067
06:57 pm
Samuel: Hi Sam! :D
Sam: Buhay ka pa pala.
Samuel: Oo naman! Alive and still kicking!
Sam: E kung sipain kaya kita.
Samuel: Sam naman hahahaha
Samuel: Ang sadista mo talaga T_T
Sam: Hindi ako sadista. Kasi hindi ako masayang nasasaktan ako.
Samuel: Sinong nananakit sayo?
Sam: Hindi naman niya ako masyadong sinasaktan. Nililito niya palang feelings ko pero malay natin diba.
Samuel: Sino nga???
Sam: Ewan.
Sam: Samuel Argent ata pangalan nun.
Samuel: Sam...
Samuel: Anong nagawa ko sayo?
Sam: Fuck.
Sam: Ayaw na ayaw ko talaga sa mga ganito e.
Samuel: Sam, sabihin mo nalang please?
Sam: Tanga ka ba?
Sam: Samuel ayos lang naman sakin na may kasama kang ibang babae. Ang gusto ko lang naman sabihin mo sakin para hindi ako naguguluhan.
Sam: Kahit kasi nasa cram school ako buong maghapon, ikaw at si Brianna lang yung naiisip ko.
Sam: Hindi ko maiwasan itanong sa sarili ko kung ano ba talaga kayong dalawa, at kung ano bang plano mo sa atin.
Sam: Yung kambal, pati sina Blue at Red. Napapansin din nila na lagi na kayong magkasama ni Brianna pero di nalang ako kumikibo.
Sam: Pero sa loob ko naapektuhan na ako.
Sam: At naiinis ako sa sarili ko dahil dun.
Sam: Nagpapaapekto nanaman ako sayo.
Sam: Shet lang.
Samuel: Sam, wag kang makinig sa sinasabi ng iba... Ako lang muna yung paniwalaan mo kasi ako naman yung may alam ng totoo
Sam: Ano bang totoo?!
Samuel: Sam, ano kasi... hindi ko muna sasabihin sayo
Sam: Bakit? Hahayaan mo lang akong mag isip? Hahayaan mo lang talaga akong malito?
Samuel: Basta...
Sam: Tanginang basta yan.
Sam: You know what, there are two reasons why I don't trust people. It's because I don't know them, or I know them.
Sam: Buti nalang hindi pa kita masyadong pinagkakatiwalaan pero kahit na, parang naibigay ko na sayo yung kalahati at gusto kong sapakin ang sarili ko dahil dun.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top