Farid
Ekiela's POV
Our first class ended peacefully. Walang gulong nangyari, sobrang seryoso nilang lahat sa klase. Sobrang tahimik, nabibingi ako. Hindi ako sanay na ganu'n. Wala akong imik buong klase. Wala rin namang imik ang iba, kaunti lang 'yung nakakikinig pero sobrang tahimik nilang lahat. What's wrong with them? Parang may lamay ah.
"How was your first day?" Napalingon ako sa kasama ko. Kaharap niya parin ang kaniyang laptop ngayon. Ano kaya ang ginagawa niya? The last time I asked her, she answered na gusto niya lang libangin ang kaniyang sarili. But it seems na may something siyang ginagawa, and I want to know that.
Nabigla ako nang padabog niyang sinara ang kaniyang laptop. Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako ng matagal roon. Umiwas ako ng tingin at nagpasya na magpahinga na muna. Wala naman akong masyadong ginawa kanina. Umupo lang ako buong klase, nakakapagod din pala.
"How about you? Still busy?" sagot ko sa kaniya at dahan-dahang humiga sa kama. Nilabas ko ang phone ko, tiningnan kung may mensahe bang galing kina Dad and Mom. Ngunit wala akong natanggap, sa mga kaibigan ko meron.
"Hindi naman. Ayos lang ba ang takbo ng araw mo?"
"So far, uhm. Maayos naman."
Binuksan ko ang iilang message ng mga kaibigan ko. Ang babata pa ng mga 'to pero daig pa ako kapag usapang landian. Ewan ko saan nagmana 'tong si Gera, hindi naman maharot si Tita Shey ah, pero itong anak niya? Kay bata-bata pa maharot na. Pumapasok sa loob ng bar kasama sina Mina at Shaira.
"May gagawin ka ba bukas?"
"Bakit?" napapansin kong madaldal din ang isang 'to. Tanong ng tanong.
"Wala lang." sagot niya at binalik ang atensyon sa ginagawa. Nagpakawala naman ako ng malalim na hininga at nag tipa ng mensahe sa kaibigan ko. Kamusta na kaya ang mga haliparot na 'yon, miss na miss ko na din sila. Hindi kaya sila nahuli nina Tita? Strict pa naman si Tito Lucas.
"Sama ka night out mamaya, Eke?"
"Huy girl, saan ka?"
"Pumunta kami sa bahay niyo wala ka du'n."
"Ano na?"
"Ekiela, magulo ang bahay niyo nu'ng pumunta ako du'n. Walang tao. Anong nangyari? Saan kayo?"
Mabilis akong napabangon mula sa kama ko nang mabasa ko ang huling mensahe ni Gera. Anong nangyayari?
"What happened, Gera? Kamusta sina Mommy at Daddy? Are they still alive?"
Alam kong maraming mga kalaban ang parents ko. Hindi lang sa trabaho kundi sa aktwal talaga na buhay. Hindi ko alam kung anong kailangan nila sa pamilya namin basta sigurado ako na gusto talaga nilang patayin kami. And I'm not ready for that. Kamusta na kaya sila Mommy ngayon? Where are they?
Hindi ako mapakali habang hinihintay ang mensahe ni Gera. Ang tagal!
Kinakabahan na ako. Paano kung nakuha ng mga kalaban ang parents ko? Walang sasagip sa kanila, shit!
"Answer me, Gera!"
"Ohmygod."
Umupo muli ako sa kama. Nanginginig na ang mga kamay at paa ko. Nanlamig na din ako. Hindi talaga ako mapakali. Mukhang napansin naman 'yon ng kasama ko, kumunot ang kaniyang noo pero sinawalang bahala ko na lamang. Kinakabahan na talaga ako.
"Are you okay?"
*Ting!*
Mabilis kong kinuha ang phone ko nang mag ring ito. Agad kong binasa ang mensahe ni Gera. Napamura pa ako sa isip ko dahil pang jejemon pa ang kaniyang typing. Ang daming emoji.
"May nakapasok daw na magnanakaw sa loob ng bahay ninyo. Napa-away daw ang mga kasambahay ninyo. Nakauwi narin sina Tita at Tito, safe and sound. Ikaw, mag-iingat ka diyan, Eke. Hindi ako kumbinsido na magnanakaw lang 'yon dahil nakita ni Mina na may bahid na dugo ang kamay ni Tita nang makauwi ito. I think napalaban sila?"
"Kamusta sila?"
"Maayos naman. Huwag kang mag-aalala, Eke. Huminahon ka muna, okay? Matulog kana. I love you! 💗😘💗💗."
Napabuntong hininga ako. Gusto kong kausapin sina Mommy at Daddy, but I chose not to. Baka nga hindi magnanakaw ang mga iyon, baka inaasikaso na nila 'yon ngayon. Hindi kasi basta-basta ang parents ko. Magaling silang makipaglaban sa mga kalaban. Magaling din sila mag tago ng sikreto mula sa mga tao. Hindi naman sila, ginagawa lamang nila iyon para sa kaligtasan ng lahat. Nakakatakot man ay kailangan kong tatagan ang aking sarili.
"Are you really okay?" Nabaling ang tingin ko sa kasama.
"What's your name?" tanong ko. Ngumiti naman siya at nilahad ang palad sa harapan ko. Napasinghap naman ako roon.
"Skyla,"
Tinanggap ko ang kamay niya. "Ekiela." Nakipag-kamay ako sa kaniya. Sabay naman kaming tumango at bumalik sa ginagawa. Hindi naman halata na medyo cold kami sa isat-isa ano?
Bumalik muli ako sa higaan ko. Nilagay ko sa ilalim ng unan ang phone at pilit pinapakalma ang sarili. May pasok pa ako bukas, may tiwala naman ako sa kakayahan nila Mommy at Daddy. Malakas sila, hindi iyon basta-basta mapapatumba ng mga kalaban.
"Ugh!"
"Is there something wrong?"
"I can't sleep."
Umupo ako. "Are you hungry?"
"Little. Why? You want to eat outside? I haven't take my dinner,"
"Kakain ka?"
"Why not?" Tumayo siya sa kinauupuan niya. Sinara niya ang kaniyang laptop at kumuha ng coat sa kama.
"Let's go?"
Bumaba narin ako mula sa kama. Sabay kaming lumabas at tinungo namin ang malapit na restaurant. Marami paring mga students hanggang ngayon. Kumakain sila. Ang iba naghaharutan pa. Naalala ko tuloy si Gera, masyado talaga 'yung maharot. Hayst.
Pumasok na kami ni Skyla sa loob at napili naming umupo malapit sa pintuan. Akmang uupo na sana ako nang mahagip ko ng tingin 'yung lalaking nambwesit sa akin kaninang umaga. May kasama siyang lalaki na naka leather jacket. Nagtatawanan sila? Or siya lang?
"Ekiela, anong sa'yo?"
"Kung anong sa'yo, Skyla."
"Are you sure?"
"Oo." Binalik ko muli ang tingin sa kanila. Nagulat pa ako nang mag tama ang tingin naming tatlo. Nakilala ko kaagad 'yung kasama niya dahil siya 'yunv nakausap ko kanina. Wala man lang gulat sa mukha niya sa halip ay wala 'yong emosyon.
Siya kaya ang kaibigan ng lalaking 'yon? How?
"Do you know them?" Napaiwas ako ng tingin at humarap kay Skyla.
"Who?"
"Them."
"No, I don't know them." mabilis na sagot ko at hindi na muling tumingin sa pwesto nila. Geez.
"Farid Lemercier..."
"Huh?"
"His name."
F-Farid?
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top