Chapter 20

Mike's POV

"Tanginang 'yan! Ano ba kasi ang problema mo Xander ha! Uupakan na talaga kitang gago ka!" inis na sigaw ko kay Xander na ngayong kamot ng kamot sa ulo nya. Pambihira! May kuto na ba ang animal na 'to?

"Highblood mo masyado, pre! Patulong lang naman!" iritadong sambit nito tapos kumunot ang noo habang pinagmamasdan 'yong ginawa ko. Right! Fvck! Mabilis kong nilagay sa bag ko at tinaasan s'ya ng kilay. May plano pa atang makiusisa ang gagong 'to.

"Ano ba kasi 'yang kailangan mo? Pakibilisan dahil may ginagawa pa ako." sabi ko at kinuha ko 'yung bottle of mineral sa mesa. Nasa canteen ako ngayon, nag-iisa dahil may ginagawa akong importanteng bagay. Tapos susulpot ang Xander na 't para istorbohin ako. Naku kung hindi ko lang ka-gang ang gagong 'to baka pinutulan ko na ng ulo 'to. Maswerte ang gago!

"Ano 'yan ah! Love letter para kay Seane!" udyok niya sa akin kaya naman hinila ko ang kwelyo niya at sinaksak ko sa bibig niya 'yung bottle.

"Ack! Putangina mo! Mike, papatayin kitang gago ka!"

"Mag hanap ka ng kausap mo gago!"

Mabilis ko siyang tinalikuran habang habol nito ang sariling hininga. Napaka-gago kasi, banggitin ba naman ang pangalan ni Seane sa buong campus. Ayaw ko ng issue at ayaw ko ng chismis. Nakakabanas sa tainga at nakakairita. Inayos ko ang uniform ko, napasinghap ako ng mapansing may ketchup sa kwelyo ko. Punyeta!

Inis kong nilabas ang alcohol sa loob ng bag ko, ganu'n din ang anti-bacteria kong spray. Patay talaga sa akin ang animal na gumawa nito sa akin. Siguraduhin kong 'di na s'ya sisikatan ng araw.

"Mike!" iritado kong inangat ang ulo ko. Nakakarinding boses ni Deo ang nangunguna, nakangisi pa ito habang nasa likuran niya si Ezekiel na malalim ang iniisip. Bumuntong hininga na lamang ako, mabilis kong tinago ang alcohol at spray sa bag ko.

"Alam mo bang nakakarindi sa tainga 'yang sigaw mo gago!"

"Tss, may regla ka ba ngayon?" natatawang tanong niya. Sinamaan ko s'ya ng tingin at akmang aambahan na ito ng suntok sa mukha nang pigilan ako ni Ezekiel gamit ang kaniyang nakakamatay na mga mata.

Umurong ako 'saka umiwas ng tingin.

"Ba't ang init ng ulo mo ngayon, Mike? May nangyari ba?" At talagang! Isa na lang talaga Deo at ikaw ang isusunod ko sa nanay mo. Papatayin din kitang animal ka.

"Where's Xander? Why isn't he here?" Kunot noong tanong ni Ezekiel, tila umurong naman ang dila ko. Hindi ako sumagot, sa halip ay nauna na akong lumakad sa kanila.

"Damn!" bulong ko.

"Mike! Pre anong problema mo!"

"ISA PANG TAWAG SA AKIN DEO PUPUTULIN KO 'YANG DILA MO!"

Nagulat naman si Deo sa naging reaksyon ko, nakita ko rin ang pag arko ng kilay ni Ezekiel na parang hindi niya nagustuhan 'yong nakikita niya. Tangina! Saan na ba kasi sina Grayson at Riz! Nakakaputangina na rito!

"Subukan mong gumalaw Mike, putol paa mo. Subukan mong mag-salita putol dila mo. Subukan mong umirap, tanggal lahat 'yang mata mo. Subukan mong mag maktol pugutan kita ng ulo."

Damn!

****

Gyza's POV

Tumakbo ako habang papuntang library, kailangan ko nga palang mag study ngayon dahil final exam na bukas. Shit bakit ko nga ba nakalimutan 'yon, at tsaka mamaya pa naman iyong training namin kaya uunahin ko muna iyong exam ko baka babagsak ako nito.

Hindi ko na pinansin ang bag ko na wala sa ayos ang pwesto, basta tumakbo lang ako ng tumakbo. Nadaanan ko pa nga si Mhegan na may kausap na student at nanginginig pa ito ngunit nakataas lang iyong kilay ni Mhegan, at hinablot ang kwelyo nuong lalaki. Iniwas ko na lamang ang tingin ko.

Kaya lang? BOG!

"What the fvck is your problem!"

Umigting ang tenga ko. May nabangga pa yata ako dahil sa katangahan ko. Shit! Dahan-dahan akong tumayo, pinagpagan ko ang palda ko at nag pasya na humingi ng tawad sa lalaking nakabangga ko. Ngunit nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Nasa harapan ko ngayon ang Red Sparrow, nakapamulsa si Jan Ezekiel habang ang isang lalaki naman nakangisi.

"Fvck! Fvck!" mura niya at tinulak ako. Dahil duon namukhaan ko siya. His name is Mike Randall Foster. Masama ang tingin nito sa'kin, nag-aapoy rin ang mga mata niya na parang gusto niya na akong saktan.

Humakbang ng ilang dangkal si Mike. Kinakabahan ako sa gagawin niya.

"What did I told you, Foster?" malamig na tanong ni Jan Ezekiel. Umatras si Mike habang may bulong na mura sa kaniyang bibig.

"Let's go." dugtong niya at nauna na itong lumakad kasabay sina Mike sa likuran. Hays muntik na 'yon ah! Jusko! Parang hinabol ako ng kabayo dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Sino iyong isang lalaking kasama nila? Bagong myembro?

"Mainit yata ulo ni Mike ngayon,"

"Balita ko nanliligaw daw iyon kay Seane eh 'yung nasa BL gang."

"Na basted ata kaya ganiyan."

"Kung sa akin pa s'ya manligaw sasagutin ko kaagad, sayang kagwapuhan ni Mike eh!"

"Che! Mas bet ko naman si Ezekiel!"

"Patay ka sa lalaking iyon!"

Umiling na lang ako sa mga chismisang naririnig ko. Kung ako sa kanila, hindi ako magpapatansya sa mga lalaking iyon. Ang sasama ng mga ugali, dinaig pa iyong mga bully dito sa HU. Kapag isang mali mo lang talagang tatapatan ka nila at papatayin.

Dumadami yata ang mga demonyo sa loob ng eskwelahan na 'to ah. Nu'ng una kaunti pa lang pero ngayon? Halos isumpa mo na sila dahil sa ugali nila. Wala rin naman akong laban sa kanila, lalo na kay Ezekiel na sobrang tahimik pero pag mag salita 'yan daig niya pa ang lawyer.

Ngumiti ako ng palihim. Tinakbo ko na pabalik 'yong papuntang lib. May kunting oras na lamang ako para mag-aral sa subject ko.

Habang naglalakad sa hallway, pansin ko na maraming estudanteng nagkukumpulan sa training hall, malapit lang kasi ito sa library at sobrang laki ng training hall. Mula rito sa pwesto ko, rinig ko ang mga hiyawan nila. Gustuhin ko mang makisuyo ay 'di ko na ginawa dahil baka mabagsak pa ako sa exam ko.

"WALANG EXAM NGAYON! TARA SA TRAINING HALL TAYO!"

Huh? Ano daw?

"Maglalaban ang Dark monarch at Royalties! Matagal ko ng hinihintay 'to!"

Da...Dark Monarch? Sila iyong mga babaeng humarang sa akin noon sa dor...

"TABI!"

Napahiyaw ako dahil sa lakas na sigaw mula sa harapan ko. Huli na ang lahat at nasangga ako ng skateboard niya. What the hell! Napaupo ako sa sahig habang namimilit sa sakit. Ang sakit ng pwet ko! Nyeta.

Pumikit ako ng mariin, ano ba 'yan! Highway ba 'tong dinaanan ko para dito s'ya mag skaskateboard? Nyeta.

"Wahhh! Oh my god! Si si!"

"Sino?!"

"Wahh!!!! Si Si!"

"Si SEROS!"

Naimulat ko agad ang mata ko. Kumunot ang noo ko, pinagmasdan ko iyong lalaking may kausap na barkada niya pero ang skateboard niya nasa likuran ko parin. Talagang inuna niya ang chismis kaysa tulungan ako?

Ba't ang dami kong nakakasalamuhang bagong mukha ngayon? Anong nangyayari? Ito na ba ang warning na paparating sa Hidden university?

"ATTENTION STUDENTS!"

Umangat ang ulo ko.

"SORRY TO INTERRUPT YOU STUDENTS! GO BACK TO YOUR OWN DORMS NOW! HURRY UP!"

"AGAIN! ALL STUDENTS OF HIDDEN UNIVERSITY INCLUDING THOSE TEACHERS WHO'S STILL TEACHING AT THEIR CLASSES PLEASE PROCEED TO YOUR OWN DORMS NOW!"

Agad kong hinablot ang bag ko. Ibang mga students ay natarantang tumatakbo ganu'n din ako kinakabahan habang tumatakbo papalapit sa dorm ko. May iba pang nag hihiyawan at nag-iiyakan. Anong nangyayari? Bakit ganiyan na lang iyong reaksyon nila?

Napaatras ako ng biglang natumba iyong malaking puno na nanggaling sa canteen, nanlaki ang mata ko at 'di ko mapigilang manginig, ngunit sinikap ko paring tumakbo.

"Wag naman sana maulit 'to!"

"Ayoko na!"

"Tumakbo na tayo bilis!"

Lumiko ako sa isang masikip na daan, minsan na akong dumadaan dito at papunta ito sa office ng SCG. Medyo malayo ito sa dorm ko pero mas mabuting kina Mhegan muna ako dahil natatakot ako. Natatakot ako kasi wala akong alam! Hindi ko alam kung anong klaseng pangyayari ang magaganap ngayon, isa lang ang tanging paraan. WE NEED TO HIDE, WE NEED TO HIDE TO SURVIVE.

Nang makita ko na ang Office ng SCG. Akmang tatakbo na ako roon nang may mapansin akong lalaking itim ang suot, napaatras ako. Nakatalikod ito sa'kin tila may hinahanap s'ya. Sinikap kong hindi makasanhi ng ingay mula sa paa ko.

Tinakpan ko rin ang bibig ko. Please leave me alone devils!

Dahan-dahan akong umupo para hindi niya mapansin. Sobrang kinakabahan na ako ngayon. Nanatili parin siyang nakaharap sa pinto ng SCG. Anong kailangan niya diyan?

'Wag kayong lumabas! 'Wag kayong lumabas!

"Tulong! Tulong! Parang awa niyo na bitawan niyo 'ko!"

"Argh! 'Wag parang awa niyo na tama na! Tama na!"

"Tulong tulong!" Pumikit ako habang umiling-iling. Pilit ko ring tinatakpan ang tenga ko para lang hindi marinig ang boses ng babae na namimilit sa sakit. Gusto ko siyang tulungan pero paano? Walang-wala ako ngayon. Hindi pa ako marunong mag self defense at baka patay kaming dalawa pag nagkataon.

"Tulong! Ano ba bitawan niyo 'ko!" nahagip ng mata ko iyong babae, umiiyak s'ya, duguan ang mukha nito at halos hindi na mamukhaan ang mukha niya, putol din ang kaniyang kamay ganu'n din ang isang paa nito.

Bumigat ang pakiramdam ko. Umiwas ako ng tingin at inigihan ko pa iyong pagtatago. Wala akong idea sa nangyayari ngayon, walang-wala.

"Ilang babae at lalaki ang nahuli mo?" tanong ng lalaking naka itim, s'ya iyong nakaharap sa pinto ng SCG.

"Sampung babaeng nanlaban pa kaya taga ang iilang parte ng katawan. Sayang 'yong makinis na babae kanina sa hospital, nakatakas pa tangina! Pwedeng-pwede na iyong ibenta."

Sinong babae iyong tinutukoy niya?

"Gago! Tanga mo kasi! Ilang lalaki ang nahuli mo?" tanong niyang muli.

"Lima lang sila, hindi na nanlaban 'yung panig ng mga gangster dahil patay ang mga iyon sa boss natin."

"Mga walang silbi! Anak mafia at gangsters sila pero walang silbi! Sabagay ano nga ba ang papel nila rito? Mag hari-harian at mag reyna-reynahan. Walang-wala naman napapala. Hindi sila nanlaban sa inyo?"

"Lalaban sana iyong Red sparrow at Black omega pero nang pinakita ko 'tong tattoo ko nanahimik ang mga gago at hinayaan kaming dumampot ng basura."

Anong klaseng tao sila? At anong silbi ng mga malalakas na gangsters dito kung hindi man lang sila lalaban?! Malakas ang DBO ganu'n din ang RS pero ba't 'di sila pumatol? Anong dahilan ng tattoo na 'yon?

"Babalik tayo rito, at sisiguraduhin kong makukuha natin si Kizzy Astrian Lopez ganu'n din si Premo Axe Dallas."

Nang lumayo na iyong mga yapak nila. Dahan-dahan akong humakbang habang nanginginig ang paa.

"Hindi pwede ito... Hindi pwede..." pumiyok-piyok na iyong boses ko. Bahagya pang tumulo ang luha ko. Anong gagawin nila kay Kizzy?

"Tama na... Bitawan niyo s..."

Hindi ko natapos ang sinabi ko dahil may humigit sa braso ko at niyakap ako nito ng napaka higpit. Kumawala ako, gusto kong makaalis sa yakap niya baka ako na naman ang huhulihin nila. Ayoko ayoko!

"Bitawan mo 'ko! Ano ba!"

"Shhh.... I'm here, Queen...stop crying please...its breaking me..."

Tuluyan na nga akong nanghina kasabay nito ang mahinang hagolgol ko. Ba't lagi na lang siyang nahuhuling dumating...

"Everything's gonna be alright, trust me..."

"Gangster ka 'di ba? Leader ka 'di ba? Ba't ang hina-hina mo pag dating sa kanila?" Umiwas ako sa kaniya. Lumayo ako ng ilang dangkal. Pinagmasdan ko ang perpektong mukha niya, damn! Kahit saang gulo ang gwapo nga talaga ng lalaking ito.

"Paano aayos ang lahat kung wala man lang kayong ginagawa para protektahan ang mga studyante dito, Zaidon? Ano ba kasi ang papel niyo rito? Mag angas-angasan at feeling malakas? 'Wag niyo kaming ginagag, Zaidon!"

Lumapit s'ya sa akin at hahawakan sana ang braso ko pero umiwas ako.

"I don't even know you! Don't touch me! Sino ka para hawak-hawakan ako ha!"

"Baby.... Listen to me... This is for your own good."

"Leave me alone, Zaidon! 'Wag mo na akong tutulungan pa! 'Wag na 'wag na hanggang kailan!"

Mabilis akong tumakbo.

Ngayon alam ko na. Alam na alam na.

I'm inlove with Zaidon Ace Xerson.

How funny is that right? Nainlove ako sa taong masama ang ugali, sa taong maling-maling mahalin.

"Gyza!"

Bago pa ako makalingon sa kaniya? Isang matulis na bagay ang dumaplis sa leeg ko, napaatras ako hanggang sa napasandal ako sa pintuan ng SCG. Kinapa ko ang doorknob ngunit nahuli ako ng lalaking nakaitim.

"Don't you dare lay a finger to my property! Montera! Or else kakalimutan kong sinasanto ko ang Clan ninyo!"

******

Th end....😅 may nanalo na.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top