075
07:48 pm
Brianna: Samantha
Sam: 30 seconds.
Brianna: Wala pa nga e!!
Brianna: Tyaka hindi kasya sa 30 seconds lahat ng sasabihin ko!!
Sam: Sasabihin? Siguraduhin mong may kwenta ang mga yan ah?
Brianna: Oo nga kaya bigyan mo ako ng 30 minutes
Sam: 3.
Brianna: 25!
Sam: 5.
Brianna: 20!!
Sam: Ah just fucking say what you wanna say
Brianna: Ito na
Brianna: Unang una, hindi ako magsosorry sa pagkamatay ng aso mong panget dahil hindi naman ako ang pumatay sakanya. Yung pagkain ang toxic hindi ako.
Sam: Nagbibiro ka ba e toxic yang mukha mo
Brianna: Pwede ba!! Kapag ako ang nagchachat wag kang sumabat!!
Sam: Daming reklamo akala mo naman maganda.
Brianna: Tss hindi mo lang tanggap na tinalbugan kita
Brianna: So ayun wag kang sasabat ha?!
Brianna: Bone marrow cancer.
Brianna: Nalaman ko yang sakit ko 3 years ago. At nag-emo ako nun sa school. Habang umiiyak ako nakita ko si Samuel na nagbabasa ng libro. Tapos hindi na siya nawala sa isip ko
Brianna: Kapag nakikita ko si Samuel nakakalimutan ko yung sakit ko
Brianna: Sakit ko na lumalala na pala bawat araw
Brianna: Pero gaya nga ng sinabi ko, kapag nakikita ko si Samuel nakakalimutan ko ang sakit ko, sumisigla pa nga ako at sumasaya
Brianna: Hindi na raw ako pwedeng pumasok sa school sabi ng mga doctors ko, pero makulit ako kaya tumatakas ako para lang makita siya
Brianna: Hanggang ngayon pa rin naman tumatakas ako para sakanya
Brianna: Nalaman yun ni papa isang beses nung tumakas ako... Pero nung sinabi ko sakanyang si Samuel ang dahilan, pinatawag niya ito at sinabi sakanya yung kondisyon ko nung 2nd year kayo, at ako rin sana dapat
Brianna: Kaya simula nun lagi na akong sinasamahan ni Samuel
Brianna: Nakakahiya man pero sinabi ko na agad sakanya yung feelings ko kasi baka hindi ko na masabi yun sakanya pag lumala pa tong sakit ko
Brianna: Tapos ang sinagot niya sakin nun, kung siya raw ang nagsisilbing energy ko, talagang mags-stay siya sa tabi ko hanggang sa gumaling ako
Brianna: Pero Samantha... nakilala ka niya
Brianna: At dumating sa point na ikaw nalang lagi ang topic namin kaya sobrang nainis ako. Nagalit ako.
Brianna: Nagalit ako sayo kasi kami naman ni Samuel ang unang nagkakilala at laging nagkakasama pero bakit ikaw ang nagustuhan niya
Brianna: Mas lumala pa yung galit ko sayo nung nalaman kong planadong planado pala yung pagpapakita niya sayo
Brianna: Pero haha, ang saya ko lang nung nalaman kong tinaboy mo siya... pero nabwisit ulit ako kasi nalaman ko ring binigyan mo siya ng chance
Brianna: Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ba ako, hindi nalang yung ibang masasamang tao ang binigyan ng sakit na to
Brianna: Alam ko sa sarili kong hindi ko deserve yung sakit kasi wala naman akong ginagawang masama.
Brianna: Kaya ginawa ko ang lahat para maging deserving sa sakit na to
Brianna: Kaya ako nagpaka-bitch. Kaya kita inaway away, kaya ko pinakain yung aso mo ng toxic para sakanya, para masaktan ka.
Brianna: Alam ko lahat ng conversations niyo ni Samuel nitong mga nakaraang linggo/araw
Brianna: Alam kong sobra na siyang naiinis sakin—sa mga ginawa ko... pero iniintindi niya pa rin ako dahil dito sa sakit ko
Brianna: Sam kapag minsan pumupunta ako sa school, at parang ang lakas lakas ko diba?
Brianna: Eh kasi laging nandiyan si Samuel para alalayan ako.
Brianna: Stage 4 na kasi to eh tapos hindi na rin daw magagamot haha
Brianna: Makapal ako mag makeup palagi diba? Kasi ginagawa ko ang lahat para matakpan yung mga bakas ng sakit ko
Brianna: Sam sobrang hina ko na kapag wala si Samuel sa tabi ko
Brianna: Itong pagsasabi ko sayo ng lahat, hindi ibig sabihin na sinusuko ko na si Samuel dahil mawawala na rin naman ako soon
Brianna: Sinasabi ko to sayo para ipaalala sayong mas nauna akong nakilala ni Samuel ng ilang buwan kaysa sayo
Brianna: Ilang buwan lang yun pero pakiramdam ko ang laki na ng lamang ko sayo
Brianna: Sobrang laki... dahil nasa tabi ko ngayon si Samuel at wala sayo
Brianna: Ah, hindi ko na alam kung saan ba ako mapupunta pag nawala ako.. haha.
Brianna: Hanggang sa huling hininga kasi ang bitch ko pa rin
08:29 pm
Sam: Yung itaas na ang magpapasiya kung saan ka niya ilalagay.
Sam: Alam kong mabait ka, naging bitch ka lang dahil sakin at napaka-nonsense nun.
Sam: Hindi ka na dapat nagpaka-bitch para lang makuha mo si Samuel sakin, dahil hindi rin naman siya sakin.
Sam: Brianna, maiintindihan naman kita. Sana kasi hindi ka nagpakain sa galit mo sakin at gumawa ng mga ganong bagay.
Sam: Pero nangyari na ang mga nangyari. Wala na si Tucker, nasaktan mo na rin ako.
Sam: Everything happens for a reason—I know you know that too. Pinapatawad na kita sa ginawa mo sa aso ko kasi alam ko rin namang tatahulan ako ni Tucker kapag hindi ko pa ibinigay yun sayo.
Sam: Kailangan mo si Samuel sa tabi mo. At wag kang mag alala, hindi ko siya aagawin sayo kung yun ang iniisip mo.
Sam: Cherish your moments with him, alright? Wag mo na akong intindihin. Kalimutan mo nalang yung mga sagutan natin, yung mga mura ko sayo, lahat lahat!
Sam: Enjoy being with him. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top