------------------------------------------------------------

Sa Kabilang Dako
Sa bahay nina Diana at Gigi

Gigi
Di, aalis muna ako ha? Cassie, alagaan mo ang kapatid ko.

Cassandra
Opo ate.

Kumaripas na ng pagtakbo si Gigi dala dala ang mga gamit niya para sa trabaho. Ilang sandali lang ay may kumatok sa kanilang pintuan. Si Cassandra na ang nagboluntaryong bumukas at agad bumungad si Elias.

Elias
Hi, Good ev--

Cassandra
Hushhh! Wait, wait, wait... Di ka mukhang familiar sakin. Kilala ka ba namin? Sino ka? Anong pakay mo? Sure ka hindi ka nagkamali ng bahay na pinuntahan? Mukha kang aswang na nanggagambala sa beauty ko.

Elias
Grabe ka naman, Ms. Aswang talaga? Kala mo kagandahan ka. Eh ang laki ng bunganga mo.

Cassandra
Excuse me! HINDI MALAKI ANG BUNGANGA KO! Ang tawag dito POUTING LIPS. POUTING LIPS! Di mo alam yun noh?

Elias
Pouting lips ka dyan. Malaki talaga bunganga mo. Kita mo pagbukas pa lang ng pinto, dami mo nang tanong agad.

Cassandra
Duh! Hindi kita kilala at lalong di tayo close! Kaya dapat malaman ko kung sino ka!

Elias
Kaya nga Miss, magpapakilala ako sana kanina pero pinutol mo para bungangaan ako. Kung di ka sana sumabat agad, baka nalaman mo na kung sino ako at---

Cassandra
O edi sige magpakilala ka! Magpakilala ka na. Bilis! GO!

Elias
Gandang ganda kasi sa sarili eh ---

Cassandra
SSHHH! Magpakilala ka na dyan!

Elias
Ako si Elias. Elias Generoso. Di kami magkakilala ni Diana pero kaibigan ako ni Iva--

Dahil sa narinig niya, isasara niya na sana ang pinto, pero agad itong nasagang ni Elias.

Elias
I have something that might help Diana's case!

Dahil dito, natigilan si Cassie at nag-alinlangan kung papapasukin niya ba ito o pagsisirhan. Dapat niya bang pagkatiwalaan ang kaibigan ng akusado? Dapat niya bang pakinggan ang pagsusumamo nito?

Namumuo ang tension sa pagitan ng mga mata nina Elias at Cassie. Nag-aalinlangan man, pinapasok niya si Elias pero tinututukan niya ito ng kutsilyo kung sakaling magloko ito. Kahit ayaw ni Elias, hinayaan niya nalang ito dahil kailangan niyang ipakita kay Diana ang natuklasan.

Elias
Magandang gabi, Diana...Pasensya na kung nakagambala man ako...At pinapaabot din ni Ivan na kung siya nga talaga ang nanggahasa sa'yo, sana patawarin mo siya dahil kung pwede niyang baguhin yung pagkakataon, di ka niya gagalawin...Alam kong mahirap Diana, pero maniwala ka, di magagawa yun sa'yo ni Ivan..

Cassandra
Ayan na nga ba eh...Sabi nang ipagtatanggol mo nanaman si Ivan. Umalis ka na nga!

Diana
Teka lang...Hindi ikaw ang unang nagsabi niyan, Elias...Paano? Paano ninyo nagagawang ipagtanggol siya? Paano niyo nagagawang paniwalaang hindi niya magagawa yun?

Elias
Alam mo, noon, nung nag-aaral kami, palagi akong nabubully kasi yung tatay ko macho dancer tapos si nanay, patay na...Walang wala ako non...Tinakbuhan ko ang lahat, nilayasan ko si tatay at patapon na ako...Nalulong ako sa droga, sa masamang bisyo...pero alam mo kung sinong tumulong sakin? Si Ivan. Siya yung tagapagtanggol ko sa mga bullies sa school. Hindi niya ako sinukuan nung naliligaw ako ng landas. Siya yung pumulot sa'kin mula sa kalsada. Dahil bahagi siya ng youth movement sa simbahan, pinasok niya ako dun. Pinaniwala niya akong di ako pinababayaan ng Diyos. Binigyan niya ako ng bagong pag-asa. Pinagbati niya kami ni tatay kaya ngayon may matino nang trabaho si tatay at magkasama kami. Siya yung naghikayat sakin na ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Minsan,kahit gutom na siya, ibibigay niya sa'kin yung pagkain niya. Ganun siya kabuti Diana. Bahala nang mawalan siya, wag lang ang iba...Kaya imposibleng magawa niya yun sa'yo kasi kahit ex-girl friend niya, di niya ginalaw...

Cassandra
Dami mong drama. Pinapasok kita kasi sabi mo meron kang hawak na makakatulong sa kaso ni Diana. Yun na ba yun?

Elias
Hindi pa.

Cassandra
Eh ano nga? Bilisan mo dahil kung hindi, patay ka sakin aswang ka!

Elias
Ikaw ang ASWANG! GGSS masyado! Kala mo--

Diana
Shhh!! Guys, anoba?! Para kayong mga bata eh.. Elias, ano ba yung tulong na dala mo.

Inalabas na ni Elias ang kanyang cellphone habang nagsasalaysay kay Diana. Habang ang makulit na si Cassie, inaamoy amoy si Elias. Di niya man aminin, nabanguhan siya rito at nagwagwapuhan.

Elias
Nung kabilang araw, sinubukan kong i-search ka sa Facebook. At nakita ko yung "Diana Alexinne Montero". Sa'yo ba tong account na toh?

Diana
No! Hindi sakin yan. Dianna Alexandreia. Yan ang name ko sa Facebook.

Elias
Sabi na nga ba...Kung ganon, may poser account na ginagamit yung mukha mo.

Cassandra
Teka lang, diba, "Alexinne" yung second name ng ate mo?

Diana
Oo..Bakit?

Cassandra
Ang weird...

Elias
I tried hacking it and I saw the chatrooms...At...hindi maganda ang laman nito...kasi..

Diana
Ano?

Nag-aalinlangan man, binigay ni Elias ang cellphone niya kung saan nakabukas ang nahack niyang poser account nito na may lamang malalaswang pictures ni Diana. Nung nakita ito ni Diana, nanginig ang buong katawan niya at takot ang sinisigaw ng luhang namuo sa kanyang mga mata.

---------------------------------------------------

Samantala,

Ito ang gabing ipinagpala ang dalawang pusong inapi ng malupit na mundo. Dalawang tao, magkaibang pook ngunit iisang bangungot, iisang bisyon, at maaaring iisang kasagutan. Sa kanyang matigas na kama at mainit na tintulugan, maya't maya'y gumagalaw si Ivan. Nakakatulog ngunit hindi mahimbing. Balikwas dito, balikwas doon. Namumuo na ang pawis sa kanyang katawan at tila'y maging hininga'y kinakapos siya. Gayundin si Diana. Balikwas dito, balikwas doon. Tulog subalit hindi natatahimik ang dalisay niyang kaluluwa. Magkaibang mga mata, iisa ang natatanaw- ang gabi ng lagim- ang gabi ng krimen.

Sa mga mata ni Ivan, muli niyang nakita ang kanyang sarili sa bar nung gabing yun. Para bang nalulunod siya sa mga nakikita sa paligid. Mga nakakasilaw na ilaw, nakakabinging musika na umaalingawngaw sa kanyang ulo. Tila'y nahihilo siya sa mga nagaganap. Tila'y ang kanyang nakikita ay parang mga pahina sa libro na palipat-lipat. Mabilis na paglipat, fast and faster than a flash-flashes of Diana, of him her together for a moment; flashes when he tried to kiss her, when the world seemed to stop for them, when her eyes met his. And all of a sudden, he now seems to be tailing a man carrying Diana. Ang sarili niya nga ba ang lalakeng nakikita niya sa panaginip niya? O ibang lalake na iyon? He'll never know. The man is all in black. And after all, it's just a dream.

Samantala, sa mga mata ni Diana, wala siyang ibang nagisnan kundi ang karahasang napagdaanan, at ang taong may gawa nito. Bawat paggalaw at indayog nito ay parang paulit-ulit na pagsaksak sa kanyang dignidad at pagkatao.

Muli, sa panaginip ni Ivan, iba namang kabanata ang kanyang nakita- Ang kanyang sarili na sinusundan si Diana at ang lalaking maaaring siya rin. Nakatayo na siya sa isang pinto yari sa kahoy, bahagyang bukas at tila'y may sumisigaw sa loob. Nag-aalinlangan si Ivan kung papasok ba siya o hindi. Bagamat kinakabahan, itinuloy niya pa rin ang pagpasok sa munting silid. Nakita niya ang walang awang panghalay ng lalake kay Diana. Subalit walang wangis ang lalakeng kanyang nakita. Puro kadiliman lamang ang hugis nito. Tila'y isa itong anino. Dahan-dahan siyang lumapit sa lalake. Akmang hihilahin niya na ito palayo sa dalaga nang pagdampi nito sa likod ng lalakeng nanghalay ay iba na ang nasa kanyang harap- ang dalagang walang malay. Hinahawakan ng binata ang pisngi ng dalaga. Bagamat panaginip lamang, doon niya lamang mas maiging napagtuonan ng pansin ang kariktang taglay ni Diana. Saka niya lamang mas maiging napagmasdan ng mapupungay nitong mata, matangos nitong ilong, ang malarosas nitong pisngi, at ang mapula nitong labi. Nalulunod siya sa kagandahan ng dalaga..ngunit, hindi ito ang kanyang pakay. Kung kailan siya natauhan na dapat niya itong ilayo, saka namang may humatak na lalake sa kanya.....

Sa kabilang dako, nagising si Diana na walang saplot ngunit nababalot ng kumot. Sa di mawaring dahilan, napatingin siya sa kanyang kamay na punumpuno ng dugo. Nais niyang sumigaw pero di niya magawa. Napatingin siya sa lalaking itim na nasa harap niya. Hindi malinaw ang mukha ngunit may peklat ito sa leeg at may butas sa isang tenga. May hawak itong baril at nakatutok ito sa kanya. "Tulong!" Tulong!!" yan na lamang ang huli niyang isinigaw kasabay ng pagputok ng baril sa kanyang direksyon....




















Cassandra
Beshie... binabangungot ka na...Tungkol ba ulit toh sa nangyari sa'yo?

Diana
Oo Cassie...May naaalala na ako...Yung gumahasa sa akin...May peklat sya sa leeg at...at...tsaka may ear piercing siya...

Cassandra
It's good you remember some things...Sabi ni Ate Gigi mo, tignan daw natin yung CCTV footage sa bar ng crime site. Baka may mahagilap tayo.

Diana
Sige Cass...Mabuti naman at nakagawa ng paraan si Ate Gigi.

Kinabukasan, dumiretso na sila sa operating room ng bar para tignan ang mga ganap. Bahagyang kinakabahan si Diana sa mga matutuklasan pero nananalig siya na may makukuha silang ebidensya laban sa rapist.

CCTV Personnel
Mga what time po yun ma'am?

Diana
Around 10 pm po.

Pagkatapos ng ilang segundong paghihintay, nasaktuhan na nilang nahagilap siya sa cctv.

Cassandra
Ayun ate! Beshie, diba ikaw ba yun?

Diana
Yes. Mula ako sa CR..then nagmet kami ni Ivan...That's right! Evidence toh against him!

But after that, they see that another man catches her as she falls and brings her away. Ivan follows them shortly but doesn't return. While the guy who took her away looks messier as he returns at around 2 am. That guy has a scar on his neck and an ear piercing.

Diana
Wait, what? Hindi si Ivan? It's the other guy...Siya yung may peklat sa leeg at may palamuti sa tenga...

Cassandra
Siya na ba ang maysala?

At Diana's house

Ang kasagutang kanilang nakuha ay mas lalo lamang gumulo sa kanilang mga utak. Mali nga ba talaga ang taong kanilang pinadakip? Sino ba ang totoong may kasalanan? Ano na ngayon ang gagawin nila?

Kasalukuyang tahimik sila sa hapagkainan. Tulala. Walang kibo. Paulit-ulit lang na iniikot ikot ni Diana sa mga kamay nya ang USB ng kopya sa CCTV.

Diana
So, it's not Ivan...

Cassandra
Ay Beshie, paulit ulit? Obviously not. But if it's not him, edi sino? Sino ang lalaking nasa CCTV na yan?

Walang sagot na maibigay si Diana. It's seemed like nothing made sense anymore. Then all of a sudden, may nagring na phone na nasa kabilang upuan malapit sa lamesa.

Diana
Kay ate toh ah? Naiwan niya ata...Sagutin ko kaya?

Cassandra
Sige, go beshie.

Diana
Hello?

UNKNOWN
HELLO!!! GIGI, WHERE THE HELL ARE YOU? WE NEED TO TALK!

Diana
Umm, sorry po, this is not Gigi. This is her sister, Diana. She left her phone po kasi ...But sino po sila at ano po ba yung kailangan niyo?

May narinig siya na tila'y hinablot yung cellphone ng kausap nya, like indistinct sounds. She couldn't figure it out but something didn't seem right.

Diana
Hello? Sir andyan pa po ba kayo?

Unknown
Hello? Y-yes I'm still here. I'm really sorry about earlier. I didn't mean to shout. I'm your sister's...I'm her boss...Just keep her phone for now. I'll just send the venue later.

Diana
Ok po.

Naghintay sina Diana at Cassie sa susunod na instruction sa kanila nung mama. Pero deep inside Diana, masama ang kanyang kutob sa tumawag sa kanila. Parang may hindi tama. Parang kinilabutan siya sa boses na sumalubong sa kanya nung sinagot miya ang telepono kanina. Pero nung pangalawang beses na sumagot ito, parang nawala na yung kaba at pangamba niya.

Sa gitna nito, biglaang may sumira sa kanilang pintuan. May mga armadong lalakeng may takip sa mata. Tinutukan sila ng mga baril. Di sila magkamayaw nina Diana at Cassie kung ano ang gagawin. Pinangunahan na sila ng takot. Wala nang ibang magawa kundi sumigaw ng tulong. Ngunit walang makakarinig. Walang makikinig. Walang maniniwala. Nacorner na ng mga lalake si Cassie. Nanigas ang kanyang buong katawan pagkat natatakot na siya sa kung anong posibleng mangyari sa kanya. Akmang tatakbo pa sana  si Diana at manlalaban pero wala rin siyang magawa nung sinuntok siya ng lalake sa tiyan. Para bang may batong nakapatong sa kung saan siya nasuntok. Napaungol at sigaw nalang siya sa sakit.

Cassandra
BESHIE!!!! TAMA NA MGA HAYOP KAYO!! TULONG!!! HUHUHU ANO BANG KAILANGAN NYO?!

Di man malinaw ngunit may isa sa kanila ang may hawak ng cellphone. Tila'y kinukunan sila ng video. Pero para saan? Para sa ano?

ARMADONG LALAKE
NASAAN ANG USB?

Diana
Anong USB?

ARMADONG LALAKE
Ang USB ng CCTV footage mula sa bar

Diana
B-bakit niyo alam ang t-tungkol dun?

Nauutal na sabi ni Diana pagkat nauubos ang kanyang lakas. Subalit imbes na makakuha ng matinong sagot, isa na namang suntok ang kanyang tinamo mula sa bakal na kamay ng pumasok sa bahay kung kaya't napaaray siya.

ARMADONG LALAKE
WALA KA NANG PAKIALAM. IBIGAY MO SA AMIN ANG USB!! KUNG DI PAPATAYIN NAMIN ANG KAIBIGAN MO!!

Cassandra
Beshie wag mong ibigay!!

Akmang sasaktan na sana ng isang lalaki si Cassie pero agad pinilit ni Diana na magprotesta.

Diana
WAG!! Nasa bag ko! Yung nasa sofa...Pakiusap, wag niyo na kaming saktan! Kunin nyo na lahat ng gusto niyo, wag niyo lang kaming saktan! Parang awa niyo na!

Binitiwan ng mga lalake si Diana at walang ingat na tinapon ito malapit kay Cassie. May nakatutok pa rin sa kanila. Humahagulgol na sila sa takot. Hinalughog na nila ang bag ni Diana hanggang sa nahanap na nila ang USB atsaka na silang umalis na parang bula as if walang may nangyari.

Cassandra
B-beshie ... B-beshie ok ka l-lang?

Diana
O-ok lang ako Beshie...I-ikaw? A-yos ka lang ba? Di ka ba nasaktan??

Cassandra
O-ok lang ako. H-hali ka na, gamutin natin yung tiyan mo...

Umiiyak pa rin silang dalawa. Hindi sila makapaniwala na nangyari yun. Pero ano pa bang magagawa nila? Umiyak na lamang sila.

Dahan-dahan silang bumangon nang nagring ulit ang phone at sinagot naman niya ito

Unknown
Hello. Diana.

It was the same voice na nakausap niya kanina sa cellphone. Muli siyang kinilabutan sa boses nito.

Diana
H-hello sir?

Unknown
Call me Alex, dear. Come to the venue I will text you. Alone.

Diana
B-but sir--s-something came up...I-I don't think I c-can---

Alex
Come to the venue. Alone. No further explanation. Do this for your sister. I assure you. Nothing will go wrong. Go alone.

And he hang up....

There is this chills he gives her every time. No one can explain why. But her heart skips a beat every time.

Alone. Will she go? Why does he want her to go alone? Is it worth the risk? Who is the guy? Who is Alex?

Dedicated to ella_redux GlaiSanya .

Ayon na. Magduda na kayo. Obvious na rin naman ang sagot😉😎.

paulabii

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top