#8 HIDE AND SEEK

Alyana's POV.

sana naman matanggap ako :3 gusto ko kasi talagang makapasok dun kung hindi man ako matanggap kahit tagalinis nalang ng bintana pwede na o di kaya naman utusan ng mga empleyado dun tss kelangan kong lumanghap ng sariwang hangin :3 hindi dito na puro polluted nalalanghap ko (sabay tingin sa paligid niya ikaw ba naman nasa tapat ng basurahan preskong hangin kaya malanghap mo?) 

"hey!"sigaw ng isang babae malapit lang sa kanya

"ako?" sabi ni Alyana sabay turo sa sarili 

"yes ikaw yung babaeng nasa S.J company kahapon diba?" 

"ah oo." hindi pa man din nila kilala ang pangalan ng isa't isa eh hinila na siya agad ni Eara

"teka san tayo pupunta?" takang takang tanong ni Alyana sa kanya pano kasi bigla nalang siyang naghila at dumiretso sa sasakyan niya at pinaharurot ito yes motor po ang dala ni Eara

"let's go!" sigaw nito at habang nasa byahe sila eh halos mangiyak ngiyak na si Alyana sa bilis magpatakbo ni Eara ng motor at sa wakas nakarating din sila..

"seryoso? anong problema mo?! ni hindi pa nga kita kilala tapos hinila mo ko saka pinasakay sa motor mo tapos napakakaskasero mo pang driver! babae ka pa man din!" sigaw ni Alyana

"ahahhahaha! luh ok lang yun mas masaya kasama ang strangers ;)" sabi neto sabay baling ng tingin sa mall.

"tara na!" tapos eh hinila niya ulit si Alyana papasok sa mall.

"ano ba wag mo kong hilain!" pagpupumiglas ni Alyana

"ngayon ka pa nagreklamo ngayong hawak na kita :)" sabi naman nito hindi nawawala sa labi niya ang misteryosong ngiti, ngiti na hindi mo alam ang kahulugan.

"kain muna tayo, here's the menu order what you want my treat." sabi ni Eara

"ang weird mo." -Alyana

"yeah I know pati sarili ko kasi naweweirduhan na saken ahahhahha! seryoso." sabi nito sabay nag iba ang expression ng mukha niya , nakakatakot . may ibang nakatago sa mata niya para bang may sinasabi ito, parang taong may lihim na galit.

"ah sabi mo eh." binaling nalang ni Alyana ang tingin niya sa menu.

"aww sarehh natakot ba kita? ganun lang talaga ko :)" paghihingi ng pasensya ni Eara.

"ahaha." matapos nilang kumain eh nanood sila ng sine, nagshopping ng damit, sapatos at marami pang iba.

"here." sabay abot ni Eara ng isang shopping bag

"para saken?" tanong ni Alyana habang nakaturo sa sarili niya

"hindi para sa kanya." sabay turo sa isang di kilalang tao na napadaan lang sa may banda nila.

"ahahahha mahilig ka ding magpatawa, sige thank you." sabi nito tapos eh kinuha yung bag.

"tara na hatid na kita sa inyo." sabay sakay ni Eara sa motor niya.

"ah hindi sige ok lang uuwi nalang ako mag-isa." pagtanggi ni Alyana

"sabi mo eh." tapos eh pinaharurot ng napakabilis ang mototr niya.

"wierd" bulong ni Alyana sa sarili habang nakatingin dun sa binigay sa kanya.

*sa bahay ng mga San Joaquin

*tok tok tok* tapos ay binuksan ng ina ni Alyana ang pintuan.

"ano pong kailangan nila?" pagtatanong nito.

"hello ma'am Good Afternoon, I'm W from global Company, gusto ko lang po na pormal na kausapin si Ms. San Joaquin for her contract." pagpapaliwanag ni W

"ah ganun ba? ibig sabihin nakapasa ang anak ko?" tanonng uli nito

"ah opo :)" tapos eh nilibot nito ang tingin sa bahay.

"ah maupo ka muna, pasensya ka na medyo maliit tong bahay namin, dalawa nalang kasi kami eh." tapos eh pumunta sa may bandang kusina ang nanay ni Alyana para kumuha ng maiinom.

"ma!" biglang bukas ng pinto at pumasok si Alyana

"o tamang tama anak nandito si sir W may sasabihin daw sayo." pagpapa-alam ng ina nito

"good afternoon sir " sabay yuko nito bilang pagpapakita ng respeto

"nandito ako para pormal na sabihin sayong tanggap ka na." sabi nito ng nakangiti.

"talaga sir?@! secretary nako ng company?" tanong ni Alyana

"no, more than that, you're now the personal assistant of Mr.Primo, and I'm here for you to sign the contract." sabi ni W tapos eh nilabas niya ang kontratang dapat pirmahan ni Alyana. 

"1 month?" tanong ni Alyana

"ah nga pala, yung 1 month for being the personal assistant ni Mr. Primo, it will serve as your training matapos nun at nagustuhan niya ang performance mo, you'll be promoted to higher positions."-W

"ah ganun po ba," matapos basahin ni Alyana ay hindi na siya nagpatuumpik tumpik pa at pinirmahan na agad ang kontrata.

"welcome to the company"  sabay abot ni W sa kamay niya

"thank you po! gagawin ko lahat ng makakaya ko." -Alyana

"inaasahan ko yan." sabi nito tapos eh umalis na din.

"ma narinig mo yun? tanggap nako!" hindi makapaniwalang sabi ni Alyana tapos eh niyakap ang ina niya.

"masaya ko para sayo anak."

sa hotel naman kung san kasalukuyang namamalagi si Primo

"hey~!" sigaw ni Eara

"oh balita ko wala ka dito buong araw san ka na naman nagpunta?" tanong ni Alexo

"ang boring kaya dito luh -_-" reklamo naman ni Eara

"so san ka nga galing?" -Alexo

"nagshopping lang with some stranger " -Eara

"ikaw talaga hindi ko kilala lahat ng tao baka mamaya niyan may plano silang masama sayo." pangangaral ni Alexo kay Eara

"enjoy naman." pangangatwiran ni Eara tapos eh biglang dumating si W.

___________________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top