Pagluluksa
Nasa ospital sila ngayon. Kahit na tila'y wala nang pag-asa, isinugod pa rin nila si Amanda sa ospital.
Nasa higaan si Amanda, wala nang buhay ngunit tinatakbo nila sa operating room. Sinasabayan rin ito nina Salome, Basilio, Hernando at Alexandro. Halos bumaha na ang mundo sa mga luhang umaagos mula kina Salome, Alecandro at lalong lalo na kay Basilio.
Nasa ER na sila kaya hinarangan sila ng nurse.
Nurse
Excuse me po sir, ma'am, hanggang dito lang po muna kayo...
Tsaka naman pumasok ang doktor na nagmamadali rin. Agad siyang nilapitan ni Basilio at nagmakaawa.
Basilio
Doc, doc, gawin niyo ang lahat para buhayin ang asawa ko...please doc, magbabayad ako kahit gaano basta iligtas niyo lang siya...
Doctor
Gagawin po namin ang lahat sa abot ng aming makakaya...
Nauna na ang doktor samantalang sila ay wala nang nagawa kundi umupo sa labas at maghintay.
Basilio
Amanda please...Lumaban ka...Please... mabuhay ka para sa anak natin..hayaan mo naman akong bumawi oh... Amanda...
Salome
Kasalanan ko toh....Kasalanan ko tong lahat...Sana hindi nalang ako tumakas...
Hernando
Salome, wag mong sisihin ang sarili mo...wala kang kasalanan. Wala namang may gusto sa nangyari eh.
Alexandro
Tama si Hernando, Salome. Pero kung meron mang dapat sisihin, yun ay walang iba kundi yung pumutok ng baril.
Basilio
Manahimik ka!
Kwinelyuhan niya ito at akmang susuntukin. Handa na rin sana si Alexandro na sagangin ito at gantihan rin ng sipa ngunit pinigilan sila nina Salome at Hernando.
Salome
TAMA NA!! Mawalang galang na pero PWEDE BA, KAHIT NGAYON LANG TUMIGIL KAYO?! Alang-alang kay Mama, PLEASE...Kahit ngayon lang para kay Mama, baka pwede muna kayong magparaya at magkaisa?
Hernando
Tama po si Salome. Kung nabubuhay po si Donya Amanda, sigurado akong ayaw niyang akita kayong nag-aaway...Ayaw niyang makitang nasasaktan ang mga mahal niya...
Nung narinig ito mula kina Salome, tila'y nabuhusan sila ng malamig na tubig. Mabuti pa ang kabataan, marunong umanawa, at may linaw ng pag-iisip, di tulad nila na asal-bata. It was as if the highest and sturdiest walls they've built, the ego that ruled over their being for the longest time, were torn down at an instant. Those words...Yun lang naman pala yung magpapatunaw sa puso nila. Two men, two foes, one woman. Two men, two lovers, one woman. Two men become one for one woman.
Kapwa silang tumigil at dahan dahang kumalas sa pagkakahawak sa isa't-isa. Huminahon ang lahat at naupo. Pinilit nilang manahamik. Pinilit nilang maging kalmado, taimtim na nagdarasal na sana'y mabuhay si Amanda.
Di nagtagal, lumabas ang doktor na laylay ang balikat. Agad namang nilapitan ni Basilio ang doktor na punumpuno ng pag-aaalala at pag-asa.
Basilio
Doc, Doc kamusta po ang asawa ko?
Doctor
Pasensya na po...Sinubukan po naming i-revive ang pasyente subalit masyado nang maraming dugo ang nawala sa kanya. She is declared dead on arrival.
Dead on arrival...
Patay na talaga si Amanda....
Patay na siya....
Patay?
Patay.
Patay!
Hindi! Hindi maaari!
Yan ang mga litanyang umalingawngaw sa buong isipan, puso at pagkatao ng mga mahal niya sa buhay.
Paano ba dapat tanggapin ang pagkawala ng mahal mo?
Basilio
H-hindi..H-hindi yan totoo! Hindi pa patay ang asawa ko...Nagsisinungaling ka lang! Hindi yan totoo!
Nagwawala na si Basilio dahil hindi niya matanggap ang pagkamatay ng asawa niya. Halos sumabog na yung puso niya. Samantalang sina Salome, Alexandro at Hernando, tahimik lang pero nagdurugo ang puso, bumabaha ng luha.
Doctor
I'm sorry...
Wala nang ibang nasabi ang doktor. Wala na siyang nagawa. Patay na si Amanda. At ang tanging nagawa nalang nilang lahat ay maghinagpis, magdalamhati, magluksa...
Pagkalipas ng ilang sandali, nilagay na nila ang bangkay ni Amanda sa morgue.
Nanginging ang paa, halos matutumba na, pumunta si Basilio upang hagkan ang kanyang asawa.
Di niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Naghahalo halo na ang lahat.
Lungkot. Pangungulila. Pagsisisi. Galit. Pagluluksa. Pagdurusa.
It's all coming in at once.
His hands trembled as he removed the blanket to see his wife's face once more.
But he only stumbled in tears, full of guilt and regret. He knew that this has gone way too far. Why did it come to this?
Basilio
AMANDA!! I-I'm s-sorry....Kung alam ko lang....Amanda....Mahal kita....kaya ko nagawa lahat yun...Patawarin mo ako...Amanda...Mahal kita...Please...
He went from sobbing, to crying, then weeping, then wailing, down on his knees.
Then all of a sudden, pumasok si Alexandro.
Basilio
Anong ginagawa mo dito, Alexandro? Nagpunta ka ba rito para sisihin ako? Para ipamukha mo sa akin na napatay ko ang sarili kong asawa?
Alexandro
Hindi ako pumunta rito para manisi. Oo, ikaw ang pumutok ng baril, ikaw ang nakapatay, pero asawa mo pa rin siya. Di mo rin ginusto yung nangyari. Aksidente lamang yun. Aksidenteng dala ng kasakiman mo.
Basilio
Kung susumbatan mo lang ako, umalis ka na lang.
Alexandro
Sa muli, hindi ako nagpunta rito para manisi. Nagluluksa rin ako. Nakikiramay lang ako. Kahit papano, may pinagsamahan din kami ni Amanda. Malaking parte siya ng buhay ko.
Basilio
And I destroyed your love story, I suppose?
Alexandro
Hindi. Naging daan ka para makilala ko ang totoong mahal ko, si Diana. Kung may nasira man dito, ikaw yun. Ikaw, si Amanda, kayo ng anak niyo. Naiintindihan kita. Mahal na mahal mo si Amanda. Sa sobrang pagmamahal, natakot ka na baka mawala siya sa'yo. Natakot ka na iwan ka niya. Sa loob ng ilang taon niyong mag-asawa, hindi mo pinagkatiwalaan ang pagmamahal niya sa'yo. Nanaig ang takot mo. Kaya nagpayaman ka. Lahat ng gusto mo, kinukuha mo kahit sapilitan pa. Hanggang sa nasakal na sa'yo si Amanda. Kasi si Amanda, hindi naman yaman ang hanap niya sa'yo eh. Pagmamahal. Yun lang. Gusto niyang mahalin mo siya at ang anak niyo. Lalo na si Salome.
Basilio
Pagmamahal? Paano kung ikaw lang naman ang laman ng puso niya?
Alexandro
Ikaw ang mahal niya Basilio. Kasi kung hindi, kami ang magkasama ngayon. Pinili ka niya. Minahal ka niya. Pero nagbago ka. Sa kabila nun, hindi ka niya sinukuan. Pwede lang naman siyang tumakas kasama nina Salome at Hernando. Pero hindi niya ginawa. Pinili niyang maiwan sa'yo kasi umaasa siya. Umaasa siyang magbabago ka. Eh kaso hindi eh.
Basilio
Magbago? Para saan pa? Wala na siya. Wala nang saysay ang lahat.
Alexandro
Hindi Basilio. Hindi pa huli ang lahat. Pwede ka pang bumawi. Tuparin mo ang pangarap niya. Ang pangarap niyang mahalin mo at protektahan mo ang mga anak niyo. Tiyak na matatahimik siya at ikasasaya niya yun.
Basilio
Anak namin?
Alexandro
Basilio...Nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo...Basilio, ama sa ama, isantabi muna natin ang di natin pagkakaunawaan alang alang kay Amanda. Kapwa tayo nagkaroon ng pagkukulang sa mga anak natin. Bakit hindi tayo bumawi? Bigyan mo ako ng pagkakataong bumawi sa kanya. At ikaw, bumawi ka sa kanya.
Basilio
Sa tingin mo, may mukha pa akong maihaharap sa kanya? Pagkatapos ng kalupitan ko? All these years, I've been torturing my own child. Alam mo kung gaano kasakit yun?
Alexandro
Alam ko. Pero paano ako? Hindi ko man lang siya nasilayan, nakasama, nahawakan sapul nung siya'y sanggol pa lamang. Hindi ko man lang siya nagabayan. Marami akong di nagawa kasama siya. Gusto kong bumawi at naniniwala akong hindi pa huli ang lahat...Basilio, baka pwede? Baka pwede magbago na tayo? Hindi na tayo mga bata. Ilang trahedya pa ba ang kailangang mangyari bago ka magbago? Kaninong dugo nanaman ba ang dadanak? Kailangan bang magunaw ang mundo bago tayo matauhan?
Wala nang naisagot si Basilio. Nanatili lamang siyang nakatitig sa asawa, tumutuli ang mga luha. Alam niya ang pagakakamali niya. Handa siyang magbago. Pero ang saklap na kinailangan pang may mawala bago siya magbago.
Alexandro
Pag-isipan mo nang maigi Basilio.
Lumabas na si Alexandro. Di nagtagal, pumasok si Salome kasama si Hernando.
Nag-aalinlangan siyqng pumasok. Natatakot siya na baka saktan lamang siya nito, sumbatan o sampalin. Pero lumapit pa rin siyq para sa kanyang mahal na ina.
Salome
Papa?
Dahan-dahang humarap sa kanya si Basilio. Natakot siya pagkat nanlilisik ang mga mata nito. Handa na siya sumalo ng sampal...pero dun siya nagkamali. Dahil hindi siya sinaktan ng kanyang ama. Sa halip, niyakap siya nito ng mahigpit at umiyak ng todo-todo.
Nagtataka man, niyakap rin niya ito ng pabalik at bumuhos ang kanilang mga emosyon at luha.
Salome
Papa....Paano si Kuya Dante? Pa'no natin sasabihin lahat toh sa kanya?
Basilio
Hayaan mo na anak...Mahahanapan din natin ng paraan yan...
Iniyak lang nila lahat. No words needed. For that moment, they just set aside all hatred, and there was peace amidst sorrow.
Pagkatapos ng ilang araw
Pinaglalamayan na nila ngayon ang bangkay ni Amanda. Naroon ang lahat.
Nasa harap na ngayon ng kabaong ni Amanda sina Basilio at Dante.
Dante
I still can't believe this. Just before my operation, she was still alive and awake. Tapos ngayon, wala na siya. Para saan pa at nabuhay ako kung ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto ko pang mabuhay ay wala na? Paano..Bakit ba toh nangyari?
Basilio
Dante, anak, sa totoo lang, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang lahat eh...Kasalanan ko toh...Kasalanan ko ang lahat...
Dante
Pa? Anong ibig mong sabihin?
Hindi niya ito masagot ng diretso.
Basilio
Alam mo anak, mapalad ka at nabigyan ka ng pangalawang pagkakataon para mabuhay. May panahon ka pa para itama ang mga mali mo, makaranas ng iba't-ibang kasiyahan, at makakakilala ka pa ng mga taong magbibigay kulay sa buhay mo.
Tinignan niya mula sa kalayuan si Alexandro na nasa labas ng pinto, nagmamasid lamang pagkat alam niyang wala siyang lugar dito.
Basilio
Dante, puntahan mo ang bisita nating si Alexandro. Welcome him here and entertain him.
Dante
Alexandro Vigafria? Hindi ba't siya ang kalaguyo ni mama?
Basilio
Siya ang unang minahal ng mama mo. At marami kang dapat ipagpasalamat sa kanya.
Dante
Hindi ko po kayo maunawaan.
Basilio
Maiintindihan mo lang kung lalapitan mo siya...Sige na, Dante...anak...
Nag-aalinlangan man, nilapitan niya ito.
Sa kabilang dako, sa labas ng lamay ni Amanda, naroon sina Salome at Hernando. Iyak nang iyak si Salome kaya dinadamayan siya ni Hernando.
Hernando
Salome, tahan na...
Salome
Kasalanan ko talaga toh eh...Dapat hindi nalang tayo nagtanan...Dapat hindi ko na ipinaglaban yung pagmamahalan natin...Ng dahil sa natigas kong ulo at sa mang dahil sa tanga kong puso, napahamak si nanay, ng dahil sa pesteng pag-ibig na toh!
Hernando
Pinagsisihan mo bang pinili mong makipagtanan sa akin? Nagsisisi ka bang minahal mo ako?
Salome
Hindi ako nagsisisi na minahal kita. It's one of the best things that happened to me pero pinagsisisihan ko na sinubukan ko pang takasan ang tadhana...Hernando, di ko pala toh kayang labanan. Sa bawat pagkakataong sinusubukan kong suwayin ang kapalaran ko, may napapahamak lang. Ang naging kaibigan ko noon, si kuya, ngayon si mama. Lahat sila napahamak dahil mas pinili kong mahalin ka.
Hernando
Salome, wag mong sabihin yan. Walang mali sa atin. Kailanman hindi naging mali ang magmahal.
Salome
Tama ka, Hernando, walang maling magmahal. Pero mali yung panahon eh. Wala tayo sa lugar. Sa bawat pagkakataon na maglalapit tayo, parating gumagawa ang tadhana ng paraan para magkalayo tayo, para matibag tayo.
Hernando
Edi wag tayong magpatibag. Lumaban tayo. Sinusubukan lang tayo ng tadhana pero hindi ibig sabihin na hindi tayo para sa isa't-isa. Kailangan lang nating lumaban.
Salome
Pero ayoko na! Pagod na ako Hernando. Mahal kita pero ayoko na. Tignan mo kung saan tayo dinala ng pagmamahal natin! Namatay na ang mama ko! At sino ang susunod? Si Papa? Si Kuya? Si Mang Alexandro? Ikaw? Di ko na kaya na may mawala pa sakin.
Hernando
Salome, wag ka namang sumuko oh! Masyado nang malayo yung narating natin para sumuko ka pa ngayon. Namatay na nga yung mama mo para sa'tin. Eto yung gusto niya Salome, yung magsama tayo, yung maging masaya. Wag mong sayangin yung buhay na inalay niya para maging masaya ka. Salome naman, magpakatatag ka, wag kang duwag! Isipin mo naman yung kaligayahan mo! Wag puro ying iba yung isipin mo!
Salome
Diba yun yung ginawa ko? Natin? At ano ang kinalabasan? Kamatayan. Hernando, ayoko na. Kung ang kapalit ng makasama kita ay yung pagkawala ng iba pang taong mahal ko, wag nalang. Mas gugustuhin kong ako ang masaktan kesa sila.
Hernando
At ako? Paano ko? Di mo ba ako mahal?
Salome
Mahal kita, Hernando. Sobra. And it came at the cost of other people. Ayoko na. Hindi na mababali yung desisyon ko. Tapos na tayo. Wag mo na akong pahirapan pa.
Aalis na sana si Salome pero agad din siyang hinila pabalik ni Hernando.
Hernando
Mahal, wag naman ganito oh.
Pilit mang pigilan ni Salome, nakatakas pa rin ang mga luha sa mga mata niya. Pero yung puso niya, pinapatigas niya na. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkakayakap nito sa kanya.
Salome
Patawarin mo ako Hernando...pero ayoko na talaga...Palagi mong tatandaang mahal kita...Sana makahanap ka ng para sa'yo. Umalis ka na...Paalam.
Tuluyan na siyang umalis, papasok sa lamay. Samantalang naiwang sawi at naghihinagpis si Hernando sa labas, wasak ang puso.
Sa loob ng lamay, tinatago ni Salome ang kanyang mga luha at pamumula pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Hernando. Lumapit siya sa kabaong sa tabi ng ama.
Basilio
Salome?
Salome
Pa? Bakit po?
Basilio
Bakit ka umiiyak?
Salome
Hindi po ako umiyak.
Basilio
Salome, ama mo ako. Alam ko kung umiiyak ka o hindi. Hindi man kita pinagtuunan ng pansin, anak pa rin kita, minahal pa rin kita. Bakit ka umiiyak?
Hindi nakasagot si Salome.
Salome
Sorry po.
Basilio
Naiintindihan ko kung hindi ka pa handang ibahagi sa akin ang pinagdadaanan mo. Basta, tandaan mo, andito lang ako. Handa akong makinig kung kailangan mo.
Salome
Papa, bakit ganito ka? Bakit ang bait mo sa akin? Hindi ba dapat galit ka sakin? Hindi ba dapat sinisisi mo ako?
Basilio
Hindi...Hindi anak. Wala kang kasalanan. Ako yung pumutok ng baril. Ako yung nakapatay.
Salome
Hindi mo ginusto yun. Hindi naman aabot sa ganun kung pumayag nalang ako sa gusto mo. Tama ka pa. Alam mo kung anong nakakabuti sa akin.
Basilio
Hindi anak. Ang totoo, wala akong alam. Wala akong alam sa pagiging mabuting asawa at ama. Hindi ko alam kung anong makakabuti sa'yo. Naging bulag ako sa katotohanan. Nagpabulag ako sa kayamanan, sa kapangyarihan, sa selos at galit...Pinain ko ang sarili kong anak para kay Dante at pinatay ko ang asawa ko, physically and emotionally...Gago ako. Ginawa kong impyerno ang buhay niyo. Gago ako...Di ko na naisip ang mga nararamdaman niyo...And the world had to crumble apart before I could realize that. Kinailangan pang mamatay ng mama mo bago ko malaman ang katotohanan.
Salome
Alam mo na?
Basilio
Oo...
Salome
Kaya nagkakaganito ka?
Marahan at mangiyak-ngiyak na tumango si Basilio. Di niya na napigilang umiyak at yakapin ang anak. Hindi maipaliwanag ang pananabik na nararamdaman niya sa anak.
Basilio
Anak...patawarin mo ako...patawarin mo ako sa lahat ng katarantaduhan at pagkukulang ko...Sana hayaan mo akong bumawi sa'yo...Bigyan mo ako ng pagkakataong magpakaama sa'yo...
Salome
Papa, kahit kailan hindi ako nagtanim ng galit sa'yo. Oo nasasaktan at nagtampo ako pero hindi kita kinasusuklaman. Kaya walang dapat ipagpatawad. Ang sa akin lang, sana mahalin niyo ako bilang anak niyo hindi dahil nalaman niyo ang katotohanan kundi dahil mahal niyo ako.
Nagalak ang ama nung marinig ito kaya muli siyang mapayakap rito at lumuha ng luha ng ligaya. Nakahinga rin siya ng maluwag.
Basilio
Salamat...Salamat anak...
Kapwa silang tila'y nabunutan ng tinik sa dibdib. Kung noon ay palagi silang di magkasundo, ngayon ay nagkaunawaan na at handang magsimula muli.
Salome
Kailan yung kasal papa?
Basilio
Aba, ikaw lang makakasagot nun. Kailan niyo ba balak magpakasal ni Hernando?
Salome
H-hindi po si Hernando. Wala na po kami ni Hernando. Tinapos ko na
Basilio
A-ano? Bakit?
Salome
Hindi ba't may utang pa tayo sa mga Sarmiento? At kailangan kong magpakasal kay Jaime--
Basilio
Anak, hindi. Hindi na. Gagawan ko nalang ng paraan iyon. Hindi na kita ipapakasal kay Jaime. Diba sinabi ko na gusto kong makabawi sa'yo? Ang gusto ko ay maging masaya ka at kung kay Hernando ka sasaya, susuportahan kita dahil hindi kayamanan ang mahalaga kundi pagmamahal. Kung alam ko lang sana yun ay hindi na umabot sa ganito ang lahat...Kaya Salome, kung mahal mo si Hernando, sumama ka na sa kanya. Susuportahan na kita.
Isang munting ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Salome. Nagbago na nga si Basilio.
Maayos na sana ang lahat hanggang sa may dumating.
Clara
At sino ang nagsabing pwede lang tumiwalag sa kasunduan?
Si Clara. Clara Sarmiento, ang ina ni Jaime.
Basilio
Clara, pakiusap, wag ngayon. Igalang mo naman ang patay.
Clara
Condolences then. Pero hindi ko na pwedeng palampasin toh. Basilio, ang usapan ay usapan. Bilang isang pinuno ng sarili mong kumpanya, alam mo kung gaano ka halaga na tuparin mo ang mga pangakong binitawan mo. Binayaran ko na ang pang-ospital ni Dante and now that the time has come to reciprocate, you wish to delay?
Basilio
Magbabayad ako pero hindi ko ibabayad ang anak ko. Gagawa ako ng paraan para maibalik sa inyo ang pera.
Clara
At paano mo yun gagawin? Lugmok na ang kumpanya niyo Basilio. Ilang taon pa bago ka makakabayad? Hindi ako makakapaghintay. Ako lang ang sagot niyo ngayon sa mga problema niyo kaya ibigay niyo na sa akin amg hinihingi ko. Tutal, hindi naman ganun kahirap ibigay si Salome.
Basilio
Hindi ko siya ibibigay sa inyo. Nagkamali ako ng desisyon.
Jaime
Ma, wag na nating ipilit. Marami namang ibang babae diyan. Hayaan mo na sila.
Clara
No, son. Ang usapan ay usapan. At isa pa, Gusto ko ang utak ng babaeng toh. Yung programa niyo noon, yung BANGON Project, na naging sikat at nakatulong sa kumpanya niyo, hindi ba't si Salome ang nakaisip nun?
Hindi sigurado si Basilio sa isasagot. Ngayon niya lang nalaman toh.
Clara
Oh right, hindi mo alam. I want this girl. Matalino, mabait at maganda. She is an asset.
Basilio
Hindi ko siya ibibigay.
Clara
Nagmamatigas ka? Ok. Tignan nalang natin kung ano ang mangyari once malaman ng mga awtoridad kung sino ang bumaril kay Amanda.
Jaime
Ma, tama na.
Clara
Your choice, Basilio.
Basilio
Edi ipakulong mo ako. Una, labas ka na dito. Pangalawa, wala kang ebidensya. Pangatlo, kung ipapakulong mo ako, edi gawin mo. Tama lang naman eh. Pero hindi ko isasangla si Salome. Magkakamatayan muna tayo bago mo siya makuha.
Clara
Una, may pakealam ako dahil may kasunduan tayo at kaibigan ko rin si Amanda. Pangalawa, maraming mga saksi Basilio. Si Salome, Si Alexandro Vigafria at yung mangingisdang kasintahan ng anak mong si Hernando. Pangatlo, ok. Sige, if that's what you want, tatawag lang ako ng---
Salome
Pumapayag na ako. Magpapakasal ako sa anak niyo pero wag niyo na pong ipakulong si papa...please...
Clara
Madali ka naman palang kausap. Kita mo? Napakabuting bata. Dapat matuto ka mula sa anak mo Basilio.
Napangisi na lamang si Clara. Samantalang si Basilio ay tila'y bagsak ang balikat pagkat muli nananaman siyang nabigo sa kanyang pangako. Si Jaime? Naaawa sa dalaga. At si Salome, pinipigilan ang mga luha. Takot man, handa siyang magsakripisyo ng walang pag-aalinlangan, lalo na't ngayo'y magkaayos na sila ng kanyang ama.
Clara
Paano ba yan, Basilio? Iuuwi ko na ang anak mo ngayon. Hali ka na iha.
Jaime
Ma! Wag!
Akmang hihilain niya na palayo si Salome ngunit...
Basilio
Ano?! Bakit?! Bakit ngayon?!
Clara
Naninigurado lang ako Basilio. Baka naman kasi itakas mo pa.
Basilio
Hindi mo pwedeng gawin yun!
Clara
At bakit hindi?
Jaime
Ma, hayaan mo na muna siya. Wag mo siyang pilitin. Nabibigla pa siya eh. Bigyan mo muna sila ng panahon...
Clara
I've extended way too much. Enough is enough.
Basilio
Hindi! Hindi mo siya ilalayo ngayon!
Clara
YES I CAN AND I WILL!
Wala nang ikakatakot pa si Clara. Balewala ang mga banta ni Basilio pagkat alam ni Clara na hawak niya ito sa leeg.
Basilio
Clara, pwede ba. Tutal kaibigan mo rin ang asawa ko, bigyan mo naman siya ng konting galang. Wag mo munang ilayo sa akin ang anak ko. Nagmamakaawa ako, kahit hanggang matapos ang libing. Yun na lang...Parang awa mo na. Hayaan mo munang makasama ko ang anak ko.
Clara
Pasensya ka na Basilio. Hindi na kita maipagbibigyan pa. Ilang beses na akog pumayag sa lahat ng mga pakiusap niyo pero ubos na ang pasensya ko. Wala na akong tiwala sa mga taong gaya mong binabali ang salita. Iuuwi ko na ang anak mo. Sa amin na siya titira mula sa araw na ito. Pero wag kang mag-aalala, maaari mo pa rin siyang bisitahin, ilabas, isama sa libing ni Amanda. Pero dapat, kasama ang anak ko at isang bantay. Pasensyahan nalang pero naninigurado lang ako. Ayoko nang umasa sa wala. Malaki ang itinaya ko rito.
Wala nang pamimilian pa si Basilio. Kung kailan handa na siyang bumawi, saka naman babawiin ng tadhana ang pagkakataon mula sa kanya. Tinignan niya ang anak na maluha luha ang mata na tila ba'y binabasa ang nararamdaman nito o kung paano niya ito matututlungan. Pero wala eh. Mahigpit nang nakahawak si Clara kay Salome. Gustong-gusto na niyang bawiin si Salome. Handa na sana siyang gawin yun. Binigyan niya ng senyales ang anak para sana'y makatulong siya sa pagbawi rito pero si Salome na mismo ang tumatanggi. Iniiwas niya ang tingin sa ama para hindi na siya matuksong pumayag na takasan ang tadhana. Nababasa ni Basilio ang pagsuko sa mga mata nito kahit wala pa siyang ginagawa.
Basilio
A-anak?
Salome
Ayos lang ako pa. Magiging maayos ako. Sasama na ako sa kanila. Wag kang mag-aalala. Susulat na lamang ako.
Aalis na sana sila pero bago yun ay mahigpit munang nagyakapan ang mag-ama. Naging mahirap ang pagbitaw nila sa isa't-isa. Oo, hindi pa nga sanay si Salome sa yakap ng ama pero ramdam niya nang ligtas siya kasama ito. Naputol lamang ang kanilang yakap nung inagaw na siya ni Clara at umalis na sila patungo sa mansyon ng mga Sarmiento.
Kay saklap. Buong buhay nina Salome at Basilio, naging malamig ang pagsasama nila. At ngayong natunaw na ang kalamigang ito ng init ng katotohanan ay saka namang naging mailap ang pagkakataong magbagong buhay. Kung kailan maayos na ang lahat at may pannadaliang kaligayahan, agad naman itong binawi at napalitan ng pighati.
Paano sasabihin ni Basilio kay Dante ang katotohanan?
Paano ito tatanggapin ni Dante?
Paano na ang pangako ni Basilio kay Amanda?
Ano ang katotohanang isisiwalat ni Alexandro kay Dante?
Paano uusbong ang kwento nina Jaime at Salome?
Magiging masaya rin kaya ito kapiling siya?
Paano na si Hernando? Makakahanap rin kaya siya ng taong magmamahal sa kanya?
Paano iikot ang gulong ng bagong kabanata?
Ano ang koneksyon nito sa kasalukuyan?
================================
Hayss finally. Long time no ud. Eto na halle_hallez @GlaiSanya mariehoy Sangrelenisabelle glaizadclovers and hi encantadik2016 Glendiel and others charot! Lol please read, enjoy, vote, comment! Love lots hahaha❣❣❣❣❣
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top