Chapter 27
Third Person's POV
Nanlaki ang mga mata ni Gyza nang humarap na nang tuluyan sakan'ya ang isang babae, ngumisi ito sakan'ya habang pinaglalaruan ang mga labi, gustuhin niya mang sumigaw ay hindi niya magawa. Ramdam niya ang sakit sa puso niya, paano na lang kaya 'yung taong lubos na nagtiwala sa kaniya?
Unti-unti nang tumulo ang luha galing sa mga mata ni Gyza, yumuko s'ya habang inaalala 'yong mga panahong kasama nila ang babaeng ito, ang babaeng nagpro-protekta sa kaniya at kay Kizzy, hindi s'ya makapaniwala na ito rin pala ang papatay sa president nila at ito ang tatapos sa Hidden University.
"Nagulat ba kita, Miss Morphe?" malamig na tanong ng babae. Hindi makapag-salita si Gyza, nanatili lamang siyang tahimik at pilit pinoproseso ang nalaman.
"Ikaw ang hinihintay namin na pumasok Miss Morphe, planado ang lahat, ang pagpapaibig sa'yo ni Zaidon ay planado. At ang kakampi na dapat kalaban mo ay planado din lahat, ang tinuri mong kaibigan ay kalaban mo. Look at yourself now, Gyza, you looked like a shit." natatawang sabi ng babae. Hindi niya maisip na ganito pala kasama ang babaeng nasa harapan niya, behind those angelic face, those pretty smiles, lahat ng iyon ay pagpapanggap.
"Pinalilibutan ka ng mga taksil na kalaban, Gyza. Imbes na lumayo ka sa kanila? Pinili mong lumapit dahil 'yon ang gusto mo, naniniwala ka sa mga taong hindi dapat paniwalaan. Anong pakiramdam na taksilan ka, Miss Morphe?" Tuluyan ng lumapit sa kaniya ang babae. Panay parin ang tulo ng luha niya, ayaw ng utak niya na iproseso ang pangyayaring ito, hindi talaga s'ya makapaniwala, paanong nangyari ito? Paano? Gulong-gulo talaga s'ya. Bakit niya ginawa ito sa student council government? Alam niya bang sobrang-sobra na sakripisyo ni Kizzy sa council nila? Pero nag traydor s'ya.
Tinanggal ng babae ang takip sa bibig niya, pero hindi s'ya nagsalita. Pinagmasdan niya lang ang babae, na sana ay panaginip lang ang lahat ng ito. Sana hindi ito totoo, pero sino ang niloloko ni Gyza? Kaharap niya ngayon ang totoong kalaban.
"Surprise! 'Wag kang mag-aalala, hindi ka lalabas sa kwartong ito na hindi mo nalalaman ang lahat na plano ko at mga dapat ko pang gagawin. Sa kwartong ito masasaksihan mo ang gusto mong malaman kung bakit ka nga ba nandito? At bakit nabuo ang eskwelahan na ito."
"Napakasama mo! Ang kapal ng mukha mong sumanib sa Scg! Traydor ka naman pala! Traydo...
*PAK!*
Sinamapal ng babae si Gyza sa pisngi kaya't nabaling ang tingin niya sa kabilang direksyon. Lasang-lasa niya ang dugong nanggaling sa labi niya.
"Tinatapos ko lang ang sinimulan ng ate ko, Miss Morphe. At alam kong tatapusin din ito ng kapatid mo sa madaling panahon, Gyza. S'ya ang sisira nito, papatayin ang lahat na mga kakampi ni Dallas."
Anong pinagsasabi ng babaeng ito?
Naguguluhan si Gyza, sinong kapatid ang tinutukoy nito? Wala naman siyang kapatid. Pinagloloko ba s'ya ng babaeng ito? Pinapaikot na naman kaya s'ya nito para maniwala na naman s'ya?
At anong plano nila kay Premo? Nag-iisa lang na Dallas dito ay si Premo!
"Naguguluhan ka, hindi mo kilala ang kapatid mo at hindi ka niya kilala?" tumawa ng malademonyo ang babae, bakas kasi sa mukha ni Gyza ang pagkalito at pag asam ng mga katotohanan.
"Wala akong kapatid! Tumahimik ka!" galit na sigaw ni Gyza at pilit kumawala sa upuan, para s'yang mabangis na uso na lalapa na, ngunit umatras lamang ang babae at pinagmasdan si Gyza.
Wala s'yang pinasisihan sa lahat ng 'to.
"Sige kung ayaw mong maniwala, it's up to you, kaano-ano ba kita?" malamig na tanong ng babae tsaka iniwan si Gyza na tulala at sobrang tamlay.
Lumapit ang babae kina Shy at bumulong dito. "Pabagsakin ang dapat pabagsakin, walang lalabas sa eskwelahang ito, simulan niyo nang pumatay. Walang ititira." matigas na utos niya at lumabas ng silid. Bumuntong hininga s'ya tsaka ngumiti.
"Makakamit ko na ang gusto ko." bulong niya sa sarili tsaka tinungo ang silid ng mga student council. Nadatnan niya ang mga kasama na masayang naghaharutan habang si Kizzy naman ay mainit na naman ang ulo nito dahil sa papalapit na ambush. Hindi pa nila alam ang pagkawala ni Gyza, at wala rin naman siyang balak na ipaalala iyon sa kasamahan.
Umupo s'ya sa upuan niya at nagkunwaring naglilista ng mga pangalan, pero pansin niya sa gilid niya ang pag sulyap sandali ni Kizzy sa kaniya, alam niyang matalino ang kanilang president pero minsan inuuna ang lahat kaysa sa sarili kaya s'ya napapahamak.
"Where have you been?" tanong ni Kizzy sa kaniya. Ngumiti s'ya ng palihim at inangat ang papel na hawak.
"Section C4, tiningnan ko kung may away na naman na naganap. Pero may nilista naman ako sa papel, ito iyong mga studyanteng naninigarilyo kanina sa hallway." matinis na sagot niya at nilapag ang papel na may nakalagay na "DIE SOON."
Mukhang napaniwala niya naman si Kizzy. Pinagpatuloy niya na lamang ang pagpapanggap, marami siyang sinulat sa papel, bawat angkis ng ballpen sa papel dinidiin niya ito. Galit na galit talaga s'ya, gusto niya nang matapos ang buhay ni Kizzy at ni Premo.
"You'll die soon, I can't wait to see you suffer."
Miss President.
Premo Dallas
Gyza Morphe.
"Nakita niyo ba si Gyza?" mabilis niyang nilukot ang papel nang makitang papalapit si Dria sa kinaroroonan niya.
"Bakit nawawala ba s'ya?" tanong niya at umaktong nag-aalala. Damn!
"Kanina pa. Hinahanap nga s'ya nina Aniah dito kanina para mag training."
"Oo nga, hindi daw nila nakita sa room niya eh. Kahit na sa dorm niya. Hanapin na kaya natin s'ya." suhesyon ni Zhen. Agad naman siyang tumayo na kina gulat ng mga kasama.
"Ako ang hahanap. Tapusin niyo na lang 'yang dapat tapusin." matigas na sagot niya. Tumango naman sila bilang sang ayon, pero hindi nakakatakas sa paningin niya ang pagdududang titig ni Kizzy na sanhi ng kaba niya. She knew this woman, mas malakas pa ito sa inaasahan niya.
Mabilis siyang lumabas ng silid. Binuksan niya ang earpiece na nasa tenga at kinontak ang isang babae na matagal niyang pinagkakatiwalaan at matagal niya na ring gustong patayin.
"Where the hell are you?!" inis na sigaw ng babae sa kabilang linya. Pinunasan niya ang pawis na namumuo sa noo.
"Bwesit! Parang naghihinala na si Kizzy! Gumalaw na ba kayo?!" sabi niya habang naglalakad palayo sa silid ng SCG. Tinungo niya ang daan patungong mansyon ni Kizzy.
"Naikabit na namin ang iilang bomba sa pader ng H.U. Patay na din lahat 'yong nasa Section A1 at C4. Tumulong sina Mike sa pag patay, ang iba nagkagulo na."
"Pawis sa pawis, dugo sa dugo, walang ititirang buhay." bulong niya at pinatay ang earpiece. Pinagmasdan niya ang malaking mansyon ni Kizzy, susunugin niya ito hanggang sa walang matira na mahalagang bagay kay Kizzy.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top