Chapter 6

DEATH BATTLE DAY 1

Mhegan's POV

"Is she feeling alright now?" tanong ko kay Nurse Kia habang pinagmamasdan ko ang ate ko na nakahilata sa kama habang putlang-putla ito. Kinuyom ko ang kamao ko para pigilan ang nararamadaman ko, how dare them mess up with us?!

Nurse Kia smiled at me and she nodded. Bumuntong hininga ako at 'saka ko nilapag ang mga prutas na pinadala ni Mommy at Daddy. Lumabas kasi ako sandali ng University para kunin itong mga pagkain, hindi ko na sila pinapasok dahil magiging issue na naman 'yong magulang namin.

"She's fine now, pero kailangan niya ng pahinga. Medyo malakas ang impact ng bato sa kaniya sa ulo."

"Mananagot talaga 'yung may gawa nito," matigas na sagot ko na kinangisi lang naman ni Nurse Kia 'saka ito tumango sa'kin bago umalis.

Hinarap kong muli si Ate. May benda ang kaniyang ulo at may kakaunting dugo rito. Dahan-dahan kong hinawakan ang kamay niya tapos nilagay ko ito sa aking pisnge.

"Everything will be alright sister. I swear they will fvcking pay for this bullshit," bulong ko.

Ang kapal ng mga mukha nila na kalabanin ang council, hindi ba nila alam na parang nakipag patayan sila sa demonyo? We are not only humans, meron ding demonyo na nakasapi sa amin. Once you wake it up? You'll regret.

I closed my eyes, then kinuha ko 'yong phone ko sa bulsa ko upang tawagan ang ibang co-members ko.

***

"So ayos na ba siya?" Dria asked me while looking at the window. Nasa A7 section kami ngayon, kunti lang kami dahil halos mga nerds kasama namin. Pero mas okay na 'yun kaysa naman classmates namin 'yong mga naghaharian na gangs dito, palibhasa mga hambog at walang kwenta.

"Yeah she's fine, kailangan niya lang ng konting pahinga,"

"Good. Anyway? Sino ang lalaban sa'tin para sa death battle?"

Fvck! Napamura ako sabay sabunot ng buhok ko. I forgot na ngayon pala ang deadline ng representative per-section, at tila walang kainteresado itong mga ka klase namin dahil busy ito sa kaka-aral ng lesson namin. Umirap ako sa hangin, actually dapat si Ate 'yong haharap sa death battle. Pero dahil may nangyari? Ako na ang gagawa ng patayang laban na 'to.

"Ako na ang haharap," walang pag alinlangan na sagot ko. Walang bakas na gulat sa mukha nila, bagkus ngumisi lamang sila tsaka pinagpatuloy na iyong mga ginagawa. Tss.

"Kaya mo na 'yan, ang galing mo kayang mag self defense," sabi ni Ashley.

"Yeah, pero pag may mga armas du'n? Pumili ka ng nababagay at komportableng hawakan." usisa din ni Zaire.

"Sino-sino kaya 'yung makakalaban ko?" Kunot noo kong tanong. Nagbabaka-sakali lang naman, baka mamaya niyan mahihina pala 'yong kalaban ko at ako lang iyong malakas. Ayaw ko naman maging unfair sa lahat.

"Malalaman mo 'yan kapag nasa battlefield kana, Mhegan. Sige mauna na ako sa inyo ha, print ko lang 'tong documents ng mga newbies," paalam ni Dria sabay kaway sa amin. Kumaway na lang din kami at ako naman, sumimangot.

"Kayang-kaya mo 'yan Mhegan, 'di ka naman takot mamatay 'di ba?"

"Tsk, bakit naman ako matatakot aber?" mataray na tanong ko sabay irap sa hangin. Sinimulan ko na ding tapusin iyong assignment ko, ipapasa ito mamaya dapat matapos ko na agad 'to.

"Pero bali-balita, andito na ang Black Omega. Baka nasa kanila ang ibang representative ng ibang section. Lalo na sa Red sparrow. Gosh!" hiyaw ni Ashley.

Oo nga naman. Kararating lang ng BDO pero umaapaw na ang kasikatan nila. Malalakas din sila at sila ang kinatatakutan sa loob ng University. Marami ring nagkakagusto sa kanila, pero si Daze lang yata ang paiba-iba ang babae. Si Mark naman medyo playboy, pagkatapos mahalikan ang babae iiwan agad. What the fvck right? Hindi ko na sila kailangang ipakilala lahat, sa totoo lang wala silang kwentang lahat.

"Tss, pakialam ko sa kanila."

"Ay ewan ko sa'yo Mhegan napaka-bitter mo talaga! Alis na nga! Kanina pa ako naiinis sa'yo eh!"

"Mga putangina ninyo!" sigaw ko 'saka ko niligpit ang gamit ko. Talagang dito pa talaga kami sa loob ng room nag sisigawan. Sabagay wala rin namang kwenta ang Teacher namin.

Basta mag le-lesson lang s'ya okay lang naman kahit halos walang nakikinig. Pwera sa akin na mabait na nga matalino pa. Aangal ka pa?

***

Gyza's POV

"Ano ba kasi ang nangyari kagabi?" blanko kong tanong kay Abby habang sinusuklay ko ang buhok ko. Ang huli ko lang kasing natandaan ay kumain kami ni Abby sa canteen at 'yon na 'yun. Masakit pa nga ang ulo ko pero pinipilit ko talagang tumayo kasi may pasok kami ngayon.

"Nakalimutan mo! Diyan ka lang naman sa pintuan natulog, grabe ka naman, Gyza," mataray na usal nito.

"Sorry naman ah, nakalimutan ko na kasi." sagot ko at inayos ko na ang neck tie ko ganu'n din ang napakaiksi kong palda. Arghh kainis.

"Sa susunod 'wag ka nang humiwalay sa akin pag gabi, ako ang natatakot sa'yo eh."

Kahit na wala talagang maintindihan sa sinasabi ni Abby, hinayaan ko na lamang s'ya. Nag hiwalay ba kami ni Abby kagabi? Bakit parang wala akong maalala?

"'Wag muna isipin 'yun, ang mahalaga 'wag tayong magpa-late at baka masapak na talaga tayo ng council,"

Tama! Bigla ko tuloy din 'yon nakalimutan. Mabilis kong inayos ang bag ko, kumuha ako ng tinapay sa itaas ng lamesa 'saka ito sinubo, hinila ko na rin si Abby na kukuha sana ng tinapay. Konting oras na lang male-late na talaga kami.

"Shit! Kumakalam sikmura ko!"

"Pigilan mo Abby, mas mabuting makarating agad tayo ng room."

"Hays oo na nga."

Panay ang takbo namin ni Abby papuntang room namin, medyo marami-rami pa naman ang lumalakad. Pero ayoko nang ma late, bahala sila sa buhay nila diyan! Basta ako sisiguraduhin ko ang buhay ko.

"Teka lang!" sigaw ni Abby pero hindi ako nakinig. Alam kong mamamahinga na 'yan. Bakit ba kasi ang layo.

"Teka lang, Gyza! Bumalik ka rito!"

Inis akong huminto

"Ano ba kasi ya.... Holy motherfvcker?!" mura ko ng may paparating na kutsilyo sa harapan ko. Napakapit ako sa braso ni Abby habang nangingnig. Pero s'ya? Nanatiling nakatayo, pinagmasdan niya 'yong mga babaeng naka itim at iba ang uniform sa amin. Magaganda silang lahat, kaya lang? Mas nangunguna ang mukhang mataray na babae, dahil sa kurba ng kilay nito. May kani-kaniya silang patalim sa kamay. Pinapaikot pa nila ito na parang nasisiyahan.

I don't know them.

"Bago lang ba kayo rito?" malamig na tanong ng babaeng nangunguna.

"Oo bago lamang kami." maangas na sagot ni Abby sa kanila. Kinurot ko nang mahina ang braso niya, natatakot na nga ako, sasagot-sagutin niya pa itong mga babae.

"Tss, 'di ba may rules ang school na'to? Bawal ang mga basura dito," sagot ng babaeng kulot ang buhok. Mas lalo ko tuloy diniin 'yong pagkaka-hawak sa braso ni Abby.

"Tao kami hindi basura, bulag kana yata," mataray na sagot ni Abby sanhi ng pag diin ng tingin ng leader nila. Dahan-dahan silang lumapit sa amin hanggang sa nasa harapan na namin sila. 'yung leader ay ngumisi ng malademonyo, pero may isa silang kasama na tahimik at tila ayaw ng gulo dahil pailing-iling pa ito.

"You have the nerve to answer me huh? Girls hawakan niyo sa..." bago pa niya matapos ang sasabihin niya, agad na pumagitna iyong babaeng tahimik.

"Stop it, Shynaih. We should go now, baka makita pa tayo ni Mhegan dito," sambit ng babae, so she's Shynaih?

"Tss, pakialam ko sa Mhegan na 'yan! Remember we are the queens here! Salot lang 'yang Council!"

"Shynaih! We should go!" hiyaw din ng isang babae sa kaniyang tabi, mataray ang mukha nito.

"What the fvck? Archea? Bakit takot na takot kayo sa Council?" Kunot noong tanong ni Shy. Bago ulit bumaling sa amin na may masamang tingin.

"Let them go, tara na."

"Ma swerte kayo ngayon." malamig na saad ni Shy, tapos tinalikuran na kami. Bakit ang init ng ulo ng babaeng 'yon?

Sa pagkaka-alam ko wala naman kaming naging kasalanan sa kanila ah. Basta-basta na lang silang sumusugod sa amin, But? Ano 'yong gang nila?

"Mga hampas lupa talaga! Lets go, Gyza baka ma late pa tayo."

Sa pagkakataon na 'to, hindi lang dalawan or tatlo ang gangs na andito, marami sila at lahat sila ayaw sa mga mahihirap na gaya ko. What if they find out that I am poor? What I'm gonna do? Escape? How can I escape.

"Hindi pa ako nila kilala Gyza, humanda sa'kin ang mga babaeng iyon."

****

Someone's POV

"Damn! Really babalik tayo sa loob ng University na 'yun? Are you damn serious Lord?!" angal kong singal. Kasi naman ayaw ko nang pumasok sa Hidden. Basta ayoko lang.

"Are you shouting at me?!" galit na sigaw nito. Umirap na lamang ako at nanahimik, habang 'yong dalawang babae ngumisi, ganu'n din si Calix, tangina!

"I've already told you what my plan is. All of you can't change it."

Damn!

"Ako ang lalaban sa Death Battle." dugtong niya pa kaya naman nanahimik na lamang kami. May plano s'ya at 'di ko alam kung ano 'yon, ano ba kasi! Kainis! Masyado siyang ma sekreto.

*****

I know it's boring. No kilig moments

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top