069
07:57 pm
Samuel: Sam.
Sam: What do you want.
Samuel: Kasi
Samuel: Nagsumbong sakin si Brianna kanina
Samuel: Gusto sana kitang kausapin kaso dumiretso ka pala sa cram school
Samuel: Sam, sana hindi mo na siya pinatulan.
Sam: Kung ganon ano bang dapat kong gawin?
Sam: Samuel, bukod sa pagbabago ko, natural na talaga sakin ang maging pranka.
Sam: Kaya sa loob ng tatlong taon inilayo ko ang sarili ko sa iba kasi baka kung ano nalang ang masabi ko sa kanila at ayoko naman magkagulo.
Sam: Kaya ngayong may nambubulabog sakin tyaka ko lang nailabas yung saloobin ko, pero wala pa rin pala akong karapatang ipagtanggol ang sarili ko.
Sam: Bullshit. Kung alam ko lang na kakampihan mo pa ang babaeng yon sana pala wala na akong ginawa. Kahit na siya naman talaga ang nauna.
Samuel: Alam kong siya ang nagsimula
Sam: E tangina bat ako yung pinagsasabihan mo.
Sam: Tyaka alam mo kung tutuusin wala ka namang karapatan. Ni hindi nga kita kaibigan e.
Samuel: Oo kasi higit pa sa kaibigan ang pagturing mo sakin? Hahaha!
Sam: Nagagawa mo pa talagang magbiro? Bilib din ako sa apog mo.
Samuel: Ambigat kasi ng mood. Mas nahihirapan akong magpaliwanag sayo pero kung gusto mo nang seryoso, sige.
Sam: Fuck. Kailan ba ako nagbiro at pinagkakait mo sakin yung pagiging seryoso mo.
Samuel: Calm down.
Samuel: Sana kasi hindi mo na talaga siya pinatulan.
Sam: Siya nga yung nauna!
Samuel: Yes, but she's childish and immature. Dapat hindi ka na lumebel sa kanya kasi mas maalam ka sakanya eh
Sam: So mananahimik nalang ako sa panggugulo niya kahit ikaw na yung pinag uusapan?
Samuel: Sam...
Sam: Nakakagago na kasi, alam mo yon? Paulit ulit nalang akong nagtatanong sayo pero wala naman akong nakukuhang sagot kaya at the end of the day naiiwan akong nganga.
Sam: I am always telling myself that you're worth the second chance I gave you, because you did everything to get that.
Sam: Sana rin kasi hindi ka nangako saking hindi mo na ako masasaktan ulit dahil hindi naman yun matutupad.
Sam: Alam kong alam mo rin yun pero hinayaan nalang kita. Hindi naman natin kontrolado ang mga mangyayari.
Sam: Ah, ewan ko na talaga.
Samuel: Sam, si Brianna.
Samuel: May sakit siya.
Sam: Talaga? Mga ilang ubo nalang ba?
Samuel: Sam naman!
Samuel: Seryoso na nga ako ngayon tapos ikaw naman ang magbibiro!
Sam: Seryoso rin kasi ako sa tanong kong ilang ubo nalang ba!
Samuel: Samantha, I'm sorry, okay?
Samuel: Kailangan lang talaga ako ni Brianna ngayon.. Sana naman maintindihan mo.
Sam: Bahala ka.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top