Chapter 6: Extended

Winter's POV

It's almost lunch time but we're not yet over.

Marami pa rin kaming ginagawa at kahit na hindi pa naman ako gutom ay gusto ko ng lumabas sa mas tahimik pa sa gabing kwartong 'to.

Bagot na bagot na ako. Jusmiyo!

Napa tingin ako kay Alastair na chill na chill lang, ngumiti siya nang makitang naka tingin ako at bubuka na sana ang bibig niya nang biglang bumukas ang pinto.

Sabay-sabay kaming lahat na napalingon dun maliban lang sa walang emosyon na si Ceixarder.

Tumambad sa amin ang babaeng wagas kung maka ngisi to the point na ang creepy na niya.

Then her eyes settled on mine and she smiled so horrifying. The hell? Ano'ng ginagawa ng babaeng 'to dito?

"Madame Olivia what brought you here?"

Si Blake agad ang naka pag salita kasi pareho pa kaming gulat lahat. Syempre except kay Ceixarder.

Hindi nawawala ang malapad ngunit nakakakilabot na ngisi ni Olivia at pumasok, sumunod naman ang apat na lalaking nakaitim sa kanya.

"I'm here to inform you that I will announce something again. Tungkol ulit ito sa game, it's funnier!"

Masiglang asik ni Olivia na pilit kinukuha ang buong atensyon ni Ceixarder.

Tamad namang nag-angat ng tingin si Ceixarder kay Olivia at tulad ng inaasahan umiikot na naman ang mata niya.

WTF?!

"What about your boring game again, Mistress? We are quiet busy right now as you can see."

Aniya sa walang ganang boses.
Mas dumubli ang lapad ng ngisi ni Olivia at napa palakpak pa.

Kita sa kislap ng mata nito na siyang-siya siya sa naiisip.

"That's my point, Ceixarder. E-extend ko sana ang time limit ng hunting game, imbis na tatlong araw ay gagawin nating isang linggo. Tapos kasabay nun ang culture festival. Mag kakaroon ng mga booths and other events. Tapos may Grand ball sa Saturday night. At syempre, marami ring di inaasahang magaganap like killing and such. Oh diba mas Masaya?!"

Malakas na humalakhak siya sa huli niyang sinabi at tila ba tuwang-tuwa pa.

Lahat kami ay nanunuod lang sa kanyang tumawa na parang nasasapian na.

She's insane. No doubt. Paano naging masaya kung may mamamatay? How can she even think of it?

Umalingawngaw sa buong kwarto ang malangis niyang boses at lahat kami ay nanunuod lang sa kanya.

Nang makuntento na sa kanyang pagtawa ay ngumisi na lang siya ng walang ingay at napako sa akin ang tingin niyang parang gusto akong tunawin.

"And besides, may iba pang studyanteng hindi pa nagagawa ang task nila. I'm just giving them extension. What can you say about that, Rosevelm?!"

Patawang tanong niya sa Vice President ng hindi inaalis sa'kin ang tingin.

I gulped.

Well, I guess the extension is a good idea, until now I didn't even take a single number badge nor plan to kill Ceixarder Rosevelm. But about the another coming event? I guess that's not a good nor a nice idea.

Muli siyang tumawa ng mahina ngunit nakakairita. Sa vice president na siya ngayon naka tingin at nakikinig lang ang iba.

Kahit ang President na dapat ay siyang tinatanong niya ay natameme.

"Hm? Why are you asking me? I'm just the Vice President, why don't you ask the President himself."

Pag tanggi ni Ceixarder sa pag bigay ng kanyang opinion.

Tumingin ako kay Blake na tahimik lang. Parang nakakahiya naman ata yun. Siya ang President pero ang Vice niya ang kinakausap at hinihingan ng opinion. Well, I have forgot that he's only a puppies.

Muli lang humagalpak ang tawa si Olivia at halos 'di na makapag salita sa sobrang tawa. May saltik nga talaga ang babaeng 'to.

Masama na ba ako kung hihilingin kong sana mabilaukan siya? Talagang nakakainis eh.

"We all know that he's just your puppet. His words are powerless and weak. You are the brain, Ceixarder. Pero sige, gusto kong marinig kung ano'ng masasabi niya."

May panunuya sa boses ni Olivia na talagang mas nag painis sakin

Parang sinasabi niyang walang kakayahang mamuno si Blake. But I can't even join the conversation.

"Well, that's good. Last year walang culture festival pero ngayon mayron na. Maganda rin na nag extend ang time ng laru MO, but about the killing thing in the culture festival... Is your game isn't enough that even the festival would be bloody? Madame, isn't it too much? You're decreasing students. You're making it worst. I won't allow it if you're asking my opinion."

Halata ang iritasyon sa boses ng President. Maging ang nuo niya nagusot na rin pero bumungisngis lang si Olivia.

Maging si Alas, Zen at Martina ay napapangiwi.

Honestly speaking, I like how the President talk and express his true feelings and reasonable opinion. Kung hindi nga lang siya puppet ng walang pakialam na si Ceixarder ay malamang magiging magaling siyang leader.

"How fearless you are to say that, pinupuri kita Blake. Ang galing mo! But I'm not asking for permission, I am the Head Director and I can do whatever I want. I'm just letting you know about my plan and please ready the stage after lunch. I have a brief exciting announcement for everybody."

Muling humalakhak si Olivia at walang paalam na umalis. Agad naman sumunod ang apat na lalaking may malalaking katawan sa kanya. Body guards?

Malakas na napabuntong hininga si Blake at humarap sa Vice President niyang pinapaikot ang ballpen sa kamay at walang expression ang mukha.

"Ceixarder, she's planning something bad, I sensed it. What's your plan?"

"Calm down Blake, she's just trying to compete with us again. No worries, I will know what she's planning. Just cooperate with her."

"But Ceixarder--"

"Ready the stage and the students later. She herself will unveil her damn plan later."

Pangiti-ngiti lang si Ceixarder habang halata ang prustrasyun sa mukha ni Blake.

Nag kibit balikat lang ang iba naming kasama.

I guess I believe Loki now. Ceixarder is really a manipulator and the brain. Siya nga ang nag paplano ng gagawin nila laban kay Olivia at siya rin ang nasusunod. Great! Just great!

Sunod-sunod rin kaming nagsi-tungo ng canteen para mag tanghalian. At nang makita ko sina Isabelle na nasa pinaka-gitnang mesa ay tumakbo na agad ako palapit sa kanila.

Si Blaise ang unang nakapansin sa'kin at kumaway habang malaki ang ngiti.

I did the same thing.

"Gaaahd! Winter! Nandito kana rin sa wakas. O kamusta naman ang resulta, tanggap ka ba?"

Agad na tanong ni Isabelle sa'kin at pinaupo ako sa gitna nina Kiana. Panay sa kain si Zetro pero panay din ang ngiti. While Loki is just plain, as usual.

"Hindi ba halata Sasat? Kaya nga ngayon lang dumating diba?"

Pabalang na asik ni Blaise kay Isabelle kaya agad sumama ang timpla ng mukha nito.

They are fighting again huh.

"Alam ko Blaise Fernandez fucker. At wag mo nga akong tawaging Sasat! Gaaahd. For Pete's sake, ang pangit kaya nun!"

"OA mo. Ganda nga eh,"

"Yeah we I agree, right Loki?"

Sabat ni Zetro at naka ngising tumingin kay Loki na masama ang tingin sa kanya.

"Don't mention me Zetro, I am out of the blue."

Malamig na wika ni Loki.
Panay naman ang kain ko ng tacos ni Kiana na binigyan niya sakin.

"Tss wag KJ Loki, just say it, maganda naman ang Sasat ah."

"Yeah it is. Kasing bansot ng ihi ng baka, right Sasat?"

Mejo natawa ako sa sagot ni Loki at maging sina Blaise, Zetro at Kiana tumawa.

Halos patayin naman ni Isabelle ng tingin si Loki.

Loki just smirked and continued eating.

"This is damn unfair, tatlo kayo mag-isa lang ako. I hope Kiana and you, Winter are with me."

Nag mamakaawa niya kaming tinignan ni Kiana gamit ang mala anghel niyang mukha.

Oh? She's beautiful! Why's that? Maraming magaganda at gwapo sa Supreme Academy pero kakaiba talaga ang mga nandito.

Dito yata naipon lahat ng may magagandang lahi.

Gusto kong maawa pero kinindatan ako ni Blaise at mukhang alam ko na ang gusto niya.

"Yeah, we are with you...Sasat"

Hindi ko inaasahang pareho at sabay pa talaga kami ni Kiana.

Nag tinginan kami at parehong natawa.

Humagalpak naman sa tawa ang tatlong lalaki at parang pinag-kaisahan naman ang itsura ni Isabelle.

Shit. This is fun. Pinag-tutulungan namin siya at malapit na siyang maiyak. First time kong makikita na umiyak siya pero nag kunwari lang siyang naiiyak ngunit hindi naman talaga.

"I'm defeated again. Wala akong kakampi, wala kasi si Ada tapos pati ikaw Winter trinaidor mo pa ako! I hate you all!"

Parang batang na-bully siya sa kanyang tuno pero natatawa parin kami. Ni hindi ko na malunok ang Japanese cake na sinusubo ko dahil sa pagtawa.

"Nga pala Winter, I assume you're the new secretary, eh ano naman ang sinabi nila sa'yo? Okay ka lang ba dun? You're just alone. "

Bigla ay tanong ni Kiana, well, okay lang naman ako dun. Mababait naman sila except sa Vice President na palagi akong iniirapan at tinataasan ng kilay.

Masungit pa yun sa babaeng nereregla.

"Okay naman. Ang kaso gabi ang klase eh kagaya ng sinabi niyo. Alas nwebe na ng gabi ako makakauwi."

"Makakauwi? So sa dorm ka pa rin namin uuwi? That's good news then."

Ngiting wika ni Isabelle kaya napangiwi ako. How to break her heart? Tell the truth.

I know that's the rule but I wish sa kanila na lang ako uuwi. I'm their guest, pero hindi pwede.

Dahan-dahan akong umiling at pinag masdan ang reaksyon nila.

Unang sumama ang timpla ng mukha ni Blaise at ni Zetro.

Tumigil din sa pag kain sina Loki, kiana at Isabelle.

Hindi rin ata sila papayag, pero wala akong magagawa. Rule nila yun at hindi ko yun pwedeng suwayin kung ayaw kong matanggal sa pwesto ko.

"I don't agree with that. You're our guest, you stay with us."

"Blaise, you might have forgotten that that's their rule. They have their own dormitory and it's obligatory to stay there. Sabi pa ay bawal akong makipag-kaibigan."

I thought being a council member is pure good, but it's too complicated pala. Ang daming rules na hindi ko gusto.

Sabay-sabay silang umiling lahat at nagusot ang nuo.

"Di pwede, di kami papayag dun. Wala kaming tiwala sa kanila tapos sa Council dorm ka nila patitirahin? I object!"

"Pero kasi Isabelle, that's their rule. I can't break that or else baka maalis ako sa pwesto. Alam niyo naman ang dahilan kung bakit ako sumali sa kanila."

Pag papaliwanag ko pa pero di nag bago ang kanilang reaksyon.

Well, I wish there's a way. But I really can't break the rules. Patay ako sa Ceixarder na yun.

"We can deal with it. Wag kang mag-alala. Right Loki?"

Agad na nag salubong ang kilay ni Loki kay Blaise kasi ni-mention na naman siya nito.

Pansin kong palagi nila siyang mini-mention.

"Ano na naman ba Blaise? Napipikon na ako sa kakatawag mo sakin ah. "

"Oh come on loki, this is your fair share--"

"Tigilan mo ako sa fair share na yan ah. Naririndi na ako."

"But Loki, we need to help her. She needs to stay with us." Isabelle countered.

"Stop it, Isabelle. We all know that's the rule. Let her be."

"Come on, Loki. Sa atin si Winter, hahayaan mo lang bang ilayo siya sa'tin ni Ceixarder mo? Come on, don't let your lovey-dovey win!" Blaise insisted. Napailing na lang ako.

"Parang gusto ng palad ko ng dugo, wanna donate Blaise?"

Mahinahon pero nakakapanayo balahibong wika ni Loki. I feel some strands of my hair in my nape stands.

Nakita kong napalunok si Blaise pero keep up parin siya..

Tapang-tapangan na ngumiti siya kay Loki at nag salita na naman.

"Come on dude, deal with Ceixarder. Diba inis ka sa kanya? Oh, inisin mo rin siya, wag tayong pumayag na malayo sa atin si winter. "

"I'm with you Blaise, ako na ang bahala sa kape sa munting burol mo kaibigan.".

"Gago!"

Nagawa pang mag biro ni Zetro kay Blaise kahit na si Loki masamang-masama na ang tingin sa kanilang dalawa.

I can't help but to smile while watching them argue. They are solid, nothing could break their bond. Hindi ko alam na sa lugar na'to ay may ganito pa ring pagkakaibigan ang nabubuo.

"It's okay guys. I need to face the consequences of my decision. Marami na kayong naitulong sakin, enough na."

"No Winter, we will help. Ayaw ko rin na mahiwalay ka sa amin. Kami na ang bahala, right......ahm, Guys?"

Mejo natawa si Kiana sa huli niyang sinabi.

Maging ako, paano ba naman kasi? Akala ko si Loki na naman eh, ang sama-sama na nga ng itsura nun.

"I thought you will mention Loki again. You're genius Kiana, you avoided the fire."

"If I did, he'll freak out Blaise and that's just adding fuel in the fire."

Pa-simply nalang akong tumawa dahil sa trip nila. Ayaw nilang tantanan si Loki eh. Nag-appear pa sina Zetro at Blaise.

Tawang-tawa naman sina Isabelle. Napatingin ako kay Loki at nagulat ako nang makitang titig na titig siya sakin.

Then when he noticed me looking at him, he look away and stand.

"I'll try my best to do my fair share."

Aniya at walang pasabing umalis na. Narinig ko naman na nag-yes! Si Blaise.

Mukhang napapapayag nila siya ah. I can see that he has a softer side than anybody else. Mukha lang siyang palaging galit at moody pero mabait siya.

Pumunta muna ako sa counter para umorder ng pag kain ko saka ko lang naalala na nandito rin pala sina Martina.

Nginitian lang nila ako at para naman akong binuhusan ng yelo.

Did I forget that I was forbidden to befriend anybody now?

Pero parang wala lang naman sa kanila eh.

Ngumiti nalang rin ako at umorder. Habang nag hihintay ay nakita ko ang dalawang studyante na halatang lovers dahil sa subrang sweet nila sa isa't-isa. Sinubuan ng lalaki ang babae na girlfriend ata niya, pulang-pula naman yung babae at nahihiyang tinanggap ang sinusubo ng kanyang boyfriend. Ngiting-ngiti naman ang lalaki.

They look good together. I can tell that they are in love with each other, they are like those in a movies.

"They're so sweet and they publicly express their feelings to each other."

Muntik na akong tumalon sa gulat nang marinig ang boses ni Isabelle sa tabi ko.

Nasa tabi ko na pala siya ni hindi ko man lang napansin.

"Oo nga eh. Kainggit 'no?"

Di nakatinging sabi ko habang naka tingin pa rin sa mga love birds sa harap namin.

"Yeah. But that's bad, they're too evident. They're showing their weakness indirectly. Di ba nila alam na marami ang maiinggit sa kanila at baka gawan pa sila ng masama?"

May halo ng inis na sabi ni Isabelle. May pait sa boses niya na nag sasabing ayaw niya sa nakikita  ng hindi direkta.

Bakit parang ang bitter niya? Wala namang masama kung ilalantad nila at ipapakita na mahal nila ang isa't-isa ah. They love each other and they shows that they are strong enough.

Oh, cheesy mo, Winter.

"Ang bitter mo ah. Nag mamahalan sila at gusto nila yung ipagsigawan sa pamamagitan ng kanilang ginagawa. No need to shout literally, actions are enough."

Naka ngiting sabi ko at nag kibit balikat. I heard her sigh kaya hinarap ko siya at laking gulat ko nalang nang makitang naluluha siya at subrang malungkot.

Anong problema, may masama ba akong sinabi?

"S-Sasat bakit?"

"I understand your point Winter but I want you to understand mine too. This place is different, love don't exist here. For us love is just a weakness, a hindrance and a distraction. Kapag pinakita mong malambot ka, marupok at mahina. Hind ka tatagal dito..... believe me. N-Naranasan ko na yun at hanggang ngayon....masakit parin."

Mapula na ang mata niya at malapit nang maiyak. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kasi pakiramdam ko may nakaraan siyang hanggang ngayon ay dala-dala parin niya sa kanyang puso.

Kaya ba kayo nakatagal dito? Kasi hindi niyo na nararamdaman ang pag-ibig. Kasi balakid at kahinaan lang ang pag-ibig, ang magmahal. But I believe love is the strongest. Even how huge the obstacle is, even how hard and difficult the hindrance is, love will always be the strongest weapon and bullet. Minsan na rin akong nagmahal.

Natapos namin ang tanghalian at sabay na pumunta sa covered court para sa announcement ni Olivia.

And to my surprise, naka handa na ang lahat. Ni wala man lang akong naitulong. Mabuti na rin yun at least ako, hindi pagod. I was trabaho.

Unti-unting dumami ang mga studyante hanggang sa dumating na lahat at nasa gitna na ng stage si Olivia na malaki pa rin ang nakakainis pero creepy'ng ngisi.

"Good afternoon students, and teachers. I am thanking the Student Council for gathering you all here."

May palingon-likod pa siyang nalalaman para pasalamatan ang Student Council pero puro ngiwi lang ang ganti sa kanya. Napahiya tuloy siya.

Pero balik tingin lang siya sa amin sa harapan.

"Maybe you are thinking what is this all about. Kaya wag na natin to patagalin pa, gusto ko lang sabihin na ee-extend ko ang oras ng laro natin. Let's forget the three days limit, 'cause we'll make it a week! Students! A week ! Hindi ba masaya, you'll get enough badges and will have enough time to do your task. At habang may laro, may culture festival namang magaganap the whole week. At mag kakaroon pa tayo ng Grand Ball! This is really fun dearly students! And to make it more funnier.... I will assign people to make this whole week bloody! Ito ang magiging pinaka masayang culture festival dito sa Hidden University!"

Bakas na bakas ang saya sa boses niya habang nag sasalita.

Parang gusto kong tumayo at ipamukha sa kanya kung ano ang masaya dun.

Bloody huh? Baliw na talaga siya. She's Hopeless! Walang matinong tao ang makakaisip nito.

Naririnig ko na ang hinaing ng mga kapwa ko studyante. Ang iba ay takot at nangangamba, syempre, sino ba naman ang hindi? Mag-aasign lang naman ang baliw na Olivia na yun ng mga taong papatay sa iilan.

"This is fun, a bloody festival huh?"

Rinig kong sambit ng lalaki sa likuran namin kaya inis akong lumingon. There's nothing fun, fear siguro mayron.

Gusto ko sanang sumagot dun sa nag salita pero nang makita ko ang itsura niya hindi ko na nagawa.

He's like Adira, he looks cold and heartless. And when his eyes meet mine agad na akong nag-iwas ng tingin at tinignan ang katabi kong si Kiana.

"His name is Klien Labrador. Third general of our organization. "

Ani kiana kahit hindi naman ako nag tatanong. Isa rin palang member ng gang nila ang lalaki na yun.

That's why he looks so intimidating. He has a rank.

Napa tingin ulit ako sa stage ng muling nag-ingay ang baliw na si Olivia.

"Let's all make this week fun and memorable. Let's cooperate everybody. Thanks for lending me your ears and time. Keep up students!"

Para lang siyang nag bibigay ng speech sa graduation na kailangan pang gawing memorable ang festival na'to.

She's insane, beyond insane, Winter! Malala na ang sira niya sa utak. Siguro kinakain na ng insekto ang utak niya kaya masaya siyang may namamatay.

Sa inis ko tumayo na ako at nag lakad palabas ng court pero hindi agad ako nakalusot sa mga studyante na nag kakagulo.

Mag hahanap na lang sana ako ng ibang daan nang biglang may sumigaw kaya mas nag kagulo pa at nag tulakan ang mga tao.

Muntik na rin akong matumba nang nadala ako sa battalion ng mga studyante na na-out balance.

I'm glad I'm strong. Whoah!

Pero mas gumulo pa ang lahat at may nagsisigawan na at suntukan.

Nag sitakbuhan ang ibang mga studyanteng nakaharang sa isang lalaki na nakahandusay sa lupa.

At parang hinahalungkat ang sikmura ko nang makita na parang lawa ang dugo niya at naliligo na siya ng sariling dugo.

Dilat pa ang mata nito at parang nakatingin sakin.

Oh shit. Biglang nanayo ang balahibo ko sa katawan at kung ano-ano na ang naiisip ko.

Another dead person.

Nararamdaman ko na ang panginginig ng laman ko at napapikit nalang.

Ayukong tignan ang bangkay, he's creeping me out! The hell!

"Winter—shit. Bilis, ikarga niyo na yan at linisin ang nag kalat na dugo. This is really—auh!"

Narinig ko ang prustrasyun sa boses ni Blake na nasa likuran ko na pala.

Hinawi nila at pinakalma ang mga studyante na umiiyak, nag kakagulo at nag wawala.

Pag mulat ko, kitang-kita ko sa mukha nila ang takot. Para silang nag mamakaawa na wag sila ang sunod na patayin.

Parang kinukurot ang puso ko sa nakikita ko. This is too much. Bakit kailangan maging ganito ang lugar na'to? Kung nakulong sila rito dapat nakulong lang sila. Dapat wala nang patayan at kung ano-ano pa.

Narinig ko na ang boses nina Kiana na tinatawag ako pero hindi ko maalis ang aking mata sa mag-inang nagyayakapan at parehong umiiyak.

Naalala ko agad si mommy, si Spring. At narealize ko ang isang bagay.

Sana hindi na nila ako hanapin, sana hindi na sila mapunta sa lugar na'to. Hindi ko kayang makita na iiyak din sila dahil sa takot.

"Winter oh shit! Isabelle, Kiana, take her away from here."

Biglang hinarangan ni Loki ang paningin ko kaya hindi ko na nakita ang mag-ina.

Umiling siya sakin pero umiling din ako sa kanya.

Bigla ko nalang naramdaman na may mainit na kamay ang humagod sa aking pisngi.

It was Loki and his wiping my cheeks while his face is void of any emotions. Umiiyak ba ako?

Tumango siya sa'kin at natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad palayo kasama sina Isabelle at Kiana.

This is too much. Hindi ko kinaya kanina. Ilang beses ba ako dapat makakita ng taong walang buhay sa harapan ko.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero walang katao-tao ang lugar. Kami lang tatlo nina Kiana at Isabelle.

Nakaupo Kami sa damuhan pero hindi parin tumitigil ang panginginig ng laman ko.

"I noticed, parang ang daming kaganapan ngayon ah. May hunting game, may culture festival, may grand ball pa. What's the plan of that ugly old psycho witch?! She wants bloody week?! She should have ask for a war!"

Halos nang gigigil rin si Isabelle at hindi mapakali habang nakaupo.

Unti-unti na akong kumalma at napabuntong hininga.

"We will find that out Sat. Kumalma kalang, hindi ka naman baguhan sa mga ganito. Di tulad ni winter, hindi siya sanay makakita ng patay."

Hinagod ni Kiana ang aking likod. Nakakatulong rin ang malamyos na simoy ng hangin para kumalma na ang pakiramdam ko.

"Okay ka na? Gusto mo bang umuwi na tayo sa dorm? You need to rest."

Umiling agad ako sa alok niya. Kaya ko pa. And besides, I need to attend my night class. Hindi ko rin pababayaan ang sarili ko. Saka matagal pa gumabi.

"Okay na ako, salamat. Kailangan ko pang bumalik sa Council's Office at may night class pa ako 'di ba?"

"Oo. Susunduin ka namin mamayang gabi, dilikado pag gabi na."

Tumango nalang ako. Ayaw ko rin namang mag pahatid sa army daw ng council na mag hahatid sa akin.


Pag dating ko sa CO nandun na silang lahat. Sinalubong agad ako ni Martina.

"Nakita kita kanina na tinangay ng mga kasama mo. You look bad earlier, okay ka lang?"

Nag-aalala niyang tanong, tumango lang ako at dumiritso sa desk ko.

Nag siupuan na rin sila at halatang frustrated naman si Blake. Wala ang Vice President.

Great. Wala siya. Ano pa ba'ng aasahan ko sa lalaking 'yun?

"May namatay na naman, ilan pa kaya ang mamamatay bago matapos ang linggong 'to?"

Kausap ni Alas ang sarili niya. Hindi halata na nag-aalala siya pero sinasabi ng kanyang boses.

Kahit ang kapatid niyang si Zen at Martina malalim na nag-iisip.

"Cool dude, sumasakit na ulo ko kakaisip eh. Pahinga mo muna utak mo."

Suhesyun ng kapatid niya na sumandal sa swivel chair nito at pumikit.

Martina went to the sofa and lay down.

Ngayon ko lang nalaman na subrang hirap rin pala ng ginagawa nila. Sa loob ng limang taon, paano kaya nila napapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.


Natapos ang hapon na tahimik lang kami ulit. Nandito na ang magaling naming Vice President na walang kaemo-emosyon ang mukha.

Maaga pang lumabas sina Alas at Zen para mag runda at tignan kung may natira pa bang studyante.

Unang umalis si Martina para maka pag handa dahil ilang minuto nalang ay night class na namin.

It's almost 5:50 pero hindi pa ako natatapos sa trabaho ko. Tanging ako nalang at si Ceixarder ang naiwan.

Ewan wala naman siyang ginagawa kundi ang umupo at mag paikot-ikot sa upuan niya pero hindi parin siya umaalis.

Bago pa mag 5:55 ay natapos na ako at umalis na para pumunta sa first building sa second floor kung saan ang classroom namin.

Madilim na at kailangan ko ng flash light para gawing ilaw pero wala naman akong dala.

Binaybay ko na lang pataas ang hagdan na patungo sa classroom ng 3-A.

Nakaramdam ako ng kunting takot nang mas madilim na pag tun-tong ko ng second floor. Idagdag mo pa na walang ilaw. Parang ayaw ko na tuloy tumuloy pero dahil alam kong nag hihintay sila sa room 3-A ay nag patuloy ako.

Hanggang sa narating ko ang room 3-A pero hindi pa ako nakakarating sa pinto hindi ko na maigalaw ang paa ko. This is Shit. Ang dilim-dilim na at nakaramdam ako bigla ng  takot.

Walang tao ni isa sa room 3-A at mag-isa lang ako sa building na'to na subrang dilim pa.

Nanigas na ako sa aking kinatatayuan at hindi ko na halos maihakbang ang paa ko sa takot.

Ang daming nag lalaro sa isipan ko na nakakatakot pero hindi ako pwedeng matakot lang. I can't just freeze here till someone pick me up and bring me home. I need to move but how?! Freaking how?! Nasaan na ba kasi sila?! Tama naman ang pinuntahan ko ah.

"S-Shit....I-I'm scared...."

I can't deny anymore. Kahit na pinapatatag ko na ang loob ko hindi ko pa rin maiwasan na matakot.

Napabuga ako ng hangin bago umatras ng mabagal at akmang kakaripas na ng takbo nang bumangga ako.

"Aaah!"

Napa tili ako sa gulat, kaba at takot na sabay-sabay umatake sa'kin pero may biglang nag takip ng bibig ko.

Agad akong nag-pumiglas pero may humuli sa kamay ko at inikot ako.

May yumakap sakin mula sa likod at naiipit ang dalawang kamay ko kaya hindi ako makapiglas.

Dumubli ang takot sa aking dibdib. Sino 'to? The hell?! Anong gagawin niya sakin? Papatayin ba niya ako?

Nanghihina ang mga tuhod ko at muli na naman akong nanginig. Mabilis ang pagtaas baa ng aking dibdib dahil sa paghahabol ng hininga. Sinubukan ko pa rin na makawala kahit na mahigpit akong nakagapos.

"Shss. Stop moving, I won't hurt you."

Natigil ako sa pag kilos nang maramdaman ko ang pag lapit at pag bulong sa'kin ng isang pamilyar na boses.

Hindi ako sigurado kung siya yun o ka boses lang pero sinunod ko siya.

I didn't stop, I froze, that's it.

He's back hugging me!

"I-Ikaw ba yan...... Ceixarder?"

Even my voice trembled pp in fear. Naramdaman ko ang pag bitaw niya sa akin pero hindi siya umalis sa likuran ko.

Nakahinga ako ng maluwag. Siya lang pala, akala ko kung sino na.

"Bakit walang tao, nag kamali ba ako?"

Tanong ko ng hindi kumikilos. Pinakalma ko muna ang sarili.

Ilang beses ako subrang natakot ngayong araw. Mula kaninang umaga pa.

"You're not wrong, you just don't know the new room."

Malamig ang boses na sagot niya at hindi rin gumagalaw.

Nang naramdaman kong kaya ko ng kumilos at mag tapang-tapangan ay saka lang ako pumihit kaharap sa kanya.

Madilim parin at hindi ko siya makita pero alam kong kaharap ko siya.

I don't know the new room? Pero wala naman silang ibang sinabi sa akin ah.

"What do you mean by that new room? I'm not informed."

"Obviously. Your lucky I followed you. Pasalamat ka..."

Mejo mahina at nag-aalangan niyang sinabi ang huling kataga.

I can't see him, I can't even hear a single noise made by him. Para siyang pusa kung kumilos.

I don't feel his presence anymore. Muling gumapang ang kaba sa dibdib ko pero pilit ko yung winawaksi. Be brave. Tama yan, just think you're in heaven.

But hell?! I'm on Earth!

"C-Ceixarder......shit iniwan niya ba ako?" That man!

Hysterical kong sabi sa sarili at humakbang ng malaki para sana tumakbo pero nabunggo ulit ako.

I assumed it's him again?

"Nandito pa ako, hindi na kasi dito ang klase. Nasa 4-A na."

Aniya pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Bakit ba kasi walang flashlight. Nakikita ba niya ako kahit madilim? May sa pusa yata ang mata niya.

"Good thing you followed me, but please take me out of here, I can't stand the dark this long...."

Hindi siya sumagot at wala man lang akong naririnig ni kaluskos.

Hindi niya naman ako iniwan diba? May puso pa naman siya diba? Sinundan nga niya ako eh.

Humakbang ulit ako pero ilang hakbang na ang nagawa ko wala pa rin akong nabunggo. At dun mas lumalala ang lecheng takot ko.

He left me alone in the dark. What an asshole.

"Spring, mom.....dad...daddy I'm scare--"

"Let me guide you if you don't want to fall...."

Nakaramdam ako ng mainit at malambot na kamay na humawak sa palapulsuhan ko at iginaya ako sa paglalakad.

He's still here. Di pala niya ako iniwang mag-isa. Tignan mo nga naman, pasulpot-sulpot.

"Kakampi natin ang dilim pero kailangan natin ng liwanag para mas makita ng malinaw ang lahat....ang bukas."

Napahinto ako sa sinabi niya at napa bitaw sa kanyang hawak.

How? How does he know that? That phrase....how does he know that?

Only me, mom, and Spring knew that specific phrase!

**

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top