Chapter 17
***
"You think you can run away from us, bitch!" galit na sigaw ng babae at hinila na naman ang buhok ko kung saan-saan. Sobrang sakit ng anit ko pero hindi man lang ako umangal, sinusubukan kong maging matapang, hindi ko ipapakita sa kanila na mahina ako. Once na ma train ako talagang patay ang babaeng ito sa'kin.
"Shy! Baka mahuli tayo ng mga SCG dito!"
"Pakialam ko ba sa kanila? Do I look like I care? At tsaka 'wag nga kayong matakot do'n! Nasa Hospital ngayon si Kizzy, 'wag bobo!" inis na sagot nitong si Shy. Pinikit ko ang mata ko, ang sakit ng anit ko. Hanggang kailan ba nila ako gaganituhin?
"Pero, Shy! Kaibigan nila itong babae na 'to!" sambit din ng isang babaeng nakapamulsa.
"Kapag hindi kayo tumahimik diyan ako ang tatapos sa mga buhay ninyo!" sigaw ni Shy. Hinarap niya ako gamit ang nakakatusok na mga tingin niya. Tinulak niya ako kaya, sumangga 'yung likod ko sa isang matigas na upuan. Minulat ko nang dahan-dahan ang mata ko, nasa garden ako ng Hidden. Minsan na kasi akong napadpad rito.
May iilang upuan, may iilang itlog at harina din sa mga upuan. Alam ko na ang gagawin nila, they're going to bully me again. At ito na ang huling pagkakataon na gagawin nila sa'kin 'to.
"Surprise!"
Hinigit ni Shy ang braso ko, lumapit s'ya sa isang upuan, kumuha s'ya ng harina at itlog roon, tiningnan niya pa ako ng may ngisi sa labi, ganu'n din 'yong mga kasamahan niya. Sumenyas s'ya na lumapit iyong magandang babae na kasama nila, umirap pa ito bago lumapit.
"Tigilan niyo na ako! Ano ba ang ginawa ko sa inyo ha! Please!"
"Shut up!"
Pumikit na naman ako ng mariin, pilit kong nilalabanan ang luhang lumalabas sa mata ko. Kinuyom ko nang dahan-dahan ang kamao ko. Bakit ang hina hina ko?! Bakit?!
"Titigilan ka lang namin kapag gusto namin. Kaya magpakasaya ka muna ngayon sa amin, swerte mo pa nga dahil nasayo ang atensyon namin kahit 'di ka naman worth it." irap na saad ng isang babaeng paparating lang. Binaling ko ang tingin roon, tila kinapos ako ng hininga.
Walang emosyong nakatingin sa akin si Abby. Saan na 'yong salitang hindi ako magtitiwala sa iba, Abby? Saan na 'yon. Bakit mo ako niloko. Bakit? Gusto kong humagolgol at magpadyak-padyak dahil sa sikip ng dibdib ko, anong rason niya bakit niya ito ginagawa sa akin.
"Tss, andyan kana pala. Dinala mo ba iyong pinagawa ko sa'yo?" tanong ni Shy at iniwas ang tingin sa akin.
"Yeah, actually I brought them here. Look!" sambit ni Abby at mapaklang ngumisi habang dinuduro 'yong kumpulang estudante sa likuran niya. Umatras ako, umiling-iling pa ako.
"Pakawalan niyo 'ko! Parang awa niyo na tama na!" sigaw ko. 'Wag!
"Parang awa niyo na... Abby, ayoko na... Hayaan niyo na ako..."
PAK!
Isang malakas na sampal ang natamo ko sa kamay ni Abby. Walang ni anong emosyon sa mukha niya sa halip ay ngumisi lamang ito. Ito na ba ang kinatatakutan ko? Dumating na ba?
"You shouldn't be here in the first place, Gyza, isa kang maling pagkakamali." malamig na sabi niya. Naramdaman ko ang mainit na luhang dumaloy sa mata ko. Yumuko ako, hindi ko naman ginusto na makapasok rito.
"Kayong lahat! Alam niyo na ang gagawin ninyo!" sigaw ni Shy tapos hinila ng isang babaeng kasama nila ang braso ko. Pinatayo niya ako sa pader. Umangat ang ulo ko kasabay nito ang itlog na patungo sa mukha ko.
Napapikit ako nang maramdaman ang hapdi sa pisnge ko, hindi sila tumigil, harina na naman 'yong tinapon nila sa akin, may iilan pang estudante na halos lunurin nila ako ng harina, hindi ako makahinga, tila nasasakal ako.
"Hahahhaa! Malandi kasi!"
"Landiin mo lang ang iba! 'Wag si Ezekiel!"
Hanggang kailan matatapos ang issue na 'to? Ito ba ang dahilan bakit nila ako ginaganito. Matagal na iyon ah, at hindi na ako lumalapit pa kay Jan Ezekiel dahil natatakot ako.
"Banggain mo lang ang iba 'wag kami!"
"Kay bago-bago ang landi landi na!"
Hindi ko na masundan 'yong mga sinasabi nila dahil umiikot na ang paningin ko. Wala akong makita dahil sa harinang nakabalot sa mukha ko. Ramdam ko ang panlalagkit dala ng mga itlog. Pinunasan ko ang mata ko at pilit na binabalanse ang katawan ngunit bumagsak ako. Nagtawanan sila, na tila masaya sa ginagawa. Ang hapdi, ang sakit, nakakapagod.
Please... help me...
"Mess with us again and you will meet hell." malamig na sabi ng 'di ko kilalang babae. At rinig ko ang yapak nilang papalayo sa kinaroroonan ko. Akala ko do'n na nagtatapos, ngunit hindi pa pala.
May humila na naman sa buhok ko.
"Tam...Tama...," bulong ko.
"In your dreams!"
"Hahaha!"
"Mamatay kana 'di ka nababagay rito!"
Isang malakas na sampal na naman ang dumapo sa pisnge ko, at hinila na naman nila ang buhok ko. Ninudnod nila sa upuan ang mukha ko.
"Hindi pa kami tapos sa'yo! Simula pa lang ito, Miss Morphe." malamig na sambit ng babae at natagpuan ko ang sarili kong nakagapos sa isang upuan.
Pilit akong kumawala pero tila nawawalan na ako ng lakas. Hanggang ngayon tapon parin sila ng tapon ng itlog. Hiniling ko na sana maubos na iyong mga itlog dahil 'di ko na kaya, 'di ko na talaga kaya. Sana pinatay niyo na lang ako.
"Isang hamak na mahirap ka lang, Miss Morphe, alam na namin kung sino ka at bukas hindi kana sisikatan ng araw."
"Oo nga naman. Baka bukas din mag sama-sama na kayo ng President!"
"Haha lagot satin 'yang pisteng Kizzy na 'yan bukas!"
"Hindi kami titigil hanggat hindi namin nauubos ang student council, isa ka rin. Basura lang kayo rito."
Gusto kong tumawa sa mga pinagsasabi nila, pero?
Umikot na naman 'yong paningin ko.
Inangat ko ang ulo ko.
May isang lalaking nakatayo sa harapan ko habang may hawak na upuang kahoy. Ngumisi s'ya ng malademonyo.
"Mamatay kana, Miss Morphe..."
At mabilis siyang lumapit sa'kin. Alam ko na ang gagawin niya, itatama niya sa akin ang upuan na 'yan. Ngumiwi ako, alam kong sobrang sakit niyan kaya naman hinanda ko na ang sarili ko.
BAGGG!
Kaya lang...
May narinig akong malakas na kalabog.
"Za...Zaidon?" the last words came from my mouth. Bago ako nawalan ng malay.
He's here....
"You hurt my Queen. This is the last thing you bitches do this to her. Meet your last journey. HELL."
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top