017
04:36 pm
Sam: Uy.
Pogi: Ohmyghad ikaw unang nagchat
Pogi: !!!!
Pogi: Screenshot-ed :'>
Sam: Nakita kita kanina.
Pogi: Ha?
Sam: Di ka ba marunong magbasa.
Pogi: Marunong... Pero Sam sure ka?
Sam: Oo.
Pogi: Pero hindi naman kita nakita kanina e?
Sam: Ulol. Nagkita tayo kanina.
Pogi: Hindi nga Sam! Kaya nga lungkot ko e :(
Pogi: Teka baka inisstalk mo na ako ah
Pogi: Pero shet seryoso hindi naman kita nakita kanina kasi busy ako
Sam: Weh.
Pogi: Oo nga Sam! Nasa library ako buong araw dahil sa mga pinapagawa sakin ng teachers
Pogi: Pero dahil alam mo nang sa library ako natambay hindi na muna ako babalik dun
Sam: Gago ano ka may amnesia. Nagkita tayo kanina. Mukha kang pating.
Pogi: Ano?!
Sam: Oo nga. Itatanggi mo pa e nakita ko nga rin yung id mo.
Pogi: Kailan at saan naman yan?
Pogi: Sam pramis hindi talaga kita nakita kanina
Sam: Recess non. Tapos hinahabol ka ni Brianna Sommerville. Yung anak ng may-ari ng school natin. Psh. Sino bang hindi makakakilala sakanya diba.
Sam: Tapos makakasalubong niyo ako. Dapat talaga hindi ako hihinto sa harapan niyo pero natulala ka e.
Pogi: Hindi nga kita nakita kanina!!!!!!
Sam: Ge. So huminto yung mukhang pating kaya tiningnan din ako ni Brianna at sinabihan akong beach. Yeah yeah beach daw ako.
Sam: Gusto kong matawa pero sayang lang energy ko kaya hindi nalang. Pero grabe talaga yung beach. Nasaktan ako mga .0%
Pogi: Wtf beach?
Sam: Hindi alam ng batang yon ang pagkakaiba ng beach sa bitch.
Sam: Hindi ko nalang siya pinatulan kasi baka matawa lang ako.
Sam: Kinulit nang kinulit ni Brianna yung mukhang pating pero nakatulala lang sakin e. Tapos nairita na si Brianna, tumigil na siya sa pangungulit.
Sam: Aalis na sana ako kaso nakatitig pa rin sakin yung mukhang pating kaya kinuha ko ang pagkakataong yon para tingnan ang id niya.
Sam: Binigyan ko pa nga siya ng famous smirk ko na kinatatakutan ni Blue at napalunok pa siya.
Sam: Shet mukha ba talaga akong serial killer.
Sam: Anyways, ang nakalagay na pangalan sa id, Spencer Croft. Kaya sigurado akong ikaw yun. Letter S ang start ng first name mo at Croft ang nakalagay na surname mo rito.
Pogi: Hindi ako si Spencer.
Pogi: Sam ipapaliwanag ko sayo ang lahat, pwede bang mag-out ka muna?
Sam: Bakit naman.
Pogi: Kasi kinakabahan ako pag nakita kitang online. Mabuti na yung nakikita kong offline ka kasi hindi ako masyadong kabado
Sam: Arte.
Pogi: Sige na, kung gusto mo nang maayos na paliwanag at walang typo.
Sam: K.
Sam logged out.
ㅆㅆㅆ
WJSN Yeoreum as Brianna Sommerville.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top