#2 HIDE AND SEEK

first day ko ngayon as her tutor emeged saa man lang nagkaron ng kaunting konsiderasyon tong tigyawat ko diba kahit nabawasan man lang ng isa -_- kaso wala eh mouth open open ako at dahil excited ako ayun 3:00 am palang nasa school nako napagkamalan pakong magnanakaw ng guard mukha daw kasi.

sa wakas 7:00 na for sure papasok na yun, speaking of eto na siya

"hey sundan mo ko" sabi neto saken sabay hagis ng mga libro niya. kaya naman sinundan ko siya napunta kami sa library

"buti naman at mukhang hindi nako mahihirapan sayo." nasabi ko pinalapag niya saken ang mga libro at umupo na siya at at NATULOG O___o

"ah kasi Alyana bawal matulog dito" sabi ko sa kanya 

"eh sa inaantok ako, maya mo nalang ako tutoran sa bahay makakaalis ka na." sabi nito

"anak ng, teka bahay?" hindi niya na ko sinagot at tuluyan na siyang nakatulog oras na ng klase ko kelangan ko ng magmadali iniwanan ko siya dun habang natutulog siya ng mahimbing. habang nasa klase ako eh may biglang officer ng student council ang pumasok.

"Mr. Primitibo, pinapatawag ka sa guidance." sabi teka ano bang ginawa ko wala naman akong nilalabag na rules sa school ah pagdating ko dun eh naabutan ko si Alyana na tinuro ako

"ako?" tanong ko

"oo diba sabi mo pwedeng matulog sa library?" sabi niya naloko na kung hindi ko lang mahal tong babaeng to 

"ah opo."

"I'm very dissapointed Mr. Primitibo, you two are suspended for 3 days." galit na sabi ng guidance councilor. grabe suspension agad, tapos eh hinila ako ni Alyana palabas tapos eh binitawan din agad.

"good timing.tara." tapos eh hinila niya na naman ako papunta sa sasakyan niya at napunta sa isang bar? umagang umaga magbabar siya? uminom lang siya ng uminom kahit anong pigil ko ayaw paawat. ano ba talagang silbi ko bilang tutor niya :3 hanggang sa malasing siya eh hindi naman ako marunong magdrive kaya naman nagtaxi nalang kami at kumuha ako ng pera 

"snatcher~!!" sigaw ni Alyana kaya naman napahinto ang driver at tumingin ng masama saken

"ahahhaha ikaw lang pele yen eng penget me keshe eh hehehhe~!" insultong galing sa kanya ang pinakamasakit pero lasing kasi siya kaya iintindihin ko nalang.

hanggang sa makarating kami sa bahay nila pinasok ko siya doon at pareho kaming pagewang gewang hindi naman kasi ako machong tao no di ko afford ang mag gym 

"MAGNANAKAW~~!" sigaw ng isang katulong nila kaya naman naglabasan ang 12 pang katulong sa bahay nila

"ay hindi po tutor ako ni Alyana." sabi ko yung totoo snatcher na magnanakaw pa ang hard ah.

"ay sorry ijo." pagpapaumanhin niya saken

"ok lang po." sabi ko

"naku lasing na naman ang batang to" sabi neto sabay kinuha niya na si Alyana

"lagi po ba siyang ganyan?" natanong ko lang

"ah eh oo, pano kasi kulang sa atensyon ang batang yan." sabi niya.

"ahh sige po mauuna nako." pagpapaalam ko.

"kumain ka muna." sabi niya

"ay naku di na po ok lang."  tapos eh umalis nako at umuwi na

3 lingo din ang lumipas parang hindi naman ako naging tutor ni Alyana Instead naging personal alalay niya ko gabi gabi siyang nasa bar, lagi siyang napapasok sa gulo, hindi siya nakikinig saken hanggang sa marinig ko ang usapan nila ng isang lalaki mula sa di kalayuan

"ang panget ng kasama mo." sabi nung lalaki

"ahahhaha kaya nga eh." sabi naman ni Alyana

"eh ba't mo kasama?" tanong nung lalaki

"kelangan ko lang ng mapaglalaruan ahahahha!" sabi niya dun nako nainis, oo unang beses na nainis ako sa sarili ko kaya naman nilapitan ko siya at hinila dun sa lalaking kausap niya

"totoo ba?" tanong ko

"na kailangan ko ng laruan? oo." sabi niya ng walang alinlangan

"pero sabi mo kailangan mo ng tutor." sabi ko na medyo naiiyak na

"tutor? as if naman mag-aaral ako i have money anyways papamanahan lang din naman ako bakit pa ko mag-aaral."

"ang sama mo." yan lang ang nasabi ko sa kanya

"ako masama? kung tutuusin ang swerte mo pa saken kasi nakakasama mo ko, lagi mo kong nakikita hindi mo ba alam na madaming tao ang gusto akong makasama araw araw tsaka isa pa hindi mo alam kung ilang beses kong tiniis ang wag magsuka tuwing nakikita ka." sabi niya saken ng tuloy tuloy, masakit.

"ganun ba? sige wag kang mag-alala di ka magpipigil na wag sumuka dahil hindi mo na ko makikita. isa pa oo swerte ako pero akala ko lang yun nga pala yan inipon ko yung sinweldo ko mula sayo para bilhin yan." sabay aboy ko ng isang maliit na stuffed toy na parang diary, pwede siyang magkwento dun ng mga nangyayari sa kanya at marerecord yun dun pag naattach mo siya sa computer maririnig mo lahat ng nirecord mo.

"alam kong wala kang nakakausap sa bahay niyo kaya sayo na yan yan ang paglaruan mo wag ang damdamin ng tao." tapos eh umalis nako ng tuluyan

_______________________________________________________________________

VOTE/COMMENT/REACT

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top