Chapter 8
DEATH BATTLE DAY 3
Kizzy's POV
"Kizz, hindi ka pa pwedeng lumabas ng clinic sabi ng Mommy niyo at kapatid niyo po," saad ng Nurse habang hinahawakan 'yong kamay ko para pigilan ako sa pag alis.
"Bibitawan mo ba ako or bibitaw ka?" mataray na tanong ko tapos sinamaan s'ya ng tingin, ngunit nag mamatigas pa s'ya at sapilitan niya akong hiniga.
"Kizzy hindi pa talaga pwede! Mananagot ako sa mommy mo!"
"Ikaw ang mananagot sa akin kapag makawala ako rito! Tandaan mo 'yan!"
"Sorry po talaga, Miss Kizzy, hindi po talaga pwede eh." sambit niya tapos may kinuha siyang bagay sa drawer at nilapit niya ito sa akin pero sinuntok ko ang mukha niya kaya napaiwas ito sa akin. Hinawi ko ang mga nakasabit sa katawan ko ganu'n din ang benda sa ulo ko. Medyo masakit pa pero tiniis ko talaga ang sakit dahil kailangan kong lumabas dito.
"Miss Kizzy!" sigaw niya nang makalabas ako sa clinic. Hindi ko s'ya pinansin bagkus tinungo ko ang daan papunta sa Death room, kung saan magaganap ang death battle.
Hindi pwedeng wala ako roon, gusto kong masaksihan ang mga mangyayari.
Habang papunta ako duon, sari-saring mga ingay ang naririnig ko. Niyakap ko nang mahigpit ang katawan ko gamit ang mga braso ko dahil nag simula na rin akong manginig sa lamig.
Tinungo ko ang liblib na daan. Bumuntong hininga ako sabay kagat labi dahil naramdaman ko na naman 'yong hapdi ng ulo ko, damn! Shit! Pag malaman ko lang talaga ang gumawa nito talagang tapos ang buhay niya sa akin. Ang kapal talaga ng mukha nila na kalabanin ang isang LOPEZ. Baka nakakalimutan nilang sampid lang sila dito sa University.
Akmang tutungo na sana ako sa isa pang daan nang may biglang humila sa'kin tsaka sinandal ako sa pader na kinagulat ko. Nagpumiglas ako para bitawan niya kaya lang tinakip niya sa bibig ko ang kaniyang kamay kaya't napaharap ako dito, may panyong pula s'ya sa kanyang bibig, pero ang talagang umagaw ng pansin ko ay 'yong maladagat na mata niya, tila nilulunod ako nito, tila may pwersang pumipigil sa akin habang nakatitig ako sa mga mata niya. Sino ito?
"Hmmmp! Hmmm!" Nagpupumiglas akong muli.
"Fvck! Shut the fvck up!" hiyaw nito na may halong iritasyon pero kalmado naman ang boses niya, 'yong tipong kaming dalawa lang ang makakarinig.
"You're not heal yet, bakit ang tigas ng ulo mo?" inis na tanong nito tapos tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko. Habol hininga naman ako at sinamaan ko s'ya ng tingin.
Sisipain ko na nga sana ang sikmura niya nang pinigilan niya 'yong paa ko.
"Wrong move woman. If I were you, hindi ko 'yan gagawin. Tsk!"
"Ano ba kasing kailangan mo sa akin? Kung wala ka namang sasabihin or kailangan? Pwede bang umalis na ako? Pwede? Pwede?" inirapan ko s'ya ng todong-todo at tinalikuran ko na s'ya. Tsk sino ba kasi 'yang lalaking 'yan? Basta-basta na lang ng hihila. Di niya ba ako kilala?
"One move, one step...Mali."
"Oh shut the hell up you moron!" asar na sigaw ko tapos sinipa ko 'yong panga niya sanhi nang pagtanggal ng kaniyang panyo. Pinagmasdan ko s'ya ng mabuti pero napamura ito.
"Damn it!" galit na mura niya tapos tumakbo ng mabilis, naiwan ang kaniyang pulang panyo. What the hell?! Who is he?
****
"Damn! Si President andito!"
"Magaling na s'ya?!"
"Mukhang hindi pa dahil parang namimilit eh,"
"Ang ganda niya parin."
Huminto ako sa paglalakad, kinuyom ko ng dahan-dahan ang kamao ko tsaka ko sila hinarap lahat. Napaatras naman 'yong mga babae ganu'n din 'yong mga lalaki na tila nakakita ng multo sa kanilang harapan. Pinagsiklop ko ang mga braso ko tapos tinaasan sila ng kilay.
"Nagbu-bulungan ba kayo?" tanong ko habang masamang tumitig sa isang babae. Mukhang iiyak pa yata ah.
"H...hin,"
"EH ANO 'YANG GINAGAWA NINYO?! NAGAGAGUHAN?! Nabasa niyo ba ang rules ko? Kapag narinig ko pang bubuka 'yang bibig ninyo tungkol sa akin papatayin ko kayong lahat! Naintindihan niyo!"
"Oo President!"
"Opo!"
"Oo!"
Tsk. Ang sarap talaga nilang pagsasapakin lahat, kung hindi lang talaga ako endured ngayon siguro sinapak ko na silang lahat. Ang kapal ng mga mukha na pagchi-chismisan ako gayong rumarampa ako? Baka nakalimutan nilang ako parin ang pangulo rito, isang pitik lang liliparin na sila.
Nang makapasok na nang tuluyan sa loob, iba't-ibang ingay ang bumungad sa'kin. Iniwas ko ang mga tingin sa ibang taong narito, ang iba ay kapansin-pansin ang suot nilang t-shirt na may mga name ng gangs at may banner pa. Seryoso? May cheering ba? Umirap ako 'saka hinanap ng mata ko ang mga kasama, kaya lang? Sa isang malaking battle space napunta ang mata ko. Mula sa kinatatayuan ko, isang flatscreen Tv ang nasa gilid ng battle space, sa harap nito ay may mga upuan kung saan naroroon ang host or ang gaganap sa ritwal na 'to. Fvcking ritual.
Magkasunod-sunod ang upuan, halos may mga gangs lang 'yong pumapasok dito, 'yung ibang walang gangs or 'yong walang mga paki sa mundo, nanatili lang sila sa kanilang dorm. Ngayong gabi duguan ang mangyayari.
Sa loob ng battle space. May malaking lamesa, iba't-ibang mga weapons ang naroon. Kutsilyo, dagger, katana, malas mo kung hindi ka marunong gumamit ng isa sa mga weapons. Well, to tell you honestly hindi ako gumagamit ng ganiyang weapons, mas prefer ko ang self defense at Archery.
May malaking timer din sa itaas. Talagang pinagplanuhan nila ang lahat ng ito. Humakbang muli ako nang ilang dangkal, merong nakakilala sa akin pero hindi nila binanggit ang pangalan ko bagkus binibigyan nila ako ng daan.
"Ate!" Napatigil ako sa pag rampa ng marinig ang boses ni Mhegan.
"You're not heal yet! What are you doing here?" Pinagmasdan niya pa ang buong katawan ko at bahagyang tumaas ang kilay. Pero s'ya naman sinamaan ko ng tingin.
"Bakit suot mo ang t-shirt na 'yan? Don't tell me ikaw ang lalaban sa council, Mhegan?" mariing tanong ko. Napakamot s'ya sa noo niya at imbis na sagutin ako, hinila niya ako papunta kung nasaan ang iilang student council.
"Aray!" hiyaw ng isang babaeng naka jacket. Tumingin ako sa kaniya, ngunit umagaw sa pansin ko ang jacket na suot nya. Royalties?
"Ang sakit!"
"'Wag mo kasing ilagay 'yang paa mo diyan. Tanga!" inis na bulalas ko. Umirap naman si Mhegan, bakit ba kasi hilang-hila niya ako. Kaya ko naman maglakad.
"Royalties 'yon 'di ba? Kailan sila dumating?" pairap na tanong ko. Hindi ako nagkakamali royalties 'yun. So bumalik na talaga sila?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top