Chapter 19

Gyza's POV

Ito ang unang training ko sa SCG. Kasama ko ngayon sina Zhen, Mhegan, at Dria na kapwa nakaupo sa upuan habang umiinom ng juice. Nasa bahay ako nina Kizzy ngayon, hindi nga ako makapaniwala na may bahay pala si Kizzy sa loob ng Hidden university at tago pa ang lugar na 'to, mga scg members lang iyong nakakaalam. Malaki ang bahay na tila mansyon, ngunit umaapaw parin ang matayog na pader ng H.U. habang papunta kami dito kanina, nakapiring iyong mata ko dahil sekreto daw ang lugar na ito.

Bilang lang ang nakakaalam sa lugar na to. Isa na ako roon.

Nasa pool area kami ngayon, masakit sa balat 'yong init na tumatama sa balat namin pero tila walang naramdaman na kahit na ano 'yong mga kasamahan ko. Nagtawanan si Zhen at Dria habang si Mhegan naman inaayos 'yung nakatayong mukhang tao sa loob ng training base, sari-saring mga armas din ang nakalagay sa isang mesa. Lumunok ako, kakayanin ko kaya 'to?

Malawak ang bahay ni Kizzy, may pool, may sariling field 'saka may sariling ding pahingaan. Nasa pool area kami ngayon kaharap ang training base. Umupo ako sa bakanteng upuan at pasimple kong tiningalaan ang bahay nina Kizzy, napaka moderno nito at umaapaw ang kayamanan ni Kizzy.

Habang nakatingala sa mansyon, may napansin akong lalaking nakatayo sa bintana nina Kizzy, may hawak itong kopita sa kamay ngunit hindi ko gaanong mamukhaan kung sino s'ya. Siguro isa rin ito sa mga kamag anak ni Kizzy, ngunit? Paano? Paanong may bahay si Kizzy rito?

"Halina kayo!"

Napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang mariin na sigaw ni Mhegan, hinarap namin s'ya. Or should I say ako lang ang humarap. Hanggang ngayon kasi tawang-tawa parin sina Dria at Zhen, tila tuwang-tuwa ito sa pinag-uusapan nila. Nagbikitbalikat na lamang ako tsaka nagpasya ako na lapitan si Mhegan na ngayong namumula na ang mukha dahil sa init.

"Let's start!" sigaw niya kaya mabilis akong tumango. Kinuha niya 'yung baril na nasa mesa at nilagyan ito ng bala, kumunot ang noo ko. Don't tell me pagagamitin niya ako niyan? Aware ba 'yan sa HU?

Napansin ni Mhegan ang kunot noo ko ganu'n din ang pagtataka sa mukha ko. Kaya naman, umirap s'ya at tinapik ang balikat ko.

"You'll get to use this someday, Gyza. At tsaka aware naman 'to sa Hidden university, you need this to protect yourself. Tingnan natin kung saan ka komportable." tumango na lamang ako kahit na medyo kinakabahan at nag-aalinlangan.

"Hold this tsaka subukan mong tamaan 'yong mga nakatayong mukhang tao roon."

Nanginginig ang kamay ko habang hinahawakan ang baril. Napamura ako ng maramdaman ang bigat nito. Damn! First time kong humawak ng baril damn!

"Point your gun on that thing!" singal niya. Hinawakan niya ang braso ko para maitama ang pagkatutok ng nguso ng baril sa target. Huminga ako ng malalim.

"You can do this! Be brave, Gyza!"

Kinagat ko ang labi ko, pinihit ko na ang gatilyo ng baril at isang pindot ko lang isang nakakabinging tunog ang narinig ko. Minulat ko ang mata ko para harapin si Mhegan. She smirked at me, the hell!

"You got a bullseye! How is that possible hmm?" nag flipped hair ako pero inirapan niya ako. Nyeta!

"Not bad! Subukan mo ulit,"

Gaya ng sinabi niya sinubukan ko na naman. Nilagyan ko ng bala 'yong baril tsaka pinutok ito sa target, napamulat din agad ako. And there! Damn! Nataam ko sa noo ang target!

"Woah! Fast learner ka pala, Gyza!"

Tumawa lang kaming dalawa. Sinubukan ko pa hanggang sa mabuos na 'yong bala ng baril. Lahat naman ay natamaan ko, sa mata, noo, dibdib, ulo, paa. And I guess? I hit it perfectly! Nakakatuwa dahil ang dali lang palang gawin. Nakaka-proud. Pero hindi dapat ako dedepende sa baril.

"ALEXANDRIA! COME HERE!" malakas na sigaw ni Mhegan kina Dria at Zhen na ngayong natatawang pumasok sa training base.

"What?" tanong ni Dria nang makarating s'ya sa kinaroroonan namin, pero ginala niya muna 'yong mata niya. Huminto ito sa mga kahoy na taong tinamaan ko ng bala kanina. Bakas sa mukha niya ang gulat at pagkamangha. I smiled.

"Ikaw na mag turo sa kaniya paano gumamit ng katana. Ayos ayu... Dria?"

"What the effin hell! Did you just! Just! Unbelievable!" hiyaw niya at sinapak si Zhen sa tuwa kaya naman tinarayan s'ya ng todong-todo ni Zhen, 'tong dalawang 'to talaga. Well, I'm so proud of myself, I hit it and I'm satisfied.

"Yeah. Kaya tumahimik ka na diyan at turuan mo itong si Gyza gumamit ng katana. Ayusin mo lang talaga, Dria." seryosong saad ni Mhegan. Ngumiti si Alexandria at inabot niya sa akin ang pulang katana na tinanggap ko naman, binuksan ko ito gaya ng ginawa niya, bumungad sa'kin ang matulis at mala-krystal na bahagi nito. Muli ay lumunok ako, hindi ako sigurado kong makakaya ko ang isang 'to.

"Let's start!" magiliw na sigaw ni Dria. Pumwesto kami sa ginta ng training base, wala kaming panangga sa katawan. Paano na 'yan kung magagalusan kami?

"Wala man lang tayong protector sa sar.... Damn!" hindi ko natapos 'yong sasabihin ko dahil sinungaban na ako ni Dria, napaatras pa ako pero buti na lang naisangga ko ang katana ko sa kaniya. This time seryoso na 'yong tingin niya, bawat tagpo ng katana namin sumasanhi ng ingay na nakakarindi sa tenga, dapat masanay na ako rito.

"Sumeryoso ka, Gyza, dapat nakatutok lang 'yong tingin mo sa laban! 'Wag kang mag isip ng kahit na ano!" bulyaw niya at muli na namang sinangga 'yung katana ko.

"Right!" sagot ko. Tumalon ako sa kabilang pwesto baka makorner niya ako, ngumisi ako ng umarko 'yung kilay niya.

Tinaas niya ang katana. Hinanda ko naman ang sarili ko para sanggain iyon. Kaya lang? Napako ang tingin ko sa lalaking kalalabas lang ng mansyon ni Kizzy, naka tuxedo ito habang seryosong kinakausap ang babaeng nasa harapan niya.

"Fvck!" nabalik ako sa ulirat ng maramdaman ko ang hapdi na nanggaling sa braso ko. Sinamaan ko ng tingin si Dria at sinipa ko ang sikmura niya at tinutok ang katana sa mukha niya.

"Gyza!"

Hindi ko alam kung bakit ko 'yon ginawa. Parang may nagsasabi sa akin na patunayan mong kaya mo, malakas ka. Tiningnan ko ulit ang lalaki, nag tama ang mga mata namin, I met his dark eyes, mula rito. He shrugged at pumasok sa limousine na nakaparada sa harap niya.

"Who is he?" bulong ko. Pero sapat na para marinig ng kasamahan ko.

"Zeus Zyrus Alfiores" banggit ni Zhen habang papalapit sa akin. Kumunot ang noo ko, what?

"Kizzy's Fiance."

Hindi ako makahinga sa nalaman.

"Yeah! Kaya sa susunod 'wag mo ng titigan 'yan nang matagal Gyza, masama ang taong 'yan. Mabangis at walang modo, walang sinasanto."

Tahimik lang ako.

"Mukhang kaya mo na 'yong sarili mo, Gyza! Bukas na naman ang self defense! Sa Training Hall ng University natin 'yon gagawin."

Nakalabas kami sa mansyon ni Kizzy na lutang ang utak ko. Parang nakita ko na ang lalaking 'yon, mula sa built ng katawan nya at 'yong madilim niyang mga titig.

"Where is he going, Mhegan?" tanong ni Zhen kay Mhegan na gaya ko rin nanahimik. Malalim ang iniisip niya.

"I don't know! Hindi niya pwedeng malaman ang mga nangyayari kay Kizzy sa loob ng HU."

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top