072
05:13 pm
Samuel: Sam!
Samuel: Sam nagsumbong nanaman sakin si Brianna!
Sam: Pwede ba Samuel wala akong panahon sa pampuputangina mo
Samuel: Samantha, diba sinabi ko na sayong may sakit si Brianna? Bakit mo pa pinapatulan?
Sam: Eh ano?! Anong kinalaman ng tanginang sakit niya sa pagpatay sa inosente kong aso?!
Sam: Maling mali ang ginawa niya pero hindi ko siya sinugod!
Samuel: What?
Sam: Bago mo kasi ako komprontahin alamin mo na muna yung buong pangyayari hindi yung dadada ka nalang agad
Samuel: Sam, mas maalam ka sakanya. Sana inintindi mo nalang siya.
Sam: Kung ako ang may sakit sa aming dalawa, at gustong gusto kita Samuel... pero wala namang aso si Brianna, papayagan mo ba akong siya mismo ang patayin ko?
Samuel: Fuck! Samantha ano bang sinasabi mo?!
Sam: Hindi mo ako naiintindihan!
Sam: Aso ko yun!! Si Tucker yun!!
Samuel: Pero aso lang yun! Tao si Brianna!
Sam: Lang? Pakshet, lang?
Sam: Oo nga't aso LANG si Tucker, pero alam mo? Siya ang palagi kong karamay sa mga panahong malungkot ako, lalo na nung mga oras na iniiyakan kita.
Sam: Aso LANG si Tucker pero mas masahol pa si Brianna sakanya
Sam: Napakasama niyang bruhilda siya
Samuel: May sakit si Brianna!!
Sam: Wala akong paki! Ipakain ko pa sakanya yang sakit niya e!
Sam: Samuel ano ba kasing nangyayari?! Gulong gulo na ako!
Samuel: Sam... mahal kita, okay? Mahal na mahal kita.
Sam: Kung akala mo maaayos ng mga salitang yan ang sitwasyon natin ngayon pwes hindi
Sam: Cut the crap
Samuel: Totoo yun Sam pero shit kailangan talaga ako ni Brianna
Sam: Bakit ako, hindi ba kita kailangan?
Seen: 05:33 pm
Sam: O ano? Di ka makasagot? Kasi Samuel naguguluhan ka na rin diba?
Samuel: Sam... :(
Sam: Mamili ka, ako o si Brianna?
Samuel: No. Don't make me choose, please.
Sam: Parang awa mo na rin Samuel.
Samuel: Samantha naman... ayokong mamili sa inyong dalawa..
Sam: Just fucking choose!
05:58 pm
Samuel: Kailangan ako ni Brianna.
Sam: Okay, I knew it.
Sam: That's just your other way of telling me you're choosing her over me.
Sam: I understand.
Sam: Alam ko kasing wala na tong patutunguhan pero kumapit pa rin ako. Salamat sa pagpili ah? Suko na kasi ako.
Sam logged out.
Samuel: :(
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top