Chapter 9

DEATH BATTLE DAY 4

Gyza's POV

"Aray!" angil ko nang may umapak sa paa ko pero hindi ko s'ya nilingon dahil sobrang sakit ng paa ko.

"Ang sakit!"

"'Wag mo kasing ilagay 'yang paa mo diyan. Tanga!" mataray na sumbat nito tapos umalis. Dahil duon umangat ako nang tingin, pinagmasdan ko siyang papalayo habang hilang-hila ng babaeng naka sky blue na damit. Bakit ganu'n 'yong suot niya? Pinayagan ba siyang ganiyan ang suot?

Binalik ko na lamang ang tingin ko sa Battle space. Maya-maya magsisimula na 'yong laban, at hindi ko alam bakit kinakabahan ako.

Andito si Premo kanina pero agad ding umalis dahil kasali daw s'ya sa death battle. God! Ako 'yong kinakabahan sa kanila eh, ibubuhis nila ang buhay nila para sa isang ritwal na 'di ko alam kung tama ba ito?

"Good evening! Hidders! Are you ready!"

Isang malakas na hiyawan ang narinig ko, tuwang-tuwa sila na may magbubuhis ng buhay. Ganiyan sila ka demonyo. May konsensya pa ba sila? Para namang walang mga puso, kung hindi dahil kay Abby asa naman ako na pupunta pa ako rito.

But I need to save her, my bestfriend. Ba't ba kasi andito si Abby, at may plano pa siyang makipag patayan! Parte kaya s'ya ng isang gang? Pero paano?

"Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa! Ipapakilala ko na sa inyo ang lalaban ngayong gabi!"

Isang malakas na hiyawan na naman ang narinig ko. This time kapansin-pansin ang excitement sa mukha nila. Ako naman ay nanatiling tikop ang bibig at nakayuko ng bahagya. Ayokong may makakilala sa'kin dito dahil paniguradong gulo ang aabutin ko.

"Let's start from the student council! Mhegan Lopez! Vice president of HU!"

Inangat ko ang tingin ko, s'ya 'yong babaeng mataray na winarningan kaming dalawa ni Abby. Hindi na ako magtataka kung bakit andyan s'ya dahil masama naman talaga ang ugali niya.

Umakyat s'ya sa battle space at wala man lang pinakitang emosyon, kita sa malaking screen ang pag irap nito sa hangin. Ang ganda niya kahit medyo mataray. At alam kong hindi lang ako ang nakapansin sa kagandahan niya.

"She's beautiful!"

"Yeah, she is!"

"Tapang niyan pre!"

"Malamang council 'yan eh!"

"Ba't hindi si pres?"

"'Wag mong banggitin 'yon baka putulan ka ng dila no'n!"

Gusto kong matawa kaya lang hindi na natuloy dahil may tinawag na namang aakyat sa stage, this time seryoso na ang mukha ko. Hindi ako nababagay sa lugar na ito pero pipilitin kong makibagay.

"From Bloodlust! We have! Seane Tam! Leader of the Empire!" sigaw ng speaker at lumakas na naman ang hiyawan. The woman in black enter the battle space without emotion on her face. She's badass and pretty as well.

"Ganda pre!"

"Gusto ko lahat babae ang lalaban!"

Tumikhim ako. Ba't ang iingay ng mga 'to?

"From the Omega! We have Troy Thaniel Cole! Also known as Devils!"

At mas lalong nag hiyawan ang lahat kesyo nga ang gwapo daw ng Thaniel na ito, s'ya rin walang kangisi-ngisi sa camera, mariin, malamig ang titig niya. He's good looking too.

"From the! Princess Scorpion! We have Abby Gonzales!"

Ano...Ano daw?

Nagpalakpakan ang mga tao, pero tila nanigas ako sa kinauupuan ko, shes part of the gang! How come, Abby? I thought you're innocent just like me but... You are not...

Hinarap sakan'ya ang camera ganu'n din s'ya walang ka ngiti-ngiti, ibang-iba ang kaniyang mukha. Why, Abby?

"4 gangs lang ang lalaban ngayon dahil next week ang iba! So ang pinakahihintay ng lahat! From Royalties the long long long lost Gang! We have Premo Axe Dallas!"

Tulala.

"Damn! Leader ng royalties 'yan ah"

"Gago pre bumalik na sila!"

"Tangina!"

"Wahh ang gwapo niya talaga!"

"Da...Dallas!"

Son of the owner. Premo Axe Dallas the one and only. Hindi ko mawari kung saan ako nagulat sa dalawa, kay Premo ba or kay Abby. Tinapat sakanilang lahat ang camera, this time kitang-kita ng lahat kung paano manlaki 'yong mga babaeng sasabak sa laban.

"May ari kinalaban eh!"

"Balita ko magaling 'yang si Dallas!"

Thaniel smirked form in his lips while the other girls? Tila nag-iisip. What the hell is wrong with them? Tila mas ako 'yong natetensyon sa kanila. Premo, you must be something! Please don't hurt my Abby, you promised.

"Anong pakiramdam na bumalik ka muli rito, Mr. Dallas?" tanong ng speaker kay Premo na malamig lang tumitig sa screen.

"Hell." sagot niya habang may malalim na tingin sa screen. Feeling ko ako 'yong tinitingnan niya. Feeling!

Dahil sa sagot niya, wala ni isang humiyaw bagkus tumahimik lahat. Hindi nga basta-basta ang anak ng may ari ng school na 'to. Wala siyang jacket na sinuot ngayon na nagpapahiwatig na Royalties s'ya dahil pinasuot niya sa akin. Naka puting shirt lang ito at nakaprinta ang pangalang... Aniah... At may mga design ito na nababagay sa damit.

Who's Aniah?

"Mhegan and Seane will face the first battle! Let the battle begins!"

Nakatingala si Mhegan sa screen, ngumisi ng mapakla, habang si Seane naman umirap at niluwa 'yong bubble gum na kinakain nito. Biglang tumunog ang alarm para mag simula na 'yong laban.

Akmang lalapitan na sana ni Seane ang lamesa na may mga punong weapons nang hilahin ni Mhegan ang kaniyang buhok. Namilipit sa sakit si Seane pero agad ring nakabawi, sinipa niya si Mhegan sa tiyan kaya't napaatras ito pero agad ding gumalaw si Mhegan, tumalon s'ya sa railings ng field 'saka sinuntok ang mukha ni Seane na sapol naman.

"Ow! Grabe pre!"

Napadaing si Seane at masamang tinitigan si Mhegan, but Mhegan smirked at inangat niya ang paa para sipain si Seane but...Sinangga ni Seane ang paa ni Mhegan, pinaikot niya ito at tila nag ta-taekwondo na sila, tumilapon si Mhegan, tanging paa niya lang 'yong nakakapit. Muntikan na siyang makalabas sa field

Kapansin-pansin din ang dumudugong ilong ni Seane at 'yong bibig naman ni Mhegan dumudugo rin. Hindi magtatapos hanggang walang namamatay. Since Premo is the owner, pwede niya naman itong itigil right?

"Fvck you! Lopez!" galit na sigaw ni Seane tsaka s'ya kumuha ng kutsilyo sa mesa at ginalusan ang pisnge ni Mhegan. Napasinghap ako. Damn! Namimilit sa sakit si Mhegan pero agad niya ring itong sinipa kasabay nito ang pag sakal sa leeg ni Seane.

"Fvck you too!" iritadong sambit ni Mhegan 'saka binagsak patiwarik si Seane kaya't tumilapon ito palabas ng field. Tatakbuhan pa sana ni Mhegan si Seane para makabawi sa panggagalos nito ng isang dagger 'yung dumamplis sa kaniyang braso.

"Fvcking shit!" mura niya. And there I saw Abby playfully smiling at Mhegan. Bugbog sarado na si Mhegan. Kakayanin niya pa ba? Stop it Abby please.

Akmang susugod na sana si Abby nang may sumigaw.

"THANIEL AND PREMO! YOU'RE NEXT! Abby, leave now!"

"Ay sayang!"

"Laban na nila Premo!"

Hindi ko na pinakinggan ang iilang sinabi nila dahil nagmamadali akong lumabas, sasalubingin ko si Abby sa labas ng bloody room.

"Royalties?!"

"Oo gago ka ba! Sila ang susunod na lalaban!"

Nagmamadali akong lumabas. Nag pasya ako na sa isang puno ako maghihintay, kaya lang? May humawak sa bewang ko na kinakaba ko ng husto.

"You smell so good baby...You're here again..."

I stunned again.

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top