Epilogue
sorry sorry sa grabehang delay!! hehe. dami kasi gawain tas naghiatus pa ako dahil na rin sa katamaran. sorry ulit mga bes. pinalitan ko nga pala portrayer ni Olivia!! si SMrookies Herin nalang para engrish twins sila ni Mark. (sorry sa mga markrin shippers diyan lol) HAHAHAHA.
Epilogue
It's Saturday. Nakaupo lang kami rito ng kambal sa couch at nag-uusap tungkol sa kung ano-ano, kumbaga, isang normal na umaga para sa amin ng mga kapatid ko. 'Yun ay kung wala akong iniisip na iba at hinahayaan ang sarili kong ilahad ang mga nararamdaman ko sa kanila. Pero kasi, taliwas ang nangyayari. Tahimik talaga akong tao, pero mas lalo akong naging tahimik dahil sa mga nangyari nitong linggo at nung mga nakaraan pa.
Isinandal ko nang maayos ang likod ko sa couch at napapikit.
Simula nang malaman ko ang buong rason ni Brianna kung bakit siya nakagawa at nakapagsabi ng mga 'di magandang bagay tungkol sa'kin, wala na akong ibang nagawa pa kundi ang intindihin siya dahil iyon na lamang ang magagawa ko. Ang umintindi. Sa kaso niya, kailangan talaga nang mahabang pasensiya lalo na sa ugali niya, dahil kung wala ka non ay baka makagawa ka rin ng 'di maganda sa kanya. Lagi kong pinapaalala sa sarili kong higit na mas malakas pa ako sa kanya at makakagawa pa ng mga bagay na gusto ko, samantalang siya na malala na ang sakit ay hindi na. Kahit mahirap ay kinalimutan ko na ang mga nangyari dahil tapos na ito at hindi ko na maibabalik pa. Bukod sa pag-intindi, ang magpatawad at ipagdasal nalang ang sitwasyon niya ang ginagawa ko.
Akala ko wala akong ginawa para maapektuhan siya, pero mali ako. Lahat kami na sangkot dito ay may kasalanan sa iba't ibang aspeto. Masyado akong naging atat makakuha ng sagot sa mga tanong na may tamang oras para malaman. Kahit naman hindi ako masyadong nagpapakita ng emosyon at binansagang taong bato ng mga tao pati na ng mga kapatid ko, hindi naman ako ignorante. Hindi ako ignorante para hindi mapansin ang kabaitan ni Brianna noong first year pa namin. Nag-iba lang siya, kasi hindi niya nalabanan ang pwersa ng pag-ibig, dahil kapag tinamaan ka nun, it's either malabanan mo, o magpapatalo ka lang.
"Kambal, laro tayo," ani Oliver kaya napasulyap ako sa kanila.
"Laro?" Tanong ni Olivia.
"Yeah. I'm freaking bored here. Gadgets nalang lagi ang hawak natin," sagot ni Oliver at inayos-ayos ang buhok niya.
Ibinaba ni Olivia ang phone niya. "Ano namang laro?"
"Hide and seek."
Sa sinabi ni Oliver ay agad napataas ang kilay ko. Agad naman silang napatingin sa'kin.
Humalukipkip ako. "So childish, the both of you."
"Wow, 'teh," napailing si Oliver. "Alam mo, siguro kung nandito lang si Samuel Hyung ngayon, baka nga pati ikaw makisali pa sa paglalaro namin."
"I don't think that's gonna happen," pagtanggi ni Olivia.
"Ayyyye!" Tumawa siya. Iyong tawa niyang nanggagago. "Believe in the power of love, kambal!"
Napairap nalang ako sa hangin at tumungo sa kusina. Kumuha ako ng tubig at ininom ito agad. Feeling ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
Hindi ko pa man nauubos ang tubig ay may tumawag na sa'kin. "Ate," nakangiti sa'kin si Olivia. "How are you?"
"Fine." Blankong sagot ko.
"Fine? But you're not fine without Samuel." Sabat ni Oliver.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ikaw ang hindi magiging fine kapag ibinuhos ko 'tong hawak kong tubig sa'yo," pagbabanta ko sa kanya.
"Woah woah woah! Chill there, Samantha Carveth! Mas lalo kang nagiging brutal kapag wala si Samuel Hyung, ah!"
"Ano bang sinasabi mo!" Hindi ko na napigilang magtaas ng boses, pero ang dalawang bubwit, eh, tatawa-tawa lang.
Uminom nalang ulit ako ng tubig hanggang sa makarinig kami ng malalakas na kalabog. "Samantha Carveth! Si Blue 'to! Papasukin niyo kami ni Red!"
'Yung totoo, ano bang meron sa mga tao ngayon at tinatawag nila ako sa buo kong pangalan.
Natawa na naman si Oliver. "Parang natatae na si hyung, ah." Natawa na rin si Olivia.
Tumakbo agad ako sa living room at pinagbuksan sila ng pinto. Bumungad sa'kin si Blue na hingal na hingal. "Sam," napatingin din ako kay Red sa likuran niyang hinihingal din. "Have you opened your account?" Umiling ako.
Matapos ang huling pag-uusap namin ni Brianna, hindi na ulit ako humawak ng phone. Balik ako sa dati kong buhay na walang phone. Kaya namang maka-survive ng tao ng walang gadget, pero sa panahon ngayon mangilan-ngilan nalang.
Napahilamos si Blue sa mukha niya. Binigyan niya ako ng... teka hindi ko alam. Tama nga yata si Oliver, para atang natatae na ang isang 'to.
"Sam... Buksan mo na 'yung account mo," pagpipilit naman ni Red.
Napakunot ang noo ko. "Don't you want to come in first?"
Umiling si Blue at napalunok pa ng laway. "Open your account now!"
Binigyan ko siya ng poker face. "Sinisigawan mo ba ako." Malamig ngunit nagbabanta kong utas.
"Hindi! Sadyang mataas lang talaga ang boses ko! Aish! Sam, buksan mo na kasi!" Ginulo na niya ang buhok niya sa frustration. Gusto kong matawa sa kanya pero naisip kong 'wag nalang dahil nakakatamad. Pero kung tutuusin meron pang isang rason para matawa ako. Hindi pala siya natatae.
Umupo ako sa couch at sumunod naman sila.
"Orange juice, Hyung, Noona," pag-aalok ni Oliver nang makaupo na rin sila.
Kinuha ko ang phone ko sa ibabaw ng side table na ilang linggo ko nang hindi hinahawakan. Sa isang iglap ay bigla nalang akong kinabahan. Pagka-connect ko sa wifi ay sunod-sunod na tumunog ang notification sound ng messenger.
"Geez," napatingin ako sa dalawa na ngayo'y nakaiwas ng tingin sa'kin. "Ba't andami kong notifications? Andami ring nag-message sa'king hindi ko kilala."
Ininom ni Blue ang juice ng isang lagukan lang at ibinagsak ang baso sa mesa sa harap namin at tumingin sa'kin. "Dahil sa'kin 'yun, pero sana 'wag mo akong katayin."
Napangisi ako. "Pag-iisipan ko."
Napakamot siya sa ulo niya. "Akin na nga yan," inagaw niya ang phone ko sa'kin. Kinalakal niya ito at matapos ang ilang sandali ay ibinalik niya na ito sa'kin. "Ayan. Basahin mo."
Sinunod ko naman ang sinabi niya't binasa ang status ni Samuel tungkol sa pag-alis niya. Binalik ko ang tingin ko kay Blue. "Tapos?"
Napanganga siya sa gulat. "Anong tapos?! Yan lang ang reaksiyon mo?!"
Nagkibit balikat ako at pinilit na 'wag bumuntong hininga. Oo, nagulat ako, pero hindi ko nalang pinahalata. "Wala naman akong magagawa kung gusto na niyang umalis."
"Hindi mo ba siya hahabulin?" Tanong ni Blue na parang pagod na pagod na sa buhay niya.
Napasulyap ako sa kambal na nakaupo rin sa sa magkabilang single couch na hinihintay rin ang sagot ko. "Habulin. Like the scenarios on those corny movies."
Tinulak ni Blue ang noo ko gamit ang hintuturo niya. "Hindi corny ang mga yon!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nagpatuloy pa rin siya. "Romantic ang tawag don!"
"You're too loud," pananaway sa kanya ni Red.
"Right. Paano mo ba nagagawang tiisin ang baklang yan, Red." Napairap pa ako kay Blue. Imbis na ipagtanggol ang boyfriend niya, tumingin lang siya sa'kin at napabuntong hininga. "Red, may problema ba? I was just joking about Blue. Sorry kung na-offend ka."
"Pero tama naman si Blue, Ate." Napatingin kami kay Olivia. "Those are called romantic. Little did you know, ang mga scenarios sa sinasabi mong corny movies ay ang nangyari, nangyayari, at mangyayari sa inyo ni Samuel, no."
"Tama!" Napapalakpak si Blue. "Favorite na kita!"
Napailing si Red at nginitian ako. Tumingin siya kay Blue at hinawakan ang kamay nito. "Blue, ang ingay mo talaga. Pwede bang sabihin nalang natin kay Sam?" Ayokong nabibitin ako, kaya nga sa pagiging atat ko sa pag-alam ng mga sagot ay may mga nasabi't nagawa rin akong hindi maganda, kaya pinili ko nalang maghintay at hindi na kumibo pa. Bumuntong hininga si Red. "Sam, ano... wala na si Brianna..." Napayuko siya at napakagat sa kanyang ibabang labi. "Hindi na kasi talaga kaya ng katawan niya 'yung cancer..."
Literal na natigil ako sa paghinga dahil sa nalaman ko. Napaawang ang bibig ko dahil pakiramdam ko ay may kailangan akong sabihin pero wala namang gustong kumawalang salita mula rito.
Fuck. Hindi ako magpapakaplastik at aaminin kong sobrang nabwisit ako sa mga nagawa sa'kin ni Brianna noon, pero talagang kinalimutan ko na 'yun nang makapag-usap na kami nang maayos! At lagi ko nang ipinagdarasal na sana bumuti na ang kalagayan niya sa kabila ng lahat!
"Wala na siya, Sam." Napatingin ako kay Blue na nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "At hindi naman sa pagdi-disrespect, pero ngayong wala na siya, makakapag-usap na kayo ni Samuel nang maayos. Sigurado akong napatawad ka na ni Brianna at napatawad mo na rin naman siya sa lahat ng nangyari, kaya pwede bang ayusin niyo na ni Samuel ang problema niyo?"
Umiwas ako ng tingin. "Bakit pa?"
Napatayo siya. "Anong bakit pa?!" Sigaw niya sa'kin at pinamaywangan ako. "Sam, gusto mo bang ulitin ko pa ang mga sinabi ko sa'yo noon? Na kilala ka na namin! At sa tingin ko, kami pa ang mas nakakaalam kung ano ba yang nararamdaman mo para kay Samuel! O alam mo naman talaga pero ayaw mo lang aminin!"
"Blue," pinakalma ni Red si Blue.
Napayuko ako. "Pero wala nang oras."
Nakarinig ako ng pagpalo sa lamesa kaya napatingin na naman ako kay Blue. "Sinong nagsabing wala na?!"
"Based on my resources, two thirty pa ang flight ni Samuel... At one ten na ngayon sabi ng wristwatch ko." Saad ni Red.
"Puntahan mo na siya, Ate." Sabi ni Oliver at ngumiti.
Tumayo si Olivia. "Oo nga, Ate! Go na!"
"Sige na, Sam! Kapag pumunta ka sa airport ngayon, hindi na kita pipiliting pumunta sa graduation ko!" Sabi ni Blue.
Napangisi ako. "Asa ka. Pupunta ako para kay Red at hindi para sa'yo."
"Awtsu. Burn ako run."
Narinig ko ang pagtawa ng kambal at ni Red. Napailing nalang ako.
Nginitian ko ang kambal at tumungo sa kanila para bigyan ng yakap. Niyakap din nila ako pabalik. Kapwa ko ring hinalikan ang tuktok ng kanilang mga ulo at binigyan sila ng ngiti. "Wish me luck."
"Kaya mo yan, Ate. Ikaw pa ba?" Pagchicheer ni Olivia.
"Oo nga, si Samantha Carveth pa ba?" Dugtong naman ni Oliver.
Ngumiti nalang ako at mabilisan silang niyakap ulit.
"Tara na," kinuha ko ang gray coat kong nakasabit sa rack malapit sa pinto at inunahan nang lumabas ng bahay sila Red.
Tumayo ako sa gilid ng kotse ni Blue habang hinihintay silang makalabas. Pagkalabas nilang dalawa ay agad na binuksan ni Blue ang kotse niya.
Bago pumasok si Red sa shotgun seat ay hinawakan niya ang braso ko't pinisil ito. "Good decision," bulong niya sa'kin at ngumiti. Binalik ko ang ngiti sa kanya't pumasok na sa back seat.
Simula nang makaalis kami sa bahay ay walang kibuan na nangyari. Napakatahimik. Himala nga't hindi dumadaldal si Blue at nag-concentrate sa pagmamaneho. Siguro sinabihan na siya ni Red bago kami umalis. Minsan kapag titingin sa rear view mirror si Blue ay ngingitian niya ako, kaya naman tinatanguan ko siya pabalik. Siguro sa daan lang ako nakatingin sa kalahati ng pagbabiyahe namin, at minu-minuto ko namang chinicheck ang wristwatch ko.
1:59 PM na at patuloy pa rin kaming bumabyahe. Sabi ni Blue, nakatodo na raw ang pagpapatakbo niya pero parang napakabagal pa rin. Maya-maya pa'y naramdaman kong tumigil ang sasakyan.
"Bakit huminto?" Agad kong tanong.
Tiningnan ko si Blue sa rear view mirror. Nakakagat siya sa kanyang ibabang labi. "Traffic, eh."
"Uhm, Sam?" Napatingin ako kay Red na nakatingin sa bintana. "Takbuhin mo nalang kaya?" Humarap siya sa'kin. "Malapit nalang naman, saka kung mags-stay ka rito at hihintaying mawala 'yung traffic, baka hindi mo na maabutan si Samuel."
Tumango ako sa kanila. "Una na ako."
Lumabas na ako pero bago ko pa tuluyang maisara ang pinto ng kotse ay narinig ko silang sumigaw ng fighting.
Tiningnan ko ang daan at halos 'di makagalaw ang mga kotse. Hindi ko alam kung anong meron at ganito kagrabe ang traffic sa normal na araw. Nagsimula na akong maglakad pero 'di kalaunan ay tinakbo ko na ang airport dahil tama si Red, malapit nalang din naman.
Papasok na sana ako agad sa entrance pero hinarangan ako ng guard. Tiningnan muna niya ako bago siya nagsalita. "Ma'am, bawal po kayong pumasok."
Kumunot ang noo ko. "Why not?"
"Unfair po kasi sa mga nakapila." Sagot nito.
"It's really important. Hindi naman ako makakaabala kasi wala naman akong dala." Pangangatwiran ko naman.
"Ba't nga po pala wala kayong dala?"
"I can travel without a bag. Hindi naman ako mamamatay kung wala akong bagahe." Malamig kong utas.
"Saan ba kasi ang punta niyo? May ticket na ba kayo?" Tanong niya ulit na nagpainit na sa ulo ko.
"I can buy inside if I want!" Hindi ko napigilan at napagtaasan ko siya ng boses. Fuck. Tumingin ako sa ibang direksiyon at napapikit. Naalala ko 'yung sinabi ng taong dahilan kung ba't ba ako nandito ngayon, na huwag raw akong magpapatalo sa emosyon ko at manatiling kalmado kahit gaano pa katindi ang sitwasyon kasi sarili ko lang din ang kalaban ko. Huminga ako nang malalim at hinarap ulit 'yung guard. "Sir, just please let me come inside. It's just really important... And I–I'm not a bad person, may kailangan lang akong pigilan umalis."
Mukhang nagulat siya sa pagiging kalmado ko at agad na napatango. "S–sige po."
Nakahinga ako nang maluwag. "Thank you." Bago ako tumakbo papasok ay nakita ko pa sa peripheral vision kong napanganga siya.
Inilibot ko agad ang tingin ko sa paligid ng busy airport. Normal lang namang maraming tao rito pero siguro dahil na rin sa hingal at halo-halong iniisip ko ay halos 'di na ako makapagfocus. Napahawak na lamang ako sa ulo ko't tiningnan ang list of flights ngayon at mga eroplanong nakaalis na.
At doon ko nakitang huli na ako... Kasi nakaalis na 'yung eroplano papunta sa New York.
Nasapo ko ang noo ko at napatingin nalang sa paligid hanggang sa matanaw ko ang isang pamilyar na likod. Nanlaki ang mga mata ko at muling tumakbo papunta sa lalaking 'yun.
Marami akong gustong itanong pero nang nahawakan ko na ang wrist niya ay isa nalang ang nangibabaw sa isip ko.
He didn't leave.
"Ikanaide," hinihingal kong sambit.
"S–sam?" Nakayuko ako ngunit dinig ko sa boses niya ang pagkagulat. Nang tumingin ako sa kanya ay bahagya ngang nanlaki ang kanyang mga mata. "A–anong sabi mo?"
Mas hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa wrist niya kaya naman napatingin siya roon. "Ang sabi ko," tumingin ako sa ibang direksiyon bago tagpuin ang mga mata niya. "'Wag kang umalis."
Ang kaninang gulat niyang mukha ay naging kalmado at unti-unting nabuo ang isang maliit na ngiti sa kanyang labi. "Sam, hindi naman talaga ako aalis, eh."
Kumunot ang noo ko't binitawan ang wrist niya. "Kung ganon, ano 'yung nabasa ko? Saka bakit ka nandito kung hindi ka naman pala aalis?"
Napakamot siya sa batok niya. "Si Vaughn talaga ang pupunta ng New York kaya hinatid namin siya rito. Siya rin ang gumawa nung nabasa mo. Hindi ko lang naman agad nabura 'yun kasi tinago niya sa'kin phone ko." Nahihiya siyang tumawa. "Uhm, nauna na pala sina Spencer at Makee,"
"Hindi ko tinatanong." Malamig kong utas pero kahit ganon ay napangiti siya. "Bakit ka ngumingiti."
"Because the real Samantha's back," napa-chuckle siya. "Sorry kung bigla kang napapunta rito,"
Tinitigan ko ang sapatos ko. "Mabuti na rin siguro 'yun."
"Sam?" Tawag niya.
Tumingin ako sa kanya. "Kung meron mang dapat humingi ng sorry sa ating dalawa, ako 'yun." Minsan lang akong humingi ng tawad, at normal lang naman sigurong kabahan ako, kaya huminga ako nang malalim. "Sorry kasi ipinilit kong ikaw 'yung taong sinisi ko kung bakit ako nagbago, dahil hindi naman pala talaga ikaw 'yun... Kinain ako ng galit ko at hindi ko man lang nagawang makinig sa'yo."
Tumango-tango siya at isinilid ang kanyang mga kamay sa bulsa ng jacket niya. "Alam ko." Napatitig lang ako sa kanya. "Alam kong hindi ako 'yun. Inako ko nalang 'yung ginawa ng kung sino mang gagong 'yun sa'yo kasi ayoko nang lumaki at tumagal pa 'yung pag-aaway natin, kasi hindi mo rin naman pinapakinggan 'yung mga paliwanag ko." Napayuko ako. "Kaya imbes na paulit-ulit kong itanggi, humingi nalang ako ng second chance sa'yo." Ngumiti siya. "Sa sandaling panahon, napalapit ako sa'yo at napasaya kita. Okay na sa'kin 'yun, kahit na nag-away ulit tayo."
"Isa pa 'yun." Napabuntong hininga ulit ako. "Sorry kung sobra akong naging immature. S–sorry kasi—" napatingala ako nang maramdaman kong may nagbabadyang luhang pumatak sa mga mata ko. Mapapaiyak na naman ako, at si Samuel na naman ang dahilan. Nang tingnan ko siyang muli ay sumabay ang pagtulo ng maliit na butil ng luha ko na ikinagulat niya. "Sorry."
Lumapit siya sa'kin at dahan-dahang pinahiran ang mga luha ko. "Hindi lang ikaw ang may kasalanan. Ako rin, may kasalanan." Ngumiti siya. "Tahan na. Ayokong nakikitang umiiyak ka lalo na't ako ang dahilan... kasi nasaktan kita. Naiinis ako sa sarili ko."
Pero imbis na tumahan ako ay mas lalo lang akong napaluha. "Ano bang nagawa ko para magkaroon ng isang Samuel Argent sa harap ko ngayon,"
Natawa naman siya. "Hindi dapat ikaw ang nagsasabi niyan. Dapat, ako. Kasi ano nga bang nagawa ko para magkaroon ng isang Samantha Carveth sa harapan ko ngayon? Eh, wala naman 'di ba? Lagi pa kitang napapaiyak,"
Napailing ako. "Masyado kang mabait," pinahiran ko ang mga luha ko. "Hindi mo lang alam, Samuel. Hindi ko lang din inaamin sa sarili ko... but you really make me happy when I'm with you."
Napayuko ako't tumalikod na pero nahawakan niya agad ang pulso ko. "Sa'n ka pupunta?"
"Uuwi na." Sambit ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.
Nakita kong lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at ngumiti rin.
Nagsimula na akong maglakad at sinabayan naman niya ako. "Sam," tawag niya.
"Hm."
"Ah... eh... ano..." napatingin ako sa kanya na kasalukuyang kinakamot ang batok niya at 'di mapakali. "Ano... ano bang... ano bang status natin?" Tinitigan ko lang siya dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marinig ko siyang huminga nang malalim. "For example, tayo na ba?"
Agad akong napatigil sa paglalakad at hinarap siya. Tumingin ako nang diretso sa mga mata niya at umiling. Nagulat siya ngunit maya-maya pa'y tumango't ngumiti na.
"Tinatanong ko lang, Sam." Aniya habang nakapamulsa na. Nagpakawala ako ng mahinang buntong hininga. Oo, may nararamdaman na talaga ako para kay Samuel, pero hindi ibig sabihin nun ay magiging kami na agad. Ayoko muna, sa ngayon. Kailangan ko lang ng oras. Kailangan namin ng oras. Maraming nangyari sa mga nagdaang araw at marami pa rin namang araw para maayos namin nang tuluyan ang mga sarili namin. "Pero, Sam. Darating din naman tayo dun 'di ba?"
Nagkibit balikat ako. "Siguro."
"Sam,"
"Ano na naman."
Napa-chuckle siya. "Malayo pa man ang birthday ko, pero pwede ko na bang mahingi ang regalo ko?"
Nakarating na kami sa labas bago ako sumagot. "Ano 'yun."
"Pwedeng pakiss?" Bumungisngis siya't maya-maya pa'y ngumuso na. The hell. Walanghiya talaga 'to. "Kahit sa cheeks lang!"
Binigyan ko siya ng nakakapanindig balahibo raw na ngisi ko. Pero himala't hindi siya natakot dito. "Gusto mong mamatay?"
Tumawa ulit siya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko. 'Di ako nakagalaw. "Okay lang, basta kasama ka." Giit niya at tumawa ulit.
Inilapit ko ang labi ko sa tenga niya saka siya binulungan, "Wala akong balak na sumama sa'yo. Mag-isa ka." Ngumisi ako't naglakad na.
"Joke lang. Sinusubukan lang naman kita," pagkantyaw niya. Tumigil ulit ako sa paglalakad kaya pagtigil niya ay nabangga niya ang likod ko ngunit 'di ko nalang ito pinansin. Hinarap ko siya't hinawakan ang dalawa niyang kamay. Tumaas ang kilay niya sa pagkagulat, pero ako mismo sa sarili ko ay nagulat rin sa ginawa ko. Pakiramdam ko kasi ay kailangan kong gawin yon. Mabilis ang paghinga ko at nakatingin lang ako sa mga kamay niya. "May sasabihin ka ba, Sam?" Tumango ako. "Okay,"
Nanatili lang akong nakayuko. "Ano—" natigil ako sa pagsasalita nang iangat niya ang baba ko at pinilit na hulihin ang mga mata ko ngunit iniiwasan ko naman ang kanya.
"Sam, kapag may sasabihin ka sa isang tao, dapat talaga tingnan mo siya sa mata para malaman niya kung sincere ka ba o hindi." Pagkatapos niyang magsalita ay napako nalang ang tingin ko sa mga mata niya't napangiti naman siya. Ginulo niya nang bahagya ang buhok ko. "Good girl," tapos inayos niya ito at tiningnan akong muli saka ngumiti. "Sige na, ano bang sasabihin mo?"
Hindi ko inaasahang masasabi ko 'to pero pakiramdam ko natunaw ako sa loob. Parang bigla nalang akong nanlambot.
This is just one of the things that I admire about Samuel. He never fails to lift my confidence up. Gusto niyang lumabas ako sa comfort zone ko. Alam niya 'yung tama lang, at 'yung sumusobra na. Sinasabi niya sa'kin lagi 'yung mga dapat baguhin o ma-improve sa sarili ko. Hindi ko nga alam kung saan niya nakukuha 'yung wisdom niya, eh, parehas naman kaming emo.
Kinuha ko ang kamay niyang nasa ulo ko pa at pinisil ito. Huminga ako nang malalim at tiningnan siya nang diretso sa mata. "Hindi ako vocal sa mga nararamdaman ko—hindi ako showy... kaya sana... sana 'wag mong asahang lagi kong sasabihing mahal kita." Matapos kong sabihin iyon ay siya naman ang pumisil sa kamay ko kaya naman napatingin ako rito. Nang sulyapan ko siya ay nakatingala siya habang may malaking ngiti sa labi. Hinawakan ko ang pisngi niya, "Tingnan mo ako sa mata." Tumango siya at napakagat pa sa ibabang labi niya para pigilan ang pagngiti. "But I want you to always remember that that's how I really feel for you." Humawak ako sa braso niya't hinawi ang buhok niyang humaharang sa noo. Tumingkayad ako't pumikit saka hinalikan siya sa noo.
At dahil nasa labas na nga kami ng airport ay malamang sa malamang ay nakakakuha na kami ng atensiyon. Alam ko ito kahit nakapikit ako dahil sa mga naririnig kong mga bulungan sa paligid. God knows how much I hate grabbing attention. Hindi ko na naiisip ang mga ikinikilos ko pero wala na akong pake. It somehow feels warm... and nice.
Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Sinabi mo nang mahal mo 'ko, so tayo na nga?" Giit niya at parang kampanteng-kampante, ngunit parang pinagbagsakan siya ng langit at lupa nang umiling ako. "Hindi pa rin?" Tumango ako at siya naman ang napailing. "Kakaiba ka talaga." Inakbayan niya ako't naglakad na kami paalis. Nang medyo makalayo na kami ay naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. "Anyways, I love you too."
At naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko sa leeg.
Inalis niya ang pagkakaakbay sa'kin at hinawakan ang kamay ko.
Napangiti ako nang bahagya. Hindi ako kinikilig sa mga love stories, romantic movies or gestures na nawi-witness ko, but damn, Samuel is really an exception.
ㅆㅆㅆ
YASSSS YASSSSS YASSSSS TAPOS KO NA RIN SA WAKAS!
First of all, maraming-maraming sorry dahil ang tagal nitong nakatambay. Sorry sa mga naghintay!1!1!1!1!!11! Ano lang kasi, schoolworks + katamaran + kdramas + anime + saka pagfafangirl. 'Di ko na alam kung ano ba talagang uunahin ko, kaya ayun, ito ang nahuli. Ang corny diba HAHAHAHAHA. As usual naman diba. Saka binabawi ko na pala 'yung sinabi ko dati sa end note ng Focus, na doon ako sobrang tinamad, kasi dito po talaga ako sobrang tinamad. Baka sa mga susunod ko pang stories mas lalo pa akong tamarin kaya advance sorry na po.
Special chapter? Yas, oo naman, meron! Pero napakatagal pa bago ko magawa! Hehe sorry na TT. Kita nalang tayo sa Trap Queen!
Maraming-maraming salamat sa mga nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa po nito! Love you all <3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top