Chapter 3

Gyza's POV

Maaga akong nagising dahil sa sigaw ni Abby. 'tong babaeng 'to talaga, alam niya bang saturday ngayon? Walang pasok, at kung makasigaw ito daig pa 'yung alarm clock ko, seriously?

"Ano ba, Abby! Patulugin mo muna ako," saad ko tapos akmang hihiga na sana ako sa kama nang may marining akong pagsabog sa ibaba ng dorm kaya't napabangon ako tsaka gulat na gulat na nilapitan ang bintana para hagipin kung saan nanggaling 'yung pag sabog. Teka? Saan si Abby?

Sa labas ng dorm, may nagkukumpulang estyudante sa ibaba, nakapantulog pa 'yung iba at tila nagising din ng maaga gaya sa akin. Tinali ko muna ang buhok ko tsaka napagpasyahan na bumaba para makiusisa na rin. Sa totoo lang takot ako baka andu'n pala si Abby sa pag sabog hindi ba? No, hindi pwede.

Nang makarating ako sa pinangyarihan, nilibot ko ang paningin ko upang hanapin ang tinamaan ng malakas na pagsabog kanina. Pero ni isang biyak man lang wala akong napansin, bagkus naagaw ng attention ko ang limang lalaking nakatayo sa harapan namin, lahat sila ay naka gray na uniform, its symbolize that they are from E6 Section. Kung saan namamalagi ang isang Black Devil Omega, hindi kaya...

"Wahhhh! The BDO gang is here!"

"This is a good news to us!"

"I'm getting crazy na naman hoooo!"

Hindi ko sila masisi kung ganyan sila sa limang lalaking ito, well, pormang-porma sila at mas lalong may angking mala-adonis na mukha. Sobrang puti ng kutis, 'yung tipong kahit kulubot wala talaga, at ang buhok nila ay ayos na ayos na parang nagpa-salon pa. Hanggang dito sa pwesto ko amoy na amoy ko pa ang pabango nila.

Kaya lang sa kanilang lahat isa lang talaga yung natitipuhan ko, I mean 'yung mas lamang talaga 'yung kagwapuhan. Blonde ang kaniyang buhok at naka gray uniform siya. Don't get me wrong ha, pero 'yung kilay nila ay nakakunot at tila may galit sa mundo. Sinundan ko ang tingin nila, humarap ako sa likuran ko, and there I saw another Angels. What the hell? Nakasuot pa ng C4 uniform ang mga ito at classmates ko pa, pero hindi ko sila nakita noong pasukan ah? Nakakatakot 'yung mukha ni...Teka...Oh my gosh! Si Jan Ezekiel 'to right?

'Yung lalaking pinatid ako sa cr. What the! Kailangan ko ng umalis dito dahil nakakatakot talaga ang isang 'yan. Ayoko sa kaniya.

Pero bago 'yun?

"Where do you think you're going, Miss Morphe?" He...Alam niya ang pangalan ko. Pumikit ako ng mariin at dahan-dahang umatras pero may humila sa kamay ko tapos pinaharap ako kay Ezekiel na ngayong walang kahit na anong emosyon sa mukha. Nagsimula na ring manginig ang mga tuhod ko, baka maiiyak na naman ako nito. Damn! Nakakatakot talaga ang mga taong narito.

"Please hayaan niyo na ako. Patawad, hindi na ako magpapakita pa sa'yo, Ezekiel," pagmamakaawa ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin sa halip ay hinila niya ang panga ko at diniin ang pagka-kahawak nito.

"Tsk! Hindi ka parin nagbabago hanggang ngayon, Zeke, napaka low class mo parin," nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang isang lalaking nagsalita. Nanggaling iyon sa kabila. Mas lalong diniin ni Ezekiel ang pagkakahawak sa panga ko sanhi ng pag luha ko. Ang sakit na talaga.

"Please...I'm begging...Let me..."

"Shut the fvck up!" mura nito sabay tulak sa akin palapit sa kaniyang kasama. Kahit anong pilit kong pumiglas ay hindi ako makakatakas. Anong ginawa ko sa inyo! Bakit niyo ako ginaganito?!

"Haha bagay lang 'yan sa kaniya, nilalandi kasi si Ezekiel eh,"

"Actually, mas bagay kung si Kizzy ang nasa kinatayuan niya, bruha ang isang 'yon eh,"

"Wait speaking of? Saan na ba 'yung gagang 'yon? Natakot na ba? Haha weak talaga puro lang satsat."

Sa kabilang panig, nakita ko ang tatlong nang bully sa akin. Umirap sila sa akin at may kasama pa itong tawa. Yumuko na lamang ako at wala ng lakas para pumiglas pa, tanging ang nagawa ko na lang ay manood sa dalawang grupo na nasa gitna. Tumitig ako sa kabila at hinanap ng mga mata ko ang isang lalaki, nagulat ako nang mag tama ang mata namin. Sinamaan niya ako ng tingin kaya't napaiwas ako.

"Nawala lang kami saglit, bully ka na agad?" natatawang sambit ng naka blue na lalaking kasama ng black devil omega. Sa pagkakataon na 'to sa BDO ako sasampa at hindi sa lalaking demonyo na 'to. Arghh! Where's Abby?!

"Nawala rin kayo saglit naging guko na agad 'yang leader niyo. Ano pre? Okay ka lang ba?" pabalang na sagot ni Ezekiel sa kanila na kinataas ng kilay nung dilaw na lalaki, which is 'yung lalaking iniidolo ko.

"Yes, I'm totally fine, Zeke. How about you? You're still weak," matigas na sabi ni...Zaidon? 'Yun ang nakita ko sa name patch niya.

Ang ganda ng pan...

*PAK!*

"Aray!" angil ko nang may sumampal sa mukha ko na hindi ko inaasahan. Maluha-luha akong humarap sa taong 'yon. I saw Alice smirking at me, what the fvck?! How can I protect myself gayong hawak parin ako ng kasama ni Ezekiel. Wala siyang pakialam kung anong mangyari sa'kin. Well, sino nga ba ako? Sa pagkakaalam ko isang mahirap na palaboy lang ako rito.

"Its time to play, Gyza, are you ready?"

"Please stop this! Stop th..."hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinablot niya ang buhok ko paitaas kayat tumayo ako at pilit na hinahawi 'yung kamay niya. Parang mapupunit na ang anit ko dahil sa ginawa niya, ang sakit-sakit na talaga.

"Haha in your dreams! Tapos ka sa amin ngayon. Buti na lang at binigyan kami ng permiso ni Zeke na gulpihin ka habang may kaaway iyon,"

"Gaga ka kasi eh! Landi-ladiin ba naman kasi ang Zeke namin,"

Ang sakit ng ulo ko. "Hindi ko nilalandi si Ezekiel kung 'yan ang iniisip ninyo!" sigaw ko tapos tumitig ako kay Zaidon baka sakaling tulungan niya ako, pero napaiwas agad ako dahil isang malakas na sampal naman ang tumama sa mukha ko. It hurts like hell!

"Ang lambot ng mukha natin ah, pasampal nga ulit haha!"

"Haha oo nga naman!"

"Hampas lupa yata 'yan! Pasampal din ako, Alice."

Nalasahan ko ang dugo na nanggaling sa bibig ko. Hindi na ako nag abala na punasan ito lalo na't pati kamay ko ay hawak nila, hindi ako makagalaw. Tila isang pelikula ang nangyari ngayon, maraming mga taong nanonood at wala man lang silang ginawa kundi humiyaw at tumawa gaya na lamang ng ginagawa nina Alice.

"Pag lumapit ka pa kay Zeke, hindi lang sampal ang matiti..."

"AT PAG HINAWAKAN MO PA ANG BABAENG 'YAN, HINDI LANG RED SLIP ANG MAKUKUHA MO SA AKIN, MISS ARIA, TATANGALAN KITA NG DALIRI!"

Dahil sa sigaw ng babaeng 'yon, lahat natahimik. Agad nila akong binitawan, napahiga ako sa sahig dahil wala na akong lakas para bumangon pa.

Tumingin ako sa gawi ng black devil omega gang. Ngayon ko lang napansin na nagsusuntukan na pala sila, dumudugo 'yung noo ni Zaidon samantalang putok naman 'yung labi ni Ezekiel, hindi ko napansin ito.

***

Kizzy's POV

"Mhegan, Dria, please sue that three bitches, and you, Ashley, take care of Miss Morphe." utos ko sa mga kasamahan ko. Sinunod naman nila ako tapos hinawakan na ni Mhegan 'yung tatlong gaga na ngayong panay ang pagpumiglas nila, pero dahil matangkad si Mhegan walang-wala sila. Si Ashley naman inalayan si Gyza na walang malay. Gulo ang buhok at nag durugo ang kaniyang labi.

Tumango ako kay Ash nang tumingin ito sa akin. Muli akong humarap sa dalawang naghaharian na gangsters dito sa loob ng University. Pinagsiklop ko ang braso ko at taas noo akong lumapit sa kanila. Hindi ko sila sisitahin, bagkus hahayaan kong masira ang mga mukha nila, mas bagay 'yon sa kanila. Ano sila bata pa para sawayin? Yeah, I am the government president pero I have my own rules, at wala na kayong magagawa roon.

"Gago ka pala eh! Gago ka!" sigaw ni Zaidon sabay suntok sa panga ni Ezekiel na sapol naman. Tumawa ako ng mahina.

Tamang-tama at saktong-sakto. Bagay lang 'yan kay Ezekiel akala niya siguro palalampasin ko 'yung pagsagot-sagot niya sa akin? NEVER.

"Argh! You piece of shit!" iritadong sigaw ni Ezekiel habang mariin na tinitigan si Zaidon, actually silang dalawa lang talaga 'yung nag-aaway. 'Yung ibang mga kasama nito perenteng nakaupo sa damuhan at kinuhanan pa sila ng litrato.

Sabagay, laro lang naman nila Zaidon at Ezekiel 'to, kung sa iba patayan na.

"You don't have the right to hurt her or touch her! How dare you, Ezekiel Rockwell! I won't forgive you this time! "

"I don't need your forgiveness moron! Kainin mo 'yan at nang mabusog ka!"

Talagang matigas ang bungo nitong si Ezekiel, wait? Hindi kaya ang tinutukoy ni Zaidon na Her ay si Gyza?

"This is my school remember...You're just a piece of trash here!" galit na sigaw ni Ezekiel at akmang susuntukin niya na si Zaidon sa mukha nang pumalakpak ako na kinatigil nila.

Si Ezekiel na masama akong tiningnan. Si Zaidon na umirap sa hangin sabay kuha ng tubig na nilahad ng kasama niya. Kawawang Zeke hindi man lang binigyan ng tubig.

"What a nice game! I want to watch more, but sad to say? Sasama kayo sa akin sa Student Council," nakangisi kong sabi.

"ASA! mag lakad kang mag-isa mo!" walang modong sagot ni Ezekiel tapos aalis na sana ito nang hubarin ko ang sapatos ko at binato ko 'yun sa ulo niya. Humarap siya habang may kasamang sama ng tingin. Kuyom pa 'yung kamao niya. Oh my baby Zeke is mad, really really mad. Disgusting.

"You'll come with me or else, Rockwell?"

"Or else what? Sasaktan mo ako? Pagbabantaan ng kung anu-ano? Well, I'm telling you, Miss Lopez, FVCK YOURSELF!"

Tila naglaglag ang panga ko dahil sa sigaw nito.

"Bwesit ka talaga! Pag hindi ka pumun..."

*BANG!*

Bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, may matigas na bagay na tumama sa ulo ko.

Napahiga ako sa damuhan habang unti-unting nawawalan ng malay. Saan 'yon nangaling? Who did this? I swear they will pay!

"Fvck! Fvck! Aiven! Mike! Find them! Dalhin niyo sa akin ang mga tanginang 'yon!"

***

Neara's POV

"Good shot, Neara! Ang galing mo talaga haha," I winked at her sabay tawa na din. Nabagagay lang 'yun sa kaniya, ang dami niya kasing satsat. Porket president nagmamataas na siya? At sisigawan si Zeke?

Walang pwedeng sisigaw sa Zeke ko kundi patay sa akin.

"Look at her haha she fainted. Ang bobo kasi talak ng talak, akala ko ba magaling 'yan?" tanong ni Rylie.

Ayan magaling? Eh ang bobo nga eh. Ginagamit lang ang bibig.

"Wala akong kinalaman sa ginawa niyong 'to sa kanila ha, labas ako rito, Neara. You don't know her yet, basta-basta na lang kayo bumangga sa President ng H.U."

"Her sister will kill us if she finds out." 

May kapatid ang gagang 'to?

****

Hope you really like it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top