Chapter 7: Theory

Winter's POV

Maaga pa kami nagising nina Kiana, Isabelle at Adira. Laking gulat ko na lang nga nang bigla na lang nag-sidatingan ang mga lalaki.

Of course, no other than Blaise, Zetro and Loki.

"Susunduin ka namin mamayang gabi pagkatapos ng night class mo ha."

Untag ni Isabelle na kumakain ng sandwich niya. Kumakain din ang iba at ang iba naman ay nag-iingay lang.

"I'm not sure, baka 'di na ako makauwi dito kasi nga diba sa council dorm na ako uuwi."

Fuck that rule. Bakit kailangan ko pang mag-seperate ng tutuluyan?

"No you're not. Nagawan na namin yan ng paraan, Right Loki?"

Ani Blaise na ni-mention na naman ang pangalan ni Loki na agad sumama ang timpla ng mukha.

Jerk. Alam nang ayaw ni Loki na nime-mention siya eh, nag hahanap siya ng away?

"I really want to slit your head off these past few days, Blaise. I'm just thinking of some more brute ways to kill you."

Malamig na usal ni Loki at halatang irritang-irita na. Well, who wouldn't be? Nung isang araw pa yan.

Imbis na matakot mas lumapad pa ang ngisi ni Blaise.

"Chill ka lang Loki, pero totoo naman eh. You dealt with your mortal enemy just for our guest, and I'm so proud of you because you didn't cause havoc yesterday."

May pa kisap mata pang kasama na saad ni Blaise kaya nagtawanan kaming lahat.

Eh? Always bluffing around with the hot-headed, Blaise? Early death ang resulta niyan.

"Eh ano na man ang ginawa niyo? Paano niyo ginawan ng paraan ang tungkol dun?"

Usisa ko. I should know. Baka kasi bli-nackmail na na man nila ang Council. Pero impossible yun, the Council is silently strong and vividly smart. Powerful as well.

"Sa'kin na lang yun, I loved causing havoc just to fuck up Ceixarder. "

May ngiti sa labing wika ni Loki, tuwang-tuwa siya sa sarili niya.

Nagkibit balikat na lang ako at kumain.

Hinatid din nila ako sa council office para daw masiguro nilang maayos ako.

Si Zetro pa mismo ang nag bukas ng pinto at pina-una kaming mga babae na pumasok.

Bumungad sa'min ang mukha nina Martina, Zen, Alastair, at Blake. Napatingin sila sa'min ng mga kasama ko maliban na lang sa lalaking sumisipsip ng lollipop at pinapaikot ang ballpen sa kamay niya.

"Good morning....Hinatid lang ako nina Kiana."

Mejo nahihiya kong sabi. Ngumiti naman sina Martina at Alas.

Zen is always on poker face. While Blake just smiled.

"Wow, ang dami mong bodyguards Winter. Pero mukhang ang aggressive nila ah."

Ani Martina na nasa katabing desk ko lang.

Nag kalat naman ang mga kasama ko at nagsi-upuan sina Blaise at Zetro sa mesa mismo nina Zen at Alas.

Oh? Mejo pasaway talaga sila. Tss.

"We're not bodyguards, hindi rin kami aggressive. Hinatid lang namin siya para masiguradong maayos siya. "

Agad na banat ni Isabelle kay Martina na may halong taray.

Si Blaise naman sinasabihan na ni Zen na umalis sa mesa niya pero hindi siya pinapansin nito.

Si Kiana tahimik lang na sinusuri ang buong kwarto, si Blake halatang hindi rin gusto ang inaasta ng mga kasama ko.

While Loki and Ceixarder are in their staring contest. Matalim ang tinginan nila sa isa't-isa pero hindi gumagalaw.

I can see that the Black Elite Society and the Council are not in good terms.

"Fernandez, manners please. Hindi inuupuan ang mesa at pakibaba ng paa mo."

Naka kunot nuo at malamig na utos ni Zen kay Blaise na nakabungisngis. Halatang gusto niyang inisin si Zen.

Tingin ko hindi magandang nandito sila. Nag hahanap lang sila ng away eh.

"Mollin, dude gusto mo mag kape? Punta ka mamaya sa canteen may bagong kape sila."

"Oh really? Salamat sinabihan mo ako. Sige, pupunta ako dun mamaya, pare."

"Yeah. Try it."

Mukha namang in good terms sina Zetro at Alas.

Alastair is just cool and calm. Naka ngiti pa rin siya at mukhang vibes na vibes sila ni Zetro.

"What are you implying, Isabelle Salazar? Na hindi siya maayos dito sa'min? That's an insult."

Hindi parin tapos sina Martina at Isabelle sa sagutan nila.

Uh yeah, mag kaka world war pa ata dito. Hay naman, ano bang trip nila?

"Hindi ko sinabi yun Martina Velasquez, ikaw ang may sabi nun."

"But you sounds like that. I hope you know about our rules , Right? She can't be with you, that's against our rule."

Nag kakainitan na sila kaya napag desisyunan ko ng mag salita.

"I guess you need to go. Salamat sa pag hatid sa'kin, wag kayong mag-alala okay ako dito. "

Saad ko para matigil na sila. Umalis na sa pagkakaupo sa mesa ni Zen si Blaise pero naka bungisngis pa rin siya.

Ugh! Pasaway!

Nag si-irapan sa isa't-isa sina Isabelle at Martina pero hindi na ulit sila nag sagutan.

"Sa amin nga pala siya uuwi mamaya Mr. President. We all know we won the deal."

At last Kiana spoke. Handa ng umalis ang iba maliban lang kay Loki na nakikipag-titigan pa sa mahal niyang si Ceixarder Rosevelm.

Hindi ko talaga ma-intindihan ang pinag huhugutan niya ng galit niya sa Ceixarder na yan.
Dahil lang sa binagsak siya nito noon, ganyan na agad ka lalim ang galit niya dito.

"I won Ceixarder, I can't believe you lost. I expected na ikaw ang unang makakaalam."

Sabi ni Loki sa kaharap niyang si Ceixarder na busy sa kakadila sa lollipop. At nang naligaw ang tingin niya sakin ay tumaas na naman ang kilay niya at umirap ng nakakainis. Seriously? Palagi nalang siya umiirap sakin?

"You won because I let you. Baka kasi mas magalit ka pa sa'kin kung natalo ka na naman. Alam nating hindi ka tumatanggap ng pagkatalo. Oh, no offense."

Bwelta rin ni Ceixarder na naka ngisi pa kaya nag uusok na sa inis si Loki pero pinipilit niyang ngumiti parin.

"Yeah, but sometimes we don't always get what we want. Losers don't stay losers forever. I won't stay second forever."

"Uh? But you should accept the fact that I'm always at the top, and you're under me, below me and beneath me...."

"But I'm Skillful than you. Ikaw kailangan mo pa ng tulong ng mga puppets mo sa paligid pero ako hindi na. You can't live on your own, you can't stay here long alone."

"You're wrong Llezzur, I can live alone, I don't need help from anybody. And I'm just using my power to do things effortlessly. Hindi ko kailangan tumayo para lang sundin ng lahat, kahit nakaupo lang ako...kinakatakutan at nererespeto pa rin nila ako. And that's what power does."

Para lang kaming nanunuod ng debate sa pagitan nina Loki at ni Ceixarder.

Pareho silang ayaw mag patalo at nag papataasan ng pride.

Pero si Loki ang unang bumigay. Nagusot na ang nuo niya at bakas na ang inis at galit sa mukha.

"We're forever enemies, Rosevelm. Pasalamat ka at malaki ang respeto ko kay Leader, hindi kita papatayin ngayon."

"As if you can. If you're better than me, why don't you try breaking your leader's order? Breaking the rule is fun."

Pag hahamon pa ni Ceixarder at ngumisi ng nakakaluko. He even revealed his deep dimple in his left cheek.

"Don't push me to cross the line, baka nga gawin ko yun."

Ani Loki sa mahinahon pero may diing boses saka walang pasabing umalis at agad namang sumunod sina Isabelle, Kiana, Zetro at Blaise.

Naiwan akong naka tunganga sa nilabasan nilang pinto.

Hindi talaga maganda ang relasyon nila sa isa't-isa. Siguro kung nasa battlefield kami ay nagpatayan na nga silang talaga.

"He walked out again? Hayss... He's a big time asshole."

Rinig kong usal ni Ceixarder at napatingin sa'kin. Kumunot ang nuo niya nang mahuli akong naka titig sa kanya.

Tumaas ang kilay niya at masungit akong iniirapan ng paulit-ulit.

"What the heck are you staring at? Bakit, gusto mong sumunod sa kanila? "

Bakas na bakas ko sa boses niya ang sungit. Para naman siyang hindi lalaki kung maka-irap. Napa buntong hininga nalang ako bago sumagot.

"Naka tingin ako kasi may mata ako, bakit, bawal tumingin sa'yo? At hindi ko gustong sumunod sa kanila."

"Hindi porque may mata ay pwede nang tumingin. Sometimes you have to bow down your head and look downward when you're facing someone big time. Parang ako lang...."..

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero pinigilan ko. Kaharap ko lang ang mesa niya kaya sa tuwing 'di ko sinasadyang mapatingin sa kanya ay sinusungitan niya ako agad.

Like seriously? He is so childish.

Nang sumapit ang lunch isa-isang nag sialisan sina Martina at ang magkapatid na Arsenal, wala na rin si Blake kaya ako at ang mabait na si Ceixarder Rosevelm na lang ang naiwan.

Wala na siyang ginagawa kundi ang lukutin ang mga bond papers na ayaw yata niya.

Tumayo na ako at akmang aalis na nang nagsalita siya.

"Bring me two serves of rice, two serves of menudo and kare-kare, two serves of vegetable salad, juice and strawberry cake. "

Napatigil ako at kunot nuong lumingon sa kanya. Ano ang mga yun? Inuutusan ba niya ako? Aba at ang kapal naman ng mukha niya! Ano niya ako, yaya? God!

"A-Ano yun? Bring you what?"

"I said bring me those. Bilisan mo at nagugutom na ako. Move!"

Napa-awang ang bibig ko sa sinabi niya. Para lang niya akong yaya kung maka pag-utos siya at siya mismo ang may ganang humalukipkip? Ang enthusiastic pa ng pagkakasabi niya.

Aba, saan kaya nakukuha ng lalaking 'to ang kakapalan ng kanyang mukha. Matapos niya akong irapan? Tarayan? Uutusan niya ako!

"Inuutusan mo ba ako?"

"What do you think? Mukha ba akong humihingi ng pabor? You're the secretary and I'm the Vice President, I can order you around. Now go. Pronto!"

Masigasig pa niyang utos. Hindi ako makapaniwala na inuutos-utusan niya lang ako.Matapos niya akong tadtarin ng irap at taas kilay niya kanina? How dare he!

"Wow…" gusto ko sanang pumapalpak ang kaso tinatamad ako. "Seriously? Saan mo nakukuha ang kapal ng mukha mo para utusan ako? May paa ka, may kamay, kumuha ka ng pagkain mo. At oo, pabor yan." Angal ko.

"How dare you talk back?! You are under my power."

"Not literally." Iling ko.

"That is your responsibility as a Secretary. Sumunod ka kung ayaw mong patalsikin kita dito."

"Ang kapal din, bahala kang magutom. Akala mo madadala mo ako diyan?" Naiiling na saad ko at akmang aalis na nang may idinugtong pa siya sa kalukuhan niya.

"You can't just disobey me without getting any charge. Now, the moment you step out of this room without doing what I want, you are removed. Period."

Ngising aniya kaya napatiim bagang ako. Curse this guy! Really, curse him! Curse him for having such power!

"Ang sama mo."

"Told you, be obident. You're just like Loki who has a thick face to go against my will." Aniya pa at may ngiting matagumpay. And thick face?! Ako pa talaga?

I know that I should follow his order and I should not talk back but! He is beyond insane! Beyond irritating!

Pumikit muna ako ng mariin bago lumabas at pagbagsak na sinardo ang pinto.

Ang kapal naman ng mukha niya. Hindi ba siya lalabas at ako pa talaga ang inutusan.

Padabog akong nag tungo ng canteen at naki halo sa mga studyante.

Pag pasok ko pa lang ay pinag-titinginan na agad ako ng lahat pero nag kunwari lang akong walang napapansin.

Hindi ko alam kung bakit nila ako halos tunawin ng titig nila.

Nasa counter na ako at nag order ng tanghalian ko. Ang babaeng nerd ulit ang humarap sa akin.

"H-Hi..."

Bati niya na mejo na mumula pa. Mahiyain pala talaga siya. Makapal ang salamin niyang halatang mataas ang grado, kapansin-pansin rin na mahahaba ang mga damit niya at mejo fly away ang buhok niya ngayon.

"Hello. Ikaw pala, kamusta? Ano nga pala ang pangalan mo?"

Pagbati ko pabalik at ngumiti. Hindi mapirmi ang tingin niya sa isang bagay. Yung tulad sa mga anime kung nababalisa sila at nag papanic.

"R-Rollyn Joyce Omero Calambro...."

Aniya na nauutal pa. Maya-maya lang binigay niya na sa akin ang order ko. Pero may sinabi siyang naka patigil sakin.

"Ang ganda mo, ang ganda ng kutis mo, ang ganda rin siguro ng ugali mo 'no? Iba talaga kapag nasa labas ka....Hindi mo kailangan maging demonyo para manatiling buhay."

Mejo nagulat ako sa kanya dahil ni hindi man lang siya nautal at buo ang boses niya ng sinabi niya yun.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakita ko kung paano at gaano ka dali nag bago ang personalidad niya.

Nang maalimpungatan siya sa kanyang sinabi, agad siyang nabalisa at muling nataranta.

"Ah-um-ahm-A-Ang i-ibig kong sabihin...ahm, siguro maganda sa labas 'no? Para kasing ang saya mo lang."

Balisang sabi niya at yumuko. Hindi na lang ako umimik at ngumiti sa kanya bago umalis at nag hanap ng bakanteng mesa.

What's that? She has split personality. Una, isa siyang hamble at mahiyaing nerd pero bigla na lang siyang...naging parang matapang na babae.

Ang dami talagang strange sa lugar na'to.

Natapos na akong kumain at umorder na para sa magaling naming vice-president.

Bumalik na ako agad sa office pero hindi nawala ang tingin sa'kin ng nga nakakasalubong ko.

Para silang nakakita ng artista kung maka titig eh.

Pag dating ko sa Council office nilapag ko agad ang tray na dala ko sa mesa ng nakapangalumbaba na si Ceixarder.

Naka kunot ang nuo niya at matalim ang tingin sa akin.

What?! Dinalhan na nga kita ng pagkain tapos ganyan mo pa ako tignan. Where's my thank you?

"You're too late, kanina pa ako nag hihintay dito."

Malamig ang boses niyang sabi. Mejo nakaramdam ako ng pagtayo ng balahibo sa batok ko sa tuno at lamig ng kanyang boses.

Napalunok ako ng ilang beses habang tinititigan niya ako na parang sinusuri pati ang kaluluwa ko.

I'm getting goosebumps.

"K-Kumain pa kasi ako..."

At bakit ako nauutal? Fuck. Winter don't be intimidated by his stares and head high!

"Mag pasalamat ka na lang at wag ka ng mag reklamo."

I tried to sound furious. Sinubukan ko rin mag tunog mataray pero hindi ako maka tagal sa titig niya.

Aba! Tinatakot niya ako sa titig niya lang ha. Pwes! Hindi ako matatakot. Lalaking 'to.

"Taste it first, I don't trust you. Baka may lason pa yan at gusto mo pala akong patayin."

Nagsalubong ang kilay ko sa kanya. Wala pala siyang tiwala sa'kin inutusan pa ako. At ang kapal naman ng mukha niya para pag bibtangan ako.

Pinag-cross ko ang braso ko sa harap ng aking dibdib at masama siyang tinignan.

"First of all, walang lason yan, at bakit ko naman lalagyan? Second, wala akong balak patayin ka. At sana hindi ka na nag-utos na dalhan kita ng pagkain kung hindi mo rin lang kakainin. Nag sasayang ka sa pagkain."

Tama naman ako eh. May punto ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay at pinag-cross din ang braso niya sa dibdib.

"We don't know, what if may balak ka palang patayin ako? I just want to assure my safety."

Oh? Ano ba ang pinaglalaban niya? Assure his safety, safety-hin ko mukha niya diyan eh.

"And what made you think na gusto kitang patayin?"

Although yun ang task sakin wala naman talaga akong balak na patayin siya. Mag-iisip ako ng ibang paraan.

"Well, we really don't know. Pero ang biglang pagsali mo sa amin ay isang clue. What if you're a spy? Tapos ayaw pa ng mga kaibigan mo na sa council dorm ka tutuloy? They even made a deal with me."

So, iniisip ba niya na baka spy ako nina Loki? Akala ba niya pinadala ako para patayin siya.

Gad. Oo, may task ako na dapat ay patayin ko siya pero ni minsan hindi sumagi sa isipan ko yan ah.

"Yun ba ang akala mo? Then let me tell you, I'm not a spy or what at para maniwala ka ako na ang unang titikim ng mga 'to."

Masama ang loob na sabi ko at kumuha ng kutsara at tinikman isa-isa ang lahat ng dala kong pag kain.

Pati ang tubig at juice ay ininom ko na rin.

"Done. Satisfied?"

Sambit ko, tinignan lang niya ako at nagkibit balikat. Mataas parin ang kilay niya at nakangiwi.

I really can't understand him. Iniisnis niya ako palagi.

"I can't eat them now."

"Ano?!"

Mejo tumaas ang boses ko at napasapo sa nuo ko.

Jusmiyo. Kukulot yata ang buhok ko sa kanya. Ang arte!

"I said I can't eat that anymore. Kinainan mo na yan eh, eat them up or if you don't want to, just throw them away."

Mataray pa rin niyang sabi at tumayo saka walang lingon-likod na nag tungo sa locker room namin.

Napa-buga nalang ako ng hangin at kinuha ang tray na puno pa.

Umupo nalang ako sa desk ko at kumain. Pero nakakadalawang subo palang ako nang bumukas ang pinto at pumasok sina Martina at ang magkapatid na Arsenal.

Laglag ang panga nila akong tinignan at ang punong tray. Nabitin din sa ere ang subo ko.

Oh? Siguro iniisip nila na grabe akong kumain. Sa bagay, pangalawang tanghalian ko na'to.

"Wow, I'm impressed. You eat a lot but your body is in a good state."

Manghang wika ni Alastair. Si Zen naman naka-get over na at nakangiting umupo sa tabi ng desk ni Ceixarder.

So iniisip talaga nila na grabe ako kumain huh.

"Pangalawang tanghalian? Gutom na gutom ah, nakita kita kanina sa canteen ang dami mo ring kinain ah."

"Meryenda lang yun kanina, ito yung tanghalian. Pff."

Natatawa pa si Martina. Napailing nalang ako.

Great. Next time di na ako susunod sa utos ng Ceixarder na yun.

Halos isang oras lang ang break time namin at nag patuloy ulit kami.

Kompleto kaming anim at kami lang ata nina Alastair at Martina ang nag sasalita. The rest are all silent.

Napatingin ako sa wall clock, it's almost two thirty p.m. at isa-isang nag silabasan sina Martina at Alas.

Nakaramdam ako ng uhaw at dahil wala akong tubig tumayo ako at akmang lalabas na nang marinig kong nagsalita si Ceixarder.

"Get me food in the canteen, at samahan mo ng strawberry cake. Kagaya lang din ng kanina at bilisan mo."

Aniya sa malamig pa sa yelong boses . Kunot nuo ko siyang nilingon.

No way. Maya-maya hindi mo na naman kainin ta's ako na naman ang kakain. At isa pa, ano mo ako? Yaya? Yuko nga!

"Again? Huh, ayuko nga, kanina hindi ka na nga nagpasalamat hindi mo pa kinain yung dala ko at diba nga, sabi mo baka lasunin kita? So why the heck are you asking me to get you foods again?"

Naka taas kilay kong utas at ni-head to foot ko siya kahit nakaupo naman siya.

Biglang tumalim ang titig niya sa'kin at tumaas ang kanang kilay, ilang beses siyang umirap sakin bago tumagos ang titig niya.

"Where the heck did you get your guts to talk back? You forget, I'm the Vice President and you're just a mere secretary. I ordered you so you obey."

Napalatak ako sa kanya.

Galit na ata siya sa akin dahil ako lang naman ang naglakas loob na sumagot sagot sa kanya.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at lumabas na. Para akong nasa kulungan ng lion ah. No wonder why Olivia wants to gid rid of him, he's a walking nightmare!

Malayo pa sa canteen ay napahinto na ako sa paglalakad. Closed. Walang katao-tao, babalik na sana ako sa council office nang napadaan ako sa library.

Tatlong palapag ang library at sa unang palapag pa lang ay malaki na at malawak.

Pumasok ako at ngumiti sa Librarian saka na ako dumiritso at nag titingin-tingin sa mga matataas na book shelves.

May mga mesa rin para sa mga magbabasa pero dahil may klase pa wala lang studyante.

Nag libot-libot ako sa mga book shelves at hindi na muna umakyat sa ibang palapag.

I was at the back and I can't see the librarian anymore. I'm alone and I saw a good book to read.

Ang kaso mataas at hindi ko maabot ang kinalalagyan. Nag tip-toed ako para maabot ang libro pero tanging ang gitnang daliri ko lang ang nakakaabot dito.

Bakit ba hindi ako nabiyayaan ng katangkaran? Kinulang man ako sa height at least naman hindi ako kinulang sa ganda. Bawi rin.

Kahit di ko abot nag bakasakali parin akong magka himala at bigla akong tumagkad at napaawang ang bibig ko nang may ibang kamay na kumuha ng libro at tinulak para malaglag sa kamay ko. At nakuha ko nga!

Agad akong lumingon sa likuran para tignan kung sino yun pero agad akong naistatwa sa kinatatayuan.

Bumalatay ang kakaibang ngisi sa mukha niya nang makitang nagulat ako at di makagalaw.

"You look pale, Winter. What's with that face? It's just me."

Ani Rayven at bumungisngis pero nanatili ang kakaibang aura niya na nag lilimit sa kilos ko.

The atmosphere suddenly became heavy.

Kahit nakangiti siya ay nakakapangilabot parin ang presensya niya.

"I'm just...shocked. And I'm not pale, I'm just as white as snow."

Sagot ko at tumayo ng tuwid para ipakitang di ako apektado sa aura niya.

He's a mysterious man with evil smirk.

"I see. Sobra ang puti mo, your name suits you. But someone's name is a lot better in my ears."

"Uhuh? So what? I don't care. At bakit mo ako sinusundan?"

Tinaasan ko siya ng kilay para mag mukha akong mataray at kontra bida.

Kumuha din siya ng libro at binasa lang naman ang pamagat.

"Hindi kita sinusundan, nandito na ako bago kapa dumating at parang timang na tumitingin-tingin."

Oh? Did I heard it right? Tinawag niya akong timang? How dare he. Namangha lang ako sa laki ng library dito kaya ako tumingin-tingin.

"E bakit ka lumapit? Sana hinayaan mo na lang akong mag mukhang timang ulit diba? You're such a gentleman. Asshole."

Balik ko sa kanya ng maanghang na salita at pinag-cross ang mga braso ko sa aking dibdib.

I thought he will argue some more but his face went blank.

Tinignan niya lang ako ng walang emosyon at biglang nagsalita ng mga wierdong bagay.

"Why did you do that?"

Aniya at bumaba ang tingin sa golden badge sa'king dibdib kung saan naka-ukit ang aking pangalan at posisyon sa Council.

Kumunot ang nuo ko sa tanong niya. Do what? Wala naman akong ginawa ah.

"Do what?"

"Joining the Student Council. Why did you join them? Do you know what will be the consequences of your actions?"

Mas lalong kumunot ang nuo ko sa sinabi niya. Wala siyang pakialam sa gusto ko at sa disisyon ko in the first place pero kung maka tanong kala mo kung sino.

At ano naman ang masama dun. I have my own valid reason. Saka, close kami?

"That's none of your business. I will do whatever I want to do and you don't care about it."

Naka kunot nuo paring sagot ko. Di ko pwedeng sabihin na dahil may hinahanap ako kaya ako sumali sa SC.

At ano bang problema niya dun?

"You can't just do whatever you wanted. Winter, you're being ignorant. Ano ba ang makukuha mo sa pagsali sa kanila?"

Oh. Tinawag niya na naman ba akong ignorant? Kanina timang ngayon ignorante.

Naiinis na sinuklay ko ang buhok ko gamit ang aking daliri  at masama ang tingin na tinignan siya.

"Hindi ako ignorante! At ano ba ang problema mo dun. They can assure my safety kaya ako sumali sa kanila!"

"Safety? Did I heard it right? Safety my ass. Mas safe ka pa sa Black Elite Society kaysa sa Student Council. Kaya kang protectahan nina Loki at ng mga kasama niya. Your excuse isn't strong enough to make me believe."

Mejo natatawa niyang utas at bumungisngis pero iba ang dating nun sakin. Naiinis ako sa ngisi niya.

Bakit ba big deal sa kanya ang pag sali ko sa Student Council? He's a weirdo.

"I have my own valid reason, Rayven. And why the heck do you care? Bakit apektadong-apektado ka?"

"Valid reason huh? What's that then?"

"Why would I tell you? At bakit ka nga kasi apektado na sumali ako sa SC?!"

Umiinit na ang ulo ko sa kanya. Parang hinuhuli niya ako. Hanggat maaari ay ayaw kong sumigaw, ayaw kong may makarinig sa'min pero naiinis na ako sa kanya.

"This is a warning, leave the Student Council otherwise you'll bring this place into the depths of  hell. You'll bring us down, Winter."

Nanlamig ako sa sinabi niya at kunot nuong umiling-iling.

How?Why? And what?!

Bakit ba parating sinisira ng lalaking 'to ang lahat. Napaka-pakialamero naman niya. Can't he just shut up?

"Rayven Loststone, are you messing with me? Are you playing a prank? Anong kinalaman ko dun? How would I bring you down?"

Hindi ako sing-talino ni Spring pero hindi rin ako bobo. Wala akong nakikitang mali sa ginawa ko.

Bring them down? Tangina.

"See? You know nothing."

"No. You're the one who knows nothing here, anong pinagsasabi mong dadalhin ko kayo pababa?"

Humakbang ako palapit sa kanya pero siniguraro kong may  sapat kaming distansiya. Hindi man lang siya kumilos at maigi akong tinitigan.

"Rayven! What do you mean by that. At anong kinalaman ko?!"

Gusto ko siyang kwelyuhan pero di ko kayang gawin. He's taller than me, he's a man. Of course he's stronger than me. He's a gangster, patay ako kung magalit siya.

"Why would I tell you too? Sabihin mo muna ang oh-so-called valid reason mo. What's that winter?"

"No, you're tricking me."

"Maybe? But what I told you was the truth. The upcoming disaster you brought."

Just when I'm confidently right with my decision there he comes and told me some mendacity story.

Nanatili kaming nag titinginan hanggang sa di ko na natagalan ang tingin niya. Umiwas na ako at umatras sa dating pwesto ko.

He is nothing but a one time asshole who doesn't deserve my stares.

"What disaster you're talking about? Sabihin mo na lang."

"Tell me your so-called valid reason first."

I don't trust you enough.

Paulit-ulit kong pinag-iisipan sa utak ko kung alin ang gagawin. Should I tell him that I'm finding Alizza or should I just turn my back and leave. Just like that Winter.

"I don't care if I will bring you down, I have my reason,  I don't care. Ikaw naman ang mukhang may pakialam kaya bahala ka--"

"Really? But I think you can't stand seeing the innocent students die because of you. You're too softhearted. Dahil sa'yo lahat ng pinag hirapan namin mauuwi lang sa wala. Those students and teachers struggling to survive each hellish day will suffer and die because of you. "

I halted. This man is ruining me. He is using that card, huh? He is maybe right but I am selfish.

"Good luck to me then."

"Just think if it. Because of you, they will die. Your conscience will hunt you for doing nothing."

"Tangina. Bakit dahil sa'kin na naman?!"

"Because you change the plan. We have a flawless, hundred percent sure to be successful plan until you showed up and then everything went messy. Now we are having a hard time planning for counter attack."

What counter attack? What plan?Anong nangyayari? Wala na akong maintindihan sa sinasabi niya. Ang dami niya ng sinasabi para lang lituhin ako.

"What? I don't understand anything."

"Just leave the council--"

"No way--"

"Why--"

"Coz I need to find Alizza through the help of Council!"

I blurted out. Napasapo na lang ako sa nuo ko nang masabi ko ang dahilan kung bakit ako sumali sa SC.

Sandali lang siyang natahimik bago tumawa. Nilingon ko kung may iba bang tao maliban sa'min at sa magandang palad, wala.

"Alizza? Who's that? A friend? Or an another problem again? That's not a valid nor enough reason, kalimutan mo na yan at umalis ka na lang sa Council.".

"What do you know about friendship? Wala. Wala ka kasing kaibigan kaya hindi mo ako maiintindihan. Try to put yourself on my shoes, there you will know."

Hindi talaga niya ako maiintindihan. He's an asshole, a jerk and all. I can't fail Inari, she died before my very eyes longing to find her sister. At wala siyang alam dun.

"Friendship is a weakness I don't have nor anybody have here. Those people you saw so close will someday betray each other. Believe me."

I saw how Loki, Blaise and Zetro make fun of each other, they are friends. They're true to each other.
And as well as Kiana, Isabelle and Adira. They will not betray each other.

"I told you my reason, now, it's your turn to spill out the beans."

"I won't spill it out fully, just a summary."

Ni summary o ni ano pa yan sabihin mo na! Wala akong pakialam! Ang daldal ng lalaking 'to.

"I guess you're aware that Olivia wants to gid rid of Ceixarder, right. But she simply can't because Ceixarder himself is too strong and powerful."

"Get straight to the point!"

Umangat ang isang sulok ng labi niya sa taas ng boses ko. Ang hinayupak kasi binibitin-bitin pa at nilalagyan pa ng kung ano.

"As I was saying, Olivia wants to hit three birds in one stone"

"How?"

"Hindi niya mahanapan ng butas si Ceixarder pero dahil sa'yo mag kaka-chance siya. You know she hates newbie,at hindi niya na kailangan na magsayang ng pawis para patayin ka pero dahil pino-protektahan ka ng BES hindi niya magawa."

Huminto muna siya sa pagsasalita at inilibot ang paningin sa paligid na para bang sinusuri kung may ibang tao.

Nang masiguradong wala saka lang siya nag patuloy.

"Alam mo ba kung para saan ang Culture festival? Kung bakit may Hunting Game? Kung bakit may Grand Ball?"

Mukha bang alam ko? Umiling ako sa tanong niya. Honestly speaking wala talaga, akala ko kasi normal lang yun dito.

"That was all because of you....she welcomed you so well and grande. Gusto ka niyang patayin kaya may Hunting Game, pero dahil walang makalapit sa'yo nag pa-culture festival siya. Pero alam niyang hindi yun sapat. But seeing how the events affect the students and the rest, isa lang ang napagtanto ko."

I never thought he's this smart. He just concluded a theory and he's now retelling it. How to be you po?

"Ano?"

"People power kung baga. To kill the king you need to fool the pawns first. Gusto niyang magalit sa'yo ang mga studyante at iba pa para sila mismo ang pumatay sa'yo. At dahil isa kang Council member, maaapektuhan sila. Magagalit ang mga studyante sa kanila dahil poprotektahan ka nila. Kakalabanin sila ng lahat, at babagsak sila. At yun ay isang malaking problema. Sila ang kinakapitan ng lahat tapos babagsak sila dahil sa'yo."

Unti-unti ay nakukuha ko ang gusto niyang sabihin pero pinapaniwala ko ang sarili ko na hindi yun ganun.

Bakit ako na naman. Bakit dahil sa akin.

Ang gusto ko lang ay hanapin si Alizza. Bakit may balakid na naman.

"No way, hindi yan mangyayari."

"I'm not done yet. Because everything started with you, someone will also end it. Maybe the Council or the BES. It's either one of the two mentioned will kill or protect you. Pahihirapan ng mabuti ni Olivia ang mga studyanteng walang laban dahil hindi ka niya magalaw."

Now I get it. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko at parang unti-unti akong nanghina.

Kapag ang Council na ang bumagsak, wala ng mamumuno. Everything will be a mess, this place will become beyond hell and all the blame would be on me.

It all started when I survived. Napabuga ako ng hangin. Yun na ata ang pinaka-malalim na bunting hingang nagawa ko.

"At pag wala na ang Council, si Olivia na ang ko-control sa lahat, the BES will be in danger making Leader come out and face Olivia. At tuluyan na kaming babagsak. At syempre hindi pwedeng hindi namin isama ang Rival Monarchy, mag kakampi naman ang Devillion League at si Olivia kaya malakas sila."

Wala akong maisagot sa kanya. Mas dumubli ang panghihina ng tuhod ko at ano mang-oras  pakiramdam ko ay babagsak ako.

Ni hindi yun pumasok sa isip ko ng iniisip kong tanggapin ang alok ni Blake na maging secretary nila.

"I thought everything is...."

I can't even complete my sentence, I don't know what to say nor how to react.

Naiisip ko na lang ang mga studyante at guro na madadamay sa plano ni Olivia. I've saw how fear consumed them.

"Winter...you can avoid what is meant to happen in the near future,  just leave the council otherwise......."

Hindi niya na kailangan tapusin ang sasabihin niya. I get his point but I can't stop right now. Pinangako ko mismo sa puntod ni Ina na hahanapin ko si Alizza.

At theory niya lang yun, maraming pwede mag bago. Pwedeng hindi rin mangyayari ang sinabi niya.

The end justifies the means.

I need to try.

"I can't....I..."

"You're what, Winter? Everyone thinks you're a blessing, a key to freedom but I see the opposite, you're a blessing from hell that will pull us down. It's like trapping yourself into your own trap. It's like planning a great plan for Olivia's success. It's like....killing them all..us." He said with great conviction.

Agad akong umiling sa kanya. Hindi yun mangyayari. Theory needs to be proven first, and you can't prove it right away.  And I won't let that happen. I don't know how but I won't let that happen.

"You know nothing about friendship, about promise to a dead friend, maraming pwedeng mangyari. Hindi ako pwedeng umalis sa Council."

He looks disappointed. Tinaasan niya lang ako ng kilay at nag kibit balikat.

Kinuha niya ang hawak kung libro at binasa ito sa harapan ko.

"When Cupid Fell Into Psyche's Trap. When the brain fell into Olivia's trap. Olivia is freaking smart—she was a genius, at sa subrang talino niya nabaliw na siya. We don't know her original plan so I think you must leave the Council for the better."

"There's no better in this hell, I need to try."

"Ang tigas pala ng ulo mo. Tinutulungan kita. Because you are a walking nightmare to everyone, dahil sa'yo namatay si Allie, remember the boy died because they made him your substitute? Aliya Clabar, Alton marquee. Di mo sila kilala pero alam kong nakita mo na sila....patay na nga lang. "

Kumuyom na ang kamao ko at humigpit ang hawak ko sa book shelves. Baliw na ang Olivia'ng yun. She enjoy killing, for her blood is fun, dead is fun.

At hindi pwedeng umalis ako sa Council dahil lang sa may plano siya.

No freaking way!

"Change is constant, every second passes may change what is meant to happen. "

Yun na lang ang huling nasabi ko bago ako tumakbo palabas ng library.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at kung saan ako pupunta pero napatigil ako sa harapan ng puntod ni Ina.

It's almost there. Nandun na ako, kunting tiis nal ang pwede ko ng masilip ang laman ng Black Notes pero bakit sa tuwing malapit na ako sa dulo may biglang haharang.

I thought my plan was perfectly fine, I never thought that it will have side effects. I need to choose.

-----

Enjoy!

Edited

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top