(Revised) Takasan ang Nakatakda

Sa bahay ng mga Vigafria

Ito ang gabi pagkatapos muling lumapit si Amanda kay Alexandro. Nasa hapagkainan si Alexandro, nakaupo habang umiinom ng tsaa. Nasa kwarto na si Gianna o Gigi. Maya-maya, pumasok si Diana at nilapitan ang asawa.

Diana
Alexandro...Kailangan mo ba talagang gawin yun?

Alexandro
Hindi...pero gagawin ko...

Diana
Alexandro naman eh...Paano kung mapahamak ka? Paano kung magkaaberya ang plano niyo? Paano kung matuklasan ito ni Don Basilio? Paano ka? Paano kami ni Gigi?

Alexandro
Diana, huminahon ka. Walang mangyayaring masama sa akin. Magtiwala kang magtatagumpay kami. Ipagdasal mo ako nang sa gayon ay mas lalong maging mapanatag ang iyong loob.

Diana
Sa'yo, may tiwala ako. Pero kina Don Basilio...Alexandro, alam mo ang nakaraan niyo...

Alexandro
Ano ba ang iyong ikinakabahala Diana? Ang pumalpak ang plano o kami ni Amanda?

Diana
Hindi mo ako masisisi Alexandro. Asawa mo nga ako pero ramdam ko na mahal mo pa rin si Amanda. At ako, alam kong panakipbutas mo lang naman ako eh

Alexandro
Diana...Mahal kita...

Diana
Pero hindi tulad ng pagmamahal mo kay Amanda...Minahal mo lang naman ako kasi wala ka nang pamimilian.

Alexandro
Hindi totoo yan.

Diana
Alexandro, hindi mo naman kailangan pang itago eh. Tanggap ko naman...tanggap ko na pangalawa lang ako sa puso mo. Pero nagpakatanga pa rin akong pumayag kasi...kasi mahal kita...kahit na..

Pinutol ni Alexandro ang sasabihin ni Diana sa isang halik. Hinawakan niya ang pisngi nito at binigyan ito ng makahulugang titig.

Alexandro
Diana, makinig ka...Si Amanda, parte na siya ng nakaraan ko. Kung ano man ang meron kami, tapos na yun. Wala nang kami. Ang tanging meron lang kami ngayon ay pagkakaibigan at obligasyon bilang mga magulang. Diana, ikaw na ang mahal ko. Maniwala ka. Ikaw ang asawa ko. Pamilya kita, mahal na mahal kita. Kayo ni Gigi...Mahal na mahal ko kayo...

Diana
Kung ganun, bakit? Bakit nagagawa mo pa ring ibuwis ang buhay mo para sa kanya?

Hindi makasagot si Alexandro. Hindi siya makasagot hindi dahil hindi niya alam ang isasagot kundi dahil hindi niya alam kung paano niya sasabihin.

Diana
Kita mo na...Hindi ka makasagot...Hindi ka makasagot kasi alam mo sa kailaliman ng puso mo, mahal mo pa rin siya...Nagtitimpi ka lang kasi ayaw mo lang akong masaktan.

Alexandro
Hindi ganyan Diana...Kung pwede ko lang sabihin sa'yo pero kasi...

Diana
Kasi ano?

Alexandro
Diana...

Diana
Ano nga?!

Alexandro
PUT*** naman Diana! Sa tingin mo, pakakasalan kita at aanakan kung hindi kita mahal?! Sa tingin mo, bubuhayin ko kayo ni Gigi kung di ko kayo mahal?! Sa tingin mo, kung wala kayong halaga sakin, mananatili ako sa puder niyo?! Kung talagang mahal ko si Amanda, baka naging kalaguyo niya na ako! Pero Hindi! Mas pinili kita! Mas pinili ko kayo! Kasi mahal kita! Mahal ko kayo! Kayo ang bumuo sa akin nung wasak na wasak ako...Kaya Diana, wag ka nang magdamdam...Kahit anong mangyari, mahal kita...

Wala nang nagawa si Diana kundi yumakap rito. Ramdam niya ang katotohanan sa winika ni Alexandro.

Diana
Patawad...

Alexandro
Ayos lang...

Diana
Basta ipangako mo, babalik ka nang ligtas at buo.

Alexandro
Pangako...

Saka naman pumasok si Gigi sa eksena.

Gianna
Nay? Tay?

Diana
Anak? Bakit?

Gianna
Nag-aaway po ba kayo ni tatay?

Alexandro
Hindi anak, may pinag-usapan lang kami ng nanay mo.

Diana
Anak, saan mo nakuha yang kwintas mo?

Alexandro
Oo nga, mukhang mamahalin iyan. Isang susing kwintas na yari sa ginto?

Gianna
Opo, Tay. Binigay po sa akin ni Donya Amanda. Simbolo daw po ito ng pagkakaibigan natin kaya kailangan ko daw itong pagkaingatan.

Alexandro
Dapat nga, anak. Hindi lang yan isang pangkaraniwang kwintas. Isang napakalaking bagay ang ipinagkatiwala niya sa'yo kaya ingatan mo iyan.

Gianna
Alam ko po Tay. Makakaasa po kayo...Tay, sino nga po pala yung bisita niyo kanina? Ang guwapo at ang kisig eh.

Diana
Gigi...

Gianna
Pasensya na po Nay..

Alexandro
Wala yun nak. Si Hernando yun. Siya ang kasintahan ni Salome na anak ni Donya Amanda at Don Basilio.

Gianna
Ahh. Ang swerte naman pala ni Salome at napunta sa kanya si Hernando. Sana makatagpo rin ako ng katulad ni Hernando- yung matipuno, makisig...

Diana
Anak...Bata ka pa para diyan. Wag muna ngayon.

Gianna
Oo naman Nay...Um, nay? Tay? Pwede niyo ba akong tabihan...Di po kasi ako makatulog eh...

Alexandro
Aba oo naman anak...

Diana
Sus, yun lang pala eh, tara na nga. Tulog na tayo.

At natulog na sila ng mahimbing. Sana naging ganito rin kasaya at tahimik ang pamilya ni Salome.




Kinaumagahan sa dalampasigan ng Ciudad El Marinas, kung saan nagtatrabaho ang mga mangingisda

Inaayos na ni Hernando ang kanyang lambat upang mamangka na sana ngunit, may lumapit sa kanyang lalake- si Alexandro.

Hernando
Mang Alexandro? Bakit po?

Alexandro
Sumama ka sakin. May kailangan akong sabihin sa'yo.

Hernando
Tungkol saan po?

Alexandro
Basta...

Hernando
Pero di ko po kasi pwedeng iwan ng basta-basta lang iwanan ang trabaho ko dito ngayon. Ano po ba talaga yung sasabihin niyo?

Alexandro
Tungkol ito sa kasintahan mo...

Hernando
Patawad po pero wala na po akong kasintahan--

Alexandro
Magtatanan kayo.

Hernando
Po? Anong kahibangan po ba ang iyong sinasabi? Hindi kami magtatanan. Wala nang kami. Nagkasundo na kami--

Alexandro
May plano ang kanyang ina. Pero hindi ko masasabi sa'yo dito pagkat maraming matang nagmamatyag at tengang nakikinig. Sumama ka na sakin.

Nag-aalinlangan man ay sumama siya rito. Lahat ay gagawin niya para sa pinakamamahal niyang si Salome.

Alas sais imedya ng gabi, sa Mansion ng mga Villaluna

Dumating na ang gabi na ipapakilala na sina Jaime at Salome sa isa't isa. Nandoon pa rin si Salome sa kanyang kama... Lugmok... Sawi... Ayaw nang bumangon... Ayaw ng mabuhay.... Parang patay na nga eh...

Maya-maya, pumasok sa kanyang silid ang inang si Amanda. Tinabihan niya ito sa kama at hinawi ang buhok ng anak.

Amanda
Anak... Salome, bumangon ka na...

Salome
Ma, pwede po bang bukas nalang po ninyo ako ipakilala? Masama pa rin po ang pakiramdam ko...

Amanda
Dahil ba sa paghihiwalay niyo ni Hernando?

Hindi na sumagot si Salome. Sa halip, may luhang pumatak mula sa kanyang mata. Hindi ito nakatakas sa paningin ni Amandang labis nahahabag sa pinagdaraanan ng anak. Mahal niya rin naman si Dante but he knows very well that Dante may be physically dying, but Salome is emotionally dying. Alin ba ang mas masaklap?

Amanda
Bumangon ka na anak. Kailangan mo nang tumakas bago ka pa maabutan ng ama mo.

Salome
Po?? A-anong--

Amanda
Hinihintay ka na ni Hernando sa labas. Magtatanan kayo. Pupunta kayo sa may dalampasigan ng Ciudad del Fuego. Naghihintay dun si Alexandro.

Salome
Si Mang Alexandro? Yung ama---

Amanda
Oo.

Salome
Ma, seryoso po ba kayo? Itatakas niyo po talaga ako? P-paano si Kuya Dante? P-paano si Ama?

Amanda
Wala naman tayong poproblemahin sa magiging donor ng Kuya Dante mo. Ako na ang bahala sa pambayad sa pang-ospital ni Dante. Responsibilidad ko na yun bilang magulang niya. At si Basilio, ako na ang bahalang mangatwiran sa kanya. Hayaan mo na ang iyong ama. Ang mahalaga ay ikaw dahil ikaw ang karapatdapat na tagapagmana ng mga Villaluna...kayo ng kuya mo... Kayo lang ang mahalaga, mga pinakamamahal kong anak.

Salome
Salamat po Ma.... Maraming salamat talaga... Salamat sa pagmamahal mo...

Amanda
Magagawa ko bang hindi ka mahalin? Anak kita eh.... Hindi kita matitiis...

Niyakap nila ang isa't-isa. Hindi makapaniwala si Salome na gagawin ito ng ina para sa kanya. Lubos ang kanyang galak. At gayun rin si Amanda. Masaya siya dahil kahit minsan lang sa buhay niya ay may nagawa rin siyang tama.

Amanda
Anak, wala na tayong oras. Hali ka na. Ihahatid na kita kay Hernando.

Dali daling umalis ang dalawa, dala ang mga mahahalagang gamit at maingat na lumabas sa silid ni Salome hanggang sa nakarating din sila sa bakuran nang hindi namamalayan ni Basilio.

Amanda
Anak, hanggang dito nalang ako. Kayo na lamang ni Hernando ang magkakasama.

Salome
Bakit mama? Sigurado kang ayaw mong sumama?

Amanda
Kailangan pa ako ng kuya mo, Salome. Marami pa akong kailangang ayusin. At kailangan kong libangin si Basilio... Lagi mong tatandaang mahal ka ng mama kahit wala na ako sa tabi mo.

Salome
Opo mama. Mahal na mahal ko rin po kayo. Maraming salamat, mama. Hinding hindi ko toh malilimutan. Paalam.

Akmang aalis na sana si Salome ngunit bago tuluyang umalis, niyakap niya nang napakahigpit ang ina para sa huling pagkakataon. Buong puso naman sinuklian ng ina ang pagyakap sa mahal niyang anak.

Amanda
Mamimiss kita anak. Anak, humayo ka na bago ka pa maabutan ng ama mo.

Hindi na sumagot ang dalaga ngunit bakas sa kanyang mukha ang pangungulila. Nauna na siya at inakyat ang pader hanggang nakarating sa kabilang dako nito at nagisnan muli ang kanyang kasintahan.

Salome
Hernando...

Hernando
Salome!

Isang mahigpit na yakap ang kanilang ibinigay sa isa't-isa ngunit agad rin silang bumitaw at dali-daling sumakay sa munting sasakyang hiram ni Hernando. Humayo na sila patungong dalampasigan ng Ciudad del Fuego.

Samantalang si Amanda, nagtungo sa liblib na bahagi ng kanilang hardin, nakaluhod sa likod ng malaking puno kung saan ang lupa ay may munting bungkal. Hawak-hawak niya ang isang munting kahong yari sa diyamante, isang kahong pamana mula sa mga ninuno niya. Dito raw tinatago ang mga sikretong pinakatatago. Yari ito sa pinakamatigas at pinakamalakas na diyamante na hindi nagigiba ng anumang bagay maliban sa kapwa diyamante, upang hindi mabuksan o masira ng iba para halungaktin ang lihim. Tanging isang susi lamang ang makakabukas sa kahong ito.

Amanda
Patawad.... Nawa'y walang makatuklas nito. Ngunit kung meron man, sana mapunta ito sa mga tamang kamay... Sana nga ganun lamang kadaling ibaon ang lihim na ito...but I know you deserve to know the truth, anak... Bahala na ang tadhana... Jusko...

At tuluyan niya na itong tinabunan ng lupa at mga damo.

Samantala, patuloy pa rin ang pagtakbo ng sasakyang hiram ni Hernando. Mabilis-bilis ang pagmamaneho niya para agad silang makarating sa dalampasigan at nang makapagtanan na sila. Tahimik lamang si Salome na para bang kinakabahan. Napatingin ng sandali rito si Hernando at hinawakan ang kamay habang nagmamaneho pa rin gamit ang kabilang kamay.

Hernando
Salome, ayos ka lang? Kanina ka pa tahimik eh...

Salome
Ayos lang naman ako Hernando, medyo kinakabahan lamang...medyo nabigla ako sa planong toh, di ko inakalang mangyayari toh...Nag-aalala rin ako para kay mama..Paano pag nalaman ni papa yung hinayaan niya tayong magsama? Paano si Kuya Dante?

Kinuha ni Hernando ang hinahawakang palad ni Salome at hinalikan ito upang pakalmahin ang kasintahan.

Hernando
Salome, wag ka nang mag-aalala. Naniniwala naman akong hindi pababayaan ng Diyos ang ina at kuya mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna. Wag kang mangamba, andito naman ako eh.

Salome
Salamat Hernando... Sa tingin mo, magiging masaya tayo?

Hernando
Oo naman. Bakit hindi? Pag nakarating na tayo sa isla, may konti lang tayong aayusin, mga pangalang babaguhin para magkubli...Pag lumamig lamig na ang tensyon, pwede na tayong mamuhay ng normal. Maghahanap ako ng trabaho, gagawan kita ng palasyo, magpapakasal tayo at bubuo tayo ng maraming anak.

Salome
Anak?

Hernando
Oo. Bakit?

Salome
Maging mabuti kaya akong ina sa kanila? Ano ba ang alam ko?

Hernando
Ano ka ba Salome? Sigurado akong ikaw na ang magiging pinakamabuting ina sa mundo. Wala nang iba.

Salome
Sana nga. Ilang anak ba yung gusto mo?

Hernando
Siguro, mga pito?

Salome
Ang dami naman Hernando! Parang di ko kaya yan.

Hernando
Kaya yan! Basta...lagi tayong magkasama...

Mga mumunting ngiti ang namuo sa kani-kanilang mga labi, munti man ngunit napakatamis na mga ngiti at mga titig. Ang tanong ay kung ito'y magtatagal.

Sa kabilang dako, sa mansyon ng mga Villaluna,

Lumalakad na si Amanda patungong kwarto ni Salome, Tamang-tama lamang ang kanyang pagdating ng akamng papasok na sana si Basilio. Agad niya naman itong pinigilan at nagpalusot.

Amanda
Basilio? Anong ginagawa mo rito?

Basilio
Ano pa ba Amanda? Malamang tatawagin ko na si Salome! Ngayon na siya ipapakilala sa mga Sarmiento kaya dapat lang na siya ay maghanda na.

Amanda
I-ikaw? Tatawag sa kanya? Kailan ka pa naging concerned sa anak mo?

Basilio
Pwede ba Amanda, tigil-tigilan niyo nga yung drama niyo. Nakasalalay dito ang buhay ng anak kong si Dante.

Amanda
Basilio, ako na ang mag-aayos kay Salome.

Basilio
Sasama ako.

Amanda
Hindi na. Mas malapit kami kesa sa'yo. Galit pa ata yun sa'yo.

Basilio
Lintek! Gusto kong makita yung kalagayan niya para masigurong kaaya-aya siya para sa pagkikita!

Amanda
Ako na nga ang sisiguro nun! Alam ko naman kung ano yung dapat eh! Sige na, umalis ka na!

Basilio
Bakit mo ba ako tinataboy Amanda? Bakit ba bawal kong silipin ang anak mo? May tinatago ka ba sakin? Ano nanamang katangahan ang ginawa nyo?

Amanda
Anong pinagsasabbi mo? Wala akong alam.

Ngumisi lamang si Basilio at akmang aalis ngunit bigla-biglaan niya lamang sinampal ang asawa.

Basilio
SINUNGALING! ANO ANG AKALA MO SA AKIN?! TANGA?! SA TINGIN MO, HINDI KO ALAM ANG PLANO NIYO NI SALOME AT NG KALAGUYO MO?!

Amanda
Basilio, hindi yan totoo!

Sa sobrang inis, sinunggaban niya ang mga braso nito at tinignan ito na nanlilisik ang mga mata habang sinisigawan ito.

Basilio
LETCHE AMANDA! GINAGAGO MO PA AKO?! WAG KA NANG MAGSINUNGALING! NAKITA KO NA KAYO NG ALEXANDRONG YUN! UNA SA OSPITAL, PANGALAWA, NOONG ISANG ARAW. SINUNDAN KO KITA AMANDA! NARINIG KO LAHAT NG PLANO NIYO!! MAGSISINUNGALING KA PA?!

Amanda
Basilio...Tama na, nasasaktan ako...

Basilio
Talagang masasaktan ka!! Kulang pa yan sa lahat ng mga kasalanan mo! Nakikipagkita ka pa dun sa lalakeng iyon?! Ha?! Bakit Amanda? May balak ka pa atang maging kabit niya! Kulang pa ba ako sa'yo?!

Amanda
Hindi Basilio! Sumosobra ka na! HINDI NA KITA MATIIS! SOBRANG SAMA NG UGALI MO!

Napabitaw na si Basilio sa pagkakahawak kay Amanda at nagsimulang tumulo ang mga luha.

Basilio
Ako? Ako pa Amanda? Ako pa yung masama ang ugali? Bakit Amanda? Lahat naman ng ginagawa ko, para sa pamilya naman natin yun ah.

Amanda
Hindi Basilio. Ginagawa mo lang yun para sa sarili mo...para sa kayamanan mo...sa kapangyarihan...para diyan sa pride mo!

Basilio
Ginagawa ko toh para kay Dante!! Ginagawa ko toh para sa anak ko!

Dun na napatulo yung luha ni Amanda. Nung kumawala sa mga bibig ni Basilio ang mga salitang "anak ko".

Amanda
At ako Basilio? Mahal ko rin naman si Dante eh...but not at the expense of my other child.

Basilio
Ang sabihin mo, mas mahal mo lang talaga si Salome kesa kay Dante kasi si Salome anak mo kay Alexandro na totoong minahal mo samantalang si Dante ay anak mo sa akin na kahit kailan hindi mo minahal!

Amanda
HINDI NGA YAN TOTOO!! PANTAY PANTAY ANG PAGMAMAHAL KO SA MGA ANAK KO! KUNG MERON MAN SA ATING HINDI NAGIGING PATAS SA PAGTRATO SA MGA ANAK NATIN, IKAW YUN!! BASILIO!!! ANAK MO SI SALOME!!!!!! HINDI KO ALAM KUNG ANO PA ANG SASABIHIN KO PARA MANIWALA KA PERO ANAK MO SIYA!!!

Basilio
PAANO AKO MANINIWALA?? YUNG NAGKITA KAYO NI ALEXANDRO SA OSPITAL? ANO YUN? PARA YUN KAY SALOME ANO?!!

Amanda
PUTANG INA! PAULIT-ULIT LANG TAYO EH! SINABI NA NGANG ANAK MO SI SALOME. AT YUNG SA OSPITAL, BAKIT? BAWAL BA KAMING MAGKITA? NAGKATAON LANG NAMAN NA NAGKITA KAMI! BASILIO, IT'S A SMALL WORLD, KAYA HINDI MAIIWASANG MAGKITA KAMI. BAKIT? BAWAL NA BA SIYANG PUMUNTA NG OSPITAL? WALA NA BA SIYANG KARAPATAN? HINDI NA BA KAMI PWEDENG MAG-USAP KAHIT BILANG MAGKAIBIGAN NALANG? MAY PINAGSAMAHAN RIN NAMAN KAMI PERO HINDI IBIG SABIHIN NUN AY MAY NAMUMUO NANAMANG RELASYON SA AMIN. KAPWA NA KAMING MAY SARILING ASAWA'T MGA ANAK. TANGGAP NAMIN YUN AT HINDI NAMIN MAGAGAWANG PAGTAKSILAN ANG PAMILYA NAMIN! ...Kung tutuusin, pwede lang naman namin kayong iwan eh. pero alam mo kung bakit hindi namin magawa gawa?

Basilio
Bakit?

Amanda
KASI MAHAL NAMIN KAYO! MAHAL KO KAYO! Kung hidhid kami, matagal na tayong wala. Pero hindi eh. Tiniis ko yung ugali mo sa pag-asang magmamahal ka na rin ng totoo. Kaso hindi eh. Mas lalo kang sumama. Si Salome. Umaasa rin siya na mamahalin mo rin siya. Hindi bilang obligasyon kundi bilang anak. Basilio mahirap ba yung gawin? Mahirap ba iyong ibigay? Mahirap bang gawin mo kay Salome ang pag-alaga mo kay Dante? Ako yung nasasaktan para sa kanya dahil sa ginawa mo eh. Kaya tama lang na ilayo ko siya sa isang tulad mo.

Basilio
Pagod na ako sa mga kasinungalingan at panunumbat mo Amanda.

Walang sabi-sabing tinalikuran niya ito at dumiretso sa sasakyan niya.

Amanda
Basilio?! Basilio, saan ka pupunta?!

Ngunit hindi siya nito sinagot. Dire-diretso lang ito sa paglalakad palabas ng mansyon na nag-iigting ang galit. Sa pag-aalala, sumama si Amanda sa kotse nito. Kahit na sinubukan nitong kausapin ang asawa, wala na itong pakealam. Patuloy lamang siyang nagmamaneho nang mabilis.

Amanda
Basilio, utang na loob, sagutin mo ako! Saan ka pupunta?!

Humugot ito ng baril mula sa isang kahon sa sasakyan. Tumayo naman ang balahibo ni Amanda at nanlaki ang kanyang mata nung makita ito.

Basilio
PAPATAYIN KO NA ANG MGA SALOT SA BUHAY NATIN- SI ALEXANDRO, SI HERNANDO... AT UUNAHIN KO TALAGA ANG LALAKE MO!

Amanda
BASILIO, HINDI MO PWEDENG GAWIN YAN!

Basilio
AT BAKIT HINDI?!

Amanda
Basilio...kasi...

Samantala, patuloy pa ring nagmamaneho si Hernando hanggang sa may napansin ito.

Hernando
Salome, napansin ko lang ah, parang ang bilis ng takbo ng sasakyang nasa likod natin ah.

Nilingon naman ito ng huli dahil na rin sa pagtataka ukol sa tinutukoy ng kasintahan.

Salome
Hernando, bilisan mo ang pagmaneho! Kotse ni papa iyan!

Hernando
ANO?! PAANO?!

Salome
Nabisto niya na si mama..Hernando, bilisan mo, baka maabutan niya tayo!

Pinaharurot na agad ni Hernando ang sasakyan sa pag-asang matatakasan nila ang nakatadhana. Ngunit yun ay akala lamang nila. Sa biglaan nilang pagpapabilis ng takbo ng sasakyan, saka nagka ideya si Basilio na naroon sila kaya sinundan niya na ito

Salome
Hernando, bilisan mo pa! Mahahabol na tayo ni papa!

Hernando
Eto na Salome!

Salome
Wala na bang ikabibilis pa?

Hernando
Ito na yung pinakamabilis.

Ilang layo na lamang at maaabutan na sila ni Basilio.

Salome
Hernando, iligaw kaya muna natin si papa??

Sasang-ayon na sana si Hernando ngunit nung nakita niya kalagayan ng sasakyan...

Hernando
Hindi pwede Salome! Paubos na ang gasolina! Kailangan makarating agad tayo sa dalampasigan! Ilang layo na lang...Konting tiis pa Salome...

Salome
Maaabutan niya tayo. Hernando, huminto ka sa kanto.

Hindi na nagtanong pa ang binata at sinunod na lamang ang kasintahan. May tiwala si Hernando kay Salome. Alam niyang may plano ito.

Nang dahil sa biglang liko, ay bahagyang naligaw si Basilio.

Basilio
BWISET!! HINDI. HINDI NYO AKO MATATAKASAN.

Amanda
Basilio, tama na...Huminahon ka...

Ngunit hindi siya nagpatinag. Pinaharurot niya ang sasakyan tungo sa kamatayan.

Samantala, sumilip ang magkasintahan mula sa gusaling kanilang pinagtataguan at nahimasmasan nang makitang nalusutan nila si Basilio. Nagdali-dali silang tumakbo patungo sa dalampasigan kung saan naghihintay si Alexandro.

Ilang hakbang na lamang sila patungo sa bangka hanggang sa narinig nila ang putok ng baril. Napahinto sila sa pagtakbo at lumingon. Nakita nila mula sa distansya ang galit na galit na si....

Basilio
SALOMEEE!! HERNANDO!!!

Nanlaki ang kanilang mga mata at tumayo ang mga balahibo ng makita ito. Malayo pa si Basilio pero mabilis lamang ang lipad ng bala. Tatakbo pa ba o susuko na?

Sa isang iglap, natumba si Basilio at lumutang mula sa kadiliman si Amanda na may hawak na kahoy.

Amanda
Takbo!!

Nabuhay ang pag-asa ng magkasintahan at muling kumaripas ng pagtakbo. Di nagtagal, nakabangon rin agad si Basilio at tinulak palayo ang asawa. Subalit kahit na ito'y natumba na, di pa rin ito nagpaawat. Tumayo pa rin ito para habulin at pigilan ang ang asawang halang ang kaluluwa.

Samantalang ang magkasintahan ay nakaabot na rin sa bangka kung nasaan nakaabang pa rin si Alexandro.

Alexandro
SAKAY NA! BILIS!!

Di na ring nagpatumpik tumpik pa ang dalawa at agad nang sumakay sa bangka ngunit kung kailan sila'y maglalayag na, saka naman sila naabutan ni Basilio.

Basilio
SALOME! HERNANDO! TUMIGIL NA KAYO! HINDI NINYO MATATAKASAN ANG NAKATANDA! SALOME! HALI KA NA!

Salome
Ayoko! Hindi na ako magpapaapi sa isang tulad mong walang puso! Pagod na ako Pa! Si Kuya Dante nalang ang pagtuunan mo ng pansin, tutal siya lang naman ang mahal mo!!

Basilio
Bastos kang bata ka! Pagkatapos kitang palamunin!!

Papaluin at hihilain niya na sana si Salome ngunit hinila na siya pabalik ni Hernando.

Hernando
Hindi mo ilalayo sa akin ang mahal ko. Hindi mo siya sasaktan!

Basilio
ISA KA PA! ANO BANG IPINAGMAMALAKI MO?! DUKHA KA LANG!! WALA KANG MAIDUDULOT NA MAGANDA SA ANAK KO!

Hernando
Mahal ko siya.

Salome
At mahal ko rin si Hernando. Di mo na ako mapipilit na sumunod sa'yo.

Basilio
LINTEK! MAPAPAKAIN BA KAYO NG PAGMAMAHAL NIYO?! HERNANDO, INUUTUSAN KITA, PAKAWALAN MO SI SALOME DAHIL KUNG HINDI, PAPATAYIN KITA!

Tinutukan ni Basilio ng baril si Hernando kaya agad na pumagitna si Alexandro.

Alexandro
Wala kang sasaktan Basilio!

Basilio
Manahimik ka Alexandro at wag kang makialam! Si Salome ng pinunta ko rito! Nagpipigil lang ako. Umalis ka na dahil kung hindi...

Alexandro
Ano Basilio? Ano ang gagawin mo? Matagal na akong nagtitimpi sa iyo. Sa haba ng panahon, wala akong ibang ginawa kundi umalis at hayaan kang lapastanganin at apak apakan ang lahat ng tao sa paligid mo. Hindi na ngayon. Tapos na ako sa pagbubulag bulagan sa lahat ng kasamaan mo. Magtutuos tayo ngayong gabi.

Basilio
Yan ba talaga ang gusto mo?

Hinugot ni Alexandro ang bolo mula sa kanyang kaluban at itinuon ito kay Basilio. Tinawanan lang siya ng huli

Basilio
Pinagloloko mo ba ako Alexandro? Wala kang binatbat sakin. Isang bala ka lang.

Walang sabi-sabing inatake ni Alexandro si Basilio ngunit nakailag naman ang huli. Pinutok niya ang baril ngunit sinagang ito ng bolo ni Alexandro kaya walang natamaan. Muli siyang sumugod at nabitawan ni Basilio ang hawak na baril. Nang muling umatake si Alexandro, sinipa ito ni Basilio at binali ang kamay nito kaya nabitawan niya ang kanyang sandata. Habang nakikipagtugisan silang dalawa ay tumungo na sa bangka ang magkasintahan at nagjandang maglayag. Samantala, nakabawi naman siya ng sinuntok niya ito, dahilan ng pagkakatumba ni Basilio sa buhangin. Namataan ni Basilio ang baril at akmang hahablutin na ito ngunit agad rin siyang pinigilan ni Alexandro. Gayunpaman, walang nagpapaawat. Pilit pa ring inaabot ni Basilio ang baril at pilit rin itong pinipigilan ni Alexandro.

Alexandro
Tumakas na kayo Hernando, Salome!!

Nag-aalinlangan mang lumayag kahit na di marunong ay maglakas loob ang dalawa na umalis na.

Samantala, matagumpay na nakuha ni Basilio ang baril at pinutok ito sa binti ni Alexandro kaya nahirapan itong bumangon.

Salome
HERNANDO!!


Tinutok na ni Basilio ang baril kay Hernando, agad itong nakita ni Salome kaya isinagang niya ang sarili kay Hernando at napapikit na lamang.












BANG!! Isang malakas na tunog ng kalabit ng baril ang umalingawngaw sa dalampasigan...













AAH!! Tunog ng babaeng napasigaw sa sakit, isang sigaw na nagpatindig ng kanilang mga balahibo...


























BOOGSH!! Ang tunog ng taong bumagsak na sa buhangin













WAHHHH!! Ang tunog ng mga naghihinagpis na kaluluwa














Hernando
Salome....














Nang imulat ni Salome ang kanyang mata, nakita niya si.....

Basilio
AMANDAAAAA!!!!!!!


Salome
MAMAAAAA!!!!






Nasa buhangin na si Amanda, nakalupasay, nasa mga bisig ng asawang si Basilio. Duguan ito matapos saluin ang balang sana ay tatama sa kanyang anak na si Salome. Binitawan na ni Basilio ang baril at nanginginig ang kamay. Ang puso niya ngayo'y nababalot ng pighati....Mahal niya pa rin ang asawa niya...Sa sobrang pagmamahal, nasobrahan rin ang paninibugho kung kaya't ang pagmamahal na dapat sana'y matamis, ngayon ay pumait...ngayon ay nauwi sa kamatayan.

Masakit man ang katawan ni Alexandro ay pinilit pa rin niyang lapitan ito, pinilit niya pa ring gumapang patungo sa babaeng minsan noyang minahal. At si Salome, kahit alam niyang masisira ang kanilang plano, bumaba siya sa bangka at nilapitan ang inang nakahandusay. Sumunod rin si Hernando upang alalayan ang kasintahan.



Salome
Mama!!

Basilio
KASALANAN MO TOH! UMALIS KA!!

Alexandro
Wag mong ipasa sa iba ang kasalanan mo Basilio! Ikaw ang pumutok ng baril!

Basilio
MANAHIMIK KA!

Hernando
Dalhin na natin siya sa ospital!!

Amanda
Alexandro

Alexandro
Amanda?

Amanda
Ang pangako mo...

Alexandro
Pangako...

Amanda
Basilio...

Basilio
Mahal?

Amanda
M-mahal-in..M-mo ang a-anak n-natin...

Basilio
Mahal, wag ka namang magsalita ng ganyan...Dadalhin ka namin sa ospital halika na....Magbabago na ako...mabuhay ka lang!!

Ngunit umiling si Amanda. Masyadong maraming dugo ang lumalabas mula sa kanyang puso. Hindi na siya tatagal. Naghihingalo na siya kaya nilubos lubos niya na ang nalalabing panahon...

Amanda
Hernando...

Wala siyang sinabi pero binigyan niya ito ng makahulugang titig. Tumango lang ang binata. Sunod niyang kinausap ang dalagang punumpuno na ng luha ang mga mata.

Amanda
Salome...

Salome
Mama...

Maghahabilin pa sana siya ngunit sumuka na siya ng dugo kaya hindi na niya nagawa pero bago siya tuluyang mabawian ng buhay...

Amanda
Gigi....llave...Dante...césped...Villaluna

Naguluhan ang lahat sa kanyang sinabi mgunit tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.

Salome
Mama?

Ngunit hindi na ito sumagot. Nang dahil dun, ang lahat ay tumangis ng labis.

Salome
Mama!!!

Basilio
Mahal!!

Alexandro
Amanda!!

At dun nauwi ang pagtakas sa nakatakda.

========================
It's been a while...Sorry medj mabigat toh
halle_hallez GlaiSanya Sangrelenisabelle SANGRE_ISABELLE mariehoy glaizadclovers

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top