Chapter 30
Gyza's POV
Tanging iyak na lamang ang magagawa ko. Alam kong masakit mawalan ng mga kaibigan at worst pa, ikaw pa ang pumatay sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Pinagmasdan ko lamang si Kizzy na ngayong walang emosyong nakatingin sa tatlong nakahandusay sa sahig, halos maliligo na sila sa sarili nilang dugo, kumakalat na nga sa buong silid. Tumayo ako at hinubad ko ang damit ko, napapikit pa ako dahil sa mga pasang natamo ko kanina pero kaya ko pa namang sumabak sa laban.
"Kaya mo pa ba? Lalaban pa tayo kapag lalabas tayo sa pintong 'yan." malamig na saad niya. Tumango naman ako tsaka ko kinuha ang damit na nakalatag sa mesa, hindi lang talaga ako makapaniwala sa lahat ng 'to, noong una pa nga sila pa iyong nagdidikta sa mga gagawin ko, at sila pa iyong nagtuturo sa akin kung paano gumamit ng armas. Ngayon? Iniwan na nila kami.
Pagkatapos kong mag bihis, kinuha ko ang kutsilyo na hawak ni Ashley at pana naman sa kamay ni Dria. Kumuha ako ng tubig sa ref tsaka uminom. Sa pag labas namin sa pinto na 'yan aasahan talaga naming mapapalaban kami, ika nga nila walang matitira sa HU. Lalaban kami ng patas, mamatay man or hindi. Tumango ako kay Kizzy nang lingunin niya ako, mukhang nagdududa pa nga s'ya sa'kin baka pagtaksilan ko s'ya pero hindi ko naman gagawin iyon, kung tutuusin wala talaga akong laban sa kaniya at wala akong planong mag traydor gaya na lang ng ginawa ng mga kaibigan niya sa kaniya.
"Mag ingat ka. Sa labas ng pinto na 'yan makakasalubong natin si kamatayan, basta mag ingat ka lang." paalala niya sa akin. Unti-unti niya nang binuksan ang pintuan, napasinghap kami na totoo nga ang sinasabi niya.
Marami nang mga studyante ang naka handusay ngayon sa lupa, duguan ang kanilang mga katawan at ang iba pilit tumatayo, at lumalaban. Inangat ko ang tingin ko, tiningnan ko ang malaking orasan na nakasabit sa gusali ng HU.
8:00pm
Simula na ng labanan. Ganu'n din si Kizzy nakatingin roon bago s'ya ngumiti ng pilit sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko tsaka s'ya yumakap sa akin nang napakahigpit, napaluha tuloy ako. Kasi naman eh! Parang mang-iiwan na siya, parang mawawala na s'ya, hindi ko talaga kakayanin kapag mangyari 'yon.
"Always take care of yourself, Gyza. Ang orasan na iyan ay nakabase sa buhay ko, kailangan kong tapusin ang laban hanggang 12pm lamang. Kapag 'yan ay tumunog? Hudyat na iyon na tapos na ang laban at nanalo tayo. At katapusan na rin ng buhay ko. Sa panaginip."
Hindi ko narinig ang huling sinabi niya. Ngumiti ako at tumango sa kaniya, agad rin naman siyang tumakbo at lumayo sa akin, pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko, hinarap ko ang buong nagpapatayan. May palapit sa'king babae, pulang-pula ang mata niya at may hawak siyang katana sa kamay, tinuro niya iyon sa akin at dinaplisan ang kabilang braso ko, hindi agad ako nakaiwas pero aware naman akong tatama talaga 'yon sa akin. Umikot ako at sinipa s'ya sa sikmura kaya't napahiga s'ya sa lupa, lumapit ako sa kaniya at tinamaan s'ya ng pana sa dibdib, akala ko duon na magtatapos marami pa palang papalapit sa akin, pero bago iyon? May napansin akong mga lalaking nakasuot na mamahaling damit at may iba-'t-ibang mga baril na hawak, may kasama din silang mga babae at namukhaan ko ang isa sa kanila. Si Sapphire!
"Why do we need to help them, Evadne?!"
"Manahimik ka na nga lang at pumatay ka na lang!"
"This is tiring!"
"Shut up!"
Hindi ko na sila pinansin at pinagtuunan ko na lamang iyong limang kalaban ko. Tumalon ako sa malaking puno at pinaulanan sila ng maraming bow, medyo nahihirapan ako dahil sa mga pasang natamo ko kaya hiningingal ko silang napatumba, akma na nga sana akong tatayo nang may humila sa braso ko, natamaan pa iyong galos ko, sobrang sakit!
"What the hell is your problem! Ang braso ko may pasa gago ka ba!"
"Ano ba!" galit na sigaw ko at sinuntok sa mukha ang lalaki na hindi niya naman inaasahan na mangyari. Tiningnan ko s'ya at kinwelyuhan hanggang sa namukhaan ko ang lalaki.
"Zaidon?" tanong ko sabay suntok sa mukha niya.
"Hayop ka! Gusto mo akong ipapatay! Pero bago iyon ako muna ang papatay sa iyong gago ka! Papatayin kita! Dami mo nang atraso..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang hinalikan ako ni Zaidon sa labi na kinabigla ko.
Hindi ako makagalaw.
"Listen to me, kapag nakalabas na tayo ng Hidden University, I promise to myself I'll explain my side to you. I promise. Let me protect you this time! Gyza."
Hindi ako sumagot dahil nasa halik parin iyong isip ko. Sinamaan ko s'ya ng tingin pero tumawa lang ito na mas lalo pang kinatibok ng puso ko, gusto kong maniwala sa kasinungalingan niya pero ayoko na, ayoko na. Mahigpit kong hinawakan ang patalim na nasa kamay ko. Ngumiti ako sa kaniya at niyakap s'ya, kasabay nito ang pag landas ng luha ko galing sa mata.
"Mahal na mahal kita at mamahalin kita habang buhay, Zaidon. Patawad sa gagawin ko." Binaon ko ang kutsilyo sa tiyan niya. Ramdam ko ang pag baon at sakit nu'n sa loob niya. Pero pinatatag ko ang sarili ko, mahal ko siya, mahal na mahal.
"G-Gyza..." hindi ko s'ya pinakinggan pa. Tumakbo ako papalayo sa kinaroroonan niya habang nanginginig ang mga kamay ko. Sorry, patawad, Zaidon. Mahal kita pero ayokong mag traydor kay Kizzy. Kalaban ka at hindi tayo para sa isat-isa.
Pinunasan ko ang luha ko.
Binuksan ko ang earpiece na nasa tenga ko. Boses ni Kian at Daze ang narinig ko.
"ALEXANDRIA!"
"ASHLEY!"
Alam na nilang patay na ang tatlo. Napahikbi ako habang sapong-sapo ang dibdib, sobrang sakit! Tangina!
Kinontak ko si Kizzy kasabay nito ang pag tambol ng orasan ng HIDDEN UNIVERISTY. Kinakabahan ako kaya't mas binilisan ko pa ang pag takbo.
***
Third Person's POV
"Isa...Isa ka ngang demonyo." nahihirapang hininga ni Mhegan habang nakatingin kay Kizzy na ngayong walang emosyon siyang tinapunan ng tingin. Puno ng dugo ang bawat bahagi ng mansyon niya, at patay narin lahat ang mga kalaban pwera kay Mhegan na nahihirapang humihinga hindi tulad kay Skyla na ngayong nakahandusay pa lamang.
"Pinapanggap mo akong ampon sa lahat kahit ang totoo ay isa kang ampon. Ang totoong ampon, hindi ka Lopez." mariing sambit ni Kizzy at sinipa ang sikmura ni Mhegan at tinarak sa dibdib niya ang katana. Lumuhod s'ya, at humagolgol dahil sa sakit!
"AH! Ahhhh!"
Humagolgol s'ya nang humagolgol, masakit sa kaniya na ang tinuring niyang kapatid higit na taon ay s'ya namang papatay sa buhay niya, mahal na mahal niya ang kapatid at kay sakit na mawala ito sa kaniya.
"Tinyraydor mo ako! Bakit! Minahal naman kita pero bakit ganito!"
"Alam mong sa pamilya natin ang mag-traydor ay papatayin! You did it to me! You betrayed me! How dare you do this to me, sister, how dare you!"
Hinawakan niya ang pisnge ni Mhegan "You always told me na lagi akong magpakatatag, always be brave, but what did you do?"
At sa kanilang dalawa. Si Mhegan ang mas matanda sa kaniya. She treasures their memories she had with her sister. But Mhegan chose bad thing than being with her little sister.
Now, she witnessed everything. She killed them. Those people who made a promise to stay with her, but what did they do? Betrayed her. And that was the most painful she felt inside.
Isang putok ng baril ang tumama sa likuran niya. Baon na baon ang balang 'yon sa loob niya. Alam niyang mangyayari ito, ngumisi s'ya ng mapakla.
"Inaasahan ko ang pagkamatay ko." bulong niya kasabay nito ang malakas na pagsabog ng Hidden University at malakas na tunog ng orasan.
Malakas na apoy ang kumalat sa loob ng Hell University. Nagsigawan ang mga studyante sa loob at hinanap ang labasan. Kizzy put the fire on this time.
Ngumiti si Kizzy, naalala niya iyong mga salitang binitawan ng panaginip niya. Akala niya magkakatotoo iyon lahat pero hindi! Nagkakatotoo sa maling pamamaraan pero totoong pangyayari.
No!"
"Premo babe! Premo!"
"Kian ano ba! Ano ba ha!"
"Let them do this, Kizzy! Let them!"
"I killed them. Ako ang pumatay sa kanila."
"Shhh, wala kang pinatay okay? 'Wag ka nang umiyak babe, andito lang ako."
"I am the king of H.U. they bowed their heads to me. Making me happy. But I didn't make them happy, instead? I waved my hands and say goodbye to my beloved kingdom. Hidden University."
"Everyone thinks that I am a fool.
Everyone thinks that I am Useless.
Everyone thinks that I am bitch."
"I am a good leader when it comes to my members...
But... I am not a good leader when it comes to their life...
Life is our hope...
Hope is our life..."
"Punishing them is my thing, my role, my standing position. But making their life miserable is not my role anymore."
"Guys! Hey hey! Dont make this hard for me okay? I'll back! I'll be back!"
"Bakit napaka-unfair ng tadhana, Ashley? Ganu'n ba talaga?"
"Lalaban ako para sa'yo, Mhegan lalaban ako."
"Kizzy, I love you okay? Don't do this to me darling, Mi amor..."
"KIZZY!"
"PREMO!"
The downfall of Hidden University
"Kizzy!" malakas na sigaw ni Ezekiel habang hawak ang sariling baril. Tinakbo niya ang pagitan nilang dalawa ni Kizzy, hindi niya kakayanin kapag nawala ang babaeng mahal niya. Ang babaeng nagpa bago sa kaniya, ang babaeng tumulong sa kaniya paalis sa madilim na nakaraan niya.
"Fvck! Fvck! Kizzy wake up! Baby please!" hindi makapaniwala si Ezekiel. Ito na ba ang huli? Tapos na ba talaga?
Isang butil ng luha ang tumulo sa mga mata ni Ezekiel. Hindi siya makapaniwala na humantong sa ganito ang lahat.
"Kizzy, I love you! Don't do this to me darling, Mi amor..."
Mas lalong lumakas ang apoy na nakapaligid sa kanila ngunit hindi na maramdaman ni Ezekiel 'yon dahil sa sakit na naramdaman. Those fire can't stop his tears, his pain he felt right now. Gusto niyang sumigaw nang sumigaw, but he chose not to. Napaka-sakit na makitang patay na ang taong kaniyang minahal.
"Kizzy..."
The devil cried.
Play a song: Apollo
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top