049

NCT's Mark as Oliver
SM Rookies Herin as Olivia
SM Rookies Koeun as Krisha

ㅆㅆㅆ

"Via, ano bang pinaggagawa mo sa buhok ko?"

"Experiment, Ate," aniya sabay tawa.

Prente akong nakaupo rito sa sofa habang nasa likod naman si Olivia at kanina pa inaayos, o ginugulo man ang buhok ko.

Sumulpot si Oliver na may yakap-yakap na garapon ng Stick-O tyaka umupo sa single couch sa gilid ko.

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya kaya binigyan niya ako ng Stick-O.

Kinain ko ito habang nakatingin sa kawalan.

"Alam niyo," napatingin ako sa lalaking tukmol. "Ang hirap pala maging babae. Kasi kailangan niyo pang ayusin yang mahahaba niyong buhok, tas kailangan niyo ring mag-makeup-makeup,"

"Nagme-makeup din naman kayo, ah?" Sagot ko.

"Duh," nag-lean siya nang kaunti at nilagay ang likod ng palad niya sa baba niya tyaka ito tinapik ng dalawang beses. "Mga mukhang 'to, Ate? 'Di na kailangan no,"

"Weh?" Nilingon ko si Via na ngayo'y patawa-tawa na habang hawak pa rin ang buhok ko. "Hindi raw kailangan pero nung minsan tinry mong mag-lipgloss,"

"Luh! Tang inumin mo 'wag zesto! My middle finger has an erection, greg!" Sigaw ni Oliver sa kanya.

Tang inumin mo 'wag zesto, my middle finger has an erection, greg. = Tangina mo pakyu gago.

"What the fudge?" Ani Via.

Bilang Ate, kailangan kong maging isang mabuting halimbawa sa mga nakababatang kapatid ko. Ang rule ko, ako lang ang pwedeng magmura samantalang sila, naka-censor. Pero hindi ko naman sila mapipigilan sa lahat ng oras.

"Kailan 'yun aber? What specific date? And time? Please include the seconds and milliseconds." Hamon nito kay Via.

"'Di na kailangan 'yun! Basta pagpasok ko sa kwarto natin, gulo-gulo na 'yung organizer ko at nakita kitang nagtutulog-tulugan sa kama mo, tapos may lipgloss na ang labi mo—" huminto siya para tumawa. "Pati na sa kilay mo,"

Napanganga si Oliver at maya-maya'y bumuntong hininga. "Naalala ko na. Nacurious ako, e. Lagi ko kasing nakikita si Krisha na naglalagay ng ganun sa labi niya, tapos kamukha nun 'yung nilalagay sa pilik mata? Basta! Bata pa kasi tayo nun! Wala pa akong kamuwang-muwang!" Paliwanag niya sabay irap.

Napailing nalang si Olivia. Humarap ako sa kanya kaya nabitawan niya ang buhok ko. "Nagme-makeup ka?"

Ngumiti naman siya at umiling. "Lipgloss lang tyaka face powder."

Tumango nalang ako at muling umayos ng upo. Ayaw ko ng masyadong maraming kolorete sa mukha, pwera nalang kung may special occasions. Natural na maganda ang kapatid ko kaya ayoko ring naglalagay siya ng kung ano-ano sa mukha niya.

"Hmm, ano pa ba," napatingin kami kay Ver na mistulang nag-iisip. "Ayun! Buti nalang hindi ako naging babae kasi buwan-buwan nagkakaroon kayo ng dalaw. Napaka-moody niyo pa! Tapos maglalagay pa kayo ng napkin—yuck lang! Ayoko na sa catsup! Yuck!"

Napasinghal ako at inirapan siya. "'Wag mong ma-yuck-yuck ang monthly period namin. Baka gusto mong isungalngal ko sa ngala-ngala mo 'yung napkin kong mainit-init pa?"

Napahalakhak si Via samantalang hindi naman maipinta ang reaksiyon ni Oliver sa sobrang pagngiwi.

"Sheet of paper. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal mo sa'kin, Ate." Nilantakan nalang niya ang Stick-O niya.

"Yan ang hirap sa inyong mga lalaki, e. Buwan-buwan na nga kaming nasasaktan dahil sa pesteng dalaw na yan, tapos dadagdagan niyo pa 'yung sakit. Kung pwede lang talagang magpalit tayo ng mga pwesto para maramdaman niyo rin yang punyetang sakit namin sa puson nang marealize niyong hindi dapat dinadagdagan ang mga pasakit namin." Litanya ko.

Napatigil si Oliver sa pagnguya ng Stick-O at tumigil din si Via sa pag-aayos ng buhok ko. Nagulat din ako sa sinabi ko dahil hindi ko na ito napigilan at kusa nalang lumabas sa bibig ko.

Dali-daling umupo si Olivia sa tabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Oh my gosh, Ate! Humugot ka ba?!"

Umupo naman sa pagitan namin ni Via si Oliver at niyugyog ako. "Cheesecakes?! Tao ka na, Ate?! Hindi ka na bato?!" Pinalo ko ang mga kamay niya kaya tinanggal niya ito. Napangiti siya nang malapad at akmang yayakapin ako pero tinulak ko ang mukha niya. "Aray ko bhe! Via, let's give each other a hug!" Yayakapin din sana niya si Via pero tumayo ito agad kaya bumagsak siya sa sofa. "Ba't ba ayaw niyo akong yakapin?! Malinis naman ako! Gwapo naman ako! Tsk, buti nalang nandiyan si Krisha,"

"Aral muna bago landi, uy!" Pananaway sa kanya ni Via kaya natawa nalang ako.

Napatigil ako at napapoker face nang mapansin kong nakatitig nalang sila sa akin. "Oh? Ba't parang nakakita kayo ng alien?"

Nagkatinginan silang dalawa. Hinarap ako ni Oliver nang may ngiti. "Masaya lang kaming napangiti ka namin." Umayos siya ng upo at inilagay ang kanyang dalawang braso sa ibabaw ng sandalan ng sofa kaya parang nakaakbay siya sa amin ni Via.

"Ano naman?" Takang tanong ko.

Ngumiti si Via. "Minsan nalang kasi mangyari 'yun, Ate. Oo nga't hindi kami iba sa'yo kaya kumportable ka sa'min, pero kahit ganon, minsan mo nalang ding maipakita sa'min ang mga ngiti mo."

Tumango si Oliver. "Oo nga. Miss ko na 'yung dating Samantha," ngumiti siya at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Last time na nakita kong masayang-masaya ka, three years ago pa. Ten years old kami at thirteen ka naman. Namimiss ko na 'yung Samantha na walang iniintindi, na pinapakita talaga 'yung totoong emosyon niya at hindi 'yung laging naka-poker face—'yung Samantha na laging ngumingiti at hindi 'yung nakangisi. Miss na namin 'yun, Ate," tiningan niya ako. "Life is short, kaya sana 'wag mong limitahan ang sarili mong ngumiti at maging masaya... pero 'yung dating Samantha, kailan kaya 'yun babalik?"

Napayuko ako sa tanong ni Oliver.

Bakit nga ba kasi ako sobrang nagpaapekto sa kanya? Hindi ko alam na nalungkot din pala ang mga kapatid ko dahil sa pagbabago ko. Ang sama kong kapatid dahil hindi ko man lang naisip na pati sila ay sobrang naapektuhan din dahil sa pagbabago ko.

"Hija, may bisita ka." Napatingin kami kay Manang.

Umayos agad sila ng upo.

"Sino raw po?"

At ang ingay galing sa likod ni Manang ang siya na mismong sumagot sa tanong ko.

"Sila, hija. Siya sige babalik na ako sa paglilinis." Tumango ako kay Manang bago siya umalis.

Panay ang tago at siksikan nina Makee at ng dalawa pa nilang kaibigan sa likod ni Samuel na hindi man lang makatingin sa'kin.

"Sheeet! Ang lamig sa bahay ni Samantha pati ba naman ng aura niya!" Sabi nung... nasapak kong si Spencer.

"Hyung, ang ingay mo. Kaya ka nasasapak ni Samantha, e." Sabi naman sa kanya nung kanong si... Vaughn.

"'Wag na kasi kayong maingay! Kitang napepressure na si hyung dito, eh!"

"Nagsalita ang pating!"

Napirap si Makee kay Spencer at tumawa lang si Vaughn.

Humarap sa kanila si Samuel. "Pwede ba? Wala naman kayong maitutulong sa'kin kaya lumabas nalang kayo." Maotoridad niyang saad.

Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil bakit ba pinupuri ko ang kalaliman ng boses niya.

Tumango 'yung tatlo at isa-isang nagsilabasan at naiwan nang nakatayo si Samuel sa harapan namin. Buti naman hindi siya masyadong malapit sa'kin dahil baka kanina ko pa rin siya nahapkido palabas ng bahay.

Tumabi sa'kin si Olivia at paulit-ulit na tinapik ang braso ko. "Oh my gosh. Samuel as in, S? Siya ba 'yung nagpadala ng mga dark chocolates, roses, at tatlong bibe?"

Medyo malakas ang boses niya kaya narinig din ni Samuel ang lahat ng sinabi niya at nakita kong medyo nagulat siya.

Bahagya kong tinanguan ang kapatid ko.

"Ahh." Dinig kong reaksiyon ni Oliver.

Napahawak si Via sa kanyang dibdib at ngumiti nang napakalapad. Napairit siya. Nyeta kinikilig ba 'to. "Oh my gosh! Kambs, they're the Sam-Sam couple!"

Napairap nalang ako sa hangin dahil sa inaakto ni Via. Hindi naman ako nahihiya, at hindi rin naman ako naiinis, pero kasi ano 'yung Sam-Sam couple.

Inalis ko ang kahit anong emosyon ko sa mukha katulad ng lagi kong ginagawa at tiningnan siya. "Sinong nagsabing pwede kang pumasok sa bahay namin?"

Hindi siya nakasagot dahil naunahan siya ni Oliver. "Oo nga, sino ba?" Tinupi niya ang kanyang mga braso. "Samuel Argent, right?" Tumango si Samuel at napatungo. Napangisi naman si Oliver. "Ikaw 'yung dahilan kung bakit nagbago si Ate. Alam mo bang nang dahil sa'yo at nang sinabi mo, naging ibang tao si Ate? Hindi na niya binuksan ang sarili niya sa iba at kami nalang ng kambal ko at nina Blue hyung at Red noona ang kinakausap niya. Pinaiyak mo siya, tapos ngayon ang kapal ng mukha mo para habulin siya? Saan mo ba nahugot yang kakap—"

"Oliver," napatigil siya. Nagulat ako sa mga sinabi ng kapatid ko pero tinatago ko lang. "Tama na."

Kumunot ang noo niya. "Minsan lang ako magseryoso, Ate. Pagbigyan mo na."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Titigil ka o itatapon ko ang mga video games mo?" Magrereklamo sana siya ngunit sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"OP ako," sabi ni Via. "Paano mo nalaman ang buong kwento ng pagbabago ni Ate? Bakit ako, hindi ko alam 'yun?"

"Kinwento sa'kin ni Blue hyung kagabi."

"Gosh, bakit hindi ko nga alam?!"

"Gosh!" Panggagaya niya kay Via. "Kasama mo si Red noona!"

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa at ibinalik ang tingin ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa mga kapatid kong nagkukulitan na naman kaya nagsalita ako para makuha ang atensiyon niya. "May sasabihin ka ba?"

Tumango siya at isinilid ang dalawa niyang kamay sa itim niyang jacket. Tumahimik din ang mga kapatid ko. "Sabi nila, kung gusto mong mag-thank you, 'wag kang mag-sorry. Pero parehas kong gagawin 'yun ngayon," huminga siya nang malalim. "Una sa lahat, maraming salamat kasi three years ago, nadagdag ka sa mga rason ko para gumising sa umaga. Salamat kasi, kahit sa chat lang binigyan mo ako ng pagkakataong makilala't makausap ka... Just—thank you very much for existing, Samantha."

"Oh my gosh, he's so sweet." Olivia.

"Duh." Oliver.

"And, sorry, kasi may nasabi pala ako sa'yong ganong bagay three years ago rin kaya nagbago ka. Sinabi ko sa'yong lahat gagawin ko para mabigyan mo lang ako ng chance, pero parang ayaw mo naman talaga, e." Inayos niya ang specs niya at napangiti nang mapait. "Kaya siguro... kailangan ko na 'tong tigilan. So, ayun lang. Salamat ulit sa lahat-lahat."

Hinarap na niya ang pinto para lumabas samantalang napapikit naman ako at bumalik sa isip ko ang mga sinabi sa'kin ni Blue kagabi.

"Oo nga't sinabihan ka ng ganun ni Samuel dati, pero, Sam! Aminin mo diyan sa kaloob-looban mo, sumasaya ka sa mga ginagawa niya at sa tuwing nagkakausap kayo—kasi biruin mo, may sumubok at nagtiyagang kumausap sa'yo kahit na puro pambabara at lait lang ang binabato mo sa kanya."

Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at iminulat ang mga mata ko. Bago pa siya makahakbang palabas ay nagsalita na ako na siya namang nagpatigil sa kanya. "Akala ko ba, hindi mo ako susukuan?"

Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko at unti-unting napanganga. "S–sam?"

Ang mabilis na pagtambol ng puso ko ang tanging naririnig ko pero pinilit kong kumalma. Napabuntong hininga ako at inirapan siya. "Don't make me repeat myself." At tiningnan ko nalang ang mga kuko ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "P–pero, a–ano bang ibig mong sabihin?"

Naiyukom ko ang mga kamao ko. Ah! I hate this feeling! Last time na naramdaman ko 'to ay noong first year pa—noong mga panahong gustong-gusto ko siya!

Napahagikhik si Olivia kaya napatingin ako sa kanya. "Oh sige, ako nalang ang mag-uulit para sa'yo, oppa. Ang ibig sabihin ni Ate, binibigyan ka na raw niya ng chance."

"T–talaga? W–walang halong biro?" Napangiti siya nang napakalapad at napairap na naman ako.

Tumango-tango si Via. "Talagang-talaga! And I'm one hundred percent sure that that's not a joke!"

"Sheet of paper talaga, Ate! Hindi ka na bato!" Tumingin siya kay Samuel. "Hyung, peace tayo, ah? Nadala lang ako ng damdamin ko kanina," ani Oliver sa kanya kaya nag-thumbs up naman siya.

Tiningnan ko ulit siya at pabalik-balik na siyang naglalakad ngayon. Nira-rub niya ang dalawa niyang kamay and he's slightly jumping too.

"Anong nangyayari sa'yo?" Tanong ko rito.

Kung kanina'y mapakla ang ngiti niya, ngayon naman kitang-kita mo talaga sa mga mata niya ang totoong kasiyahan. "Sobrang saya ko lang, Sam... Ang totoo niyan gustong-gusto na talaga kitang yakapin ngayon pero ayoko rin namang masapak kaya uuwi na muna ako. Bye!" Ngiting-ngiti siya habang nagwe-wave sa'kin.

Itinaas ko rin ang kamay ko at nag-wave sa kanya bago siya tuluyang umalis.

"Holy mother of cows! Oh my gosh! Oh my goshhhhh!" Pagtitili ni Olivia. Nakakailang oh my gosh na ba 'to.

"Bakit, kambs?"

"Kambs! Hindi mo ba nakita 'yung ginawa ni Ate?!" Umiling si Oliver. "Nag-wave siya kay Samuel!"

"Geez, really?!" Mabilis namang tumango si Olivia.

Kumunot ang noo ko. "Ano naman kung ginawa ko 'yun?"

Pumunta silang dalawa sa harapan ko at sabay na humalukipkip.

"Ate, nagwe-wave ka lang sa mga taong gusto mo!" Sabay nilang sabi.

Natigilan ako sa narinig ko, at hindi ko na namalayang nakayakap na pala silang dalawa sa akin.

"This calls for a celebration! Woohoo! 'Di na stone cold si Ate!"

Napapikit nalang ako at niyakap din silang dalawa pabalik.

Hindi naman ako galit kay Samuel. Naiinis lang talaga ako sa kanya... pero never akong nagalit. Pero shet lang, ha? Gusto ko na nga ba siya?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top