Chapter 29
Kizzy's POV
Hindi ako tanga para hindi malaman ang plano mo. Una pa lang alam ko ng traydor ka na, ikaw ang pasimuno ng lahat. Kung mas magaling kang mag panggap sa akin? Mas pinaka ako.
"Maraming mga patay ngayon sa labas ng silid! Ano na ang gagawin natin? Ubos na lahat ng mga nasa classroom! Pati mga guro pinapatay na nila at ang mga tao sa canteen duguan lahat." mahabang lintanya ni Ashley habang pinagmamasdan ang mga taong nagtatakbuhan at pilit lumalayo sa mga taong gusto silang patayin. Malamang ang mga traydor ang may pakana nito.
Sana sa pagkakataon na 'to alam na ni Gyza ang gagawin niya, at sana alam niya na ang lahat tungkol sa eskwelahan na 'to. Tiningnan ko ang hawak ko na baril, ito iyong pangyayari sa panaginip ko, mamamatay ako, walang nakakaalam kung hindi ako lang. kapag babaguhin ko ang panaginip ko, hindi magtatagumpay ang HU kaya't susundin ko kung ano ang nararapat.
Nilugay ko ang buhok ko, tiningnan ko rin ang itim na uniporme ko. May bahid na 'tong dugo ngayon. Nilagay ko sa boots ko ang dalawang pistol at katana naman sa likuran ko, lahat na mga kasamahan ko rito ay nakapaghanda na, ngunit may kasamahan kaming sa ngayong hindi nakapaghanda sa pag lusob namin. Binuksan ko ang tablet na nakakonek sa mansyon at sa hideout ng mga detectives.
"Papasok na si Mhegan sa mansyon, kasama niya si Skyla at iilang myembro ng Black devil omega gang." sabi ni Azea sa earpiece, nakatago s'ya ngayon sa damuhan ng mansyon ko.
"Ikaw na bahalang magmanman sa kanila, nagpadala na ako ng mga tauhan sa mansyon, bantayan mo lang sila." sabi ko na sinang-ayunan naman ni Azea at tinoon niya na ang sniper niya sa kalaban.
Pinalitan ko ang location, nasa labas ng gate ng HU si Hades at Seros, nagmamanman din sila habang may mga tauhan akong nakapalibot sa buong area ng gate, pinalitan ko na ulit. Kay Ezekiel ko tinapat ang camera, napansin niya naman iyon kaya't binuksan niya ang earpiece niya, this damn guy! Hindi ko pa naamin kung gaano ko kamahal ang lalaking ito.
"What do you want? Any something wrong there?" malamyang tanong niya habang mariing nakatingin sa camera.
"Nothing, are you okay? Gusto mo bang magpadala ako ng tauhan diyan? Sina Kian sana at Daze." sabi ko. Sa totoo lang, lahat ng myembro ng RS ay trinaydor si Ezekiel kaya't lumabas s'ya ng HU para magpalipas ng oras. Masakit talaga kapag traydor iyong mga kasamahan mo. Matagal na kasi silang nagkasama.
"No need, I can handle this alone. You better take care of yourself and don't mind me."iyon lang ang sinabi niya at s'ya na mismo ang pumatay ng tawag. Grabe! Ang suplado niya talaga hmp! Pinalitan ko ang camera at tumuon ito kina Aniah at Raine na ngayong, hinahack nila ang mga system na maaring gamitin nina Mhegan dito. May mahalagang bagay na tinatago ang HU. 'Yun ay ang sing sing na ginto na nanggaling pa sa ninuno ni Premo, bilyon ang halaga noon, yayaman ka kapag ipapakita mo lang ito sa kahit na sinong magkakainteres, sinasamba nila ito dahil nagbibigay daw ito ng himala at swerte, kapag may sakit ka? Hihiling kang gagaling ka ay gagaling ka talaga. Hindi ito pwedeng kunin at hindi ito pwedeng mawala sa HU. Mabubuksan lang ang lagusan na iyon kapag dugo ng isang babaylan ang papatak du'on pero mamamatay s'ya.
"Ang likot ng mga kamay ng mga 'to! Ang hirap nilang I-track!" iritadong sigaw ni Raine habang si Aniah naman busy sa pakikipaglaban sa mga kalaban. Huminga ako ng malalim, ito na siguro ang pagkakataon na lumabas at lumaban na kami.
Tiningnan ko ang mga kasamahan ko. Lahat sila ay tumango sa akin, nilabas ko ang katana sa likuran ko at binuksan ko ang pinto, ngunit bumungad sa amin ang duguan na katawan ni Gyza na parang kulang na lang humandusay na ito. Agad kong sinara ang pinto at pinaupo s'ya sa sofa. Damn.
"Gyza! What happened?" agad na tanong ni Zhen at pinagmasdan ang mukha ni Gyza pero mabilis kong pinwesto ang katana ko at tinutok ito sa mukha ni Zhen habang si Ashley at Dria naman gulat na gulat sa ginawa ko.
Si Gyza tumango lang s'ya sa akin.
"Mula't-sapul pa lang may naamoy na akong malangsa diyan sa katawan mo Miss Anderson, may balak ka pang kumuha ng dugo?" tumawa ako ng peke. Bakas naman sa mukha niya ang gulat at ang tunog ng syringe na nagsanhi ng ingay sa sahig. Sabay na tiningnan iyon ni Ash at Dria na gulat na gulat.
"Anong...Anong ibig sabihin nito, Zhen? Nag traydor ka ba sa amin?" bakas rin sa mukha ni Ashley na maiiyak na s'ya at ganu'n din si Dria pero wala akong pinakitang emosyon sa kanila. Traydor ang babaeng iyan at dapat siyang patayin.
"Ibaba mo ang katana mo, Kizzy! Let her explain!" sigaw ni Dria.
"You shut up! That girl is a traitor! Pareho lang kayo ni Mhegan! Gusto niyo akong pabagsakin sa posisyon ko! And then what? Miss Anderson? Aagawin ang sing sing para yumaman ka?! You can't fool me!" galit na sigaw ko at tinutok ang baril kay Dria na tulala.
"Isa ka pa! Nagdududa rin ako sa'yo pero tinuring parin kitang kaibigan! Kayong lahat minahal ko at tinuri kong pamilya! But what did you do guys! All of you back stabbing me! All of you betrayed me! Hindi ko na alam kung sino ang kakampi ko!" galit kong sigaw at pinutok ang sahig na lalo nilang kinagulat.
"I'll give you 30 seconds to explain!" sigaw ko at kay Zhen tinutok ang baril. Pinunasan niya ang luha niya pero hindi ako napatinag, hindi ako maaawa sa mga taong traydor!
"Inutusan lang ako ni Skyla Takashi na mag panggap na Scg members. Sabi niya sa'kin maghihinganti daw siya kasi pinatay ng eskwelahan na 'to ang pamilya ko at ang pamilya niya, kaya nag plano kami, marami kami na pinagkakatiwalaan niyong lahat, plano naming sirain ang HU at nakawin and hidden ring ng eskwelahan."
"ANO PA!" sigaw ko.
"At, patayin ka."
Mabilis kong kinasa ang baril at pinutukan s'ya sa noo.
"Poor you, hindi ikaw ang papatay sa akin." matigas na bulong ko tsaka ako humarap kay Dria na ngayong umiiyak na habang si Ashley tahimik na humihikbi habang si Gyza naman ay lumuluha na rin.
Hindi ako luluha sa harapan ninyo. Papatayin ko muna ang mga traydor!
"Explain yourself!"
"Kizzy, wala akong kinalaman! Ang utos lang sa akin ay bantayan ko ang mga galaw mo kung mag hihinala kana sa mga galaw namin 'saka ka nila..."
Pinugutan ko siya ng ulo gamit ang katana ko.
"Tsaka nila ako PAPATAYIN."
Kusa nang tumulo ang luha ko.
Everyone here wants me dead.
"Are you going to kill me too?" tanong ko kay Ashley na ngayong sa akin na ang atensyon.
"Look at those trash, Ashley. Minahal ko ang mga 'yan! Tinuri kong kapatid! But what did they do for exchange? They're planning to kill me. And my sister wants me dead too. How about you?" tanong ko tsaka ko pinunasan ang luha ko.
"Sabihin mo na ngayon kung gusto mo akong patayin! Para makapag handa akong isusunod ka!"
"Kizzy, patawad..."
*BANG!*
Isa ka rin sa kanila. Plano niyo akong patayin.
I killed my friends.
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top