Him

"Mom, I'm okay. Nasa loob na ako ngayon ng dorm together with my roommate," nilingon ko ang kasama ko ngunit hindi man lang ako nito pinansin. Abala ito sa kanyang laptop.

"Alagaan mo ang sarili mo, Eke. Wala kami ng Daddy mo diyan para bantayan ka, kung may mang-aapi man sa'yo diyan, huwag kang magpapatalo, alright?"

"Mom, I know. Lagi mo 'yang sinasabi sa akin. Tandang-tanda ko na. Hell no, I won't let them touch me nor hurt me, Mom. I will fight back!"

"At huwag na huwag kang magmumura, Eke. Ayokong matulad ka sa Daddy mo na halos mura ang lumalabas sa bibig niya. Kilala mo naman iyon, parang laging galit sa mundo."

Napangiti ako. I missed them. Matagal-tagal pa akong makakauwi sa amin, pero allowed naman silang pumunta dito. Kami lang 'yung hindi pwede lalo na't may pasok. Kahit na weekdays bawal rin. May sariling malls at pasyalan ang University and I'm dying to see those. I decided to take a walk later and tour myself. Mukhang ilap sa tao 'tong kasama ko kaya't I'll do it alone.

"Alright. Take care, Ekiela. I love you!"

"I love you too, Mom."

Pagkatapos kong ibaba ang tawag. Lumapit ako sa kama ko at nagpasya na ayusin muna ang mga gamit ko bago maglibot sa loob ng University. Wala paring imik ang kasama ko, hindi ko masabi or matukoy kung kailangan niya ba talaga ng kasama or gusto niyang siya lang? Hindi rin naman ako masyadong magaling sa pakikitungo because I had my own friends in our village at wala rin akong balak na palitan sila. But, I think I need friends to lean on here, kahit dalawa lang? Ugh! I don't want to be friends with anyone here, lalo nat napapansin ko sa kanila na ayaw nila sa akin. I don't know why? Hindi naman ako mukhang ignorante or spoiled-brat. My Mom and Dad raised me so well. Ayokong I-lower ang standard ko just to make friends. Kung meron mang gustong makipag-kaibigan, why not?

"Is that your Mom?"

Agad akong napalingon sa kasama ko nang marinig ko ang mahinhin niyang boses. Hindi siya nakaharap sa'kin, abala parin ito sa anumang tinitipa niya sa kaniyang laptop.

"Yeah." sagot ko.

Dahan-dahan akong tumayo at nagpasya nang lumabas ng dorm. Maglilibot muna ako bago pumasok sa unang klase ko. Mamaya pa naman 'yon, may 1hr pa ako.

"Where are you heading?"

"Outside. I will tour myself around. How about you? Busy?"

"Nah. Inaabala ko lang ang sarili ko,"

"Ahh okay. You want to come in?"

"Hmm. Ikaw na lang muna, may gagawin pa kasi ako."

Tumango ako. "Alright, see you then."

Mailap nga talaga siya sa mga tao or sa akin. I can feel it. Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nilabas ko ang phone ko at sinaksak roon ang headphones. Marami paring mga students ngayon, abala sila sa anumang ginagawa nila. Ang iba naman ay nagchi-chismisan, ang iba ay nagpapa-bonggahan sa mga mamahaling gamit nila. Hanggang dito ba naman uso ang mga ganoon? Akala ko sa mga elite schools lang ang ganu'n. Mga anak mayaman nga naman.

Mayaman din naman kami pero hindi ko nilalantad sa lahat ang anumang meron ako. Should I? Wala rin naman akong mapapala kung gagawin ko iyon hindi ba?

Rich people nowadays.

"Hey!"

Napahinto ako nang makita ko ang nakangiting mukha ni...

"What's up?"

"Kamusta?"

Mabilis na kumunot ang noo ko. Kaibigan siya nu'ng walang hiyang lalaking pumatid sa akin kanina. Ang laki naman ng ngisi niya habang ako ay bwesit na bwesit. "What do you want?" walang emosyon kong tanong at humakbang pero sumunod siya.

"About earlier, I'm sorry."

"Ayaw kasing humarap ni Farid ngayon sa'yo."

"Why? Is he shy?"

"No! Hindi niya kasi ugali ang humingi ng tawad at wala 'yung pakialam sa mga bagay-bagay na hindi siya interesado. Kaya ako nandito para humingi ng tawad sa ginawa---"

"Get lost!"

Hindi ko na siya hinintay na sumagot pa. Binilisan ko ang lakad ko hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa tahimik na lugar. Bilang lamang ang mga tao pero sapat na para kumalma ang sarili ko. That bastard! Kung wala siyang sasabihing matino, manahimik na lang siya. Alam kong wala siyang kasalanan kanina but how dare that bastard! Nanggigigil talaga ako. So, ano naman ngayon kung hindi siya interesado? He should apologize! Gosh!

"Damn that bastard!"

"Ingay."

"What?" kumunot ang noo ko.

"Ingay mo."

"Huh, excuse me?"

"Kung ayaw niyang mag-sorry sa'yo, desisyon niya 'yon. Bakit ba napaka-big deal sa'yo?"

Mas lalong kumunot ang noo ko. How did he know? At ilang oras na kaya siyang naki--- wait, did I say it loud? Did he?

"Wala akong sinasabi. And would you mind?"

"This is a free space for all." Bumaba siya mula sa malaking puno at hinarap ako. Napalunok naman ako dahil sa kaniyang mukha. I admit it! Gwapo siya, matangkad, mestizo at bagay na bagay sa kaniya ang mahaba niyang buhok, but para siyang badboy. Or badboy nga talaga siya? Aish! I don't care if he is or he's not.

"Name the guy,"

"What?"

"Tsk. Slow."

"What did you say?!"

"Nothing. I'll go ahead. Nice to meet you, litte pumpkin."

Nag tagis ang mga ngipin ko sa narinig. Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. "Hey! Bastard! Wait up!"

"Don't follow me, you'll regret it."

"How da---"

"Dare me, you'll see."

Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Porket malakas ang dating niya gagantuhin niya na ako? Sino ba siya sa inakala niya? Gusto ko lang naman malaman ang pinupunto niya. I want to know hi..."

"Go back to what you were doing earlier. I think you are not done yet. Continue that and when you meet that person? Kill him."

"And why would I do that?"

"He hurt you. Hurt him too."

"Hindi ko 'yan gagawin. I want him to apologize, is that hard to do?"

"Uhm. Kung uulitin rin lang naman, bakit pa magso-sorry?"

"Pardon?"

"Huwag kang umasa na magso-sorry 'yon sa'yo." He left.

Aish!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top