Chapter 8: Confirmation

Winter's POV

Walang imik akong bumalik sa Council office para tapusin ang gawain ko. Wala man ako sa mood makipag-usap ng matino ay kailangan kong makisama.

It's like I'm drowning, I can't breathe well.

Pero buo pa rin ang disisyon ko na manatili sa SC, I need to find a solution. But how can I find it if I does not even know what the matter is? It is really drowning me down.

"Where. the. heck. have. you. been.?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat at napasapo na lang ako sa dibdib ko nang may nagsalita.

My heart beats insanely fast! Napapikit ako sa gulat at parang nabuhayan ng dugo.

"I. Said. Where.Have.You.Been?"

Isa pang mas malamig na boses ang narinig ko at sunod-sunod akong napalunok nang nanayo ang balahibo ko sa batok dahil sa galit na boses ni Ceixarder.

Saka ko lang na-realize na nasa office na pala ako. Dahan-dahan akong humarap sa lalaking nakapangalumbaba sa mesa at masama pa sa masama ang tingin sa'kin.

Nakasampok ang kilay at nanlilisik ang kanyang mga maiitim na mata.

For the nth time, I swallowed my own saliva. Tss, what's his problem this time?

"Sa library, may tinignan lang."

Mahina kong sagot sa kanya at tumungo sa upuan ko. Masama pa rin ang tingin niya habang sinusundan ang bawat kilos ko.

Bakit ko ba nakalimutan ang isang 'to? May inutos nga pala ang Hari.

Wala pa namang ibang tao maliban sa aming dalawa.

"Library? Come again, nabingi yata ako at iba na ang naririnig ko. Diba, may inutos ako sa'yo? Asan na? Nagugutom na ako."

Mas lumalim ang gitla sa nuo niya at nag tatagis na ang bagang niya sa galit. Tamad ko lang siyang tinignan.

Nagugutom na siya. Bakit, nasa akin ba ang pagkain? Dala ko ang Canteen? May paa naman siya, e kung pumunta siya dun at kumain?

"Wala kasing tao sa Canteen kaya......"

"Kaya?"

May sungit sa boses na wika niya. Halatang-halata ang iritasyon at inis sa boses nito. Napabuntong hininga na lang ako.

While his eyes went even sharper than before. I can imagine him fuming mad as smoke find its way out from his both ears.

But then he inflect unfamiliar fear in me just by his stares. He has this unfriendly yet anonymous aura that brought chill down my spine.

"Kaya bumalik na lang ako pero napadaan ako sa library——"

"Stupid. We have food court, Darling. Nasa kabilang building."

Naiinis pa ring sabi niya at napairap na lang sa'kin.

I want to talk back again but when I heard him call me darling ...my mind suddenly went blank.

What's that Winter?

"Oh, ano ang nginingiti-ngiti mo? Wag kang mag pakasaya, may parusa ka."

Di ko namalayang nakangiti pala ako at nang matauhan ay palihim kong kinurot ang aking binti.

Araay!

Napangiwi ako sa sakit at nagsisisi na kinurot ko pa ang sarili ko. This is strange, why do I find him so cute as he fussed?

Bigla namang tumayo ang kausap ko at dahil nakaupo ako habang siya nakatayo na ng tuwid sa harap ko, tinignan niya ako pababa.

There I feel like I'm just a dwarf and his a giant. He's damn tall!

"Tss. Can you stop staring and follow me? You're being weird."

Napabuga ako ng hangin nang marinig siya. Bakit ba gan'to ang lalaking 'to? Parang palagi na lang may saltik!

Mag kasalubong na ang kilay niya at isang kalabit na lang ata hahambalusin na niya ako kung 'di pa ako tumayo agad.

Kaya mas mabilis pa sa alas kwatrong tumayo ako.

Masama pa rin ang tingin niya sa'kin at napa taas ang kilay ko nang irapan niya muna ako bago siya umalis.

Yung tipong halos puti na lang ang makikita mo. Kaluka. Is he even aware that he looks creepy while doing that?

Nakasunod lang ako sa kanya habang binabaybay namin ang isang hall way na hindi ko alam kung saan patungo.

Para lang kaming walang distinasyun ah. He's not talking neither I am.

Until we reached a certain classroom.

Unang bungad pa lang magulo na, para bang may inaayos silang kung ano tapos nag kakagulo ang mga studyante dahil hindi sila mag kaintindihan.

"Ceix! Nandito ka pala!"

Bigla ay may isang magandang babae ang lumitaw sa harapan namin at nanlaki ang mata ko nang bigla na lang niyang niyakap si Ceixarder.

What the F?!

Halos ipagsiksikan na niya ang kaluluwa niya sa Vice President!

Sobrang higpit ng yakap niya sa lalaking kasama ko at kahit 'di siya nito niyayakap pabalik ay hindi pa rin natitinag si girl.

Close sila? Akala ko ba bawal makipag-kaibigan sa mga hindi member ng council? E bakit sila close? Bakit sila nag yayakapan?

Napatingin sa'kin ang babae at ikinagulat ko nang biglang napawi ang ngiti niya at napalitan ng nakakamatay na tingin.

If looks could kill, maybe I'm a cold corpse right now.

"Ariadne, that's enough."

Rinig naming sabi ni Ceixarder Rosevelm! Kaya agad na ngumiti ulit si Ariadne daw.

Mabilis siyang kumalas kay Ceix niya! At mas ikinagulat ko pa ang sunod niyang ginawa.

She kissed him!

Gulat na gulat ang Vice President at naistatwa na lang sa kanyang kinatatayuan.

What the heck?! This is against the SC's rule! And the fagot before me is surely enjoying it! No doubt!

Agad akong umismid at 'di sinasadyang nasipa ko ang upuan aking sa gilid ko. Bawal yun!

Agad akong napatalon sa sakit dahil sa ginawa ko. Really? What the heck is happening?! Sabi ko na nga ba may tinatagong baho 'tong lalaking 'to eh.

"You shouldn't do that. You're being aggressive."

May ngisi sa labing wika ni Ceixarder at nilingon ako sa balikat niya.

'Di ko alam kung sino ang sinasabihan niya kasi agad naman siyang humarap sa babae niya.

"Why did you do that?"

Tanong ulit niya at bahagya akong nilingon sa balikat niya.

Nakunot ang nuo ko dahil hindi ko alam kung sino ang tinatanong niya. Sira-ulo 'to eh. Is he talking to me or to his girl?

Pero malamang, yung si Ariadne.

"I-I just miss you....Di tayo nag kita sa loob ng tatlong araw eh."

Ani Ariadne na naka-pout.
Nag papacute pa siya sa harapan ni Ceixarder.

So sila nga ang magkausap. Bakit ko ba inisip na baka ako ang kinakausap ng mokong na 'to?

"Ano na ang........"

Lumayo na sila kaya wala na akong narinig pa sa pinaguusapan nila.

Mukhang wala namang nakapansin sa amin dahil busy ang lahat ng studyante sa pag design ng room nila.

Para sa booth yata.

Napapangiwi na lang ako. What punishment is he talking about? Ito ba yun?  Walang kwenta. Kasing walang kwenta niya!

Lalabas na lang sana ako ng classroom nang mahagip ng mata ko ang isang babae.

Nakasandal siya sa pader ng classroom kung saan kami ngayon. At nanlilisik ang mga mata niya. Sinundan ko ang tinitignan niya at naningkit ang mata ko nang makitang sina Ceixarder at yung si Ariadne ang tinititigan niya.

Another what the heck.

Bakit ang sakit niya ata makatingin?

Binalik ko ang tingin ko kay Julie pero halos manlumo ako nang makitang nakatingin na siya sa akin at naka ngisi.

If my memory serves me right, sinabi noon ni Adira na member siya ng Devillion League at narinig ko na ang pangalan niya nun sa gubat.

"She's a bitch, I hate seeing her ugly face...."

Aniya habang papalapit sa'kin. Pero alam kong hindi ako ang tinutukoy niya. Of course. I'm not a bitch. And I bet my life, she's talking about Ariadne.

"Hello Winter, kamusta? So the rumors are right, you're the new secretary."

Maangas na saad niya habang nakatingin sa badge sa aking kaliwang dibdib.

Unlike Rayven and Ceixarder, she didn't give me any spine-chilling aura. But the way she act is unpredictable.

Right, her voice, it's familiar to my ears. She's really that girl.

"That Ariadne fucking Ignacio.
She's a bitch, she deserves to die."

Sa tigas ng pananalita niya ay matatakot ka na pero iba ang naramdaman ko.

Galit. Nung araw na yun na nasa gubat kami ni Ina, siya ang humila sa buhok ko. She almost killed me.

At gustong-gusto ko siyang paluhirin sa harapan ko ngayon. The right time for our duel will really come.

"What's with that stare? Ang sama ng tingin mo ah, may kasalanan ba ako sa'yo?"

Nakataas kilay niyang tanong at akmang hahawakan ako nang may kamay na pumigil sa braso niya.

Pagtingin ko nakita ko ang malamig at walang emosyon na mukha ni Ceix.

"Stay away from her, Juliana. Mainit ka pa sa mata ko kaya umiwas-iwas ka."

Malamig na wika niya at sa isang iglap nakita ko ang pamumutla ni Julie. Para bang bigla siyang natakot at ayaw niya lang ipahalata..

"Diba bawal kang makipag-kaibigan sa mga ordinaryong studyante tulad namin? E bakit kayo mag kasama ng Ariadne na yun?"

Matigas pa rin ang boses niya. Agad niyang binawi ang braso niya at tinignan sa mata si Ceix.

Oh? I admire her for being so brave or for pretending brave. And why do I feel like she's...

"You don't care, and she's not my friend. I don't have one and I will never have one."

Mahinahon pero may diing wika ni Ceix bago ako hinila paalis dun.

Para ng hihiwalay ang braso ko sa aking  katawan  sa kakahila niya pero wala akong magawa. Ni hindi ako maka pag reklamo.

Hila-hila niya ako hanggang sa naka labas na kami ng building at papunta na naman sa kung saan.

"Bitawan mo nga ako. Kung makahila ka naman akala mo mawawala na ako."

Finally, naka pag salita na rin ako. Tinaasan niya lang ako ng kilay at pinaikutan ng mata bago tamad na binitawan ang braso kong hawak-hawak niya.

"There. Happy?" Panunuya pa niya.

"Whatever."

Wala kaming kibuan hanggang sa makapasok kami sa gymnasium.

May isang lalaking naglalaro ng basket ball at aksidenteng tumalsik ang bola patungo sa amin.

The ball was about to hit my forehead but it didn't reached. My breathing literally stopped. Swear, sobrang gulat ako dun.

Nakita ko na lang na inis na pinapaikot ni Ceixarder ang bola sa index finger niya.

That fast? Ni hindi ko man lang nakita ang pag salo niya dito.

Manghang tinignan ko siya pero nakataas lang ang kaliwa niyang kilay at agad akong pinaikutan ng mata. As usual, his famous rolling eyes.

Should I say thank you? Never.

Patakbong lumapit sa'min ang lalaki kanina at nang dumapo ang mata ng Vice President sa kanya ay para siyang naninigas sa kanyang nilalakaran.

Para siyang tatalikod na 'di mo maintindihan.

"Get your ball.... Lizard."

Ani Ceixarder sa kilalang malamig niyang boses.

Umiikot pa rin ang bola sa index finger niya habang nakatingin sa lalaki.

Ako naman walang masabi. Paano ba naman kasi, natuon ang atensyon ko sa bola na umiikot.

Tangina!

"S-Sorry...Brain. Di ko yun sinasadya, tumalsik lang ang bola...."

Namumutlang paliwanag ng lalaki at nakita ko pa ang panginginig ng kamay niya.

Napatingin siya sa'kin at napaawang ang kanyang bibig sa 'di malamang dahilan.

Oh? Bakit na naman?

"Look away."

"Ah, sorry.".

"Go get your ball and leave. I don't want to see your face, I still remember how your leader talked back to me."

Hindi ko masundan ang usapan nila pero nakita ko na lang na unti-unting tumigil sa pag-ikot ang bola sa index finger ni Ceix at dahan-dahang nalalaglag.

But before it could reach the floor, the man named Lizard snatched it.

He was fast that I didn't see how he did it. I just found him dribbling the ball away from us.

Heck?! Ang bilis naman! Ni hindi ko nasundan ang galaw ng kamay niya.

"He's one foolish youth. Ni hindi niya ako matignan ng matagal——"

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi ni Ceix dahil nauna na siya.

Tahimik naman akong sumunod hanggang sa nasa harapan na kami ng isang room.

Kumunot ang nuo ko. How can we open the door if we don't have a key? Nagtatanong na tumingin ako kay Ceix pero tinaasan niya lang ako ng kilay. Like really? Hindi ba siya napapagod magtaas ng kilay?

"Paano natin yan bubuksan? At bakit ba tayo nandito?"

Tanong ko na binaliwala lang naman niya.

Okay. Mula ngayon masasanay na ako sa kabastusan niya, sa pag taas ng kilay niya, at higit sa lahat sa pag-ikot ng mata niya.

May nilabas siyang maliit na bagay at sinuksok sa keyhole ng doorknob.

All I thought is, he's just playing around but when I heard a clicking sound and the door flung open, napaawang ang bibig ko.

Ano nga ulit ang tawag sa ganun? Lock pecking?

"Wag kang tumunganga lang diyan. Pumasok ka na at buhatin mo 'to.....masyado kang bilib sa'kin eh kaya——"

Napangiwi ako nang mapagtantong nakatunganga pala ako sa kanya. And what? Ako, bilib sa kanya? Ang kapal!

May tinuturo siya at hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi.

Pumasok na lang din ako para tignan kung ano ang tinuturo niya at nanlaki ang mata ko sa nakita.

What the?! Wag niyang sabihin na bubuhatin ko ang malaking karton na yan?!

Oh, no way.

"What the—ano yan?"

"Baka pagkain. Dali tignan mo baka panis na." Pamimilusupo pa niya.

"You're hopeless."

"Am I? How about you? Wag ka kasing magtanong ng obvious, para kang tanga alam mo yun?" Dugtong pa niya kaya agad akong napahakbang palapit. Babatukan ko sana ang gago pero tinignan niya ako ng masama.

"Walanghiya." Usal kong tinaasan lang niya ng kilay.

"Karton ang tawag diyan, may laman yan, at bubuhatin mo yan papuntang Council office."

Tamad niyang sabi at umambang aalis na nang mabilis kong hinawakan ang wrist niya dahilan para mapahinto siya.

I felt him stiffened.

Mabilis ko ring binitawan ang wrist niya dahil pakiramdam ko nakukuryente ako.

"B-Bubuhatin ko? Yun? Hindi ka nag bibiro?"

Nauutal kong tanong sa kanya. At parang umiinit ang mukha ko nang humarap siya sa'kin at pinakatitigan ako.

As in, diritso ang titig niya sa mata ko at ni hindi siya kumukurap. Sinalubong ko ang titig niya pero bumagsak din ang tingin ko.

"Mukha ba akong nagjo-joke? Oo, buhatin mo. And don't complain...that's your punishment for making me wait for nothing."

Aniya at nauna na. Wala na siya. Wala na siya kaya agad akong napa-buga ng marahas.

Sometimes he's weird, sometimes he's scary, and sometimes he's handsome. But most of the time, he acts like a certified jerk!

Pinaikutan ko rin siya ng mata at tamad na binuhat ang box, and unexpectedly, nanlaki ang mata ko nang hindi ko man lang ito maiangat.

Mas mabigat pa ata sa'kin ang box pero wala akong choice, iniwan na ako ng kasama ko. Naiinis na sinipa ko muna ito bago padabog na binuhat.

Nung una mabigat talaga pero inisip ko na lang na parusa ko 'to. Dadalhin ko na lang sa office para tapos na agad.

Paglabas ko ng silid diri-diritso lang ako nang biglang may tumawag sa'kin mula sa gilid ng pintong nilabasan ko.

"Where do you think you're going Winter? Hindi diyan ang daan. Tsk. Saan ba gumagala ang kaluluwa mo?"

Napalingon ako sa kay Ceix na naka pamulsa habang pa-cool na nakasandal sa pader.

At siya pa ang may ganang mag kunot nuo e sa ako nga 'tong bigat na bigat sa dala ko.

Nauna na naman siya kaya sumunod ako sa kanya.

Habang hindi siya nakatingin ay minumura ko siya ng walang ingay na lumalabas sa bibig ko.

Ang kapal ng mukha.
Ako pa talaga ang pinag buhat ng sing bigat ng isang sakong bigas na box na'to!

Ang swerte swerte naman niya. Pa-chill chill lang siya habang nag lalakad samantalang ako para ng malulumpo. Matalisod ka sana—napahinto ako  bigla sa paglalakad nang muntik ng madapa ang minumura ko.

"Shit. That was close.....muntik na akong madapa. Someone's backstabbing me....."

Mag kasalubong ang kilay na sabi niya at bahagya akong nilingon.

Oh? Anong problema mo?! Hindi kita binabackstab. Sadyang mabilis lang ang karma.

"Nag paparinig ka?" Ngising wika ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at may sinasabi siyang di ko marinig.

Aba!

Nilampasan ko na lang siya. Kasalanan ko bang tatanga-tanga siya at di niya nakita na may bato pala kaya siya muntik ma-slide?

Pabaya kasi siya. Tapos pariringgan pa niya ako?! E gago pala siya eh.

Sarap balian ng buto para ma-paralyze napanguso.

Bakit ba sobrang nakakainis siya?! Gwapo sana kaso....

"Stop right there!"

Napa hinto ako sa pag lalakad at nanginig sa kinatatayuan ko.

I can feel the pain slowly consuming me. It started on my forehead. And after a minute of silence….

"Araaay!"

Agad kong nabitawan ang box na buhat ko at napasapo sa nuo kong nag aapoy sa sakit.

Namimilipit ako sa sakit at halos sabunutan ko na ang akibg sarili para lang mabawasan ang sakit pero walang nangyayari.

"Aahhhraaay!"

Sigaw ko na nakahawak pa rin sa nuo kong nauntog sa litching karatula.

Para na akong iiyak at hindi ko alam kung saan ipipilig ang nuo ko.

It hurts like hell! Damn! It hurts like a damn fucking hell!

"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakitang may malaking karatula sa ulo mo banda ? See what happened, you're now suffering in——"

"Shut the fuck up! Hindi Ikaw ang nasasaktan!"

Sesermunan mo pa ako!

Nagulat siya sa pag sigaw ko sa kanya pero wala na akong pakialam.

Napaupo na ako habang sinasabunutan ang aking sarili.

This is the worst, ang tanga ko naman para hindi makita ang karatulang malaki pa sa mapa ng pilipinas.

"Taassss. You're not paying attention, kaya ka nauuntog. Mag kakabukol kapa ata ngayong araw ah."

At ang hinayupak, nagawa pang tumawa.

Sinamaan ko siya ng tingin nang tinawanan niya ako pero walang epekto yun sa kanya.

Natatawang lumuhod siya para buhatin ang box at mailagay sa isang platform na malapit sa'min.

Ako naman nakapikit na. Hindi pa rin nawawala ang sakit. Parang tinamaan ng kidlat ang nuo ko sa init at sakit.

"Masakit ba talaga......Di ka kasi nag-iingat. "

May humawi sa kamay ko at may mainit at malambot na palad ang dumami sa nuo ko.

Agad akong napamulat at napasinghot sa panlalaking amoy ng aking kaharap.

Para akong naistatwa sa kinatatayuan ko. Nasa dibdib niya lang ang mukha ko at ng unti-unti kong inangat ang aking tingin.

Napalunok ako ng ilang beses. Nakatingin rin siya sa'kin at ilang pulgada lang ang layo ng mukha namin. Dun ko lang rin napagtanto ang isang bagay.

Ang tangkad niya! Hanggang leeg lang niya ako. Curse tall people!

Nang matauhan siya sa ginagawa niya ay mas mabilis pa sa alas kwatro siyang lumayo sa'kin.

Agad niyang binuhat ang box ng walang kahirap-hirap at parang magaan lang sa kanya saka umalis ng walang paalam.

Then I was left alone, napasapo ulit ako sa nuo kong hinawakan niya. Hindi na ganun kasakit ngayon at parang magic na bigla na lang napawi yung nakakasira sa ulong sakit

And what the? Don't smile!

Sinampal ko ang sarili ko nang namalayan kong nakangiti ako. At agad na tumakbo para sumunod sa kanya.

Nakatunganga lang ako sa professor namin na nakatayo sa gitna habang nasa magkabilaang gilid ng mesa ang mga kamay niya at isa-isa kaming tinitignan.

Nag simula na siyang mag discuss nang makaramdam ako ng antok.

Amputa! Alas sais y media pa lang inaantok ka na Winter?

Napa ngalumbaba na lang ako sa armrest ng aking upuan at pinasadahan ng tingin sina Blake, Martina at ang magkapatid na Arsenal habang tutok sa guro namin.

Buti pa sila, hindi inaantok. Ako lang ba talaga yung antok dito?

Then I accidentally lost my sight to the man in the last row. Obviously, he looks so bored and annoyed. And the moment his eyes laid on mine, tinaasan na naman niya ako ng kilay.

What's new? Palagi yan, pero ngayon hindi niya ako pinaikutan ng mata.

Instead he locked his eyes on mine, wala sa sariling napa kunot ang nuo ko nang hawakan niya ang manipis pero mapula niyang labi.

Wala kang mababasa na emosyon sa mukha niya, pero sa mapupungay niyang mata halatang inaantok siya. Akala ko ako lang, siya rin pala.

Tignan mo nga naman ang luko.

Nag face palm ako at tinaasan siya ng kilay nang napagtanto ko na tulala pala siya habang pinaglalaruan ang basa niyang labi habang naka tingin siya sa labi ko. I don't want to assume that he's staring at me huh, because it's obvious! Duuh?

"What the heck are you staring at? "

I mounted in a low fitch voice. Natauhan yata siya kaya nag taray na naman. Tinaasan niya ulit ako ng kilay at pinaikutan ng mata ng ilang beses.

Eh?!

Kung maka roll eyes daig pa ang babae!

After my night class I waited Kiana and the others outside our classroom. Kahit madilim ay di naman ako takot pero nang isa-isang nagsi-paalam sina Martina dun na ako kinabahan. Anak ng pating, maiiwan akong mag-isa habang sila uuwi na ng magkakasama.

"Oh, Winter bakit nandito ka pa, wala pa ba ang sundo mo?"

Ani Blake nang napadaan siya sa harap ko. Para naman akong natatae'ng ngumiti para hindi mapahiya.

Putang mga sundo yan. Kanina pa ang out namin pero wala pa ni anino nila. Tss, busy?

"Maya-maya lang siguro nandito na sila. Okay lang mauna ka na."

Oh? Wrong choice of words. Di ko dapat sinabi na mauna na siya. Naman eh, Winter!

Gusto ko sanang bawiin ang huli kong sinabi pero too late na. Tumango na siya.

"I see, pero okay ka lang ba dito mag-isa? Gabi na at kahit nandito ka sa building mag-isa ka pa rin. Gusto mo hatid na kita?"

O gash, thank you so muuuuch Blake. Wag ka na lang umalis please!  Minsan talaga maswerte ako.

Napangiti ako at akmang isasagot na nang may ibang sumagot para sakin.

"No need. Ako na ang mag hahatid sa kanya Blake at may sasabihin pa ako. "

Nanliliit ang matang pumihit ang ulo ko ng marahas paharap kay Ceixarder Fucking Rosevelm.

Naka kunot na ang nuo ko at gustong-gusto ko na talaga siyang upakan.

What?! Anong may sasabihin ka pa?! Mas okay na mag hintay ako dito mag-isa kaysa mag pahatid sa'yo.

"Ganun ba? Sige, mauuna na rin ako, Winter. Alis na ako, Brain."

Ani Blake at tumango kay Ceixarder. Nanlumo agad ako at magsasalita sana para pigilan si Blake nang panlisikan ako ng mata ni Brain daw!

The asshole is at it again!

Wala na akong nagawa at napapadyak na lang.

Anak ng kamatis! Pakituruan nga ako kung pa'no mantakot sa pamamagitan lang ng pag panlilisik ng mata.

Para akong binagsakan ng lupa at langit nang tuluyan ng makaalis si Blake.

Ano naman kaya ang trip ng isang 'to?

Tinaasan na naman niya ako ng kilay nang makita ang reaksyon ko. Naka-uniform rin siya at naka pamulsa habang poker face na lumalapit sa'kin.

Magulo pa ang buhok niyang kayumanggi at ahm, oo na...aaminin ko ng ang hot at sexy niya tonight.

Tangina, kung mabait lang sana siya at di masungit siguro ako na mismo na hahalik sa kanya.

"What's with that face, baby? You look messy and confused. What are you thinking?"

Natatawa pa niyang utas sa'kin habang dahan-dahan na lumalapit. And fuck it. The way he chuckles is damn sexy!

Winter! Kailan ka pa natutong mag-isip ng ganyan? Sexy and hot? Gosh! And baby? Ommo! Ano yun?

Binasa ko na lang ang labi ko at pinanatiling naka kunot ang nuo ko. Sometimes he is so unusual. Like he's being out of character.

But most of the time he is an asshole! No doubt!

"What's with you, Ceixarder Rosevelm. Bakit may pahatid-hatid ka pang nalalaman? At please wag kang ngumisi, 'di bagay sa'yo!"

Untag ko sa kanya pero tumaas lang lalo ang kanyang kilay.  Nakatitig lang siya sa'kin at may nakakagagong ngisi sa labi.

Anong trip niya? Seriously?

"I'm just being nice, anong masama dun? I've been trying to be friendly to you but you're so annoying."

"Aba! Ang kapal ng mukha mo, ako pa ang annoying? Talaga lang ha, bakit sino ba sa atin ang palaging masungit, nakataas ang kilay at palaging umiirap?Ako ba? Ako ba? Tapos annoying pa ako? Wow, praise the Lord!"

I can't help but be sarcastic. Let me make it clear, hindi lang makapal mukha niya, malala na rin ang saltik niya sa utak!

'Di yata niya naiintindihan ang ibig sabihin ng annoying at ako pa pala yun.

"See? You're hostile and that annoys me. Bakit kina Martina, Zen at Alas mabait ka? Tapos sobra ka kung maka ngiti kay Blake? What's that?"

"I'm friendly that's all, at ano ba'ng pakialam mo? What's the big deal? Ikaw lang naman ang masungit eh."

"Tsk. Girls and their nonsense reason. Let's just go."

Naiiling na wika niya at nauna pang maglakad. Di niya natagalan ang bunganga ko. Kita niyo na, pikon eh.

Wala na akong choice kundi ang sumunod sa kanya kahit mejo ayuko ko.

Like usual, tahimik lang siya at walang imik. Mag kapantay kami at palihim ko siyang sinilip.

Bilib din ako sa kanya eh.

Madilim pero hindi mo man lang siya makitaan ng takot o pangamba. Tapos poker face pa rin siya at ang sungit tignan ang mukha niya. And straight face! May sa pusa  yata ang mata nito. Ha! Madapa sana.

Pero nakakainis ang katangkaran niya. Hanggang balikat niya nga lang ako pero ang mas nakakairita ay kung gaano siya ka-gwapo sa gabi.

What the heck! Stop staring Winter! Mahahalata ka na niya!

"Face on the road Winter, gusto mong madapa o mauntog na naman? Kanina mo pa ako tinititigan."

Aniya at nanlaki ang mata ko nang bigla niya akong nilingon at mejo naka kunot pa ang nuo.

Shocks! Huli kang bata ka. Sige titig pa more Winter.

Pairap na lang akong tumingin ng diritso sa daan. Di na lang ako sumagot, para saan pa? Huli na ako sa akto.

Tumahimik ulit kami at habang naglalakad napaisip ako kung bakit niya ako hinahatid ngayon. Malamang may rason siya. And what the hell is his reason? I bet my life, he is into something. Alam ko ang likaw ng bituka ng mga gaya niya

I should ask.

"Bakit mo ako hinahatid? Ano ang dahilan?"

Panimula ko at napahinto nang tumigil siya sa paglalakad.

Bakit na naman?! Masama ba ang magtanong?

Nakipag titigan din ako sa kanya at sinubukang gayahin ang expression ng kanyang mukha pero ang hirap naman!

Tumaas lang ang kanyang kilay at kinagat ang ibabang labi mismo sa harapan ko.

Uminit ang pisngi ko nang 'di siya sumagot at maigi lang akong tinititigan. Yung tipong parang sinusuri niya ang lahat ng sulok ng mukha ko.

What the f. I wonder what's running on his mind right now. He's unpredictable! Nagawa pa talaga akong titigan ng walang kurap. This guy!

"Why are you asking, do you suspect me of any thing? Tingin mo ba may hidden agenda ang pag hatid ko sa'yo? What do you think is my motive, baby?"

Aniya sa mahina pero malambing na tuno. At ang putangina, sinadya pang mag husky voice sa huling katagang sinabi. That baby! Kapal din eh!

Addict na ba ako kung iisipin kong para niya akong inaakit habang binabasa ng dila niya ang kanyang labi? Shizz.

Napaawang ang bibig ko sa kanya at napako ang tingin. He's not moving a bit and he's just looking directly to my eyes.

Nagkatuusan kami ng tingin pero ako ang unang kumalas. I have this unusual feeling that I can't explain whenever we will be locked into a staring contest. I felt like I am melting.

Heck!

Lahat na ng mura nasabi ko na sa isipan ko pero hindi ko masabi ng malakas.

"W-Wala na lang pala. Tara na nga."

Nauutal na utas ko at nauna ng maglakad. Mas malaki pa ata sa kanya ang mga hakbang ko.

Okay. Ako na ang paranoid na temang dito. Nag tanong lang naman siya Winter, what's the big deal? Wag OA! Kung maka-react ka naman 'kala mo ano na ang sinabi.

Bakit kasi apaka-straight naman niya tumitig eh. Nakakapanliit tuloy.

"Saan ka nga pala umuuwi, Mr. Vice president?"

Muling tanong ko. Kunting tiis nalang, malapit na ako sa dorm namin.

"Student Council Dorm. "

Tanging sagot niya. Aba, ang ikli naman. Malapit na ako sa dorm namin at nakakaisip na ako ng kalukuhan para asarin siya. Ako palaging naasar dito eh.

"Ceix, may itatanong ako sayo."

"What?"

"Bakit Vice President ka lang, why not the President if you're even more powerful than Blake? "

Ilang minuto siyang di umimik bago sumagot. At promise gusto ko siyang murahin sa sagot niya.

"Because I'm the handsomest, sexiest and hottest creature alive. Wala ng mas hihigit pa sa'kin. "

Aniya na walang bahid ng biro. Yung tipong seryusong-seryuso siya. Gusto kong matawa at mag mura sa isinagot niya. You're so full of yourself, little boy! Mahiya ka sa balat mo!

Napapailing na lang ako sa kanya. Ang hangin! Ang hangin talaga!

"Worst answer I've never heard. Hindi katanggap-tanggap kahit sa ilalim ng lupa."

"Oh? You think so? But I'm handsomer than Cupid and all the Gods you've ever heard. "

"Cupid and the other Gods have nothing to do with it. Mandadamay ka pa ng ibang nilalang."

"So could compare how handsome I am. But of course, in the end, my charm would rise." He even added.

Di ko na napigilan at natawa na ako. Tangina, akala ko puro pag taas ng kilay at pag ikot ng mata lang ang alam niya. Nag jo-joke rin pala siya. Kung kanina mahangin lang, ngayon magkakabagyo pa ata.

"How about you, why did you enter the University? Bakit ka pumasok sa pintuan sa pader na nasa tunnel?"

Bigla akong napahinto sa paglalakad sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano sasagutin o kung ano ang isasagot ko.

So alam niyang sa tunnel kami lumabas nun, na sa pintuan sa pader kami dumaan.

Alam pala niya eh, pero bakit hindi nila gamitin ang tunnel para maka labas ng University. Nag-isip muna ako ng isasagot.

Dapat ko bang sabihin na dahil hinahanap namin si Alizza dahil nandito siya. Malalaman din naman niya dahil kaya nga ako sumali sa  Council ay dahil dun.

"I am finding a friend.....she's here."

Mahinang sagot ko. Natatanaw ko na ang buong dorm namin at ilang hakbang nalang kami papunta doon.

"Finding a friend? Here? Are you even aware of this place? And where will you find that friend of yours here?"

"I don't have a clue."

I lied. Kasi ang totoo may clue na ako, di pa nga lang ganun ka lakas. Baka kasi mali rin ako eh. Humarap siya sakin at tinagilid ang kanyang leeg habang tinititigan ako ng maigi. As if he can see what's behind my eyes through it.

"Lier. I can saw it in your eyes, tingin mo nasan siya?"

Napa awang ang bibig ko. Paano niya nalamang nag sisinungaling ako? He's a...he saw the truth behind my lies. He really did!

Dapat ba akong magulat, he's Ceixarder Rosevelm after all. The brain of the Student Council, at isa sa pinaka malakas na studyante ng naka tagong university na 'to.

"I think she's in the hidden factory here, I don't know, I'm not sure. But I am certain that Alizza is alive."

"You're wrong, walang Alizza sa factories, I've been there a week ago. Walang bago dun, just forget about her, she might be dead."

Agad akong napailing sa sinabi niya. No way, she's alive. 'Di niya kilala si Alizza, paano niya nasasabing patay na'to?

"Hindi. Buhay siya, kung matitignan ko lang ang Black Notes,  makikita nating buhay siy——"

"So that's the reason why you joined my organization."

That is not a question, but a confirmation.

Nalaman niya kaagad na kaya ako sumali sa SC ay dahil sa Black notes. Para makasilip ako dun at matignan kung may pangalan dun ang kaibigan ko.

And he just knew it. Bisto na ako.He's damn smart and intelligent!

Wala na akong naisagot, umiwas na lang ako ng tingin at napapikit. Ito ba, ito ba ang dahilan kaya niya ako inihatid dahil gusto niyang mapaamin ako.

What the heck. I fell on his trap. Ni hindi ko naisip na huhulihin niya ako ngayong gabi. Pag-ginagago ka nga naman ng pagkakataon.

"So I was right, but that's nonsense, kasi alam kong walang Alizza'ng pangalan sa Black notes. "

"Paano nangyari yun? Akala ko ba lahat ng napupunta dito nare-record ang pangalan. Bakit wala siyang pangalan?"

"Maybe, someone is hiding her. Someone powerful enough to cut all the traces about her. Or maybe, she's really dead——"

"Hindi pa nga siya patay!"

Nagulat siya sa pagtaas ko ng boses. Kasi naman eh! Nakakainis 'tong hinayupak na'to.

"She's alive then."

Sarkastiko niyang sabi.

"But I'm harsh Winter, hindi kita ico-comfort. Patay na ang hinahanap mo. Yun na yun. Just move on and forget about her."

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Pinag pipilitan talaga niyang patay na si Alizza. 'Di nalang tumahimik.

"Just shut up if you won't say any better."

"Ikaw ang manahimik, 'wag mo nga akong sinasagot." Aniya pa pero umirap lang ako.

"Tsk. Believe what you want to, I'll believe mine. "

"Wala ka ng tanong?"

"Mayron pa, bakit hindi niyo gamitin ang tunnel para makalabas dito?"

Pwede naman nila yung gamitin eh. Naka pasok nga kami eh.

"That would be open only from the outside, and the wall is unbreakable and thick. The thickest wall you will ever see. And once it was opened from the outside it will close again immediately. Three minutes lang ang itatagal ng pagbukas nun. What was worst is, hindi yun mabubuksan mula dito at dalawang beses lang yun mabubuksan mula sa labas sa loob ng isang taon."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Ganun?

Damn no way, so ibig sabihin kung may gusto mang pumasok dito mag hihintay pa muna siya ng isang taon . At isang taon pa ang hihintayin namin kung dun kami lalabas .

No freaking way!

"Get inside your dorm. I'm leaving."

Di na niya ako hinintay sumagot, tumalikod na agad siya at mabilis na nag laho sa dilim.

Nanatili muna ako ng ilang minuto sa labas hanggang sa pakiramdam ko may nanunuod sa'kin.

Tinignan ko ang paligid pero wala akong makita. It's almost midnight!

Agad na akong tumakbo papasok sa dorm. My susi naman ako kaya di ko na hinintay na may mag bukas pang iba.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top