#9 HIDE AND SEEK

matapos nilang ilipat si Eara sa kwarto nito ay naupo silang dalawa sa upuan malapit sa bintana ng hotel kung san makikita mo ang mga ilaw na nagkikislapan at ang mga sasakyan, kitang kita din nila mula doon sa taas ang mga bituin na napakaganda ng ningning ngayong gabi.

"sir sisimulan ko na po ang kwento." panimula ni W tumango si Alexo para sabihing oo.

"pumunta ko sa kanila bandang tanghali ang naabutan ko lang doon ay si Mrs. San Joaquin nakwento niya na namatay na pala ang kinikilalang ama ni Ms.San Joaquin sa labas palang ng tinitirhan nila eh alam mo ng maliit yun pero ok lang daw kasi silang dalawa lang naman daw ang nakatira, ayon naman doon sa imbestigador na kinausap ko eh sa kanila pala yung kompanyang S.J pero malapit ng malugi ito kaya naibenta ang shares nila sa ibang tao which is si Mr.Park na kasosyo natin sa pagmemerge ng Company, madami na din daw naging trabaho si Ms.San Joaquin, pumasok siya sa gasoline station, naging cashier sa isang mini mart, naging waitress sa isang bar at madami pang iba, sa ngayon ay meron siyang mga 4 na trabahong pinapasukan." pagtatapos ni W

"so all this time naghihirap na pala siya?" tanong ni Alexo

"ganun na nga po sir." sagot naman ni W

"mukhang kumakampi saken ang kapalaran ah" bulong ni Alexo sa sarili.

"pero sir, sigurado po ba kayo sa plano niyo?" nag-aalalang tanong ni W

"100% sure. sige salamat maari ka ng umuwi." matapos ay umalis na si W at naiwan si Alexo mag-isa sa kwarto nakahiga at tila malalim ang iniisip.

"sigurado nga ba ako?" tanong nito sa sarili matapos ay pinatay niya ang ilaw at nagpahinga na.

*KINABUKASAN

Alyana's POV

*toot toot 1 message recieved*

don't be late, meet me at my office.

agad namang nagreply si Alyana

"who you?"

inantay niya muna ang reply nito bago siya kumilos.

"your boss."

"your boss"

"your boss"

your boss"

paulit ulit niyang binasa ang message na yun at saka niya lang napagtanto na boss niya pala ang nireplayan niya ng 'who you' gumulong gulong siya sa kama pinukpok ang ulo niya at saka lang siya nagmadaling maligo magbihis kumain at tumingin sa salamin at sinampal sampal ang sarili para makasiguradong hindi siya nananaginip at lumabas siya ng kwarto niya at naabutan ang ina niya na naghahanda ng makakain niya

"ma alis na po ko." sabi nito

"pero nak Anong oras palang?" hindi pa nakakatapos si mama sa pagsasalita eh nakalabas na ako ng pintuan.

ng nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad, saka ko lang napagtanto na madilim pa, tiningnan ko ang relo at nagulat ako  sa nakita ko 5:02 palang naman kaya naman pala ang dilim, anak ng anong trip nung boss ko at ang aga naman mangising ako naman tong eng eng hindi tumitingin sa orasan yun siguro yung gustong sabihin ni mama saken kanina :3 nang dumating ako sa kompanya eh sarado pa ito at ayaw akong papasukin.

"ba't ba kasi ayaw mo kong papasukin eh diba sinabi ko naman sayo na ako ang personal assistant ni Mr.Primo." pagpapaliwanag niya sa gwardiya

"eh ma'am ilang beses ko din po bang sasabihin sa inyo na hindi ako pwedeng basta basta na magpapasok ng kung sino dito lalo na kung hindi pamilyar ang mukha nito." pagpapaliwanag naman sa kanya nung guard with matching actions pa napafacepalm nalang siya

"o sige penge nalang ng upuan maghihintay ako dito." at binigyan naman siya ng upuan ng guard, ilang minuto palang eh nakatulog na ito

"Ms.San Joaquin." pangigising nung guard sa kanya

"humanda ka saken" sabi ni Alyana na tila nanaginip pa

"Ms.San Joaquin."

"Ms.San Joaquin" ulit na pagigising sa kanya ng guard

"ano ba?!!@$^&" pagdilat niya ng mata niya eh napapalibutan siya ng mga empleyado at nakaharap sa mukha niya si Alexo

"mukhang ikaw ata ang kelangang maghanda para sa trabaho mo Ms.San Joaquin" dahan dahang sabi ni Alexo habang papalapit ng papalapit ang mukhan nilang dalawa,  inilayo din naman niya agad mukha niya at nagsimula ng maglakad habang si Alyana naman ay di pa makapaniwala sa nagawa niyang eksena sa first day of job niya tapos eh nagtatatakbo at saka sumabay kila W at Alexo

"sir sorry po." sabi ni Alyana

"hindi lahat ng bagay nadadaan sa sorry, you're late." sabi ni Alexo sa kanya ng hindi lumlingon habang naglalakad sila papuntang office eh nakayuko lang si Alyana iniisip niya pa rin kasi yung mga nangyari sa labas ng kompanya kanina

naupo si Alexo sa kanyang upuan at pinirmahan ang ilang papeles na nakalagay sa mesa niya habang si Alyana naman ay nakaupo lang minamasdan kung pano magtrabaho si Alexo, aalis na si Alexo pero bago siya umalis may kinuha siya mula sa isang cabinet malapit lang sa mesa niya at saka lumapit kay Alyana

"here gawin mo lahat ng to. kelangan ko na yan bukas" sabay abot ni Alexo sa mga papeles na gabundok ang laki.

"sir lahat?" tanong ni Alyana

"lahat." sabi neto tapos eh umalis napabuntong hininga nalang si Alyana, may tatlong gabundok na papeles ang kailangan niyang gawan ng summary para sa meeting ni Alexo bukas sa iba pang negosyante sa bansa

"kaya ko to." bulong ni Alyana sa sarili tapos eh sinimulan niya na ang mga dapat niyang gawin.

________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top