Chapter 14
Gyza's POV
Tinali ko ang buhok ko. Pa ponytail. Inayos ko ang pagkakatali ng ribbon sa damit ko at humarap muli sa salamin. Ngayong araw magsi-simula 'yong training ko, hindi na daw nila hihintayin ang weekend dahil paniguradong sa araw na iyon gaganapin ang ambush. Lagi rin nilang sinasabi na umakto akong mayaman, manamit ng mayaman, gaya na lamang ng ginagawa ko ngayon. Ang damit na ito ay galing kay Azea, isa sa myembro ng Detectives. Akala ko no'ng una masama ang ugali nila pero hindi pala.
Ngumiti ako sa salamin at kinuha ko 'yung maliit na bag ko. Lumabas ako ng dorm at nilock ito. Akmang hahakbang na sana ako nang makarinig ako ng tawanan mula sa likuran ko, hindi ko na sana ito papansinin kung hindi lang ako tinawag ng kasamahaan nila kaya't napaharap ako sa kanila. Gulat ang aking ekspresyon, may nakalagay na DM sa kanilang mga suot. Naka ngiti silang lahat sa'kin pero halata namang peke. Umayos ako ng tayo, siguro isa sila sa mga gangs na narito.
"What's your name?" tanong ng babaeng naka eye glasses. Kapansin-pansin ang pag taas ng kilay nito. Pinagmasdan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Kumalabog bigla ang dibdib ko, what if they find out? What if?
"Hey! I'm just curious about your name! I'm not gonna hurt you okay?" pag-aalo pa nito sabay tawa kasama ang mga ka gang niya. Hindi na lamang ako kumibo bagkus nanatili lang akong nakatayo. Hindi ako pwedeng ma-late sa training dahil panigiradong sisingalan ako ng SCG ganu'n din ang BDO gang, nakakatakot silang magalit.
"Pipi ka ba ate?" mataray na tanong ng babaeng puti ang buhok pero bagay na bagay naman 'yun sa kaniya dahil lahat naman sila may angking ganda. Lumunok ako ng paulit-ulit, tiningala ko ang mata ko sa mga cctv na narito, pero napairap na lang ako sa hangin. Hinacked pala ni Raine ang mga cctv na 'yan kaya imposibleng makita ako nina President ngayon rito.
"Huy! Tinatanong ka namin! Bingi ka ba? Or nagbingibingihan?" this time lumapit na talaga sila. Humakbang ng ilang dangkal ang leader nila sa akin. Tinarayan niya ako sabay hablot ng braso ko.
"Alam mo ba ang pinakaayaw ko sa mga tao? 'Yong hindi sumasagot sa simpleng tanong," matigas na sambit nito.
"Sorry, ako nga pala si Gy..." bago ko pa matapos ang sasabihin ko, isang malakas na putok ang narinig ko mula sa likuran kaya't napahiyaw ako sa takot. Yumuko ako para makaiwas. Nagkagulo sa girls dorm dahil duon. Gusto ko mang lumingon pero hindi ko yata kakayanin gayong labis ang pangamba at takot ko.
Naramdaman ko ang panginginig ng paa ko, tinitingnan ko 'yung mga groupo ng babae pero tila wala silang pakiaalam sa buhay nila. Nakahalukipkip lamang ang leader nila habang 'yung iba, sinamaan ng tingin 'yong nasa likuran ko.
"At alam mo rin ba ang pinakaayaw ko sa mga tao? 'yung pakialamera, Miss Lockhart. Baka nakakalimutan mo kung saan ka lulugar ah? Gusto mo bang isa-isahin ko ang mga tamang kulungan para sa'yo?"
Umigting ang panga ko dahil sa pamilyar na boses. Unti-unti kong inangat ang ulo ko, nakita ko ang SCG at Detectives na nakatayo. Nangunguna rito sina Kizzy at Azea na may hawak na baril. Shit! Hindi isang masiyahing Azea ang nakikita ko ngayon, seryoso ang mukha niya na parang papatay ng tao. Sabayan pa nito 'yong mukha ni Kizzy na parang may demonyong sumapi. Nakatagis ang kaniyang panga, nakakuyom ang kamao nila. Habang 'yung ibang myembro nakangisi lamang.
"Huh! Akala mo naman takot kami sa'yo? Teka nga sino kaba?" tanong ng isang babaeng kasama rin ng kabilang panig. Dahan-dahan akong tumayo para tumakbo kina Kizzy pero isang marahas na kamay ang bumunot sa buhok ko.
"Aray! Bitawan mo 'ko!"
"Gyza!"
"Shit!"
Tila mahihilo ako dahil sa pagkakahawak nito sa buhok ko.
"Bitawan mo 'ko!" angil ko pa pero isang malakas na sampal ang dumapi sa pisnge ko sanhi ng pag putok ng isa pang baril. Pumikit ako nang mariin upang labanan ang pagkakahilo. Sobrang sakit na talaga ng buhok ko, hanggang kailan nila gagawin sa'kin 'to?
"You know this girl too huh? Sabagay baka kasabwat nga rin kayo nito eh kaya uunahin namin siyang patayin. What do you think, Darkiess!"
"Oo nga! Hindi naman s'ya nababagay dito dahil mahirap lang s'ya!"
"Such a disgrace to our University!"
Nanlaki ang aking mga mata ganu'n din ang mga kasama nina Kizzy at nila Azea. Hindi rin ako makapaniwala na alam nila kung sino ako, alam nilang mahirap ako. Alam na alam na nila, paano na? Gusto kong umiyak, mag padyak at saktan ang sarili. Nanlumo ako, hindi ko matanggap ang katotohanang kilala na nila kung sino ang bombang nakapasok rito.
Mariing ngumisi ang leader ng DM. Hinawakan niya ang pisnge ko, nilandas niya 'yung matalim niyang kuko sa pisnge ko, hindi ako pumiglas. Nawalan na ako ng lakas.
"Napaka-walang kwenta nga naman ng student council! Hinayaan niyo lang na mangyari 'to? Paano kung malaman ng dean 'to? Mabubuhay ka pa kaya Kizzy Astrian Lopez?"
Nanigas si Kizzy sa kaniyang kinatatayuan. Kapansin-pansin din ang matalim na tingin ni Hades, 'yung lalaking leader din ng transaksyon nila. Tahimik lang sina Ashley, Zaire, Dria at Mhegan pero alam kong kanina pa sila nagtitimpi.
"Ha-Hayaan niyo na sila! Ako na lang ang saktan niyo! Ako na lang!" hiyaw ko. Pilit kong pinipigilan ang leader nila na lapitan ang mga kasamahan ko. Kaya lang? Mas lalo siyang lumapit.
"Ako ang may kasalanan! Hayaan niyo na sila!"
Hindi parin s'ya nakinig. Inisa-isa kong tiningnan sina Raine at Mhegan, tanging iling lang ang sinagot nila sa akin. Bigla ko na lamang naramdaman ang pag tulo muli ng luha ko.
"You bitch! Hindi kita pinasama sa amin para umiyak ng umiyak! 'Wag mo kaming alalahanin! Kaya namin sarili namin!" galit na sigaw ni Kizzy at hinablot sa kamay ni Ashley ang katana, dinuro niya ito sa mukha ng leader ng DM.
Isa namang malakas na singhap ang ginawa niya.
"You shouldn't done this Sapphire... Messing up with me is the worst thing you've encountered in your life," mariing sabi ni Kizzy. Ngumisi s'ya sa lahat ng DM.
"I am the Student Council of this University, one mess? Death end." at sa isang iglap? Sinampal ni Kizzy si Sapphire sa mukha sanhi nang pag alingawngaw ng kamay nito sa dorm.
"How dare you!" galit na sigaw ni Sapphire 'saka sinugod si Kizzy na ngayon wala man lang emosyon. 'yung ibang kasamahan niya rin ay tumulong sa pakikipag laban. Hindi ko masundan ang mga ginagawa nila dahil sobrang bilis nila.
"Hindi ka SUPERIOR! Para sundin ang gusto mo! Sa katunayan nga! Basura ka lang, Kizzy! Narinig mo! Basura ka lang!" Ninudnod ni Sapphire si Kizzy sa semento.
"Argh! Fvck you!"
"STOP!" isang malakas na sigaw ang nagpahinto sa kanilang lahat.
Boses lalaki. Malamig at nakakatakot, huminto silang lahat, pero masama parin ang tingin sa isat-isa. Magulo ang buhok, punit ang damit ni Mhegan habag putok ang labi ni Dria, pero sa DM, namumula ang kanilang pisnge at gulo ang buhok.
Nang mamukhaan nila ang nasa likuran? Nag simula na namang mang lumo ang tuhod ko, napayuko ako sa pagkakataon na'to.
"P-Premo." nangingnig na tawag ni Sapphire sa lalaki sanhi nang pag igting ng baga ko.
The knight is back.
*****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top