Chapter 22

Gyza's POV

"This is so fvck up! Hindi talaga titigil ang mga 'yon." inis na saad ni Zaidon habang tinitingnan ang namamaga kong paa. Agad ko naman itong tinago. Nahihiya ako sa paa ko, shit naman 'to oh.

"Ah, saan na si Kizzy? Bakit wala parin ngayon iyon?" pag-iiba ko ng usapan, pero imbis na sagutin niya ako. Hinawakan niya ang paa ko habang kunot noong nakatitig dito.

"Still hurting?" He asked. I sighed deeply again and again. Sabayan pa nito ang pag tibok ng puso ko, kanina pa 'to chansing si Zaidon eh. 'Di ko naman sinasaway, I feel comfortable with him, kung pwede lang forever na sasama na talaga ako.

"Hey, masakit pa ba?" tanong niyang muli sanhi ng pag balik ko sa reyalidad. Umiling ako sa kaniya at nilayo ng bahagya ang paa ko sa kaniya, ngunit pinigilan niya ako at may kinuha s'ya sa bulsa niya.

"Anong gagawin mo, Zaidon?"

"Stay still, may tatawagan lang ako."

Nilabas niya ang selpon niya at pumindot ng numero, ginala ko na lamang ang tingin ko sa buong paligid, nasa red room parin kami ngayon pero malayo na ito sa pinanggalingan namin kanina. Hanggang ngayon hindi parin dumadating si Kizzy, saan na kaya s'ya, bakit ang tagal niya?

"Zai..." akmang tatawagin ko na sya nang mapatigil ako. May dalawang bulto ng katawan ang papunta sa amin, kakalabas lang nito sa pintuan na nilabasan namin ni Zaidon. Sisigaw na sana ako at hihiyawan si Zaidon.

"What's wrong?" Pansin ni Zaidon sa akin bago binalik ang selpon sa kaniyang bulsa. Nanginginig 'yung kamay ko ganu'n din ang paa ko, ito na ba ang katapusan namin?

"Zaidon, may paparating. Kakalabas lang ng..."

"Ezekiel? Kizzy?! Fvck!" Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Hindi ko ininda 'yong sakit na naramdaman. Nakakalong si Kizzy sa braso ni Zeke habang walang malay ito at puno na rin ng dugo ang puting t-shirt ni Zeke. What happened to them? Bakit may dugo.

"Anong nangyari? Bakit may dugo ka sa damit Z." hindi ko na binanggit ang buong pangalan niya dahil talagang malilintikan na naman ako sa kaniya pag nagkataon.

Hindi ako sinagot ni Ezekiel bagkus, inalayan niya si Kizzy paupo, sinapo niya ang noo nito. Putlang-putla ang mukha ni Kizzy, puno rin ng pawis ang buong noo niya pababa sa leeg niya. Anong nangyari!

"What happened, Ezekiel?" mariing tanong ni Zaidon kay Zeke habang walang emosyong nakatingin sa dalawa.

Si Kizzy ba at si Ezekiel?

"Do I need to answer that, Zaidon? Don't you have eyes? Or you are not aware?" malamig na tanong ni Ezekiel na nagpatayo sa balahibo ko. Umatras ako papalayo sa bulto ni Ezekiel, napansin naman iyon ni Zaidon kaya't hinila niya ang braso ko papalit sa kaniya. Ang sama talaga ng ugali ni Jan Ezekiel Rockwell.

Milyon-milyong bulate na naman ang kinilig sa loob ko. Damn! Zaidon! Don't make this hard for me. Sa bawat galaw mo, tila bibihagin mo na ako ng tuluyan.

"What do you mean huh?"

Umirap si Ezekiel sa tanong ni Zaidon. Bakit nga ba ganito na lang ang sagutan nila? Ramdam ko tuloy iyong pikon ni Zaidon dahil sa sobrang kapit nito sa kamay ko. Galit na galit s'ya.

"Leader ka ng kasapi mo? But you refused to fight against them? Are you really a leader, Zaidon? Are you scared of dying now." Kinuyom ni Zaidon ang isang kamao niya at akmang susugurin na sana si Ezekiel nang hilahin ko ang laylayan ng damit niya.

Saglit niya lamang akong tinapunan ng tingin bago napabuntong hininga. Kung ano man 'yung pinag awayan nila, dapat ko nang pigilan si Zaidon dahil lalaki lang ang gulo kapag makikisali pa sila.

"Ano... Anong nangyari kay Kizzy? Bakit namumutla s'ya? Is she okay?" I tried to talk clearly in front of him, dahil takot na takot talaga ako sa lalaking 'to. Even Zaidon too, but his presence is damn dangerous!

"She fainted." sagot nito. Niyakap niya nang mahigpit si Kizzy kaya't napaiwas na lamang ako. Hindi na ako magtatanong pa dahil baka mairita lang s'ya sa akin at aawayin na naman ako.

Zaidon turn his head at me. Hinila niya ako papalayo kina Ezekiel at pinaupo sa malapit na bench, ganu'n din s'ya umupo. Nilingon ko s'ya habang s'ya naman nakatingin lang sa kawalan.

Maulap ngayon at gabi na, maraming mga bituin sa langit at kay gandang pagmasdan. Nasa labas na kami ng red room pero parte parin ito duon.

Habang nakatingala sa Zaidon sa itaas, pinagmasdan ko lang ang bawat anggulo ng mukha niya. Bakit ang gwapo ng lalaking 'to? Kung hindi lang siguro masama ang ugali nito baka agad ko na siyang jinowa. Pero charot lang walang halong harot. Paano naman ako magugustuhan ni Zaidon, dakilang mahirap nga 'di ba ako?

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at umiwas ng tingin. "What's wrong, Gyza?" tanong niya at hinawakan ang panga ko. And again? Pakiramdam ko natunaw na talaga ang puso ko dahil sa hawak niya.

Shit! Paano ko nga ba nagustuhan si Zaidon? Dahil lagi niya akong nililigtas.

"A... Ayos lang ako," nauutal kong sagot 'saka akmang iiwas ko na sana ang mukha ko nang bigla nitong hinawakan ang pisnge ko, nagulat ako do'n pero hindi ko pinapahalata. Why, Zaidon?

"Hindi ako papatay ng tao ng walang dahilan, Gyza. Kapag ikaw ang dahilan? I won't hesitate twice. I will kill them all. And my decision now is to fight against them. Sinaktan ka nila at sasaktan ko din sila. I'll make them suffer."

After saying those words? Natagpuan ko na lamang na dumampi ang labi niya sa labi ko, he give me a soft kiss on my lips.

Hindi ako gumalaw. Hindi ko alam ang gagawin.

My heart is beating so fast. My mind manipulating my senses. My whole body even my lips betrayed me. I respond to his soft kiss.

"You are mine my Queen. Once they get you away from me? I will turn them into ashes together with their earning clans."

I fell harder. This devil Prince, stole my heart and he owns it now.

***

Evadne's POV

"When is your next duty at HU pre?" Alexus asked as he put on his clothes. And who says I have a duty? I don't have any money and I don't have clothes yet DUTY? Is he even out of his mind!

"Ask them instead. I need money but I will not go to that school."I answered irritably and rushed out of our hut. This is bullshit!

"Pre! Pupunta daw dito si Vanessa mamaya, papasukin ko ba?"

"Fvck! Bakit s'ya pupunta dito?" iritado ko paring tanong. Ngumisi lang s'ya sa'kin at alam ko na ang tainginang ngisi na 'yan. He probably plan something again reckless! Mapapaaga na talaga libing namin dito. Kingina!

"Well, dadala na naman ng pagkain. Treat her well, Evadne, she's your girlfriend after all."

"Sounds proud huh?"

"Foods na 'yon eh! Halika ka na!"

Hindi ko s'ya pinansin, bagkus tumalikod ako at nilabas ang yosi sa loob ng punit kong pantalon. Sinindi ko ito at nilagay sa bibig ko, at bumuga ng usok. Palinga-linga lamang ako sa paligid ng lugar namin, ganu'n parin. Lahat ng mga kasama namin dito panay kong maka buso sa amin. Piste talaga!

"Naninigarilyo ka parin pala hanggang ngayon, babe." umigting ang panga ko at agad akong lumingon sa likuran ko. Wala akong emosyong pinakita sa kaniya, nanatili lang akong walang kibo habang s'ya ay may malaking ngiti sa labi. Fvck!

"What are you doing here? Can't you see what kind of place you went to?" I asked angrily while looking around at the people listening to us. Damn it!

"Ay may girlfriend na pala si pogi e,"

"Oo nga naman, sobrang kinis pa at maganda!"

"Mayaman ang babaeng jowa ni pogi ses,"

"Bagay sila, kung medyo mag bihis lang si pogi."

I grabbed Vanessa's arm and threw my yosi. This woman is really annoying. Damn it!

"Hey! Hey! Evadne! Dahan-dahan naman sa pag hila kay Vanessa!" Fergus shouted at the door of our hut, but I just stared at him.

"We'll talk woman."

*****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top